Young actress ayaw pang pumirma ng kontrata sa isang malaking istasyon dahil bumaba ang offer.
Dec. 14, 2009
ni Kath Sarmiento
Balitang naudlot ang pagrenew ng kontrata ng isang young actress sa kanyang mother station dahil hindi umano nito nagustuhan at ng kanyang manager ang bagong alok na kontrata ng big station. Maliban sa bumaba daw ang TF ay hindi nila nagustuhan ang nakasaad sa nasabing kontrata. Hindi nga naman papayag ang young star dahil marami ding nawalang pera sa kanya sa nakaraan dahil sa kawanggawa at hindi rin papayag ang kanyang manager sa ganitong offer dahil maliban sa nalululong ito sa sugal ay na 1-2-3 pa ito kumakailan lang at malaki ang nawalang pera sa kanya. Hindi mo naman masisisi ang big station kung bumaba man ang offer dahil hindi nila nakuha ang expect nilang kikitain mula nang mapunta sa kanila ang young star. Hanggang sa ngayon ay nagpapakiramdaman pa ang magkabilang kampo.
Sayang naman ang career ng young actress na ito kung matetengga lang siya at tuluyan ng mawalan ng kinang.
OoOoOoO
As one of her fan said: Malaki ang TF ni Angel dahil na nominate sa International Emmys![]()










Reply With Quote












