Naku kaya mo yan. May kilala ako from GenSan din, incoming 5th year na sya. Madami taga Mindanao dito sa PSU na katulad natin (assuming na dito ka na mag-aaral) na dayo para sa Petroleum Engineering.
ito ang mga i-eexam mo:
-Verbal Reasoning
-Numerical Reasoning
-Abstract Reasoning
-Perceptual Speed & Accuracy
-Spelling
-Language Usage
(and additional for Engineering courses)
-Mechanical Reasoning
-Space Relations
Kayang kaya mo yan, wala ata bumabagsak sa entrance exam ng PSU, although dapat mas galingan mo para maka qualify sa 1st choice mo na course which is Petroleum Engineering.
Ako nag take ako ng exam last year between May 21 to 28. Di ko matandaan anong date exactly pero yan kasi un unang visit ko sa PSU tapos I went back to Manila after the exam.
By the way, may kamag-anak ka ba dito sa Puerto Princesa? Pano mo nalaman ang tungkol sa Pet Engg?









Reply With Quote












