Hello sa lahat.......
Welcome ang lahat mag post ng mga movies ng diamond star.....
please wag mag aaway------
ito ay para sa ating Reyna na walang iba kundi ang nag iisang Diamond Star Maricel Soriano.......![]()

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreHello sa lahat.......
Welcome ang lahat mag post ng mga movies ng diamond star.....
please wag mag aaway------
ito ay para sa ating Reyna na walang iba kundi ang nag iisang Diamond Star Maricel Soriano.......![]()
Sinong makakalimot sa madamdaming pagganap ng batikang diamond star sa pelikulang..
Dahas,
Abot kamay ang pangarap
Mila
Inagaw mo ang lahat sa akin
inang yaya
at marami pang iba................
Gusto ko ang PEPE AND PILAR
mARYA AND GABBY................
Inday inday sa balitaw with susan roces.. maganda at nakaka aliw
an dami ng nakasama na mga movie queens ang diamond star....
sana makasama ulit nya si miss nora at si miss vilma pati narin ang mega star.... para bongga...
Tnx arl999 for making this thread.
My Top 10 are the ff:
1. Hinugot sa Langit/ Saan Darating ang Umaga?
2. Kaya kong Abutin ang Langit
3. Inang Yaya
4. Soltera
5. Pinulot ka lang sa Lupa
6. A Love Story
7. Inday Bote/ Inday, Inday sa Balitaw
8. Oh My Mama
9. Vampira / Yesterday, Today and Tomorrow
10. Minsan May isang Ina / Batang Quiapo
BASTA PINAKA GUSTO KONG MOVIE NI MS. MARICEL
1. MILA- ewan ko ba. madaming hindi nagagandahan sa movie. pero sakin, GANDANG GANDA AKO. MAHUSAY ANG AKTING NI MS. MARICEL SA MOVIE. PINANOOD NAMIN TO NG FIRST DAY OF SHOWING. AT MADAMING TAO SA SM CINEMA. PATI SA ROBINSON'S ERMITA. AS IN PUNO.
ilang beses ko tong pinanood sa sine. at ilang beses ko tong pinanood sa vcd pa nuon. at sa cable. at now sa dvd. kasi may nabili na ko pirated dvd nito sa the q! lol saka gusto ko yung mga dialogue ni ms. maricel.
hindi ako iniiwan,,, nandidito lang sila,,, dala-dala ko.
para akong dahong tuyo... na nililipadlipad ng hangin sa kalye etc.
PINAIYAK AKO NG MOVIE NA TO HEHE.
2. IKAW PALANG ANG MINAHAL- mahusay ang movie. SIYA DAPAT ANG NAGGRAND SLAM.
3. SOLTERA- di ko ito napanood sa sinehan. sa VHS KO LANG SIYA NAPANOOD NOON THEN SA CABLE NA. ang husay husay ni ms. maricel dito.
naalala ko. PINANOOD ITO NG PROFESSOR KO NA LASALISTA AT ISANG NORANIAN AT ISA DING SOLTERA LOL. SABI NYA, ANG HUSAY HUSAY NI MARICEL SA MOVIE. PERO NORANIAN SOLID PA RIN DAW SIYA HEHE.
4. INANG YAYA
5. INAGAW MONG LAHAT SA AKIN
6. Saan Darating ang Umaga- unang pelikula ni marya na nagpaiyak sakin. sa tv ko lang to unang napanood hehe. then bumili me orig dvd nito. kaya naulit ko ulit siya.
7. HINUGOT SA LANGIT- gusto ko yung mga dialogue nila dito. saka magaling yung buong casts!
8.MINSAN LANG MAGMAMAHAL- last year ko lang napanood ng buo ang movie na to sa cable. MAGANDA PALA. SANA GUMAWA PA SILA NI DIREK JOEY NG MOVIE. si direk joey din director ng ama ina anak. pero mas gusto ko to. kasi subtle si marya pero MAHUSAY!
9. FILIPINAS- mahusay si marya sa role nya.
10. kaya kong abutin ang langit- sa cable ko lang napanood. hehe
pinaka gusto ko sa comedy films nya ay yung BATANG QUIAPO.
saka yung INDAY SERIES NYA AT GORIO EN TEKLA. PEPE EN PILAR. MARIA WENT TO TOWN
my favorite maricel soriano movies are:
HINUGOT SA LANGIT
INANG YAYA
IKAW PA LANG ANG MINAHAL
INAGAW MO ANG LAHAT SA AKIN
SAAN DARATING ANG UMAGA
My fave lines:
Diyos ba ang magpapakain sa anak ko?
diyos ba ang magpapaaral sa anak ko?
diyos ba ang magbibili ng gatas sa anak ko?
HINUGOT SA LANGIT
Mamahalin nya ako para sa inyong lahat na hindi nagmahal sa akin
IKAW PA LANG ANG MINAHAL
Inagaw mo ang lahat sa akin..Sakim ka.. mapag-imbot.. maramot..
INAGAW MO ANG LAHAT SA AKIN
Minsan.. isang umaga.. babalikan kita..
SAAN DARATING ANG UMAGA
1. Ikaw Pa Lang Ang Minaha at Inang Yaya
Dalawang ito ang pinakapaborito ko..
Gusto ko din ang Mano Po
A Love Story
Vampira
Dahas
Filipinas
Ama Ina Anak
Inday Bote
Maria Went To Town
Pinulot Ka Lang sa Lupa
Hindi Kita Malimot
at marami pang iba
nakakatuwa kasi andaming maipagmamalakign pelikula ng diamond star.........
yong iba mabibilang mo lang sa daliri.....
gusto ko din ang sa piling ng aswang may halong katatawanan at horror...
gusto ko doon yong nasa barko si marya nakatingin sa malayo...
wow ang galing nangungusap ang mata...
mata palang yon anlalim na....
heto ang mga artistang nangungusap talaga ang mga mata para sa akin..
nora aunor
lolita rodriguez
maricel soriano
sa magagaling magbitaw ng linya pa ra sa akin..
lolita rodriguez
vilma santos
maricel soriano
Ang paborito ko ay ang
A LOVE STORY - sexy pa rin ni Ms.Maricel dito at ang ganda
Gusto ko rin ang
BAHAY KUBO - napakaversatile niya magpatawa at magpaiyak
Yung FILIPINAS, okay rin siya sa akin. Sabi pa niya, "Walang magbabagong taon sa pamilyang ito!"
T2 rin. Kakaibang horror siya.
wala pang ibang artistang filipina na nakagawa ng tulad ng maria went to town ni maricel?
kuya renz oo napanood ko si lolita sa you tube kasi nga curious ako sa itsura nya.. aba silent acting ang ipinamalas nya sa ina kapatid anak ata ang pamagat nag sabunutan sila ni charito solis...
aba magaling din si charito pala talaga...
ang di ko lang nagustuhan masyado sa mga akting dati ay parang laging may hangin ang mga linya nila... halos hindi bumubuka ang bibig... at ang lalalim ng tagalog hahaahah...
tapos ang mga linya ni lolita parang laging may lumalabas na hangin tapos pabulong pa.... yon lang ang comment ko pero magaling sya ah... sa mata palang ulam na.... parang pinaghalong marya at nora...
si charito naman parang marya and vilma naman ang tirada sa mga intensified with kilometric lines......
nakakatuwa kasi kahit anong style ng mga batikang aktres..
maba subtle, intesified, hysterical, or kahit na kilometric lines at silent akting.... lahat kayang kaya ni marya.. kaya naman bilib ako sa kanya...
total package talaga si maricel ng lahat ng artista.....
kaya naman ang tatak na diamond and most versatile actor ay kanyang kanya.....
sa tingin ko nga parang may hawig ang akting nila ni Gina Alajar...pero mas angat parin talaga ang kinang ng diamond star...
ayyyyy naalala ko.. ang akting ni Gilda coronel at lolita parang pareho lang din.. parang may hangin ang dialog....
at kay nora naman laging may diin sa dulo,,,, kay miss vilma naman nanlalaki ang mga mata.... ganon paman may kanya kanya silang anking galing sa pagganap kaya naman marami silang karangalan na natamo......
sa ngayon Vilma, Nora and Marya talaga ang angat sa lahat...
Gustong gusto ko ang pag iyak ni maricel soriano sa pelikulang paraiso ba ang title nyon? aba nakakdala ng napapgod na syang hanapin ang kapatid nya na natabunan ata ng land slide.. asawa nya si noni buen camino..
grabe naiyak nga ako eh.......
Ooops, i forgot to include Ikaw Pa Lang ang Minahal sa Top 10, nasa 5th or 6th place siya.
It was interesting that during the interview of Boy Abunda kay inay, sinabi niya na kung meron siyang gustong gawin ulit na role e yung role niya sa KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT. Off beat daw kasi. Sa kanyang herenasyon, she dared to defy conventions by accepting roles na bida-kontrabida at an early point of her career. Galing talaga ni inay!![]()
hinahambing nga si maricel kina nora at lolita ni david overbey (rip) ng toronto intl filmfest. at himabing namin siya ni patrick flores of ycc kina vilma at charito.
at bilang mga ordinaryong manonood, kung iyong susuriin, tama nga. kakaiba nga ang GALING NI MARICEL. kahit anong klaseng roles, kayang kaya niya, pwedeng pwede. talagang pumapasok siya sa katauhan ng kanyang roles.
never ko pang nakita si maricel na nag fail sa kahit anong role na ibigay sa kanya. pangit man ang movie, angat pa rin siya. ibang klase siyag talaga.![]()
diba meron din syang manchichiritchit....
ay wait .....
dream kong mag sama sa isang fantasy adventure si Vic Sotto and Maricel Soriano......
ganito ang gusto kong kwento...
Si Maricel ay tomboy at si Vic sotto naman ay isang bading....
pero meron silang kapangyarihan.. sila ay kambal ng tadhana.........
( JUlio and JUlia kayo ba yan? hahahaahahaah)
tapos comedy/fantasy talaga dapat ang banat.....
para maganda.....
sana pang filmfestival talaga....