By: Nitz Miralles
Basta
TINANGGAP ni Ryan Agoncillo noong Martes ang third Best Male Host award niya sa Aliw Awards.
Banner year ni Ryan ang 2009 sa rami ng mga nangyari mula sa wedding nila ni Judy Ann Santos, pagkakapanalong Best Male Host sa MTRCB, CMMA at KBP Golden Dove Awards.
Si Ryan din ang napiling Best Host ng Dangal ng Pilipino na bigay ng Consumers League of the Philippines at nominated din siya sa Star Awards for TV.
Sa rami ng awards, ang kanyang pamilya pa rin ang itinuturing nitong pinakamalaking award niya.
Samantala, walang kinalaman ang Eat Bulaga sa pagtatapos sa February 2010 ng sitcom nina Ryan a Judy Ann sa ABS-CBN na George and Cecil.
Extended na ang original 26 weeks contract, pero hanggang January pa ang taping ng dalawa.
May offer ang Channel 2 na daily morning talk magazine show kina Ryan at Judy Ann, di lang nila tinanggap dahil ang feeling daw ni Judy Ann, di siya pang-hosting. Pero, i-o-honor ni Ryan ang commitment niya sa network to host a game show next year.
Posted also at
http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS...yguid=89273481
![]()










Reply With Quote
?











