Mag test ka sa UP at Ateneo (if you have the resources).
Also try other law schools. Walang masama dun. Wala sa lawschool ang ikaka-successful ng career ng isang abogado. Nasa abilidad yan.
Motto ko nga noong ako pa'y nag-aaral eh:
"Sa law school, daig ng masipag ang matalino."
Hindi mo kailangan maging sobrang matalino para makasurvive sa law. Although, edge mo din iyon -- pero not necessarily. Patunay nalang nito sa mga admission test palang. Sa LAE, hindi lahat ng mga honor student eh nakakapasa dito, usually pa nga mga average student pa ang nakakapasok. Maraming mga laude ang bumabagsak pa. At hindi lahat ng top student ng law school eh pumapasa ng Bar. May ilan akong alam na honor student na lumagpak din ng bar.
3 lang ang
"para sa akin" ang element para maka survive sa law:
1.
Sentido Kumon o kung tawagin nila sa ingles "Common Sense" - Lahat naman ata tayo meron nito. Habang freshman ka palang, tibayan mo na ang pundasyon mo sa basics pre, isapuso't at isaisip mo na ang lahat ng pwede mo matutunan. Sinasabi ko sayo pag maganda ang pundasyon mo sa simula palang, di ka na ganun mahihirapan sagutin ang mas komplikadong tanong.
2.
Persistence & zeal - Yung tipong kahit sampung oras ka ng nag babasa, eh ganado ka pa din mag-basa for another 10 hours (although exaggeration na yan, pero it's true.) Kahit gano pa katalino ang isang tao, pero tamad naman mag-basa, sa law school, walang kang patutunguhghan.
3.
Mabuting pananalita at pagsusulat ng Ingles - Malaking bagay ito sa buhay ng isang law student o ng abogado. Hindi naman kailangan na sobrang galing yung tipong idiomatic o poetic ka mag-salita as long as naiintindihan ka. Gawin mo lang kongkreto, kumpleto, at malinaw, ang mga sagot mo ayos na yun. *hindi ka pa Justice para magpakatalinhaga sa pananalita*
Tips naman pag nasa LS ka na:
1. Matutunan mo nang mag-basa ng mahahaba ngayon palang. Mahirap ang backlog sa lawschool. At siguraduhin mong matatapos mo lahat ng readings sa tamang oras.
2. Wag ka papasok ng school pag di mo natapos o naintindihan ang mga readings. Baka maging clown ka lang sa klase at mainsulto ka lang ng prof. mo.
3. Hanggat maari, imemorize mo ang codals ng
verbatim.
4. Gumawa ka ng written digest sa lahat ng kasong nabasa mo. Magand ilagay mo ito sa malaking notebook (alam mo yung ginagamit ng mga sekyu sa logbook? yun ang gamitin mo.) Malaking tulong yan sa pagrerview ng Bar balang araw.
5. Normal lang na makaramdam ka ng intimidation sa una. Kasi may mga kaklase ka nyang pabibo sumagot sa recit, pa-know-it-all (mali mali naman ang sagot), at nagpapasiklab ng Ingles. Wag mo nalang pansinin. Kita mo, yang mga yan pagdating ng second sem, it's either na ireg o nasa kabilang eskwelahan na.
6. Maging simple at humble ka lang pre sa law school. Mahirap ng mapagtripan sa klase, or worse, ng mga frat. At maging magalang ka pa din sa prof. kahit na gustong gusto mo na silang murahin.
7. Maging mabait at friendly ka sa lahat. Tandaan mo nasa
Law School ka. Hindi malabo na isa diyan sa mga kaklase mo balang araw e maging presidente, senator, congressman, cabinet member, o justice. Isipin mo bata -- KONEKSYON din yun balang araw.
8. Wag ka papasindak at mahinaan ng loob sa mga prof mong pasigaw-sigaw at pa-intimidating effect. Tandaan mo hanggang ganyan lang naman yang mga yan, di ka kaya patayin nyan. Ispin mo nalang na parehas lang kayong ginawa ng diyos at kumakain ng kanin, ergo, pantay lang kayo. May pakulo pa silang nalalaman na sila daw ang Diyos sa loob ng law school. Sh*t sila! kung alam ko lang nagmuka din silang mang-mang nung nag-aaral pa sila, or baka mas worse pa nga sila sayo if ever. Kaya wag ka papadala sa mga pakulo nila.
9. Sabi nila, mahirap o masama daw ang may syota habang nag-aaral ng batas. Mali yun! Isipin mo, malungkot na nga ang buhay law student, tapos pati ba naman sa love life at sex life malungkot ka pa din?! doble dobleng stress yun bata. Tataas ang suicidal tendecies mo. Kaya para mabalance, kelangan may insipirasyon ka din. Mas ok kung law student din ang gf/bf mo. Para maintindihan nyo ang isa't isa.
10. Brand yourself if you must (if you know what I mean). You'll never regret it. It doesn't feel good to be a barbarian when you're practicing. Just my 2 pennies worth.
11. read, read, read, read, read, read ,read, read, read, read, read, read, read, read, read, and read, as if there is no tomorrow.
Goodluck sayo! Darating ang oras mo na parang gusto mo na mag-give up pag nag-aaral ka na ng batas. Pero isipin mo lang na, ang mga tanyag na abogado, o ang mga nagttop sa bar, eh dumaan din sa adjustment na yan. Kaya normal lang iyon.
