PROMO: The Hangover 3

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3!

read more

PHOTOS: Alaska Sweeps Ginebra

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.

read more

Philippine Road-trip Destinations

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!

read more

PHOTOS: NU Outlasts AdU

The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: The Great Gatsby

Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience

read more

Page 3 of 111 FirstFirst ... 2 3 4 13 53 103 ... LastLast
Results 41 to 60 of 2207
  1. #41
    Quote Originally Posted by kapuso2dmax View Post
    sa Sept. 20 na

    KYLA and JAYR on DEAR FRIEND.






    Credit to Kit Sherwin Cruz





  2. #42




    Jennylyn Mercado, certified VIVA Artist na!



    PUMIRMA si Jennylyn Mercado sa Viva Artists Agency kamakalawa bilang co-manager na kay Becky Aguila.

    Nilinaw namin kay Jennylyn kung mapapalayo na ba siya sa GMA 7 dahil sa halip na magpa-co-manage sa GMA Ar*tists Center, sa Viva pa nakipag-partner si Becky.

    “Hindi naman po. Kapuso pa rin ako, malaki po ang utang na loob ko sa GMA. Nagdagdag lang po ng pamilya,” sagot ni Jennylyn.

    Doon sa contract signin*g ay dala pa ni Jennylyn ang kanyang anak na si Alex Jazz at proud na proud siya sa sobrang pagka-cute ng kanyang anak.

    Madalas na niya itong isinasama sa mga lakad niya dahil gusto nilang masanay ito sa mga tao.

    Dahil lagi niyang dala ang kanyang anak sa mga lakad nito, posibleng isa sa mga araw na ito ay masalubong niya si Patrick Garcia at makita ang kanilang anak.

    “Ay! Hindi ko pa po naiisip iyan. Huwag na muna nating pag-usapan ‘yan. Hindi naman kailangang paghandaan iyun eh, In God’s time po. Bahala na,” pahayag ni Jennylyn.

    Muling napag-usapan namin ni Jennylyn ang kaso niya laban sa dating PA niyang si Mel Pulmano na umakyat na sa korte.

    Napabalitang may warrant of arrest na raw na ise-serve kay Mel at hindi pa rin daw maisip ni Jennylyn na makitang nakakulong ang dating PA niya.

    “Siyempre, masakit pa rin sa akin. Matagal na rin po ang pinagsamahan namin. Pero iyun na po ang desisyon ng korte, eh. Wala na po akong mag@g@wa diyan.

    “Sa puso ko, napatawad ko na siya, matagal na. Pero sa korte na po kasi, eh.”
    Kahapon ay nasa sala ni Judge Vicencio S. Bac*lig ng Branch 77 ng QC-RTC ang abugado ni Mel na si Atty. Gail Angeles para dinggin ang hiniling nilang Accused’s Motion for Judicial Determination of Probable Cause with Motion to Lift Warrant of Arrest (If one has already been issued).

    Hindi umayon sa panig ni Mel ang desisyon ng korte dahil hindi raw nito jurisdiction ang kasong ito.

    Ayon sa abugado ni Mel, kakausapin pa niya ang kanyang kliyente na mas mabuting i-surrender na muna nito ang sa*rili at doon pa madesisyunan ng korte kung tuluyang makulong si Mel habang nililitis ang kaso o mapagbigyang makapag-post ito ng bail.

    Nanganganib makulong si Mel at maaring matagalan pa ito kung matagal ang paglilitis ng kaso.

    Nalulungkot ang abugado ni Mel dahil unfair daw ito. Hindi raw ito nakapatay ng tao, bakit kailangang ikulong?





    scoopbox : Ikaw Sana is the final title of the new primetime series of Jennylyn Mercado and Mark Herras that will start airing on Set. 21.

  3. #43



    Ikaw Sana nina Mark Herras at Jennylyn Mercado, sa September 21 na!!!

    Hindi na Now That I Have You, kundi Ikaw Sana ang title ng bagong soap nina Mark Herras at Jenny*lyn Mercado na magpa-pilot sa Sept. 21. Mula sa kanta ni Ogie Alcasid ang title ng soap na isang original production ng GMA 7 at papalit sa All My Life.

    Kasama rin sa Ikaw Sana si Pauleen Luna na min**sang na-link kay Mark at sa soap, gagampanan niya ang role ng kapatid ni Jennylyn at GF ni Mark na mai-in love kay Jennylyn ang karakter at dito magsisimula ang conflict.

    Magsisilbing reunion ng tatlong bida at ni direk Joel Lamangan ang Ikaw Sana dahil sila rin ang magkaka-trabaho sa pelikulang Blue Moon ng Regal Films.




    IKAW SANA : http://www.youtube.com/watch?v=38URr1GphGc




    *******



    Dear Friend presents Karibal Finale

    Sa pagtatapos ng Karibal episode sa Dear Friend, inamin na ni Darrell (Wendell Ramos) kay Cheska (Jennylyn Mercado) na si Claire (Jean Garcia) ang talagang mahal niya. Galit na galit si Cheska at feeling nito, inahas ng sariling ina ang BF niya at maglalayas sa sama ng loob.

    Hindi titigil si Claire sa paghahanap kay Cheska dahil ang anak lang ang pinaka-importante sa kanya at gagawin niya ang lahat umuwi lang ito. Magi-guilty si Darrell dahil nagkagulo ang mag-ina, kaya lalayo na lang muna siya.

    Paano magkakaayos ang mag-ina? Hindi na ba magkakatuluyan sina Claire at Darrell? Manood para malaman ang sagot sa Dear Friend sa direksyon ni Andoy Ranay after S.O.P.

  4. #44





    Mark Herras and Jennylyn Mercado paired anew in Ikaw Sana
    Sunday, September 13, 2009




    After their successful reunion in the afternoon TV drama Sinenovela Presents: Paano Ba Ang Mangarap?, a follow-up project for erstwhile lovers Mark Herras and Jennylyn Mercado is definitely in order.


    This September, GMA-7 teams them up anew in the upcoming primetime soap titled Ikaw Sana, to replace All My Life, which airs weeknights before 24 Oras.


    With their chemistry still in high gear, Mark and Jennylyn are very vocal in saying that they're more than ready to reignite their onscreen tandem in this newest original masterpiece.


    Pauleen Luna—who was also once linked with Mark Herras—joins them as Mark's other love interest in the story. Incidentally, Ikaw Sana also serves as a reunion for the three lead stars with director Joel C. Lamangan, who was their director in the 2005 Metro Manila Film Fest best picture, Blue Moon.


    Aside from Sinenovela Presents: Paano Ba Ang Mangarap Mark and Jennylyn were also part of the cast of I Luv NY, La Vendetta, Encantadia, Dear Friend, among others. Needless to say, both have gone a long way since they were proclaimed winners of GMA-7's artista search way back in 2004.


    Separately though, they have made names for themselves in their respective fields of interest other than acting—Mark as an excellent dancer, while Jennylyn, on the other hand, as an emerging concert diva.


    Ikaw Sana is an original production by GMA-7.

  5. #45
    Fire & Blood broads's Avatar
    Join Date
    Oct 2006
    Location
    London/Seoul/Tokyo
    PROUD TO BE KAPUSO - WHERE YOU BELONG

    PEAK | PILOT | DIFF. | SHOW

    52.6 | 36.6 | +16.0 | MariMar
    52.1 | 47.1 | +05.0 | Darna 2005
    48.7 | 45.9 | +02.8 | Encantadia
    48.6 | 33.0 | +15.6 | Mulawin
    47.5 | 44.1 | +03.4 | Darna 2009
    45.3 | 34.0 | +11.3 | Majika
    44.9 | 44.9 | +00.0 | Dyesebel
    44.9 | 37.5 | +07.4 | Captain Barbell
    43.6 | 42.7 | +0.90 | Kamandag
    42.2 | 36.6 | +05.6 | Joaquin Bordado
    41.8 | 41.8 | +00.0 | Asian Treasures
    40.2 | 38.9 | +01.3 | Luna Mystika
    40.1 | 40.1 | +00.0 | Codename: Asero
    40.0 | 36.5 | +03.5 | Sugo
    40.0 | 35.8 | +04.2 | LaLola
    40.0 | 34.6 | +05.4 | Zaido: Pulis Pangkalawakan
    39.7 | 34.4 | +05.3 | Bakekang
    39.3 | 35.4 | +03.9 | I Luv NY
    39.3 | 34.5 | +04.7 | Gagambino
    38.6 | 38.6 | +00.0 | Etheria
    38.2 | 36.7 | +01.5 | Totoy Bato
    38.2 | 35.9 | +02.3 | Super Twins
    38.2 | 33.8 | +04.4 | Ako Si Kim Sam Soon
    37.8 | 37.8 | +00.0 | Lupin
    37.8 | 27.5 | +11.3 | Impostora
    37.7 | 34.1 | +03.6 | Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas
    37.6 | 28.0 | +09.6 | Babangon Ako't Dudurugin Kita
    37.2 | 28.7 | +08.5 | Mga Mata ni Anghelita
    36.6 | 28.7 | +07.9 | La Vendetta
    36.4 | 35.8 | +00.6 | Zorro
    35.1 | 26.3 | +08.8 | Rosalinda
    34.1 | 25.4 | +09.7 | Adik Sa'Yo
    33.6 | 25.5 | +08.1 | Atlantika
    33.3 | 32.9 | +00.4 | Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang
    32.6 | 26.1 | +06.5 | All About Eve
    29.1 | 23.6 | +05.5 | All My Life



    source: AGB Nielsen Philippines

  6. #46

  7. #47

  8. #48
    UPDATED:


    PILOT RATINGS OF GMA PRIMETIME LOCAL TV SERIES

    An Exclusive Compilation




    April 11, 2005
    *Darna 2005 47.1%

    May 2, 2005
    *Encantadia 45.9%

    April 28, 2008
    *Dyesebel 44.9%

    August 10, 2009
    *Darna 2009 44.1%

    November 19, 2007
    *Kamandag 42.7%

    January 15, 2007
    Asian Treasures 41.8%

    July 14, 2008
    *Codename: Asero 40.1%

    November 17, 2008
    *Luna Mystika 38.9%

    December 12, 2005
    *Etheria 38.5%

    April 9, 2007
    *Lupin 37.8%

    May 29, 2006
    *Captain Barbell 37.5%

    February 23, 2009
    *Totoy Bato 36.7%

    February 11, 2008
    *Joaquin Bordado 36.6%

    August 13, 2007
    *Marimar 36.6%

    July 04, 2005
    *Sugo 36.5%

    February 12, 2007
    *Super Twins 35.9%

    March 23, 2009
    *Zorro 35.8%

    May 15, 2006
    *I Luv NY 35.4%

    October 13, 2008
    *LaLola 35.1%

    September 24, 2007
    *Zaido: Pulis Pangkalawakan 34.6%

    October 20, 2008
    *Gagambino 34.5%

    September 11, 2006
    *Bakekang 34.4%

    February 20, 2006
    *Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas 34.1%

    March 20, 2006
    *Majika 34.0%

    June 30, 2008
    *Ako Si Kim Sam Soon 33.8%

    September 14, 2009
    *Stairway to Heaven 33.5%*

    August 2, 2004
    *Mulawin 33.0%

    February 2, 2009
    *Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang 32.9%

    October 29, 2007
    *La Vendetta 28.7%

    July 2, 2007
    *Mga Mata ni Anghelita 28.7%

    March 24, 2008
    *Babangon Ako't Dudurugin Kita 28.0%

    June 4, 2007
    *Impostora 27.5%

    July 6, 2009
    *Rosalinda 26.3%

    March 9, 2009
    *All About Eve 26.1%

    October 3, 2006
    *Atlantika 25.5%

    June 8, 2009
    *Adik Sa'Yo 25.4%

    June 29, 2009
    *All My Life 23.6%


    ======================================================



    PROUD TO BEKAPUSO - WHERE YOU BELONG

    PEAK | PILOT | DIFF. | SHOW

    52.6 | 36.6 | +16.0 | MariMar
    52.1 | 47.1 | +05.0 | Darna 2005
    48.7 | 45.9 | +02.8 | Encantadia
    48.6 | 33.0 | +15.6 | Mulawin
    47.5 | 44.1 | +03.4 | Darna 2009
    45.3 | 34.0 | +11.3 | Majika
    44.9 | 44.9 | +00.0 | Dyesebel
    44.9 | 37.5 | +07.4 | Captain Barbell
    43.6 | 42.7 | +0.90 | Kamandag
    42.2 | 36.6 | +05.6 | Joaquin Bordado
    41.8 | 41.8 | +00.0 | Asian Treasures
    40.2 | 38.9 | +01.3 | Luna Mystika
    40.1 | 40.1 | +00.0 | Codename: Asero
    40.0 | 36.5 | +03.5 | Sugo
    40.0 | 35.8 | +04.2 | LaLola
    40.0 | 34.6 | +05.4 | Zaido: Pulis Pangkalawakan
    39.7 | 34.4 | +05.3 | Bakekang
    39.3 | 35.4 | +03.9 | I Luv NY
    39.3 | 34.5 | +04.7 | Gagambino
    38.6 | 38.6 | +00.0 | Etheria
    38.2 | 36.7 | +01.5 | Totoy Bato
    38.2 | 35.9 | +02.3 | Super Twins
    38.2 | 33.8 | +04.4 | Ako Si Kim Sam Soon
    37.8 | 37.8 | +00.0 | Lupin
    37.8 | 27.5 | +11.3 | Impostora
    37.7 | 34.1 | +03.6 | Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas
    37.6 | 28.0 | +09.6 | Babangon Ako't Dudurugin Kita
    37.2 | 28.7 | +08.5 | Mga Mata ni Anghelita
    36.6 | 28.7 | +07.9 | La Vendetta
    36.4 | 35.8 | +00.6 | Zorro
    35.1 | 26.3 | +08.8 | Rosalinda
    34.1 | 25.4 | +09.7 | Adik Sa'Yo
    33.6 | 25.5 | +08.1 | Atlantika
    33.5 | 33.5 | +00.0 | Stairway to Heaven
    33.3 | 32.9 | +00.4 | Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang
    32.6 | 26.1 | +06.5 | All About Eve
    29.1 | 23.6 | +05.5 | All My Life



    source: AGB Nielsen Philippines

  9. #49
    GMA Kapuso 2009 UPDATED LIST


    =================================================


    *IKAW SANA
    GMA TELEBABAD
    SEPTEMBER 21, 2009



    *SINENOVELA PRESENTS: KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT
    DRAMARAMA SA HAPON
    SEPTEMBER 28, 2009



    *SINENOVELA PRESENTS: TINIK SA DIBDIB
    DRAMARAMA SA HAPON
    SEPTEMBER 28, 2009



    =================================================



    GMA TELEBABAD 2009-2010



    *FULL HOUSE
    GMA TELEBABAD
    NOVEMBER 2009


    *STARSTRUCK V
    GMA TELEBABAD
    NOVEMBER 2009


    PRINCE CHARMING
    GMA TELEBABAD

    *COFFEE PRINCE
    GMA TELEBABAD

    *ATTIC CAT
    GMA TELEBABAD



    =================================================


    GMA DRAMA RAMA HAPON

    SINENOVELA PRESENTS:


    - Muling Buksan Ang Puso
    - Do-Re-Mi
    - Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa
    - Hindi Mo Ako Kayang Tapakan
    - Pinulot Ka Lang Sa Lupa



    =================================================


    GMA ASIANOVELAS

    - Operation Love
    - East of Eden
    - Gourmet
    - Worlds Within
    - Temptation of Wife
    - Proposal Daisakusen
    - Eyes of Dawn
    - H.I.T.
    - Immortal Admiral Yi Sun-Shin
    - 90 Days of Falling in Love
    - Orange Days
    - Rustic Period
    - Sleeping Forest
    - Smiling Pasta
    - Snow Queen
    - Sons and Daughters
    - Tantei Gakuen Q
    - The Magicians of Love
    - The Present
    - Tomato
    - What is Love
    - White Tower


    =================================================


    GMA FILMS


    *ANG SPOILED BRAT!
    Micheal V. and Ogie Alcasid
    Directed by: Uro Dela Cruz
    September 23, 2009


    *PATIENT X
    Richard Guttierez and Cristine Reyes
    Directed by: Yam Laranas
    October 28, 2009


    *Babang Luksa
    Mark Herras and Jennylyn Mercado
    November 4, 2009


    *ANG PANDAY
    Bong Revilla Jr., Rhian Ramos, Iza Calzado
    Directed by: Mac Alejandre
    MMFFP 2009



    =================================================

    Upcoming shows and skeds are subject to change.


    =================================================

  10. #50

  11. #51
    Fire & Blood broads's Avatar
    Join Date
    Oct 2006
    Location
    London/Seoul/Tokyo
    correction lang, and i dont think tuloy ang babaeng luksa, new film from gma films 2 weeks after their last once isnt good~


    =================================================


    GMA FILMS



    *ANG SPOILED BRAT!
    Micheal V. and Ogie Alcasid
    Directed by: Mike Tuviera
    September 23, 2009


    *PATIENT X
    Richard Guttierez and Cristine Reyes
    Directed by: Yam Laranas
    October 28, 2009


    *Babang Luksa
    Mark Herras and Jennylyn Mercado
    November 4, 2009


    *ANG PANDAY
    Bong Revilla Jr., Rhian Ramos, Iza Calzado
    Directed by: Rico Gutierrez and Mac Alejandre
    MMFFP 2009



    =================================================
    [/B]

  12. #52




    Jennylyn Mercado says ex-boyfriend Mark Herras still has a special place in her life

    Glen P. Sibonga



    Excited na si Jennylyn Mercado sa pagbabalik niya sa primetime via GMA-7's new drama series Ikaw Sana, kung saan muli silang magtatambal ni Mark Herras matapos ang kanilang huling ginawang afternoon soap na Sine Novela Presents Paano Ba Ang Mangarap?.



    "Sobrang saya po namin ni Mark na binigyan ulit kami ng GMA ng bagong soap tapos sa primetime pa," bulalas ni Jennylyn nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang showbiz press sa grand launch ng Ikaw Sana kagabi, September 15, sa Studio 6 ng bagong GMA Building.



    Happy din si Jen na si Direk Joel Lamangan ulit ang direktor nila sa Ikaw Sana. Naging direktor na nina Jennylyn at Mark si Direk Joel sa telebisyon, gaya ng Paano Ba Ang Mangarap?, at maging sa pelikulang Blue Moon. Kumusta naman ang reunion with Direk Joel?



    "Masaya kasi na-miss namin si Direk Joel. Si Direk Joel yung tao na pag siya yung direktor, lahat kami talagang tutok. Wala kaming time makipagkuwentuhan. Kasi ganun siya kabilis. At saka yung phasing ng taping, hindi pa tapos yung isang eksena, naka-set up na yung isang eksena. Ganun kabilis magtrabaho si Direk."



    MARK HERRAS. Ano ang bago sa balik-tambalan nila ni Mark?



    "Bago yung characters, bago yung takbo ng istorya, bago yung atake ng bawat eksena. Bago rin ang mga kasama namin sa soap," sagot ni Jennylyn.



    Ginagampanan ni Jennylyn ang role ni Eliza Montemayor, isang music teacher na nang mamatay ang kanyang nanay ay kinupkop siya ng kanyang tatay na may ibang pamilya na. Pero magugulo ang kanyang buhay dahil pareho sila ng kanyang stepsister na si Sofia, played by Pauleen Luna, na magkakagusto sa isang lalaki lang. Si Mark ang gumaganap sa role na Michael, ang lalaking pag-aagawan nila ni Pauleen.



    How is it working with Mark again?



    "Siyempre masaya. Sobrang kumportable na ako kay Mark kaya madali na lang yung pagtatrabaho sa amin," sabi ni Jennylyn tungkol sa kanyang ex-boyfriend at co-StarStruck winner.



    Sa huli nilang soap ay may mga kissing scenes na sila ni Mark, at hindi rin daw mawawala ang naturang mga eksena sa Ikaw Sana.



    Kahit na ilang beses na ring pinaghiwalay ang kanilang tambalan in the past, patuloy pa rin silang tinatangkilik ng mga fans sa tuwing nagsasama sila ulit. Ano ba ang sikreto ng tambalan nila?



    "Hindi ko alam. Well, siguro kasi never naman kaming nag-pretend sa mga tao. Never namin sila niloko. Kumbaga, naging saksi ang mga tao sa mga pinagdaanan namin ni Mark sa career namin at pati sa relationship namin. Wala kaming itinago. Thankful naman kami dahil hindi kami iniwan ng mga fans namin."



    Pero special pa rin ba si Mark sa puso niya?



    "Oo, lagi ko namang sinasabi na lagi siyang may special place sa aking buhay," sabi ni Jen.



    Sa tinging niya puwedeng si Mark pa rin ang right guy for her?



    "Why not? Hindi naman imposible yun, e."



    Aminado naman si Jen na close daw ang anak niyang si Alex Jazz o AJ kay Mark. Sa katunayan, madalas daw dumalaw si Mark sa house nila para laruin si AJ. Si Mark pa lang daw among sa mga lalaking nali-link kay Jen ang nakakasama ni AJ. Maging ang ama ni AJ na si Patrick Garcia, o ang natsitsismis na boyfriend ni Jen na MYX VJ na si Andrei Felix, ay hindi pa nakikita si AJ.



    "Si AJ dinadalaw po talaga ni Mark. Ninong po kasi siya," banggit ni Jen.



    PAULEEN LUNA.
    Si Pauleen Luna ang gumaganap na Sofia, ang stepsister ni Eliza sa Ikaw Sana. Ayon kay Jen, marami raw silang confrontation scenes ni Pauleen dito na dapat abangan ng mga manonood.



    "Yun po ang dapat abangan sa amin ni Pauleen. Kasi sa simula okay kami sa isa't isa, e. Pero dahil nga kay Mark ay magugulo ang buhay namin. Maraming gagawin si Pauleen dito para paghiwalayin kami ni Mark," sabi ni Jen.


    Paano ang naging set-up nila ni Pauleen, lalo na't na-link din ito kay Mark in real life? Nagkailangan ba silang dalawa?



    "Hindi po, kasi okay naman kami, e. Kami ni Pauleen, talagang magkaibigan kami niyan. Nagte-text kami. Nagpe-Facebook kami. Never kaming nagkaroon ng gap."



    PATRICK GARCIA.
    Paano naman kaya pinaghahandaan ni Jennylyn na isang araw ay darating din yung panahon na magkikita si AJ at ang ama nitong si Patrick Garcia?



    "Sa ngayon kasi, gusto ko munang i-enjoy niya yung childhood niya. Hindi pa naman siya nakakaintindi, so wala pa namang akong dapat ipaliwanag. Or wala pa akong dapat i-explain. Bata pa naman si AJ. Pero dadating din naman yun, e, in God's time. Pero sa ngayon malabo, wala pa," saad ng actress-singer.



    Natanggap na ba ni Patrick na siya talaga ang ama ni AJ?



    "Hindi ko alam po. Bakit sa akin n'yo tinatanong? Tanungin n'yo po siya," sagot ni Jen.



    Balitang naka-move on na raw si Patrick, ano ang comment niya rito?



    "Okay lang sa akin yun. Walang problema yun."



    Maging si Jen ay naka-move on na raw. Ready na ba siyang ma-in love ulit?



    "Hindi na muna, work na muna. At saka may AJ na ako, e. Siya yung main priority ko, tapos work. Kaya rin ako nagtatrabaho dahil sa kanya. Kaya rin ako nandito dahil sa kanya. So, sa kanya lang umiikot ang mundo ko ngayon."


    GLAIZA DE CASTRO.
    Ayon kay Glaiza de Castro, na na-link naman kay Patrick Garcia, okay naman silang dalawa ni Jennylyn. Totoo ba ito?



    "Oo naman. Okay naman kami pag nagkikita like sa SOP, hello, hi, kumusta, ganun," ani Jen.



    Sincere ba yun?



    "Sincere. Ako naman yung tao na hindi plastik, e. Kilala n'yo naman ako na pag masungit, masungit talaga ako," aniya.



    Kung halimbawang hihingi ng advise sa kanya si Glaiza, ano ang ipapayo niya rito?



    "Hindi, wala ng advise. Ayokong mag-comment. Ayokong makialam kasi hindi ko naman buhay yun, e. Kung anuman yung meron sila ni Patrick, sa kanila yun. Ayokong makialam."



    Ayaw nga munang isipin ni Jennylyn ang mga kung anu-anong intriga sa kanya. Masyado raw siyang busy sa Ikaw Sana at sa iba pa niyang mga projects para intindihin pa ang mga intriga.



    Bukod kina Jennylyn, Mark at Pauleen, kasama rin sa cast ng Ikaw Sana sina Tirso Cruz III, Maritoni Fernandez, Mariz Ricketts, Marissa Delgado, Tony Mabesa, Luz Valdez, Alicia Alonzo, Vaness del Moral, Janna Roxas, Arthur Solinap, Joey Paras, Jim Pebangco, at Vivo Ouano.



    Mapapanood na ang Ikaw Sana simula sa Lunes, September 21, bago ang 24 Oras sa GMA Telebabad.




    ******************




    IKAW SANA : Isang reunion sa prime time

    IGMA.tv



    'Ikaw Sana' is set to start on September 21, 2009 replacing the Aljur-Kris show, 'All My Life'. Starring Mark Herras, Jennylyn Mercado and Pauleen Luna, this show is a reunion of sorts sa prime time Telebabad block ng GMA.

    Sa press launch ng pinaka bagong prime time show ng GMA, ang Ikaw Sana, nagmistulang reunion ang nangyari dahil bukod sa ito ang balik tambalan nila Mark Herras at Jennylyn Mercado, after the very successful Dramarama series- Paano Ba Ang Mangarap?, this is also Pauleen Luna's reunion with Mark and Jen, and of course Direk Joel Lamangan, after the critically-acclaimed movie Blue Moon.

    Direk Joel made known his feelings sa reunion na ito bago pa man magsimula ang press conference.

    "Excited, because ngayon po ay idi-direk ko ang isa sa mga most bankable love teams ngayon-- si Jennylyn at Mark Herras. Nakasama ko na ang dalawa sa Paano Ba Ang Mangarap? sa Dramarama. Magtratrabaho na naman kami this time sa Telebabad. Excited po ako dahil challenging ito. But along with the show's staff and crew malakas ang pakiramdam ko na this would be a great success. Actually, this is sort of a reunion sa aming apat nila Jennylyn, Pauleen at ni Mark, dahil dati na po kaming magkasama sa isang pelikula na ginawa ko para sa film festival, ang Blue Moon," ang pahayag ng multi-awarded director.

    Dinagdagan pa ito ng AVP for Drama ng GMA, na si Ms. Lilybeth Rasonable, with an explanation kung bakit nila naiisip ang reunion na ito sa prime time.

    "Noong una naming inisip kung ano ang ipapalit sa All My Life, ano 'yung susunod naming gagawin, talagang iisang couple lang ang naisip namin at iyon ay si Mark at si Jennylyn. Kasi napatunayan nila na 'yung tambalan nila ay talagang napaka solid at matatag kahit anong pinagdaanan nila, sila pa din. At napatunayan din nila na kaya nilang mag heavy drama at hindi na 'yung pa-tweetums after Paano Ba Ang Mangarap?, which garnered very high ratings. We are very confident that Ikaw Sana will even surpass that. "

    A tried and tested formula and one of the strongest love team in the country, Ikaw Sana will no doubt bring us another interesting story that will entertain our Telebabad nights.

    Ikaw Sana, premiers on September 21, 2009 before 24 Oras.

  13. #53











    Mark Herras, may pagnanasa pa rin kay Jennylyn Mercado

    Ni JUN NARDO



    TULUYAN na raw tinanggal nina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang ‘hiya’ nila sa isa’t isa, nga*yong magkasama na naman sila sa primetime series na Ikaw Sana.


    “Marami na kaming pinagdaanan, pinagsamahan kaya ginagawa na namin ang lahat, ‘yung tama para mapaganda ang series,” bungad na sabi ni Jen.
    May bago bang mapapanood sa kanila?


    “Siguro, mas maraming mangyayari na iba. Iba ‘yung story. Mas maraming kissing scenes! Ha! Ha! Ha!


    “Hindi gaya ng dati na bagets kami. Mas mai-express namin ngayon ang feelings namin,” tugon naman ni Mark.


    Pareho pa silang loveless, huh!


    “Oo, pero malay ninyo! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Mark.


    “Si AJ ang pinaka-love ko ngayon! Wala nang iba,” sagot naman ni Jen na sa totoo lang ay seksing-seksi ngayon.


    Teka, mukhang sariwang-sariwa si Mark ngayon?


    “Naman! Para poging-pogi! Ha! Ha! Ha!” reaksyon ni Mark.


    At pareho pa niyang naging karelasyon ang mga kasama niya sa Ikaw Sana, sina Jen at Pauleen Luna.


    “Hindi! Nagkaroon kami ng isyu ni Pau noon, pero friends lang kami. Kami ni Jen ngayon, wala nang hassle sa set hindi gaya nu’ng bata pa kami.

    Wala na kaming arte-arte. Nangyayari sa amin dati ‘yong nahahalata na may away kami,” pahayag ni Mark.


    Ngayong loveless si Jen, hindi nagsasara ng pinto si Mark sa muling pagababalikan nilang da*lawa.


    “‘Yung relasyon ko with Jen ang pinakamatagal at hindi ko malilimutan!

    Ang nagbago sa kanya, ‘yung nag-mature na! Minsan may oras na napapatitig ako ngayon kay Jen. Kung maganda na siya before, mas maganda siya ngayon!” tugon ni Mark.


    May pagnanasa ba ba siya?


    “Ha! Ha! Ha! Palitan natin ang word. ‘Yung may feelings pa rin! Ha! Ha! Ha!” kaswal na tu*gon ni Mark.


    Naku, ganun din ‘yon, ‘no! Pagnanasa pa rin ‘yon. Ha! Ha! Ha! Ha!




    **********



    MARK OPEN TO SECOND WIND ROMANCE WITH JEN

    HOW come it took so long before Mark Herras was given a new series after "Paano Ba ang Mangarap" where as his partner Jennylyn Mercado was featured in "SRO Cinemaserye" and "Dear Friend"? "Hindi ko rin po alam," he says. "Bale three months ding 'SOP' lang ang ginagawa ko. At least, nakapahinga ako. But GMA did send me to the U.S. to do shows to promote GMA Pinoy TV. Pero I'm happy na balik-tambalan kami ni Jen on primetime in 'Ikaw Sana', which also reunites us with our 'Mangarap' director, Joel Lamangan."

    So how is it working with Jen again? "I always enjoy working with her. Everybody says bagay talaga kami and we haven't lost our chemistry. We're now more at ease with each other, unlike before na may mga ilangan at tampuhan pa."

    Is there no possibility for their love affair to be rekindled? "Everything is possible and I'm not closing the doors. My (past) relationship with her was the longest that I had with any girl kasi halos two years din kami. At mas maganda nga siya ngayon, mas sexy. So kung mababalik yung dati, why not? Baka mas magtagal na kasi we're both more mature now."

    Would he say to Jen their new show's title "Ikaw Sana"? "Di ba puwede siya ang magsabi sa'kin na sana ako na lang?" he laughs. "Ikaw Sana" starts airing on Monday at 6 p.m., replacing "All My Life".




    **********



    Mark at Jennylyn, special sa isa't isa
    Salve Asis

    Parehong umaamin sina Jennylyn Mercado at Mark Herras na may special feelings pa sila para sa isa’t isa. As in sinabi ni Jennylyn na puwedeng maging sila uli ni Mark. In fact, ito lang ang masasabi niyang malapit sa anak niyang si Alex Jazz (AJ).

    Puwedeng dumalaw ng madalas ang aktor sa kanilang bahay para makalaro ng anak nila ni Patrick Garcia.

    Katuwiran ni Jennylyn, ninong naman ng anak niya si Mark kaya okey sa kanya kung dumalaw man ito ng madalas.

    Say naman ni Mark, wala namang masama kung dumadalaw siya sa bahay nila Jennylyn dahil nagi-enjoy siyang kalaro ang anak nito.

    Wala naman talaga sigurong masama kung magiging sila uli.

    Ngayon pa, magkasama sila sa bagong teleserye ng GMA 7, ang Ikaw Sana.

    Huli silang napanood sa afternoon drama na Paano Ba Ang Mangarap.

    Successful ang nasabing balik-tambalan nila kaya ginawan uli sila ng GMA 7 ng Ikaw Sana.

    Si Eliza Montemayor si Jennylyn dito na isang music teacher whose life is about to change. Namatay ang kanyang ina kaya napilitan siyang tumira sa legitimate family ng kanyang ama kasama ang half sister niyang si Sofia na ginagampanan ni Pauleen Luna.

    Pero bukod sa pareho ang kanilang ama, na-realize nila na iisa rin ang gusto nilang lalaki, si Michael na ginagampanan ni Mark.

    Si Joel Lamangan ang director ng Ikaw Sana na magsisimulang mapanood sa September 21 bago mag-24 Oras sa GMA Telebabad.



    **********



    Mark Herras, tuwang-tuwa sa anak ni Jennylyn Mercado
    Abu Tilamzik


    PASKO na ang theme ng presscon ng Ikaw Sana nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Ramdam na ramdam mo ito dahil napakalamig sa loob ng studio.
    In fairness sa dalawa, nandiyan pa rin ang ma*gic ng kanilang loveteam at kahit feeling mo para lang sa promo ang mga komento nila sa isa’t isa, naramdaman mo namang sincere sila sa mga sina*sabi nila.
    Naikuwento ni Jennylyn na dumadalaw paminsan-minsan si Mark sa bahay nila para kumustahin ang inaanak nitong si Alex Jazz.
    Hanggang ngayon ay malapit pa rin kasi si Mark kay Mommy Ly*dia na sa totoo lang, iisa lang ang gusto nitong makatuluyan ni Jennylyn, si Mark lang.
    Tuwang-tuwa si Mark sa baby at minsan ay naikuwento nito kay Patrick Garcia na kamukhang-kamukha nito ang bata.
    Tahimik lang daw si Patrick na gusto raw nitong makita ang kanyang anak.

    Si Jennylyn naman ay iniiwasan nang pag-usapan si Patrick lalo na pagdating sa kanilang anak.
    Iyun pa rin ang sagot niyang in God’s time ay makikita ni Patrick ang kanilang anak at doon na lang daw niya pag-iisipan kung paano niya ito ipaliwanag sa kanyang anak.
    Tinanong namin si Jennylyn, sakaling may bago siyang makarelasyon, okay lang ba sa kanya na ito na ang ipakikilala niyang ama ng kanyang anak?
    “Opo, okay lang po. Basta mahalin lang niya si AJ at ituring na anak niya ay okay na po sa akin iyun,” sagot agad ni Jennylyn.
    Sakaling si Mark pala iyun, puwede na rin ba sa kanya na si Mark ang kilalanin nitong ama?
    “Bakit hindi?” mabilis niyang sagot. “Lahat naman po, posible, eh. Hindi natin masasabi kung ano ang puwedeng mangyari, pero ngayon naman, nakikita ko natutuwa si Mark sa pagiging ninong kay AJ.”
    Okay na okay din si Mark na kilalaning anak si AJ sakaling magka*balikan sila ni Jennylyn. Napamahal daw sa kanya ang bata at noon pa man ay walang nabago sa closeness nila kahit magkaibigan na lang sila.
    Nilinaw ni Mark na hindi niya inaagaw kay Patrick ang pagiging ama nito. Ang payo niya kay Patrick na dapat si Jennylyn ang kausapin nito para mapagbigyan na siyang makita ang anak.
    “Kay Jen lang naman ‘yan lahat, eh. Si Jen lang ang susi para mabigyan na siya ng chance na makita ang baby. Nasa kanya na iyun kung kailan niya gustong kausapin si Jennylyn,” pahayag ni Mark.

  14. #54




    Jennylyn Mercado bides time cautiously about getting into another relationship
    Rose Garcia



    Mukhang hiyang na hiyang si Jennylyn Mercado sa pagiging isang ina. Tila nang mabuntis at magkaanak siya ay mas gumanda pa ang katawan niya at sumeksi. Very evident ito sa ginanap na press conference ng Ikaw Sana, ang bago niyang primetime series sa GMA-7 with Mark Herras, last Tuesday, September 15.



    Halos lahat ng entertainment press ay nagkakaisa sa pagsasabing sumeksi si Jennylyn ngayon.



    "Actually, kung gusto n'yo naman pong magpapayat, iba pa rin kapag pursigido kang talaga," sabi ng actress-TV host. "Noong Paano Ba Ang Mangarap? pa lang, medyo fit na rin ako noon. Actually, tumaba na nga rin ako as compared na sobrang payat ko. Feeling ko, may sakit ako palagi."



    Feeling din ni Jen, malaking factor ang anak niyang si AJ, na one year old na ngayon, sa madaling pagpapayat niya.



    "Iba na kasi ngayon. Mas masaya. Hindi katulad noon na matutulog, iinom ng milk. Ganoon lang. Ngayon, tumatakbo, tumatawa, sumasayaw. Katulad na lang kapag magte-taping ako, pagdating ko, kahit madaling-araw, nagigising siya. So, tanggal lahat ng pagod mo. Totoo pala yun," saad ni Jennylyn.



    THE LOVE STORY CONTINUES...
    Sa muling pagtatambal nina Jennylyn at Mark, siyempre, hindi maiwasang isipin ng fans na magkakabalikan sila. Lalo pa nang magpahayag si Mark na posibleng sa huli ay baka sila pa rin pala talaga ang magkakatuluyan. (Click here to read related story.)



    Ano ang masasabi rito ni Jennylyn?



    "Wala namang problema dun, siguro in time," sagot ng actress-singer.



    Open ba si Mark sa nararamdaman niya para sa kanya?



    "Oo naman," ani Jennylyn.



    Tapos, parang nabigla sa sinagot, sabay sabing: "Ha? Ano nga ang sinabi ko? Hahaha! Siya na lang siguro ang tanungin n'yo."



    Naiisip din ba ni Jennylyn na sila pa rin ni Mark ang magkakatuluyan sa huli?



    "Well, sa ngayon, hindi nila ako masisisi kung bakit parang takot ako na pumasok sa isang relationship. Ngayon kasi, masaya ako na wala, single, na si AJ lang, ganoon. Pero in time, darating din yung time na... di ba? Lalo na single naman ako, hahanap din ako ng taong makakasama ko."



    Posibleng si Mark yun?



    "Oo naman, oo naman!" sagot niya. "Hindi naman masama, e. Pero hindi nga lang natin masasabi. Siyempre, hindi pa rin naman natin hawak kung ano ang mangyayari sa atin."



    Nakikita rin daw ni Jennylyn na mahal ni Mark ang anak niyang si AJ, na madalas dinadalaw ng young actor. Si Mark ay isa sa mga ninong ng anak ni Jennylyn sa dati nitong boyfriend na si Patrick Garcia.



    Natawa naman si Jennylyn nang sabihin namin sa kanya na okay lang kay Mark na tawagin siyang "daddy" ni AJ imbes na "ninong."



    "Talaga? Okey lang, oo naman... Dumadalaw naman yun sa bahay. Pero, hindi naman ako ang dinadalaw nun, si AJ!" sabi ni Jennylyn.



    Pero ayon kay Mark, kasama na rin si Jennylyn at ang Mommy Lydia nito sa dinadalaw niya.



    "Ha? Tumbling! Tumbling talaga!" natatawang reaksiyon ni Jennylyn.


    Posible kayang pagpapahiwatig na ni Mark 'yon na gusto niyang magkabalikan sila?



    "Ewan ko... hindi ko masyadong... hindi ko pa alam talaga," tila nahihirapang sagot ni Jennylyn. "Kung meron siguro, malalaman n'yo rin. Pero ngayon siguro, wala pa. Hanggang dun pa lang siya, yung pupunta sa bahay. Kahit wala ako, pupunta siya para lang talagang makita si AJ."



    Mabilis ang naging tugon ni Jennylyn sa tanong, paano kung ang kani-kanilang pamilya ay boto para sa kanilang dalawa?



    "Oo naman!" sambit niya. "Importante yun, e. Hindi kasi magwo-work out kung hindi tutulong ang parents, mga mahal mo sa buhay, malalapit sa 'yo. Sobrang importante yun. Kung love ka nila, sila ang makikipaglaban para sa 'yo."



    NO REGRETS. Wala naman daw regrets si Jennylyn kung anuman ang nangyari sa buhay nila ni Mark after their relationship. Like, kung wala sanang Patrick Garcia, posibleng sila pa rin.



    "A, hindi, hindi naman... Kasi, blessed pa rin ako dahil nandito naman si AJ. So, hindi naman ako nanghihinayang na dumating din siya. Di ba, ang dami ko rin natutunan? Lahat naman tayo natututo tayo sa mistakes natin, e. At yung mga mistakes na yun, hindi na natin uulitin, or hindi na natin babalikan yun.



    "So, thankful na rin ako na nangyari sa akin yun. Natuto na rin ako. Alam ko na hindi pala ganoon kadali. Sa susunod, kailangan hindi na ako magmadaling muli," pahayag ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor.



    Hindi pa rin ba siya ready na ipakita si AJ sa ama nito?



    "Ayoko nang pag-usapan. Kung puwedeng out na, out na," iwas niya.



    Dahil dito, may nagtanong kay Jennylyn kung bakit tila matindi pa rin ang galit niya, gayong sinasabi niyang she's blessed naman at si Patrick naman ang nagbigay sa kanya ng anak niya?



    "Wala kasi kayo sa sitwasyon ko," sagot niya. "Pero siguro kung kayo ang nasa sitwasyon ko, mas grabe pa. Ayoko lang magsalita. Ayoko lang magkuwento. Kung siguro kayo ang nasa sitwasyon ko, hindi n'yo rin kakayanin.



    "In God's time..."




    **********








    Mark Herras muses about ending up with Jennylyn Mercado
    Rose Garcia



    Balik-tambalan ang dating magkasintahan at first StarStruck winners na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa bagong primetime series ng GMA-7 na Ikaw Sana. Magsisimula nang mapanood ito sa September 21, kapalit ng All My Life.



    Sa istorya, pag-aagawan si Mark nina Jennylyn at Pauleen Luna, na gumaganap bilang mag-stepsisters. Feeling ni Mark, mas challenging ang role niya rito sa Ikaw Sana kumpara sa afternoon soap nila noon ni Jennylyn na Paano Ba Ang Mangarap?.



    "Ito kasi, magkapatid sila. And then, at first, I have a relationship with Pauleen, and then, mami-meet ko si Jen. Tapos, may conflict kaya hindi ko maituloy ang pag-ibig ko kay Jen because of my lolo [Tony Mabesa]. My lolo is dying at ang request niya, pakasalan ko si Pauleen.



    "Siyempre, kapag makita mo ang lolo mo na nagmamakaawa sa 'yong ganoon at dying, siyempre yun ang susundin mo. Pero siguro, towards the ending, mas ipaglalaban ko pa rin ang feelings ko," paglalarawan ni Mark sa kanyang character.



    Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa presscon ng Ikaw Sana noong Martes, September 15, sa Studio 6 ng GMA Network.



    PAULEEN LUNA. Hindi naiwasang itanong kay Mark ang tungkol sa napabalitang breakup nina Pauleen at Dennis Trillo, bagamat hindi naman talaga umamin ang dalawa sa totoong estado ng kanilang relasyon. Bukod kasi sa magkasama ngayon sina Mark at Pauleen sa show ay na-link din sila sa isa't isa noon.



    May lumalabas din kasing report sa mga tabloid na pinagseselosan daw siya ni Dennis. Ano ang reaksiyon ni Mark dito?



    "Ha? Ano na naman? Nadamay na naman ako?" natatawang sabi niya. "Hindi ko alam, siguro lang hindi ko lang alam ang isyu about selos. But with Pauleen kasi, sobrang close kami as friends. After ng lahat na naisyu kami before, mas naging close kami ni Pau at puwede kong sabihin na parang siya ang naging best friend ko na babae."



    Pero hindi na ba siya nanligaw kay Pauleen?



    "Hindi, hindi na talaga," sagot ng binata. "Kami ni Pau talaga, parang hindi na rin namin puwedeng sabihin na may possibility na maging kami or magkaroon ng relationship ulit. Kasi parang, alam mo yun, naging super close kami ni Pauleen, e. Lalo na parehas kami kay Nay Lolit [Solis, their manager]. Parang nagkaroon kami ng bonding ni Pau. Ganoon ang turingan namin ni Pauleen ngayon, e, parang magkapatid."



    "Yung sa kanila ni Dennis, hindi ko naman inisip na ganoon. Hindi ko rin naman alam ang nangyari dun. Basta kami ni Pau, magkaibigan kami," ulit ni Mark.



    Pero napag-uusapan ba nila kung ano nga ang pinagdadaanan ni Pauleen ngayon?



    "Hindi na ako masyadong nagtatanong. Siyempre, alam ko kapag relationship. Pero every time naman na kung si Pau lalapit sa akin at magsasabi ng problema, siyempre, open naman ako to listen and to give advice. Pero kaya naman nila yun."



    JENNYLYN MERCADO. Kumusta naman ang lovelife niya? Matagal-tagal na rin na tila tahimik siya pagdating sa aspetong ito. Isang bagay na hindi nakasanayan dahil madalas ay maingay ang lovelife niya.



    "Hindi ba kayo sanay?" natatawa niyang sabi. "Siguro ano lang, tumitiyempo lang ng right time kung sino and kung kailan. Ngayon, wala pa, wala pa. Sa ngayon kasi, puro yung project ko with Jen. Malay n'yo, kami pa rin pala, di ba?"



    Medyo nagulat kami sa naging pahayag ni Mark dahil tila nagpapahiwatig siya na nagkakagusto siyang muli sa dating girlfriend.



    So, naiisip niyang sila pa rin pala sa huli?



    "May mga oras..." pag-amin niya.



    Noong ginawa nila ang Paano Ba Ang Mangarap?, parang hindi ganoon ang nararamdaman niya. So, ano ang nangyari at nagpabago ng kanyang isip?



    "Kasi, palagi mong kasama, e," sabi ni Mark. "Palagi kong kasama si Jen sa taping. Ever since naman, hindi naman nawala ang feelings ko for Jen. Yun naman ang pinaka-precious relationship na nagkaroon ako ever since. Yung kay Jen ang pinaka-trinesure ko. Yun ang pinakamatagal at trinesure.


    "Kasi ako, kung ikukumpara ko ang pagkalalaki, hindi ako yung tipo ng lalaki na sasabihin ko sa harap ng babae na in love ako sa 'yo. Kung hiwalayan naman, dun ako mahina, e. Na parang ngayon na lalong nagma-mature ang utak ko."



    Ano ang nakikita niya kay Jennylyn na tipong naa-appreciate niya ngayon?



    "Si Jen, sobra-sobrang nag-iba... Iba na yung pakikipagtrabaho ni Jen, sobrang nag-iba. At siguro, dahil din, alam mo yun, may mga oras sa bahay na nanonood ako. Marami sa YouTube ng mga dating pinagsamahan pa namin ni Jen... Once in a while, pinapanood ko at parang pati ako, kinikilig sa nakikita ko.



    "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari ngayon," sabi niya.



    Feeling din ni Mark, kung sa huli ay magkabalikan nga sila ni Jennylyn, masasabi niyang yun na raw siguro yun. Tingin din niya, tapos na siya sa hindi seryosohang relasyon.



    "Hindi rin naman kasi nakakatuwa na papalit-palit ka ng girlfriend. Na maghihiwalay kayo, manliligaw ka ng panibago na naman. Panibagong pakikisama na naman," paliwanag niya.



    Nakikita niya bang wife-material si Jen?



    "Oo naman!" mabilis niyang sagot. "Sa lahat naman ng naging girlfriend ko, si Jen talaga ang nakilala ko nang sobra. Kahit yung personal life ni Jen, halos alam ko."



    FROM NINONG TO DADDY? Napalapit na rin daw si Mark sa anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia na si Alex Jazz, na inaanak niya. Kung sakali rin daw, hindi magiging isyu sa kanya kung may anak na ang dating kasintahan.



    "Wala, wala... Hindi kaso sa akin kung may baby yung tao, kasi hindi naman ako yung tumitingin sa porke't may baby ang tao, hindi mo na puwedeng mahalin or magka-relationship. Wala namang kaso kung may anak," ani Mark.



    Okey lang ba sa kanya pag tinawag siya ni AJ na "daddy" at hindi na "ninong"?



    "Wow!" natatawa niyang sabi. "Well, bahala si AJ, bahala siya..."



    Hindi naman itinanggi ni Mark na dinadalaw niya talaga ang bata sa bahay nito.



    "Dadalawin ko nga dapat noong isang araw, kaso tinamaan ako ng sakit kaya hindi pa ko tumuloy," banggit niya.



    Ang baby lang ba talaga ang dinadalaw niya, o pati si Jennylyn?



    "Kasama na yun at saka sila Tita [Lydia Mercado, Jennylyn's mom]. Pero ang talagang dinadalaw ko si AJ," diin ni Mark, sabay ngiti.

  15. #55




    Mark Herras might fall anew for Jennylyn Mercado
    By ALEX VALENTIN BROSAS


    Young actor Mark Herras does not discount the possibility that his TV series, “Ikaw Sana,” might reignite his feelings for his co-star, ex-girlfriend Jennylyn Mercado.

    “Kung before (ang) sinasabi ko ay malay natin (baka) someday (ay) magkaroon ng ano, (ngayon) ire-reverse ko nang konti: may possibility na maibalik ang dati,” said Mark.

    Or hasn’t it happened already?

    “Hindi pa naman.”

    Mark added that if they give love a second chance, he wants Jennylyn to be the last woman in his life.

    “Kumpara dati na immature ako sa relationship, ngayon ay may mga natutunan na din naman ako. Hindi na ako pumapasok sa isang relationship ng basta-basta kundi pinag-aaralan ko muna kung dapat na ba,” he said.

    He said he is tired of playing the field.

    “Maraming nagsasabi na parang seryoso nga ako ngayon (pagdating sa pakikipagrelasyon). Kasi nga, hindi naman nakakatuwa na magpalit-palit ka ng girlfriend. Every time na maghihiwalay kayo, manliligaw ka na naman, panibagong pakikisama na naman,” he said.

    Jennylyn has several advantages over other girls when it comes to Mark: He knows her best among all of his past girlfriends, and he is a godfather to her baby, Alex Jazz.

    The actor himself says that he has no issue falling in love with someone who already has a baby.

    “Hindi naman porke may baby na ang isang tao (ay) hindi mo na siya puwedeng mahalin,” he said using general terms.

    Another young actress, Pauleen Luna, is also cast in “Ikaw Sana.” In the story, Pauleen is in a love triangle with Mark and Jennylyn.

    In real life, Mark is said to have been the reason Pauleen suddenly ‘disassociated’ herself from her rumored boyfriend, Dennis Trillo.

    If it were true, will that be a case of art imitating life…or the other way around?

  16. #56

  17. #57



    Mark Herras and Jennylyn Mercado, Together again
    By Bot Glorioso (The Philippine Star) Updated September 19, 2009 12:00 AM



    What happens when former sweethearts team up anew? Will romance blossom the second time around between Mark Herras and Jennylyn Mercado now that they are reunited on GMA 7’s Ikaw Sana to premiere on Sept. 21?

    “I always say that Mark has a special place in my heart and why not? It is not impossible na siya din pala ang right guy for me,” says Jennylyn when asked if there is a possibility that she and Mark will still end up in each other’s arms.

    In fact, Jennylyn shares, Mark is close to her son Alex Jazz (AJ, for short) and the former often visits at home to play with the little boy. But Jen reminds everyone that Mark is ninong to AJ. Thus, it is but natural for Mark to get close to AJ — never mind if AJ’s dad Patrick Garcia has not personally seen the baby yet.

    Mark, on the other hand, admits there is a clear chance to play beautiful music with Jen again when the right time comes.

    “It will all depend on Jen and if that time comes ’yun na siguro ang last relationship na pwede ako magkaroon,” Mark shares. “If that happens, it will surely start with a courtship.”

    Besides, Mark says, he has matured enough regarding matters of the heart. This time, he let his head rule over his heart to “make sure that I won’t get trapped in a temporary kind of relationship.”

    And what about Jen? Is she ready for a new love?

    “I have already moved on. Basta, AJ is my priority, sa kanya lang umiikot ang mundo ko and I’m here to work,” she replies.

    That’s why a new soap excites Jen no end.

    “I’m happy GMA has given us another show that is now on a primetime slot,” Jennylyn affirms. “I’m also glad we are working again with direk Joel (Lamangan) who also directed Paano Ba Ang Mangarap?”

    And how will they keep televiewers glued on their seats night after night?

    “We will play characters different from the ones we have portrayed and there will be new challenges to face as the story requires a mature take on acting,” Jen confirms.

    Jen, too, hopes hers and Mark’s partnership will send a lot of hearts fluttering as they tackle roles that will show their maturity and chemistry on screen.

    Ikaw Sana also stars Tirso Cruz III, Alicia Alonzo, Marissa Delgado, Luz Valdez, Tony Mabesa, Mariz Ricketts, Pauleen Luna, Maritoni Fernandez, Vaness del Moral, Janna Roxas, Arthur Solinap, Joey Paras, Jim Pebangco and Vivo Guano.




    **********







    Mark Herras, Jennylyn Mercado and Pauleen Luna star in GMA-7's Ikaw Sana
    Nerisa Almo




    Ikaw Sana serves as a reunion for young actors Jennylyn Mercado, Mark Herras, and Pauleen Luna, and award-winning director Joel Lamangan. They all once worked together in Regal Film's multi-awarded entry to the 2006 Metro Manila Film Festival, the romantic drama titled Blue Moon.



    After three years, Direk Joel has noticed that these young stars have improved a lot in terms of acting.



    "Mas mature na sila ngayon, mas madali na silang humugot ng mga eksena so mas madali na silang kumuha ng kung ano ang hinihingi ng eksena kasi nga mayroon na silang karanasang pinagdaanan," Direk Joel told PEP (Philippine Entertainment Portal) in an interview after the press conference of the show last September 14.



    He also expressed his excitement to work on this primetime soap opera after directing the recently concluded Adik Sa 'Yo and Dramarama sa Hapon's Paano Ba Ang Mangarap, which was also topbilled by Jennylyn and Mark.



    He narrated, "Siyempre masaya ako dahil magkakaroon kami ng reunion. 'Tapos ine-expect na namin na mapapaganda namin ang aming gagawin dahil alam na namin ang lenggwahe ng bawat isa sa amin, alam ko na ang kapasidad nila. Maganda, maganda ang ine-expect naming mangyayari."



    Meanwhile, PEP also asked Direk Joel what would the difference of Ikaw Sana with other television shows. He replied, "May pagkapare-pareho ang soap, ang pagkakaiba lang ay kung paano ite-treat ng director ang mga hinihingi sa eksena. Ang Ikaw Sana, young love ito. Ibig sabihin, not very young but it's within the bracket of what is young. Ang kaibahan nito is si Pauleen, Jennylyn, at Mark ang gagawa nito, iba-ibang karanasan ng tao."



    Ikaw Sana's story, which is GMA-7's newest original production, will revolve around a music teacher named Eliza (played by Jennylyn), Michael (Mark), and Sofia (Pauleen).



    Eliza's life suddenly changed when she is forced to live with her father's (Tirso Cruz III as Gener) legitimate family because of the untimely death of her mother named Sonia (Mariz Ricketts).



    At her new home, Eliza quickly gets along well with her half-sister Sofia. But their relationship turns sour when they realize that they do not only have the same father, but they also fell in love with the same man named Michael.



    A few years back, Michael met and fell in love with Eliza while vacationing in the province, unaware of the fact that Eliza and his fiancée are actually sisters. However, their romance ended too soon after Michael's grandfather (Tony Mabesa as Don Ramon) tricked him into keeping his engagement with Sofia.



    When they see each other again, Michael forces Eliza to run away with him, which prompts Gener to marry off her daughter to Michael. Sofia, out of anger, devised ways to sabotage Michael and Eliza's newfound bliss. Viewers will emphatize with Eliza as she suffers because of Sofia's wicked plans.



    Completing the cast of this newest teleserye are Maritoni Fernandez, Marissa Delgado, Luz Valdez, Alicia Alonzo, Arthur Solinap, Vivo Ouano, Jim Pebangco, and Joey Paras.



    Ikaw Sana will premiere on September 21 before 24 Oras on GMA Telebabad. It replaces the teleserye All My Life.




    **********










    TEASERS

    http://www.youtube.com/watch?v=UYAd4O7r9OE&feature=sub
    http://www.youtube.com/watch?v=VwDRv...eature=related
    http://www.youtube.com/watch?v=8TBp0...eature=related
    http://www.youtube.com/watch?v=mvHxB...eature=related

  18. #58




    Jennylyn Mercado excited over her forthcoming album under Viva Records
    Glen P. Sibonga
    Saturday, September 19, 2009



    Nagsilbing eye-opener kay Jennylyn Mercado ang hidwaan nila ng kanyang dating personal assistant na si Mel Pulmano. May kasong qualified theft ito na isinampa ni Jennylyn last October 2008. Dahil daw dito ay natuto na siyang i-manage ang sarili niyang pera.



    "Yes, sobra. Kasi ngayon iba na, hindi katulad dati na inuutos ko. Ate, pakiganun, pakiganyan. Ako ngayon hands-on ako. Kasi once a week nagte-take time talaga ako na pumunta sa bank. Lahat tsine-check ko na. Napraning ako sa nangyari, e," bulalas ni Jennylyn nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



    Kumusta na ang finances niya lalo't malaki ang nawala sa kanya?



    "Bukod sa nawala sa akin, siyempre malaki rin ang ibinabayad ko sa attorney ko, di ba? Pero ngayon nakakabawi na ako. Kasi ngayon may bagong show ako sa GMA, ang Ikaw Sana. Tapos may out-of-town shows pa. Malaking tulong din po yung paglipat ko sa Viva."



    NEW MANAGEMENT. Viva Artists Management na ang humahawak sa career ni Jennylyn. Pero co-managed pa rin siya ni Becky Aguila. Hindi na nag-renew si Jen ng kontrata sa GMA Artist Center na natapos last February this year. Bakit siya lumipat sa Viva?



    "Desisyon namin yun talaga ni Tita Becky. Kasi parang nakakalimutan na ng mga tao na kumakanta ako. So, makakatulong yung Viva Records. Tapos yung mga out of the country, yung mga shows nila, yung events nila."



    May gagawin na raw na album si Jen sa Viva Records at maire-release ito by January next year kaya excited siya.



    Bakit hindi na siya nag-renew ng contract sa Artist Center?



    "Pinapa-renew po nila ako last December. Pero hindi na nga po ako nag-renew hanggang sa matapos yung contract ko last February. Gusto ko lang ding maiba. Gusto rin namin subukan yung ibang management. Ang hirap din kasi nung nandito ka lang."



    Kahit iba na raw ang nagma-manage ng career niya, hindi naman daw ito nangangahulugan ng paglipat niya sa ibang network gaya ng ginawa ng ibang alaga ni Becky.



    "Wala naman akong planong lumipat ng network. GMA pa rin naman ako. Ang laki kasi ng utang na loob ko sa GMA. Yung managment lang ang naiba pero Kapuso pa rin ako."



    Excited nga si Jen sa bagong drama series niya sa GMA na Ikaw Sana, kung saan balik-tambalan na naman sila ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras. Kung may daring scenes sila sa last soap nilang Sine Novela Presents Paano Ba Ang Mangarap?, mas matitinding kissing scenes daw ang mapapanood sa kanila sa Ikaw Sana na magsisimula na sa Lunes, September 21, bago ang 24 Oras sa GMA Telebabad.



    READY TO GET SEXY? Ngayong sumasabak na siya sa more daring and mature roles, ready na rin ba siyang magpa-sexy?



    "Hindi pa rin po, e. Wholesome pa rin ako. Siguro puwede yung hindi sobrang sexy."



    Ayaw ba niyang tumulad sa ka-batch niya sa StarStruck na si Cristine Reyes?



    "Iba naman si Cristine, e, carry niya. Yung taong yun, napaka-sexy talaga. Ako siyempre mommy na ako, e. Kumbaga iniisip ko pa rin yung baby ko. Ayoko naman one day sasabihin ni AJ sa akin, 'Mommy, ano ito?' Ayoko naman nang ganun."



    Malapit na ngang magbalik ang StarStruck sa GMA-7. Hindi naman nate-threaten si Jen kung may susulpot mang mga bagong iidolohin lalo na nga't sa dami na rin ng pinagdaanan niya ay napatunayan niyang mahal pa rin siya ng GMA-7 at ng kanyang mga fans.



    "Okay lang po yun. Pinagdaanan ko na yun, e. Good luck na lang sa kanila. Kasi ngayon thankful lang ako na nandito pa ako at patuloy akong sinusuportahan ng GMA at ng mga fans."



    Ano ang advice niya sa bagong batch ng StarStruck?



    "Galingan nila. Mahalin nila ang talent nila. Matuto silang mag-explore. Kumbaga kung mahal nila yung singing, mag-aral pa silang kumanta. Kung mahal nila yung dancing, yung acting, mag-aral pa sila. Kumbaga huwag silang hihintong matuto. Dapat marunong silang makisama sa mga tao. Huwag makakalimot sa mga tumutulong at sumusuporta sa kanila," pagtatapos ni Jennylyn.

  19. #59
    GMA Sked for Sept 20

    12 nn – SOP (Launching of Ikaw Sana; Big Promo of Yaya and Angelina)
    3 pm – Dear Friend Presents Back in Time (Kyla and Jay-R)
    4 pm – Showbiz Central (Guests: Mark Herras, Jennylyn Mercado, Ogie Alcasid and Michael V)
    6 pm – Kap’s Amazing Stories
    6:45 pm – Power of 10 (Guests: Raymond Gutierrez and Pia Guanio)
    7:45 pm – Mel & Joey (Guests: Jackie Lou Blanco, Are You the Next Big Star Winners)
    8:45 pm – All-Star K (Guests: Daiana Menezes & Kates Ocampo, Moymoy & Palaboy, Gian Magdangal & Chris Cay*zer, Pekto & John Feir, Mico Aytona & Hideaki Torio, Andrea & Lucky ng Ka-Blog, at Mart Escudero & Rich Asuncion)
    9:45 pm – Show Me The Manny (Guest: Dingdong Dantes)
    10:30 pm – SNBO: Barbie Fairytopia (animated movie)
    12 mn – GMA Weekend Report
    12:10 am – Diyos at Bayan

  20. #60




    Jennylyn Mercado, hindi pa handang makita si Patrick Garcia

    Titiyakin ni Jennylyn Mercado na hindi sila magkikita ni Patrick Garcia sa S.O.P. mamaya, ito ay kung darating ang actor para sa grand farewell ng cast ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin na magtatapos na next week.

    Mainstay ng show si Jennylyn at bukod dun, hindi siya puwedeng um-absent dahil promo naman ng Ikaw Sana, ang bagong primetime soap nila nina Mark Herras at Pauleen Luna na magpa-pilot bukas before 24 Oras. Para nitong magpa-patintero si Jennylyn sa pag-iwas para hindi mag-krus ang landas nila ni Patrick.

    “In God’s time” ang sagot ni Jennylyn kung may pag-asa pa silang magkabati ni Patrick, pero wala siyang pagsisisi dahil ibinigay sa kanya si AJ at marami siyang natutunan sa buhay na ‘di na niya babalikan.

    Samantala, natuloy ang pagpirma ni Jennylyn ng kontrata sa Viva Artist Agency at katulong na si Mr. Vic del Rosario ng manager niyang si Becky Aguila sa pagma-manage sa kanyang career. Uunahin niya ang pagre-record ng album, saka isusunod ang paggawa ng pelikula at balitang kasama siya sa remake ng Working Girls.

    Ano ang expectations niya sa Viva?

    “Gusto ko lang balikan at ituloy ang singing dahil nakalimutan nilang singer ako. Bibigyan din ako ng pelikula, out-of-town shows at endorsements. Kailangan kong magtrabaho para sa anak ko. Hindi lang ako ang nag-decide sa pagpirma ko sa VAA, hindi ko naman iiwan ang GMA 7, heto nga’t may bago kaming show ni Mark,” ani Jennylyn.





    ******








    Mark, gusto pa ring makatuluyan si Jennylyn
    Ni ROSE GARCIA



    Kakatapos pa lang ng 2009 Cosmopolitan Bachelor Bash, pero tila looking forward na agad si Mark Herras na rumampa sa susunod na taon.


    “Nagbubunga naman ang ginagawa kong pagdyi-gym. At mahaba pa ang time ng preparation ko for Cosmo next year. Hopefully, next year ako nakalaan for Cosmo,” say pa ni Mark.


    Nakapag-centerfolds na rin si Mark noon sa isang magazine. Pero, hindi pa raw okey ang katawan niya noon.


    “‘Yung time na ‘yun, nakita n’yo naman sa mga photo, na payat pa ako, at talagang bata pa ako noon.”


    Pero ‘di ba, this year sana siya nag-Cosmo?


    “Dapat nga, pero parang alam ko sa sarili ko na next year pa ako dapat mag-Cosmo. Hindi this year. Kasi this year, marami pa akong kasabay. Nandiyan sina Aljur Abrenica at JC Tiuseco. So, next year pa ‘ko. Kami-kaming magbabarkada naman ang sasakop ng Cosmo next year,” natatawang sabi pa rin ni Mark.


    On the other hand, tila nag-iba na rin ang ihip ng hangin kay Mark dahil ngayon, mas vocal na ito sa pagsasabing nakikita na niya ang possibility na baka at the end, sila pa rin daw ni Jennylyn ang magkatuluyan.


    “Puwede naman ‘di ba? Oo, minsan naiisip ko ‘yun na what if or baka kami rin pala at the end. Mas lalo na ngayon na palagi rin kaming magkasama.

    At saka, sa lahat naman kasi ng naging relationship ko, masasabi kong ‘yung kay Jen ang pinakana-treasure ko.”


    In-love ba siya kay Jen ngayon?


    “Siguro sakto lang. Ano nga ang question? Ha! Ha! Ha!


    “Siguro dati kung noong tinatanong n’yo ko, sinasabi ko, malay natin baka may possibility. Siguro ngayon nire-revise ko lang ng konti na may possibility. May possibi*lity na maibalik ‘yung dati pero siyempre, depende pa rin kay Jen.


    “If that time comes, siguro ano na, puwedeng ‘yun na ang last na relationship akong magkaroon and siguro kumpara naman dati na immature pa ako sa relationship, ngayon, sobrang ang dami ko ng natutunan.”


    Kung magkakabalikan ba sila ni Jen, masasabi niyang si Jennylyn na nga ang huli?


    “Oo! ‘Yun na ‘yun!”


    Marrying age na ba siya?


    “Hindi pa naman. Pero kung kami pa rin pala, siguro ‘yun na ‘yun,” sabi na lang ni Mark, na leading man nina Jen at Pauleen Luna sa Ikaw Sana ng GMA 7.




    *****







    IKAW SANA, sa Lunes na!



    Title ng isang old hit song ni Ogie Alcasid ang pamagat ng early primetime show nina Mark Herras at Jennylyn Mercado, ang Ikaw Sana.


    Muling pinagsama ng GMA 7 sa isang TV program sina Mark at Jennylyn dahil sa request ng kanilang fans. Pinagbigyan ng network ang kahilingan ng fans dahil nagre-rate ang mga show ng loveteam nina Mark at Jennylyn.


    Co-stars sa Ikaw Sana sina Pauleen Luna, Jana Roxas, Vivo Ouano, Marissa Delgado, Mariz, Maritoni Fernandez, Tirso Cruz III, Alicia Alonzo at Luz Valdez.


    Maganda ang performance ni Pauleen sa Adik Sa’Yo kaya binigyan siya ng follow-up project.


    Matagal nang hindi napapanood sa TV ang mga Artist Center talent na sina Jana at Vivo kaya natutuwa sila sa regular show na ipinagkatiwala sa kanila.

Page 3 of 111 FirstFirst ... 2 3 4 13 53 103 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Whats Happening

Sub title

The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more


The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more


PROMO: Star Trek
Get a chance to win limited edition Star Trek picnic chairs! view more


Caught Up Default

Sub title

Trailer: Fast and Furious 6
The entire gang's back and badder than ever, reuniting for their most high-octane adventure yet. view more


Trailer: Epic
From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more


Review: The Great Gatsby
Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more




Forums Directory