Alam kong sasabihin nyong hindi kayo sa kanya nakikinig kundi sa Bible na kanyang ipinangaral. Pero di ba kung basta "bible" lang ang babanggitin mo, at hindi "Manalo" lilitaw na lahat ng sektang nagsasabing "Bible lang ang basehan" ay Valid na rin? Siyempre hindi.
Kay Manalo kayo naiiba sa ibang sekta. Siya ang dahilan kung bakit ang grupo niyo ay hindi gaya ng iba. Therefore, siya ang sentro ng pananampalataya nyo.
Ito ngayon ang Tanong, kung kaya nyong sagutin. Pero I heard iwas na iwas talaga kayong sagutin ito.
1. Paano naging Valid teacher si Felix Manalo, upang maitatag ang INC sa Pilipinas?
* Kung gusto nyo kaming maniwala, dapat may proof kayo na siya nga ay Sugo galing sa Diyos. Siya ba'y nagdeklara lang sa sarili bilang sugo at nakinig ang mga taong nakikinig sa kanya at naniwala na?
2. Sinong nagdeklara at paano siya dineklarang sugo?
* Mahalagang malaman po naming lahat ito sapagkat SIYA ANG HUMIHIWALAY SA MGA INC DITO SA PILIPINAS SA IBANG SEKTA.
3. Paano siya nabinyagan bilang isang Kristyano
* Maging ang mga Kristyano sa Bibliya ay nabinyagan, maging si Kristo pa ay nabautismuhan! Si Felix Manalo paano nabautismuhan?
4. Bago lumitaw si Felix Manalo, walang Iglesia?
* Paano na kung Ulo lang at walang Katawan? Pwede ba ang Ulo na walang katawan? 1, 9 1 4 years walang iglesia? Kawawa naman ang mga tao nun di maliligtas?
5. Ano ang Senyales sa langit na ang susunod na leader ay dapat anak ni Felix Manalo?
* Sa mga INC para silang Ayala Group of Companies, talagang minamana ang negosyo ng anak.
Paano kayo napaniwala ng Manalo Family? Ang tindi siguro ng pagkaka-mind conditioning sa inyo ng mga kasapi ng INC.
Sabi ko sa inyo eh, ang linaw ng prueba na si Felix Manalo ang sentro ng kanilang pananampalataya at hindi si Kristo.








Reply With Quote


ginawa mo namang zombie, siyempre bago siya namatay sinabi na niya yun sa anak nya. Bali naging senyales lang ito mula sa langit nung namatay na ang physical na anyu ni Felix Manalo at nung siya ay nagascend into the heavens.
sila ang naatasan ng Diyos na gawin ang pinakamahirap na responisibilidad; ang gabayan tayu upang sumama sa tama at tunay na iglesia na maggagarantiya ng ating pagsama sa kanya doon sa langit
totoong biblical basis lang po talaga ang nagpapaconvince sa mga members sumali!













