My bf is a married man w/ one kid. He got separated for 2years and His marriage is in the process of annulment na.His family is in province and he's living here in Manila.Nililigawan palang nya ko, alam ko na situation nya but then tinanggap ko pa rin and after a month of ligawan, sinagot ko na sya. During the courting stage,naging routine na yung text,tawagan, kwentuhan, tawanan. He's good naman kasi.. sweet, mabait,may sense of humour, matalino,well educated, financially stabled na.Honestly, sinagot ko sya pero parang hindi ko sya ganon kamahal compare sa mga exes ko. So i pursue pa rin the relationship we started kasi baka naga-adjust palang ako. Weeks after, nagbago sya. Wala nang calls, once a day nalang magtext.Minsan pa ittext nya ko na parang friends lang kami.HIndi naman ako nagi-initiate ng text lalo na calls kasi i know his situation naman so ayokong mag expect nang sobra sa relasyon namin.If he calls i answer,if he text i reply naman.2days syang di nagparamdam, then when i asked, kung gusto nya pang ipagpatuloy relasyon namin, sabi nya sorry daw kasi naging busy sya sa hearing ng annulment nila and sa anak nya.He's so down daw and ayaw nyang madamay ako.We'll talk daw pagbalik nya.First month namin, he wasn't able to greet me.Second month, he wasn’t able to initiate a date manlang para makapag celebrate kami, and then nalaman ko nalang na he’s in the province again to take care of his sick child kasi nasa ICU.Third month, he greeted me naman thru text but we’re not able to celebrate again because of work.
After 1week of our monthsary, this girl added me on facebook and I confirmed her naman. When I saw her profile, I found out that she’s a long time gf of my bf as in pinagsabay kami. When I confronted him thru text, he told me that he’s so sorry for what happened. Minahal daw nya ako kasi natanggap ko sitwasyon nya pero gf nya hindi. Hindi daw nya ako ginamit, minahal nya daw ako. Nung sinagot ko daw siya, he really want to tell me na may gf na sya and wala lang sya lakas ng loob.Di naman daw kasi nya iniexpect na sasagutin ko sya.I initiated the breakup agad and hanggang ngayon sila pa rin nung girl.
Ang sakit sakit lang on my part kasi minahal ko na sya, tinanggap ko sitwasyon nya pero nagawa pa rin nya akong lokohin.Ginawa pa akong reliever ng gf nya.HIrap mag-adjust, back to zero na naman ako, wala nang texts,calls from him. Yung love and care na na-feel ko naman kahit papano..Yung pagchcheck kung kumain na ko, nakauwi na ba. Pagmmonitor pag nasa gimikan, pagsselos pag kausap ko ex ko… Ang hirap, ang hirap hirap…

