idolohin ng mga kabataanTINsters
ATE TIN good luck sa concert mo this coming Fri and sat. . . we'll pray for the success of your concert
Toni at Alex dapat idolohin ng mga kabataan
by Raymund Vargas
Marami sa ating kabataang artista ngayon na kumikita na ay naninirahan ng mag-isa at umalis na sa poder ng kanilang mag magulang. Pero mayroon naman na responsableng mga anak na kahit malayo sa piling mga magulang ay alam ang tamang gawi subalit may ilan na napapariwa dahil mas gustong walang ma-kikialam o magbabawal.
Sa puntong ito, saludo ako sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na kahit may sapat na kita at kayang magsarili ay mas piniling mamuhay kasama ang kanilang mga magulang sa Taytay.
Alam kasi ng magka-patid na nasa kanilang ta-hanan ang hinahanap nilang pagmamahal at guidance na buong pagmamahal na ibi-nibigay nina Mommy Pinty at Daddy Carlito.
Si Daddy Carlito ay iminulat din kina Toni at Alex ang pagmamahal sa bayan kaya siguro hindi maiwan-iwan nina Toni at Alex ang kanilang pamilya sa Taytay.
Bilang pasasalamat sa suportang ibinibigay ng mga kababayan ay nagbigay ng libreng concert sa Taytay ang magkapatid kaya lalo silang napamahal sa mga kababayan. Saksi kami sa ginanap na free concert na dinumog ng mga tao at dahil sa sobrang siksikan ay hindi ko namala-yang nawalan na cellphone ng inyong lingkod. Talagang hinintay ng mga tao sina Toni at Alex.
Hindi naman binigo ng magkapatid ang mga kababayan at at paulit-ulit silang nagpapasalamat sa suportang ibinibigay sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang ama na isang lingkod-ba-yan.
Sa February 26 at 27 ay magkakaroon naman ng solo concert si Toni sa Music Museum entitled Love Is... Toni Gonzaga.
Akmang -akma ang title dahil si Toni naman ay punung-puno ng pagmamahal sa puso, ’di ba?![]()
![]()










TINsters

Reply With Quote
)

...i know naman
)



Super excited naaaaa.











