P.O DOMINGO BUILDING update:
Totoo. Yan din sabi sakin ng mga gwardya, binabato daw ng mga taga Laperal yung mga salamin ng building natin. Pag tinignan nyo yung P.O. Domingo building, yung side na nakaharap sa sa Laperal marami ng basag na salamin.
ENGINEERING BUILDING update:
Tuloy tuloy ang pag renovate ng facade ng Engineering building sa UE Recto. Sa pasukan siguro maganda na tignan yung building sa Lepanto. Although cladding lang yata yung ilalagay, okay na yan kesa dun sa itsura nya dati.
EDUCATION BUILDING update:
Tinataasan at nilalagyan ng sixth floor ang education building. Mga 8 classrooms daw ang ginagawa sa 6th floor. Kinukulang na daw tayo sa classrooms.
DALUPAN BUILDING update:
Tapos na pala ang renovation sa 6th to (7th) or 8th floor ng Dalupan.Building. Naglagay ng mga Computer Labs. sa taas atilang oipisina. Although hindi ko pa nakikita pero ang sabi ng mga nakarating na maganda daw ang pagkakagawa.
NEW BUILDING @ Caloocan Campus
Ang taas at mganda ang pagkakagaw. May mga pics ako last week ko lang kinunan pero hindi ko alam kung pano ko ilalagay dito. Malapit na sya matapos.
OLD EVER GOTESCO BUILDING
Sabi sakin ng mga UE security guards nabili na daw ng UE recently yung old evr gotesco building. Hindi pa din nila alam kung ano gagawin dun pero may hinala sila na dun daw itatayo ang state of the Art dentistry building. Wala ako masyado pinanghahawakan dyan sa balita na yan except sa mga sinasabi ng mga gwardya sa UE Recto. Hindi ko naman kasi tinatanung yung tungkol dun, sila nalang bigla nagsabi na nabili na ng UE yung old Ever Gotesco property sa UE Recto.










Reply With Quote
Walang nursing sa UE-Manila ang nursing ng UE ay nasa UERM (Quezon City) may ka schoolmate ako nung hs nag aaral siya ngayon sa UERM ang alam ko almost 50k(26 units) ang First year ng nursing.Galingan mo din sa entrance exam at interview mahigpit kasi ang UERM pagdating sa admission.











