PEx Highlights

Tolomia: FEU Needs to Work on Defense

Mike Tolomia says his squad still needs to improve their defense if they want to contend this season.

read more

Prepare to Go Into the Storm

From New Line Cinema, in association with Village Roadshow Pictures, comes the tornado disaster film Into the Storm.

read more

PHOTOS: Army Survives Ateneo Scare

Army wins against Ateneo despite blowing off a two-set lead, 25-22, 25-13, 28-30, 20-25, 16-14.

read more

The Unique Heroes of Marvel's Guardians

Know more about Peter Quill, Gamora, Drax, Groot and Rocket.

read more

MOVIE REVIEW: Trophy Wife

Trophy Wife is not your run-of-the-mil film about infidelity.

read more

PHOTOS: NU Clobbers Adamson

The NU Bulldogs win a laugher against the Adamson Soaring Falcons, 62-25, the lowest scoring output in recent memory.

read more

Page 13 of 17 FirstFirst ... 3 12 13 14 ... LastLast
Results 241 to 260 of 329
  1. #241
    Quote Originally Posted by sasser View Post
    baka naman gusto nya lang palabasin na baliw silang mag-ina para di makulong
    if so, at napatunayan sa court of law na baliw sila... maybe they are a geniuses after all WTH!

  2. #242
    Beneath the towering pines kensamor's Avatar
    Join Date
    Sep 2005
    Location
    in "Honey" World!
    Ang di ko gets is sabi ng mader ano daw...full of hate and anger daw itong si Ivler dahil sa pagkamatay ng daddy nya. Professional killer daw ang pumatay nung 2.5 years old pa lang si Jason. Wala pang alam sa mundo ang mga bata tungkol sa hate and anger sa ganong edad. Baka kasi kung anu-ano ang sinasabi nya sa anak nya kaya nagkaganon.

  3. #243
    KulasisiNiHit-Ler NeoDyn's Avatar
    Join Date
    Apr 2009
    Location
    Monaco-di-Baviera
    Quote Originally Posted by anjuna123 View Post
    MARLENE AGUILAR, SHOWBIZ NA SHOWBIZ!
    si Marlene Aguilar - showbiz na showbiz!
    Pwedeng magsama-sama sa isang pelikula sila nina
    Mommy Paq
    http://s923.photobucket.com/albums/ad77/NeOdyn/10633_1056660115928_1808627282_1204.jpg

    Patani
    http://s923.photobucket.com/albums/ad77/NeOdyn/patani_sp.jpg


    Marlene Aguilar
    http://s923.photobucket.com/albums/ad77/NeOdyn/ivler1.jpg

    Para silang pinagbibiyak na panuchang-pula.

  4. #244
    amishuuu
    Join Date
    Nov 2001
    Location
    you're not concern
    ^^^ nangingilabot ako sa itsura ng pic ni ivler.

  5. #245
    KulasisiNiHit-Ler NeoDyn's Avatar
    Join Date
    Apr 2009
    Location
    Monaco-di-Baviera
    Quote Originally Posted by kreuk View Post
    ^^^ nangingilabot ako sa itsura ng pic ni ivler.
    Yung legs nya may mga maliliit na tattoo yata?
    Yan ang 100% cheap pinay.

  6. #246
    pa plug ng blog ni heckler:

    Marlene Aguilar Survey

    take the survey too. it's hilarious.

  7. #247
    amishuuu
    Join Date
    Nov 2001
    Location
    you're not concern
    Quote Originally Posted by NeoDyn View Post
    Yung legs nya may mga maliliit na tattoo yata?
    Yan ang 100% cheap pinay.

    the tattoo on her son's arm will just add more weight to the identification of the one pulled the trigger. but am not a lawyer... sayang di naman pala post yung mga lawyers dito sa pex.

  8. #248
    JASON IVLER, HANDANG MAMATAY AT PUMATAY!
    (Bagets, talaga raw nakaka-takot...)
    ni Cristy Fermin, Bulgar

    Ang kuwento ng pag-hi-hiwalay at pag-ba-balikan nina James Yap at Kris Aquino ay nawalan ng saysay sa mga ka-ba-bayan nating nag-ta-trabaho sa Quirino
    Memorial Medical Hospital. Panis du'n ang kuwentong James-Kris, dahil may mas na-pa-panahong pesonalidad silang gina-gawang pulutan, ang pasyente
    nila pagka-tapos makipag-barilan sa mga ahente ng NBI na si Jason Ivler.

    Kuwento ng isang na-kausap naming nag-ta-trabaho sa ospital, "Nakaka-takot pala talaga ang taong 'yun! Imagine, ang sina-sabi ng mga tattoo niya sa
    likuran, 'Handang mamatay.' Sa harapan niys naman, 'Life is not certain but death is.' Super-nega, nakaka-takot siya, 'di ba?"

    Kuwento naman ng mga ahente ng NBI na naka-sagupa ni Jason nu'ng hulihin siya sa kanilang bahay, habang namamaril ang lalaking pinag-ha-hanap ng
    batas ay isang linya lang ang palaging luma-labas sa kanyang bibig, "Motherfu*cker, I will kill all of you!"

    Tumawag naman ang isang kaibigan namin, "Napaka-suwerte ko palang nanay dahil ang problema ko lang, eh, ang katamarang gumising sa umaga ng mga
    anak ko, kaya kung minsan, na-le-late sila sa school!"

    Kuwento naman ng isang kasamahan namin sa hanap-buhay ka-hapon nang umaga, "Pagka-tapos nating makitang halos matuyuan na ng luha sa pag-iyak si
    Marlene Aguilar, pagka-tapos natin siyang ma-panood sa TV na iyak nang iyak sa kina-hinatnan ng anak niyang kinunsinti niya, nakapag-concert pa
    siya ka-gabi! Nag-concert talaga siya, the show must go on daw despite what happened to her son, dahil professional artist siya. Nakaka-loka
    silang mag-ina!" parang nawawala sa tamang hubog ng kuwento ng aming kaibigan.

  9. #249
    Quote Originally Posted by Lyds View Post
    i though one million ang bounty.
    ows..yun kasi ang nabalitaan ko eh..oh well..baka hinati na ng nbi..nahirapan sila sa paghuli eh..nabaril pa yung 2 kasama nila..

  10. #250
    all life's an experiment paul_eric's Avatar
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    LifeLab
    Quote Originally Posted by Krayon View Post
    Ivler is strictly mediocre as a rapper. If anything, he sucks balls.
    Dude should be sent to the can even for that alone. Just kidding.

    Meanwhile, K'naan RULES.

  11. #251
    Tetchie Agbayani Payag Gumanap Na Marlene Aguilar
    ni Reggee Bonoan, Bandera

    http://img192.imageshack.us/img192/5108/tetchieagbayani1.jpg

    MASARAP palang interbyuhin si Ms. Tetchie Agbayani, may sense of humor kasi ang dating model ng Playboy magazine, unlike sa ibang veteran actress na masyadong seryoso kaya nakaka-bore kausap.

    Sa Habang May Buhay presscon habang nakaupo si Ms. Tetchie sa presidential table ay iisa ang napansin ng ilang katoto, kahawig daw niya ang ina ni Jason Ivler na si Marlene Aguilar-Pollard, sinabi namin ito sa kanya at ang sagot ng aktres, “Really? Dahil pareho kaming big eyes? Or dahil exotic beauty din siya?”

    Kaya ang next question namin, halimbawang may anak siyang nasangkot sa barilan tulad ni Jason Ivler itatago rin ba niya ito tulad ng ginawa ni Marlene? “Ay no! isusuko ko ang anak ko definitely, hindi ko siya itatago kasi mas lalong malalim ang huhukayin ng batas nu’n.

    “Ang gagawin ko, lahat ng Fortun (lawyers) ay iha-hire ko para ipagtanggol ang anak ko at wala akong pakialam sa gastos just to prove na walang kasalanan ang anak ko.

    “Well, I can speak for myself, mahirap kasi kapag anak mo na ang involved, hindi natin masabi tulad nu’ng kay Marlene, but you know, I admire her, ang galing niya, bilib ako sa kanya. Gusto ko siyang makilala,” sabi ng magaling na aktres na isa ring Psychology professor.

    Kung gagawing pelikula ang buhay ni Marlene at siya ang kukuning bida, tatanggapin ba niya? “I love to, why not? Siyempre, I will do my research kung sino si Marlene, hindi ko kasi siya personal na kilala at mukhang makulay ang buhay niya, pang MMK (Maalaala Mo Kaya) yata, basahin ko nga ang mga libro niya,” sabi pa ni Tetchie.

    At hindi naman nagkakalayo sina Tetchie at Marlene bilang ina dahil sa tunay na buhay ay sobrang protective rin ng una sa nag-iisang anak na babae. “May daughter is already 17, nasa college na, di ba? Sa exclusive school for girls ko siya in-enroll kasi noong high school pa lang, may nagpapadala na ng flowers, e, ayoko, sabi ko, hindi puwede, alangan naman sa ‘yo, meron, sa akin wala?” pabirong kuwento ng aktres. “Kaya when she entered college, sa exclusive school ko na siya dinala."

    May nagbiro naman kay Tetchie na baka raw ligawan ng mga tibo ang kanyang nag-iisang anak? “Ay na-orient ko na rin ang anak ko na ‘no lengua-estofada’ dapat at nagka-intindihan naman kami! Ha-hahaha!”

    Samantala, protective mom pa rin ang role niya sa Habang May Buhay. Siya ang gaganap na ina ni Derek Ramsay sa nasabing teleserye starring Judy Ann Santos.

  12. #252
    IVLER PIPIGSAIN SA KULUNGAN
    ni Marvin Batute, Bandera

    TIYAK na tutubuan ng kung anu-anong sakit sa balat, lalung-lalo na ang pigsa, buni at eczema, ang road rage suspect na si Jason Ivler kapag nakulong na ito sa Quezon City Jail.

    Maliban sa siksikan sa loob ng kulungan, parating na rin ang tag-init kaya asahan nang hindi makakayanan ng balat ni Ivler ang magiging epekto nito.

    Si Ivler, isang Fil-Am na pamangkin ng folk singer na si Freddie Aguilar, ay residente ng Blue Ridge sa Quezon City, isa sa mga sosyal na subdivision sa siyudad.

    Tuwing sasapit ang tag-init, tumataas ang bilang ng may mga pigsa at iba pang skin diseases sa mga inmates sa iba’t ibang kulungan sa bansa, kabilang ang QC Jail.

    Kahapon ay inaprubahan ng Quezon City Regional Trial Court ang paglipat kay Ivler sa nasabing kulungan kapag pinayagan na itong mailabas sa ospital.

    Ayon kay Angelito Magno, hepe ng National Bureau of Investigation Special Action Unit, kinasihan ng korte ang kanilang petisyon na ikulong ang suspek sa QC Jail kesa sa NBI detention cell dahil nasa kanilang kostudiya na si Datu Unsay Andal Ampatuan Jr., ang prime suspect sa Maguindanao massacre.

    Samantala, sinabi ni NBI Director Nestor Mantaring na patuloy ang pagbibigay nila ng seguridad kay Ivler habang ito ay naka-confine sa Quirino Memorial Medical Center.

    Nakaposas pa rin sa kanyang kama si Ivler habang hinihintay pa ang go-signal mula sa mga doktor na puwede na siyang lumabas.

    Katulong ng NBI ang mga operatiba ng Philippine National Police sa pagbabantay sa suspek.

    “The primary considerations are to make sure that Ivler will not escape and will not hurt anyone and to prevent him in case he decides to hurt himself,” ani Mantaring.

    Si Ivler ang itinuturong bumaril at pumatay kay Renato Ebarle Jr. noong Nob. 18 dahil sa away-trapiko sa Quezon City.
    Last edited by anjuna123; Jan 29, 2010 at 10:21 AM.

  13. #253
    QC Jail Ready For Ivler
    by Joel De La Torre

    THE Bureau of Jail Management and Penology said they are ready for Jason Ivler’s transfer to the Quezon City jail.

    But if Ivler is categorized as high-risk inmate, BJMP director Rosendo Dial said they can ask the court to detain him instead at the Metro Manila District Jail in Bicutan, Taguig.

    A QC court earlier granted the request of the National Bureau of Investigation for Ivler’s transfer to the QC jail as soon as he is discharged from the Quirino Memorial Medical Center.

    Yesterday, Corpus and BJMP-National Capital Region head Chief Supt. Serrafin Barretto inspected the cell at the QC jail where Ivler will be detained.

    Barretto said the suspect will join 21 other foreign inmates in a 10x10 square-meter detention cell.

    Corpus said Ivler can be classified as high risk if he is capable of making an escape. High risk inmates have influence and money to pay for their liberty.

  14. #254
    Awiting Anak, ‘Di Para Kay Jason Ivler
    ni Ed De Leon, Hataw

    MABILIS ang statement ni Freddie Aguilar na matagal na niyang ginawa ang kanyang kantang Anak, at ang basehan noon ay ang kanyang buhay mismo. Marami kasi ang nagsasabing ang kanta niyang iyon ay bagay na bagay sa kanyang pamangking si Jason Ivler.

    Alam naman nating nahuli si Ivler matapos ang isang shootout sa kanila mismong bahay sa Quezon City nang hulihin siya ng NBI. Nakasuhan pati ang ermat niyang si Marlene Aguilar, na kapatid ni Ka Freddie ng obstruction of justice sa hangad na maikubli pa ang pagtatago ng kanyang anak sa kanilang tahanan.


    Matapos makapagpiyansa dahil hinuli rin siya, nag-iba ng statement si Marlene at sinasabing na-frame up lamang daw ang kanyang anak, at ang tunay na bumaril sa biktimang si Victor Ebarle ay ang kanyang personal bodyguard. Sinasabi rin niyang hindi man ipinakita ang mukha, naniniwala siyang ang kanyang body guard ang siya ring nagsumbong sa NBI ng pinagtataguan ni Ivler, at nakakuha ng reward na P1-M.

    Pero mabalik tayo sa kantang Anak na ginagamit ngayon ng ilan kay Ivler. Inamin nga ni Ka Freddie na ang anak sa kanyang kanta ay siya mismo at hindi si Ivler. Sinasabi rin niyang nang isulat niya ang kanta, ni hindi pa ipinapanganak si Ivler.

    Pero ang aral nga raw sa kantang iyon, naniniwala siyang higit na mabuti ang isang masamang anak na nagpakatino in the end nang maunawaan niya ang tunay na takbo ng buhay, kaya naman diyon sa mga taong dating mabuti tapos ay biglang nagpakasama.

  15. #255
    It runs in the family.

    Kung anu c freddie ganun din ang kanyang pamangkin

  16. #256
    Quote Originally Posted by anjuna123 View Post
    Awiting Anak, ‘Di Para Kay Jason Ivler
    ni Ed De Leon, Hataw

    MABILIS ang statement ni Freddie Aguilar na matagal na niyang ginawa ang kanyang kantang Anak, at ang basehan noon ay ang kanyang buhay mismo. Marami kasi ang nagsasabing ang kanta niyang iyon ay bagay na bagay sa kanyang pamangking si Jason Ivler.

    Alam naman nating nahuli si Ivler matapos ang isang shootout sa kanila mismong bahay sa Quezon City nang hulihin siya ng NBI. Nakasuhan pati ang ermat niyang si Marlene Aguilar, na kapatid ni Ka Freddie ng obstruction of justice sa hangad na maikubli pa ang pagtatago ng kanyang anak sa kanilang tahanan.


    Matapos makapagpiyansa dahil hinuli rin siya, nag-iba ng statement si Marlene at sinasabing na-frame up lamang daw ang kanyang anak, at ang tunay na bumaril sa biktimang si Victor Ebarle ay ang kanyang personal bodyguard. Sinasabi rin niyang hindi man ipinakita ang mukha, naniniwala siyang ang kanyang body guard ang siya ring nagsumbong sa NBI ng pinagtataguan ni Ivler, at nakakuha ng reward na P1-M.

    Pero mabalik tayo sa kantang Anak na ginagamit ngayon ng ilan kay Ivler. Inamin nga ni Ka Freddie na ang anak sa kanyang kanta ay siya mismo at hindi si Ivler. Sinasabi rin niyang nang isulat niya ang kanta, ni hindi pa ipinapanganak si Ivler.

    Pero ang aral nga raw sa kantang iyon, naniniwala siyang higit na mabuti ang isang masamang anak na nagpakatino in the end nang maunawaan niya ang tunay na takbo ng buhay, kaya naman diyon sa mga taong dating mabuti tapos ay biglang nagpakasama.
    May pagkakataon pa na magbago si Jayson Ivler kug gugustuhin niya. Di naman Bitay ang magiging hatol sa kanya kung sakali na mapatunayan na guilty. Sa loob ng kulungan maipapakita niya ang pagbabago at pwede mabigyan siya ng parole in legal process.

  17. #257
    GAY INMATES, GIGIL KAY IVLER!
    ni Edwin Bellosillo, Bandera

    http://i85.photobucket.com/albums/k62/lovemacky/5571_245975855340_705940340_8527991.jpg

    Tila sini-silihan ang mga puwet dahil sa excitement ng ilang bading na inmates sa Quezon City Jail sa na-pi-pintong pag-dating sa kulungan ng road
    rage suspect na si Jason Ivler.

    Ka-ugnay nito, naka-handa na ang selda na paglalagakan kay Ivler sa nasabing kulungan kapag lumabas na ito sa Quirino Memorial Medical Center.
    Ka-hapon ay sinilip nina Department Of Interior And Local Government Undersecretary Marius Corpus at jail warden Superintendent Nestor Velasquez
    ang selda at sinuri pati ang hi-higaan ng suspek.

    Samantala, isiniwalat ng ilang bading na preso na "excited na excited" na sila na ma-kita at maka-salamuha si Ivler.

    "Hindi lang kasi siya guwapo, ma-tapang pa siya," ayon sa isang bading na hindi nagpa-kilala na ang pina-tu-tungkulan ay ang ginawang pakikipag
    palitan ng putok ni Ivler sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation na um-aresto sa kanya sa kanilang tahanan sa Blue Ridge Subdivision,
    Quezon City noong Enero 18.

    Isa naman ang nag-sabi na isa siya sa mga fans ni Ivler noong nag-a-artista pa ito noong 1990s. "Jason Aguilar pa ang screen name niya noon, pero
    ang guwapo-guwapo na niya. Mas gusto ko nga siya kesa kay Dingdong Dantes sa TGIS," ayon sa inmate na naka-kulong sa kasong drug possession.

    Isang presong bading naman ang nag-a-alala para kay Ivler dahil hindi umano ito sanay sa buhay na ma-hirap. "Siksikan dito at saka ma-init, baka
    kung anu-anong sakit ang tumubo sa kanya. Concerned ba?" aniya.

    Subalit isang bading naman na naka-kulong dahil sa kasong robbery ang nag-sabing tama lang na ma-piit si Ivler sa QC Jail. "Sana ay mag-dusa siya
    rito dahil sa ginawa niya kay Ebarle," aniya.

    Si Ivler ang itinu-turong bumaril at naka-patay kay Renato Ebarle Jr., ang anak ni Presidential Management Staff Undersecretary Renato Ebarle Sr.
    sa QC noong Nobyembre 18.

    Kamakalawa ay ipinag-utos ng Quezon City Regional Trial Court ang pag-li-lipat kay Ivler sa QC jail mula sa ospital bilang pag-kiling sa petisyon
    ng NBI na doon na i-lagak ang suspek kesa sa kanilang detention cell.

    Samantala, ginisa sa NBI ang stepfather ng suspek na si Asian Development Bank consultant Stephen Pollard upang ma-determina kung may alam ito sa
    pag-ta-tago ng suspek sa kanilang tahanan.

    Ipinag-pilitan naman nito na hindi niya alam na nag-ta-tago sa kanilang tahanan ang kanyang stepson. Idinagdag nito na mahal niya ang Pilipinas kaya
    magiging ma-sakit sa kanya kung ma-pa-palayas siya sa bansa.

    Dumating si Pollard sa NBI-Special Action Unit alas-9 nang umaga kasama ang kanyang asawang si Marlene Aguilar at abogadong si Alexis Medina.
    Ani Angelito Magno, hepe ng NBI-***, ito ang ikalawang pagkakataon na humarap si Pollard sa NBI.

    "The first time Mr. Pollard went here was last November 27. Jason was still-at-large at that time and we asked him (Pollard) if he had knowledge
    regarding his (Ivler) whereabouts and he gave a statement and denied any knowledge about that. This time, we are validating his statement and we
    are also determining if he had knowledge that Ivler was at their house during the time he was arrested last January 18. We want to know if he knew
    that Ivler was there and he just did not tell us about that," aniya.

  18. #258
    Freddie Aguilar Distances Self From Case Of Nephew Jason Ivler

    MANILA, Philippines – Folk singer Freddie Aguilar has distanced himself from the controversy hounding his sister, Marlene Aguilar-Pollard, and nephew, road rage killing suspect Jason Ivler.

    In an interview with ABS-CBN News, Aguilar maintained that he should not be dragged into the controversy because “he knew nothing.”

    “Wala talaga akong alam. Mahal ko si Jason, pamangkin ko siya. Pero tandaan po natin hindi po ako ang tatay ni Jason. Hindi rin po nakatira sa akin si Jason…. Meron po siyang sariling pamilya na para sa kanya,” he said, adding:

    “Ang kapatid ko po ay nagkataon na nanay niya. ‘Yon lang po ang relasyon ko sa pamangkin ko at hindi po kami nagpapakialaman ng mga kapatid namin kung paano magpalaki ng mga anak.”

    Amid criticisms, the “Anak” singer said the public should now let the court decide whether Ivler, the prime suspect in the killing of Renato Victor Ebarle, Jr., son of Malacañang official Renato Victor Ebarle, Sr., is guilty of the crime or not.

    “Hawak na ito ng justice system natin. Naniniwala ako na merong hustisya sa Pilipinas. At kung talagang inosente ang pamangkin ko, lalabas na inosente ang pamangkin ko. Pero kung talaga namang ginawa ng pamangkin ko, kung ano ‘yong iniuutos ng batas, wala tayong magagawa doon kung hindi sundin ang iuutos nila,” he said.

    He also argued that Ivler is still young, thus, there is hope for him.

    “Ang pananaw ko sa buhay, mas maganda ‘yong nagsimula kang may pagkasalbahe ka, at natapos na mabait ka. Kaysa doon sa nagsimula kang mabait papunta ka sa pagiging salbahe,” he said. “’Yong pamangkin ko kung meron siyang kapilyuhan, kung titingnan mo 'yong pamangkin ko bata pa, so may pag-asa pa si Jason.”

    'Should have used tear gas'

    In the same interview, Aguilar also slammed the National Bureau of Investigation (NBI).

    Ivler exchanged gunfire with NBI agents who entered the Ivler home at Blue Ridge A Subdivision in Quezon City last week.

    Ivler was rushed to the Quirino Memorial Medical Center after sustaining gunshot wounds to the right shoulder and left upper abdomen.

    But according to Aguilar, instead of exchanging gunfire, the NBI officials should have used teargas when Ivler resisted arrest and fought back.

    “Hindi ba kayo naniniwala na merong teargas na puwedeng ibato doon at kaysa sa paputok kayo nang paputok na hindi niyo alam kung sino ‘yong binabaril ninyo? Kung nagkataon pala na may kasama doon ang pamangkin ko, na mga katulong o mga kasambahay, nagpapaputok na sila ng baril? Hindi ba ang mga professional na mga pulis, NBI, military bago sila lumusob sa isang lugar ay may plano?” he said.

    He also wondered whether the NBI officials who raided his sister’s home even considered Ivler’s state of mind, noting that his nephew might have been affected when he was assigned to Iraq for 3 years.

    He said: “Napag-isip po ba ninyo na sundalo ang pamangkin ko, at baka nagkaroon po siya ng development ng pagkaka-war freak doon sa kanyang pagkakadestino sa kanya sa Iraq?”

    “Napag-aralan ba kaya nila ang anggulong [iyon] bago noong sinusundan na nila ‘yong pamangkin ko? Pinag-aralan ba nila kung sino talaga ang pamangkin ko? Kasi ang alam ko pag lumulusob kasi ang tatay ko na public chief of police sa probinsya namin, walang binaril ang tatay ko na hindi niya nakikita.”

  19. #259
    MARLENE AGUILAR, SOBRA ANG PAG-SAMBA SA ANAK!
    ni Vinia Vivar, PM

    Marami ang mas na-lito kesa naka-intindi kay Marlene Aguilar-Pollard sa kanyang mga sinabi last Sunday sa The Buzz.

    Base sa kanyang mga pahayag, you can easily tell na totoo ngang kinunsiniti niya ang anak na si Jason Ivler. Naka-tawag ng pansin sa marami ang
    statement ni Marlene na sinabihan pa niya si Jason na "it's not your fault" nang humingi ng tawad sa kanya ang anak for causing her so much p[ain.

    Ang komento ng iba, sa pagsasabi pa lang sa anak na "it;'s not your fault", may mali na, dahil bilang isang ina, dapat ay itinu-turo mo sa iyong
    mga anak kung ano ang tama at mali.

    Pero pinak-amaraming reaksiyon sa sinabi ni Marlene na "I don't know anyone...I have traveled to 36 countries, I've seen so much of the world.
    I have never met anyone as beautiful as Jason."

    Para sa isang ina na sabihin ito pa-tungkol sa kanyang anak, we'd say na sobrang pag-samba naman yata sa anak ang nararamdaman niya. Well, wish
    lang namihn na ma-naig ang katarungan sa kasong ito, dahi bilang ina, totoong napaka-sakit para kay Marlene ang kanyang pinag-da-daanan ngayon.
    At sa puntong 'yun, na-i-intindihan namin siya.

  20. #260
    "He is the price I pay for being the kind of person I am." - Marlene Aguilar
    by Glenn Sibonga, PEP

    Live na na-interview ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, January 24 si Marlene Aguilar-Pollard, ang ina ng murder suspect na si Jason Aguilar
    Ivler. Si Marlene ay kapatid ng sikat na folk singer na si Freddie Aguilar.

    Matatandaang noong January 18 ay nahuli si Jason ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos i-raid ang kanilang bahay sa Blue Ridge A
    subdivision, Quezon City. Nauwi sa madugong shootout ang insidente na ikinasugat ni Jason. Lumabas na itinatago raw ni Marlene ang anak sa kanilang
    bahay at iniligaw nito ang mga awtoridad sa pagsasabing hindi niya alam ang kinaroroonan ng anak. Sa tulong ng isang impormante ay natunton at
    nahuli ng NBI si Jason.

    Tinutugis ng NBI si Jason dahil siya ang main suspect sa pagpatay kay Renato Ebarle Jr., anak ni Presidential Chief of Staff Renato Ebarle Sr.,
    matapos ang isang away-trapiko noong November 18, 2009 sa Boni Serrano Ave., Quezon City. Bukod sa murder case na ito ay involved din si Jason
    sa iba pang kaso.

    Si Jason, 28, ay ipinanganak noong January 7, 1982 sa Massachussets, U.S. Siya ang panganay na anak ni Marlene sa una nitong asawa na si Robert
    Ivler.

    Minsan nang pumasok sa showbiz nang makasama siya sa cast ng defunct youth-oriented show ng GMA-7 na T.G.I.S. Nakapag-record na rin siya ng rap
    album na may titulong Jsln, pero hindi ito na-release. Isa ring ex-U.S. army ranger si Jason at napasabak na sa giyera sa Iraq.

    FLOATING THROUGH LIFE. Sa simula ng interview ay kinumusta ni Boy si Marlene kaugnay ng hinaharap nitong sitwasyon.

    "I don't feel... I don't know... I try to... feel but I don't feel," paputol-putol na tugon ni Marlene. "I'm just floating through life right
    now. Waiting... wondering why this is happening to me, to my family, you know."

    Sa pagkakataong ito, saan siya humuhugot ng lakas? Ano ang naglalaro sa kanyang isipan?

    "I believe that everything happens for a grand reason. I believe that there are greater forces up there and you know, we are not totally in control
    of our lives. We are affected by greater and unseen forces. And I humble myself to the will of God. You know, there's a reason why this is happening.
    I don't know anyone... I have traveled to 36 countries, I've seen so much of the world. I have never met anyone as beautiful as Jason," sagot ni
    Marlene.

    CONVERSATION WITH JASON. Madamdamin namang ikinuwento ni Marlene ang naging pag-uusap nila kamakailan ni Jason sa Quirino Memorial Medical Center,
    Quezon City, kung saan ito naka-confine.

    "You know, I told him when I saw him recently, I said to him, 'If you go, if a lose you, I don't know life without you. I'll never know anyone
    like you.' Tapos sabi niya, 'But we will never be apart. I will never leave your side no matter what happens. It would just be my body that they
    will take away from you, I will remain with you forever.'

    "Yesterday [Jan. 23], yun ang first time niyang makatayo. Kaya hindi ko maigalaw yung shoulder ko, naka-cast kanina ito. Tapos sabi niya, 'Help
    me get up.' So, I helped him get up. Para ko siyang binuhat na sundalo. And 'eto yung [puwesto niya]. Tumayo siya, tapos niyakap niya lang ako
    na ang tagal-tagal. Nandun lang kami nakatayo, nakayakap siya. And he told me how much he loves me. And I told him how much I love him," lahad
    ni Marlene.

    Nag-apologize ba si Jason sa kanya na hinaharap niya ang mahirap na sitwasyong ito ngayon?

    "Yes, yes. Sabi niya, 'I'm so sorry, I have caused you so much pain.' And I said, 'Don't, don't. It's not your fault.'"

    Bilang isang anak na mahal na mahal ang kanyang inang si Nanay Lising, inihayag ni Boy na naiiyak siya at nasasaktan ngayong nakikita niya si
    Marlene, na isang inang umiiyak at nagdurusa. Pero ang tanong ng iba, pagdating sa usapang may kinalaman sa kaso ng kanyang anak na si Jason, hindi
    kaya ang nakikita lang ni Marlene ay ang nakikita ng kanyang puso at hindi ng kanyang mga mata?

    "My husband will tell you that I am one of the most clear-headed person he knows," sagot niya. Ang asawa ni Marlene ay si Stephen Pollard, British
    economist na nagtatrabaho sa Asian Development Bank.

    THE BODYGUARD. Bilang ina ni Jason, si Marlene ang humaharap sa publiko at nakikipaglaban para sa kanyang anak, na kasalukuyan pang nasa ospital.
    Pero sinasabi ng NBI na solid ang mga ebidensiyang may kinalaman ang kanyang anak sa pagkamatay ni Ebarle Jr. Ano ang reaksyon niya rito?

    "I have a bodyguard, Mark Hausser, he is British. Magkatabi po sila ng kuwarto ni Jason sa ibaba. He has access to everything. He has access to
    car. He has access to... if there's a gun there. He has access in and out of my house. They [Mark and Jason] are in the same quarters," sabi niya.

    Kasama ba ni Mark si Jason nang mangyari ang insidente?

    "I found out that he was not home that evening. Bumalik siya, umaga na, lasing na lasing," sabi ni Marlene.

    Ipinakumpirma naman ni Boy kay Marlene kung siya ba ang nag-hire kay Mark at kung nagtatrabaho pa rin ito sa kanila nang maganap ang insidente.

    "He's been employed by me for almost two years."

    Noong nangyari ang "road rage" na 'yon, nasaan si Mark?

    "He wasn't with me," sagot niya.

    Sa pananalita ni Marlene, tila may kinalaman at isinasabit niya ang kanilang bodyguard na si Mark sa nangyaring pagpatay kay Ebarle Jr.

    "Actually, he even told me, 'Ma'am, I'm gonna ask someone in England to send me five thousand dollars to put in your account because I look like
    Jason. I might need a lawyer also.' That is what he said to me."

    Kailan ito sinabi sa kanya ni Mark?

    "After the incident."

    INTELLIGENT, NOT INSANE. Sinasabi ng NBI na ang ginawa ni Marlene na pagtatago kay Jason at pagpapa-interview sa media na hindi niya alam ang
    kinaroroonan ng anak is the "highest form of deception or cover-up." Ano ang comment niya rito?

    "It is... you know, karapatan po nilang isipin yun," sagot ni Marlene.

    Pero ilalaban niya ba ito sa korte?

    "Yes."

    Para sa kanyang anak?

    "Yes. For the Philippines."

    Nagiging kontrobersiyal si Marlene dahil ilan sa kanyang statements ay pawang kontrobersiyal din, gaya na lang ng sinabi niya na kaya siya hindi
    naiintindihan ay dahil "maraming mga taong mangmang," na siya ay "intelligent," at ang iba ay "average people" lamang. Ano ang masasabi niya rito?

    "Because most people have average mind. That's not me. That's factual. That's fact," sagot niya.

    Sinabi niya rin ba na, "Because I'm intelligent, it doesn't make me insane?"

    "No, it doesn't make you insane," sagot ng ina ni Jason. "What I said is geniuses, a borderline, insane. But it doesn't make you insane. You know,
    if you are not understood. You know, when people do not understand you, they think you're insane. How do you make somebody seven years old
    understand Algebra? It's the same thing."

    Paano siya nagre-react sa mga comment na "insane" siya?

    "Boy, I have published 11 to 12 titles defending Philippine art and culture. All my books are about art and culture because I believe that is
    the soul of our nation. I believe that our problem in the Philippines is not money, but our soul. Our art and culture represent our soul. I have
    received awards and citations both local and international.

    "So, yung mga tumatawag po sa akin ng baliw, gusto ko lang pong malaman, what have they done for their country recently? My first novel, Wars of
    Heaven, has received excellent reviews in the States, in Eurpoe and here. And my book is my fight, you know, with America for a better Philippines.
    And if my people... if the Filipino people would see that as insane, then let it be."

    PAIN AND ANGER. Noong ipinakita ang footage ng paghuli kay Jason, sinasabi raw ni Jason na, "Kill me! Kill me!" Is this true?

    "Yeah, because he believes that his death will give me strength, you know. He is the price I pay for being the kind of person I am," sabi ni Marlene.

    Sa mga kantang nilikha ni Jason sa kanyang unreleased album bilang isang rap artist, mararamdaman na kapag ang sinasabi niya ay tungkol sa kanyang
    ama at lolo ay there's so much pain and anger. Paano niya ipapaliwanag ito?

    "There's so much pain. Yes, there's anger. There is pain because Jason's father [Robert Ivler] was killed when he [Jason] was two and a half years
    old. He was found dead in a hotel in Bangkok. He was killed by a professional killer."

    MISTAKEN IDENTITY. Pero ano ang reaksiyon niya na isang Jason Aguilar sa Qatar ang hinuli at ikinulong ng isang linggo matapos itong mapagkamalang
    si Jason na anak niya?

    "Yes, I heard about it. Tapos naririnig ko rin na sinasabi ng media na sinira ni Jason Ivler yung buhay ni Jason Aguilar."

    How does she react to that?

    "Ang nagkamali po doon yung mga awtoridad kasi nagkamali sila. Matse-check mo naman yung identity ng tao kung siya nga yun. Kasalanan po yun ng
    mga awtoridad na nagkamali doon sa taong dinampot nila," diin ni Marlene.

    Sa pamilya ni Renato Ebarle Jr., may mensahe ba siya?

    "Everything happens under the will of heaven. If I lose Jason tomorrow... if he dies tomorrow, you will find the same peace through my eyes. You
    know, we are only instruments here. We are intruments of God. We are instruments of higher forces. You and I do not decide who lives or dies."

    Ano ang dasal niya ngayon sa Diyos?

    "That we stop hating."

    Ano naman ang mensahe niya sa kanyang anak bilang isang ina?

    "Jason, the whole world could turn upside down. I love you always, every minute of the day. And nothing can ever change that," sambit niya.

Page 13 of 17 FirstFirst ... 3 12 13 14 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PROMO:

Join the promo and get a chance to win exclusive ENEMY shirts!

Join the promo and get a chance to win exclusive ENEMY shirts!

read more
COMMUNITY:

Check out CrewPEx's RetroVolution dance video featuring famous moves from the inception of PEx.

Check out CrewPEx's RetroVolution dance video featuring famous moves from the inception of PEx.

read more
SHOWBIZ:

Former PBB housemate Beauty Gonzalez is FHM's cover girl for August

Former PBB housemate Beauty Gonzalez is FHM's cover girl for August

read more
UAAP:

NU Bulldogs clobber Adamson Soaring Falcons to lowest scoring output in recent memory, 62-25

NU Bulldogs clobber Adamson Soaring Falcons to lowest scoring output in recent memory, 62-25

read more
LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

Pope Francis to have an apostolic visit to the Philippines on January 15-19 next year

Pope Francis to have an apostolic visit to the Philippines on January 15-19 next year

read more
PBB:

Manolo, Joshua, Jane and Fifth nominated this week

Manolo, Joshua, Jane and Fifth nominated this week

read more
SPORTS:

Army wins against Ateneo despite blowing off a two-set lead, 25-22, 25-13, 28-30, 20-25, 16-14

Army wins against Ateneo despite blowing off a two-set lead, 25-22, 25-13, 28-30, 20-25, 16-14

read more