PEx Highlights

REVIEW: Dawn of the Planet of the Apes

Visually stunning, haunting and compelling, Dawn of the Planet of the Apes is a must-see.

read more

PHOTOS: PLDT Crushes Cagayan

Despite a decent effort, the PLDT Turbo Boosters crushed defending champions Cagayan in a straight-set 25-23, 25-23, 25-21 win.

read more

PHOTOS: San Mig Cops Grand Slam

San Mig became the 5th team in PBA history to achieve a Grand Slam after escaping Rain or Shine with a hard-earned 92-89 game 5 win.

read more

Show Me Your Teeths: BesTEETHS!

The girls go emo and sentimental and pay tribute to best friends and sidekicks in the realm of Pinoy TV, movies, and... Batang X?

read more

Season Preview: UAAP Season 77

The most exciting collegiate basketball tournament is back. Find out what the different teams bring to the table in UAAP Season 77.

read more

Where San Mig Stands in History's Best Teams

What made the Grand Slam even more memorable was how San Mig had to overcome several obstacles to achieve this remarkable feat.

read more

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 63
  1. #1
    R e v e n a n T
    Join Date
    Feb 2001
    Location
    Spectral Realm
    Hindi maikakaila na halos lahat ng threads dito sa "Realm of Thought" (at pati na rin ang mga naibibigay na mga opinyon) ay nasasaad sa wikang ingles. Malimit na malimit makakita ng isang opinyon na nasusulat sa wikang Filipino. Masyado na ata tayong natatangay ng mga kanluraning ideyalismo at kultura na nakalimutan na natin na mayroon ding sariling pag-iisip, pilosopiya, puso, diwa, at paraan ng pamumuhay at pag-ikot sa mundo ang mga Pilipino na naiiba kumpara sa mga banyaga.

    Subukan nating paangatin ang intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Ipakita natin na mayroon din tayong pag-iisip at diwang matayog at malaya.

    http://www.angelfire.com/journal2/dirtbag/HoLYcRaP.gif

    __________________
    "Para sa akin ako'y nabubuhay, nabubuhay sa kasukdulan at mula sa buhay mismo, at ang aking asal, kung ano man iyon, ay nasa aking sariling pagpapakita na noon." (Henry James)

  2. #2

    Talking

    Mainam itong naisipan mong pasimulan Ginoong Banal na Tae.

  3. #3

    Talking

    Ginoong BaNAL na tAe,

    Pinupuri kita sa pagkakasalin mo sa wikang tagalog ng mga kataga ni Inyong Jaime.

  4. #4

    Talking

    kailangan po bang pataasin ang antas ng karunungan at pag-gamit ng mga salitang pilipino? aba, sang-ayon na sang-ayon ako dyan, katunayan hinding hindi ko maibaon sa limot ang isang matalinhagang salitang binitiwan ni gat jose rizal patungkol sa ating sariling wika.

    'ang taong di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda'

    ngunit ang katanungan, ang bumubuo ba sa karamihan dito sa pex ay matatas sa kanilang pananagalog o salitang pipilino?

    ...ewan ko, ewan ko, hindi ko po alam ang sagot!

  5. #5

    Talking

    Ako'y isa sa mga dakilang mangingibig ng ating Pambansang Wika. Ang dahilan ko lang sa pagsasalita sa wikang banyaga (kahit ako'y hirap na hirap na! ) ay sapagkat napansin ko lamang na kapag ang isang magpepex ay nagpahayag ng kanyang saloobin sa wikang Filipino ay walang pumapansin sa kanya!

    Mas nanaisin kong magpahayag sa wikang kinagisnan.

    Mabuhay ang nagsimula ng sinulid na ito!!!!!!

  6. #6
    I love to play god
    Join Date
    Mar 2001
    Location
    Ivory Tower
    Maraming beses ko nang sinubukan....

    ...ngunit ako'y nabigo.

    ...lahat ng kausap ko ay nag-iingles pa rin.

    If you cannot beat them, join them.

    Hindi bale, unang gagawin ko pagka-graduate. Magsusulat ako ng Talatinigang Pilipino ng mga salitang siyentipiko. Ayos ba iyon??

  7. #7
    no to breast augmentation
    Join Date
    Mar 2001
    Location
    not_in_the_Phil

    Talking

    Originally posted by Krelian
    Maraming beses ko nang sinubukan....

    ...ngunit ako'y nabigo.

    ...lahat ng kausap ko ay nag-iingles pa rin.

    If you cannot beat them, join them.

    Hindi bale, unang gagawin ko pagka-graduate. Magsusulat ako ng Talatinigang Pilipino ng mga salitang siyentipiko. Ayos ba iyon??
    subawit ang tawatinigang iyong bawakin ay kasawukuyan nang ginagamit ng iwang matataas na paawawan. maywoon nang na-i-wathawang akwat ng mga sawitang maka-agham...
    hawimbawa ng mga makabago o "awtipisyaw" na sawita gaya ng:
    kapnayan, haynayan... ay mawawakan nang ginagamit..

  8. #8

    Talking

    *tawa ng tawa*

    sa aking opinyon ay may ibang diskusyon na hindi natin magagamitan ng wikang filipino, banal na tae . tulad ng sa agham at maging sa pilosopiya. pero kung kaya naman nating gamitin ang wikang filipino sa ibang diskusyon, bakit hindi. ang nakakainis lamang sa iba ay kung alam ng isang pexer na bobo sa ingles ang isang pexer, huwag na niya dapat sagutin ito ng ingles. ibig sabihin nung ganire ay nagta-taas na lamang siya ng kaniyang bangko.

  9. #9
    R e v e n a n T
    Join Date
    Feb 2001
    Location
    Spectral Realm

    Magsasalita ang Banal na Tae.

    Naituro sa amin ng aming guro sa Retorika na ang wikang Filipino ay sinubukang gamitin ng De La Salle University sa kanilang pagtuturo ng asignaturang Sikolohiya. Ang tinaguriang Psychosexual Stages ni Freud na Oral, Anal, Latent, at Genital (pakitama na lang kung ako'y nagkamali) ay naging Pambibig, Pampuwit, Pamahinga, at Pang-Ari.

    Maraming naituro sa amin sa intelektwalisasyon ng ating wika. Sinabi pa nga ng aming propesor na ang totoong intelektwalisadong wikang Filipino ay naipapakita na sa mga telenovelang kasalukuyang pinapalabas sa ating telebisyon. Mga palabas na katulad ng Rosalinda, Marimar, at iba pa. Maski ang ibang palabas na pambata ay nagpapakita rin ng mataas na antas ng wika--ang Ghost Fighter, Magic Knight Rayearth, Cedie, Princess Sarah, at iba pa.

    Kinapapalooban ito ng maraming antas at maari tayong magsalita ng Filipino nang hindi kailangang isantabi ang iba nating hiram na salita.Kung ating iisipin, hindi naman natin kailangan talagang magpasok ng mga hiram na salita sa ating araw-araw na pag-uusap. Mayroon namang mga simpleng salitang Filipino na pwedeng sabihin. Hindi natin kailangang maging makata.

    Sana nga lamang ay hindi umabot sa pangangantiyaw ang ating pananalita ng sariling wika.

    __________________
    "Para sa akin ako'y nabubuhay, nabubuhay sa kasukdulan at mula sa buhay mismo, at ang aking asal, kung ano man iyon, ay nasa aking sariling pagpapakita na noon." (Henry James)

  10. #10
    Member
    Join Date
    Aug 2000
    Location
    Doon lang sa ta

    Talking

    Originally posted by Hot Pants
    *tawa ng tawa*

    sa aking opinyon ay may ibang diskusyon na hindi natin magagamitan ng wikang filipino, banal na tae . tulad ng sa agham at maging sa pilosopiya.
    hindi ako lubusang sumasang-ayon dito. sa tingin ko, maging ang agham at pilosopiya at anupamang larangan ng karunungan ay maaaring gamitan ng wikang filipino. hindi lang siguro tayo sanay.

  11. #11
    The "Family" Man
    Join Date
    Oct 2000
    Location
    The Family Garage

    Thumbs up

    Originally posted by Krelian
    Maraming beses ko nang sinubukan....

    ...ngunit ako'y nabigo.

    ...lahat ng kausap ko ay nag-iingles pa rin.

    If you cannot beat them, join them.

    Hindi bale, unang gagawin ko pagka-graduate. Magsusulat ako ng Talatinigang Pilipino ng mga salitang siyentipiko. Ayos ba iyon??
    Ayos iyan Ka Krelian, kung pupuwede ay pati mga terminong pang mataas na teknolohiya ay gawan mo rin ng katumbas sa salitang Filipino.

  12. #12
    Angkan ng mga Alamat terry ilaes's Avatar
    Join Date
    Mar 2001
    Location
    Bundok Maharlika

    Talking

    hindi ko naman sinasadya na magigles pero dito na ako lumaki
    sa montreal kaya kailangan ko talagang magisip kung gusto kong ibigkas kung ano man ang na sa isip ko. mas mahirap lang talaga. dito sa canada pwuenepwuersa kami lahat na mag french. hindi rin nakakatulong yon.

  13. #13
    The "Family" Man
    Join Date
    Oct 2000
    Location
    The Family Garage

    Talking

    Originally posted by ilpadrino
    Ayos iyan Ka Krelian, kung pupuwede ay pati mga terminong pang mataas na teknolohiya ay gawan mo rin ng katumbas sa salitang Filipino.
    Nga pala, kasama na nga siguro yun sa pinaplano mo Ka Krelian.

    [Edited by ilpadrino on 03-28-2001 at 04:20 AM]

  14. #14
    I love to play god
    Join Date
    Mar 2001
    Location
    Ivory Tower
    wica pewaweho>> Tama ka, may naisuwat.... ewww etse errr .... may naisulat na nga.

    ----------------------------------------------------------

    May nabili ako dati sa National Book Store. Nalimutan ko na yung pamagat at patnugot. ANg naaalala ko lang ay dilaw ang pabalat niya. Hindi ako kuntento sa pagkakasalin, parang mali.

    Heto yung mga halimbawa ng salita doon.

    Potential Energy = Lakas Potensyal

    Kinetic Energy = Lakas ng Enerhiya

    Kung Inggles lang ang alam kong salita at nabasa ko ito, iisipin ko na Energy = Lakas (tama? siguro), Potential = Potensyal (tama) at Kinetic = Enerhiya (mali). Nakuha niyo??

    -----------------------------------------------

    ilpadrino>> Kaya lang magagawan ko lang ng salin ay yung mga salita sa Math, Physics at Chemistry. Wala akong Biology eh. Hindi ko rin alam kung dapat pa bang Tagalugin yung mga "scientific names" ng mga hayop at parte ng katawan. Alam naman nating Latin ang mga ito at hindi Inggles.

  15. #15
    I love to play god
    Join Date
    Mar 2001
    Location
    Ivory Tower
    Originally posted by rowboat
    Originally posted by Hot Pants
    *tawa ng tawa*

    sa aking opinyon ay may ibang diskusyon na hindi natin magagamitan ng wikang filipino, banal na tae . tulad ng sa agham at maging sa pilosopiya.
    hindi ako lubusang sumasang-ayon dito. sa tingin ko, maging ang agham at pilosopiya at anupamang larangan ng karunungan ay maaaring gamitan ng wikang filipino. hindi lang siguro tayo sanay.
    Isa nga ito sa hindi ko talaga maintindihan. Kung iisipin natin, ang wika ng isang pamayanan ay nabubuo sa kung anu-ano ang bahagi ng araw-araw na pamumuhay ng pamayanan. Halimbawa may salita tayo kagaya ng bigas, kanin, puno, bahay, sakahan at kung anu-ano pang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

    Ngayon kung may isang dayuhang nag-aral ng ating wika at napuna na wala tayong mga salita sa pilosopiya at agham (ano ba sa tagalog ang "being"? ano ba sa tagalog ang "quantum mechanics"?) at mayroon tayong mga salitang kagaya ng nuno sa punso, kulam, albularyo at kung anu-anupang pamahiin. Iispin ng dayuhang ito na mas naniniwala ang mga Pilipino sa mga pamahiin kaysa sa agham. Tanda na hindi pa nga talagang umuunlad ang Pilipinas.

  16. #16

    kaya nga't pananagutan ngayon ng panlipunang pang-akademika na bumuo ng bokabularyong Filipino para sa mga larangang ito. at ito nga yata ang ginagawa sa ilang mga pamantasan kagaya ng U.P. at Ateneo.

    kung iisipin talaga natin ng mabuti, kahit ang Inggles ay binubuo ng mga salitang karamiha'y hiram. Ang salitang "quantum," halimbawa, ay isang katagang Latin.

    ang di-pag-unlad ng wikang Filipino sa mga larangang pang-akademika ay bunga marahil ng katamaran ng mga Pilipinong edukado na mag-isip sa wikang sariling atin. sa ibang mga bansang Asyano at pati sa mga bansang Europeo, matiyagang isinusulong ng mga pamantasan ang pagtubo ng kani-kanilang mga wika sa mga larangang pang-akademiko. sana naman tumulad tayo sa kanila.

  17. #17

    Talking hindi lang tamad!

    kasama na rin po dyan ang paghahati-hati kung ano talaga ang wikang pilipino. ilokano ba? kapampangan ba? cebuano ba? tagalog ba? ano ba talaga?

    isa pang maidadagdag kong suliranin ay ang pananatili sa karamihan ng mga pilipino ng kaisipang kanluranin na kung saan ang pagsasalita ng banyaga ay isang kakayahang nakaka-angat sa iba, kakayahang nagsasalamin ng antas ng karunungan at kakayahan ng isang tao o lipunan na tumatapak sa mga taong salat sa pagwika nito, na higit mong makikita at mababanaag sa buhay at araw araw na usapanng mga anak dalita, ordinaryong manggagawa at mga anak pawis. lubha namang nakakapagtaka kung ihahalintulad natin ang ating kalagayan sa bansang hapon, bansang tsina at bansang thailand at ilang pang kanugnog bansa natin dito sa asya na patuloy ang paglago ng kultura at industriya sa kabila ng hindi pagyakap sa salitang ingles o anumang banyaga bilang isang wikang kanilang sinasalita at kinikilala. samantalang, naririto ang pilipinas bilang pinakamalawak na bansa sa asya na kung saan ang ingles ay sinasalita. kung atin lamang pong susuriin, lubhang napaka-matulain ng ating wika, siksik sa kulay at kahulugan, kung atin lang susuriin ang mga sinulat ng mga naunang paham at mga tanyag na pilipinong tulad nila jose rizal, mabini, balagtas at maging si gat andres bonifacio, masasabi nating hindi talaga pala nararapat na kalimutan na ang wikang filipino ay ipaisantabi na lang natin.

    ilan ba sa tin ang tunay na nagbabasa ng mga aklat na ang akda ay pilino, tulad nina nick joaquin, lualhati bautista atbp. hindi pa huli upang muli nating itaas at pagyamanin ang ating wika sa dahilang kasabay nito ay ang pagtalikod at pagbaon natin sa limot kasama't kaakibat ang ating kultura.

    salamat po!

  18. #18

    Talking Re: hindi lang tamad!

    Originally posted by Ginataang_suso
    kasama na rin po dyan ang paghahati-hati kung ano talaga ang wikang pilipino. ilokano ba? kapampangan ba? cebuano ba? tagalog ba? ano ba talaga?
    Kung ihahalintulad natin sa mga ******, mayroon silang wikang Mandarin, Fookien, at Cantonese; nguni't Mandarin ang pambansang wika. Sa atin, tingin ko, walang pagahahati-hati dahil Filipino ang ating pambansang wika. Ang isang Pilipinong mangangalakal sa Tsina ay unang mag-aaral ng Mandarin dahil ito ang pambansang wika. Gayundin, and isang ****** na mangangalakal sa Pilipinas ay unang pinag-aaralan ang wikang Filipino at hindi Ilokano, Cebuano, o Bikol.

  19. #19

    Talking

    Originally posted by Krelian
    Originally posted by rowboat
    Originally posted by Hot Pants
    *tawa ng tawa*

    sa aking opinyon ay may ibang diskusyon na hindi natin magagamitan ng wikang filipino, banal na tae . tulad ng sa agham at maging sa pilosopiya.
    hindi ako lubusang sumasang-ayon dito. sa tingin ko, maging ang agham at pilosopiya at anupamang larangan ng karunungan ay maaaring gamitan ng wikang filipino. hindi lang siguro tayo sanay.
    Isa nga ito sa hindi ko talaga maintindihan. Kung iisipin natin, ang wika ng isang pamayanan ay nabubuo sa kung anu-ano ang bahagi ng araw-araw na pamumuhay ng pamayanan. Halimbawa may salita tayo kagaya ng bigas, kanin, puno, bahay, sakahan at kung anu-ano pang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

    Ngayon kung may isang dayuhang nag-aral ng ating wika at napuna na wala tayong mga salita sa pilosopiya at agham (ano ba sa tagalog ang "being"? ano ba sa tagalog ang "quantum mechanics"?) at mayroon tayong mga salitang kagaya ng nuno sa punso, kulam, albularyo at kung anu-anupang pamahiin. Iispin ng dayuhang ito na mas naniniwala ang mga Pilipino sa mga pamahiin kaysa sa agham. Tanda na hindi pa nga talagang umuunlad ang Pilipinas.
    Di kaya ito nagpapakita na ang Pilipino ay mas-emosyonal at mas-ispiritwal kesa pisikal at mental? Ang mga rebolusyong walang dugong dumadanak ay isa ring ebidensya nito.

  20. #20

    Talking

    Originally posted by Krelian
    Originally posted by rowboat
    Originally posted by Hot Pants
    *tawa ng tawa*

    sa aking opinyon ay may ibang diskusyon na hindi natin magagamitan ng wikang filipino, banal na tae . tulad ng sa agham at maging sa pilosopiya.
    hindi ako lubusang sumasang-ayon dito. sa tingin ko, maging ang agham at pilosopiya at anupamang larangan ng karunungan ay maaaring gamitan ng wikang filipino. hindi lang siguro tayo sanay.
    Isa nga ito sa hindi ko talaga maintindihan. Kung iisipin natin, ang wika ng isang pamayanan ay nabubuo sa kung anu-ano ang bahagi ng araw-araw na pamumuhay ng pamayanan. Halimbawa may salita tayo kagaya ng bigas, kanin, puno, bahay, sakahan at kung anu-ano pang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

    Ngayon kung may isang dayuhang nag-aral ng ating wika at napuna na wala tayong mga salita sa pilosopiya at agham (ano ba sa tagalog ang "being"? ano ba sa tagalog ang "quantum mechanics"?) at mayroon tayong mga salitang kagaya ng nuno sa punso, kulam, albularyo at kung anu-anupang pamahiin. Iispin ng dayuhang ito na mas naniniwala ang mga Pilipino sa mga pamahiin kaysa sa agham. Tanda na hindi pa nga talagang umuunlad ang Pilipinas.
    Di kaya ito nagpapakita na ang Pilipino ay mas-emosyonal at mas-ispiritwal kesa pisikal at mental? Ang mga rebolusyon kung saan walang dugong dumadanak ay isa ring ebidensya nito.

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

UAAP:

What are your predictions in the UAAP Season 77 basketball tournament?

What are your predictions in the UAAP Season 77 basketball tournament?

read more
NBA:

Lebron James returns to Cleveland Cavaliers

Lebron James returns to Cleveland Cavaliers

read more
SHOWBIZ:

Richard Yap on "Be Careful" bashers: "Mas marami kaming natutulungan kaysa sa naapakan"

Richard Yap on "Be Careful" bashers: "Mas marami kaming natutulungan kaysa sa naapakan"

read more
SPORTS:

Air Force escapes ADMU Lady Eagles 22-25, 25-13, 25-13, 23-25, 17-15 in V-League

Air Force escapes ADMU Lady Eagles 22-25, 25-13, 25-13, 23-25, 17-15 in V-League

read more
LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

President Noynoy Aquino rejects Butch Abad's resignation over DAP controversy

President Noynoy Aquino rejects Butch Abad's resignation over DAP controversy

read more
TV:

Jane, Daniel, Cheridel up for eviction on PBB All In

Jane, Daniel, Cheridel up for eviction on PBB All In

read more