Toni Gonzaga, to do a love scene with Robin Padilla?
by Julie Bonifacio | March 13, 2010 10:57 PM
Ultimate dream ng ama ng Entertainment Live! host na si Toni Gonzaga ang mapanood siya na kumakanta sa Araneta Coliseum. Bata pa lang daw si Toni ay ito na ang pangarap ng kanyang ama na si Daddy Carlito. “Oo, ‘tsaka ako rin. Kaya lang hindi ko masyadong iniisip kasi kapag inisip mo ‘yun mapre-pressure ka, e. So, wala’ng ganu’n. Ngayon ang panalangin ko kung ano na lang ang dumating paghandaan. Do your best at darating at darating tayo d’yan kung sa atin nga,” umpisa ni Toni sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.com. Ano’ng klaseng show naman kaya ang gagawin niya sa Araneta if ever? “Eh, ‘di syempre kung ano ‘yung kaya ko’ng ibigay. Hindi naman, ako naman lagi ko’ng sinasabi hindi naman ako nandito sa business na ito para makipag-compete. Nandito lang talaga ako para i-enjoy ‘yung mga talentong naipahiram sa akin ni Lord at para ma-i-share sa mga humahanga, sumusuporta. So, ‘yun. So, kung sakali matupad ang wish ko gagagwin ko lang kung ano ang kaya ko’ng gawin.”
Mas maku-kumpleto ang title niya bilang isang ultimate multimedia star kung magko-concert na siya sa Araneta Coliseum. “Hmm…may mga ganu’n? Pero panalo ‘yan. Hindi , e, lahat naman ‘yun pangarap talaga. Darating tayo doon. Sabi ko nga hindi minamadali ‘yan. Kanya-kanyang panahon ‘yan, e. Kung dadating ang panahon na ‘yun naku masayang masaya ako dahil matutupad ko rin ‘yung pangarap ng daddy ko, ng nanay at tatay ko ‘yun para sa akin. Kaya nga kapag nagbi-Big Night ako proud na proud ‘yun dahil tumatayo ako sa Araneta So, pangarap ng daddy ko talaga sa ikin ‘yun na makita ako’ng umuaawit doon. Bata pa lang kami ‘yun na ‘yung adhikain namin sa buhay.”
Isa pa raw requirement para maging over-over na ang pagiging ultimate multimedia star niya ay kailangan makapag-perform din siya sa stage. “Stage acting? Nay! Dadating tayo d’yan. Lagi ko naming sinasabi na may panahon para sa mga bagay na ‘yan. Huwag pilitin. Pero naiisip ko rin noon na someday makakapagpe-perform din ako sa stage kasi nag-audition din ako noon sa Repertory Philippines . Nakapasa ako kaya nga lang sobrang bata ako hindi ko sineryoso, tinanggal ako. Sayang. Pero ngayon, pwede. E, pero syempre ‘pag kaya talaga, gagawin ko lahat.”
Inaabangan na ang nalalapit na pagtatambal nila ng action star na si Robin Padilla. Hindi naman daw nagwo-worry ang boyfriend ni Toni na si Direk Paul Soriano sa pakikipag-trabaho niya kay Robin kahit aware ang boyfriend niya kung gaano katinik sa tsiks ang bago niyang leading man. Malaki raw kasi ang tiwala sa kanya ni Direk Paul. “Eh, kami naman kasi ni Direk Paul ah, sa almost magtri-three years na pinagsamahan namin, malalim na rin naman ‘yung foundation, ‘yung tiwala na nakuha niya sa magulang ko, sa akin at sa isa’t isa. Talaga ano na, ‘tsaka kami naman hindi naman namin prini-pressure ang isa’t isa. Kasi sa sarili namin alam namin kung ano ang trabaho at kung ano ‘yung personal life. So, siguro naman naipakita ko sa lahat ng nagawa ko’ng proyekto dito sa ABS, at saka sinabi ko naman sa kanya ‘yun, e. May mga na-link din naman ako na mga artista noon pero bakit hindi natuloy ‘di ba? Kasi, at the end of the day nasa babae ‘yun. O ‘di ba? At the end of the day nasa sa akin ‘yun. So, ‘yun, ipinagpi-pray ko lang talagang may strength, give me more strength and courage, and to stay away from temptations.”
Pero sa pagkakailala ng mga taga-showbiz kay Robin, maaaring si Toni mapagkakatiwalaan pero hindi ang kanyang soon-to-be leading man. “I trust him as a person and a co-worker.” Sabi naman ni Direk Paul, given daw na matinik talaga sa chicks si Robin, ang pagsasama nila sa pelikula ang magiging test ng pagmamahaln nila ni Toni. “Ay! May mga ganu’n pa na nalalaman? Sumasagot-sagot? Diyos ko naman! Oo, sabi ko, tahi-tahimik lang. Huwag ka nagsasagot sa mga ganu’n-ganu’n. Joke! Pero totoo naman ‘yung sinabi niya. Wala ‘yun, hindi ‘yun magiging isyu sa amin. Doon sa sinabi niya na that will be the test of our love? Ay, hindi lamang ito ang test. Marami pa’ng test na darating. Ang importante malampasan lahat ng test.”
Supposed to be may love scene sila ni Robin sa movie. Aware ba siya dito? “Oo, na-discuss na rin sa akin ‘yun. Eh, syempre lagi naming ganu’n ‘yun, e. Bilang isang aktres gusto nila mag-evolve raw. E, lagi ko naming sinasabi ang maturity ng isang aktres, ang page-evolve ng isang aktres hindi naman nade-define sa mga love scene at daring na mga eksena. Kaya mo rin namang mag-mature at maging daring pagdating sa pag-arte, sa pag-atake sa mga role mo. Siguro ano, hindi pa ako komportable sa mga ganu’n. May mga artista na handa at kayang gawin. Ako, personally, hindi ko pa kaya. Hindi ko pipilitin tsaka lagi ko’ng sinasabi as much as possible kung hindi naman kailangan at saka kung pwede namang iwasan at magagawan ng paraan, sabi ko gawan ng paraan.”
Ano ang reaksyon ng Star Cinema bosses na magpro-produce ng first team-up nila ni Robin? “Eh, siyempre, uhm, may pag-uusap pa rin. Kaya nag medyo natatagalan ang shooting dahil maraming inaayos, maraming inaareglo. Basta ang ending nito, magkikita pa rin kami sa ending at matutuloy,” tapos ni Toni.










Reply With Quote



hmmm.....


)

































