PEx Highlights

Calling all vigilantes in PEx!

Are you vigilant and always ready for action? This is your chance to be a "PEX POLICE"

read more

PHOTOS: DLSU Notches First Win

Jason Perkins drained big baskets in the clutch to help DLSU escape NU 57-55 and notch their first win in the UAAP Season 77.

read more

Review: Hercules

Bordering on ridiculous, Dwayne Johnson delivers and Hercules is a fun and entertaining ride.

read more

PHOTOS: Cagayan upsets Army

Cagayan Valley Rising Sun hands Philippine Army its first loss through 4 sets, 27-25, 20-25, 25-23, 25-22

read more

What's Wrong With the Green Archers?

After being penned the favorites of UAAP Season 77, the DLSU Green Archers are off to a slow opening in the season, now at 0-2.

read more

FIBA Worlds Special Feature

PEx's resident local hoops guru, Jay P. Mercado, ranks the greatest RP teams in the "open basketball" era.

read more

Page 1 of 12 1 2 11 ... LastLast
Results 1 to 20 of 226
  1. #1
    The Lost Gospel Gospel of Judas's Avatar
    Join Date
    Apr 2006
    Location
    hanging on a tree

    mga experience mo sa mga BWISITA

    hay nakakabanas yung isang bisita namin last week. natulog sa kwarto ko pagkatapos nagkalat pa sa kwarto ko.

    yung nanay ko naman kwarto ko yun pero syempre mas priority na patulugin ang bisita dun kesa ako.


  2. #2
    KulasisiNiHit-Ler NeoDyn's Avatar
    Join Date
    Apr 2009
    Location
    Monaco-di-Baviera
    Una muna Gospel of Judas binabati kita ng magandang pagsisimula ng bagong thread na sapul ang tunay na isang Buhay Pinoy at hindi dun sa mga eskandalong wala ng katuturang pag-usapan pa.

    Back to topic:


    Mula ng napalayo na ako sa bansa natin naiba na ang takbo ng aking kapaligiran,walang pakialamanan kaya tuloy kapag nauwi ako sa atin at may bibisita sa bahay parang nababad trip ako dahil nga hindi lang isang tao kundi batalyon pa.Minsan tinityempong oras ng tanghalian at biglaan pa kaya tuloy imbes na makapagpahinga ka kundi aasikasuhin mo yung bisita.

    Mula nung bata pa ako,ni hindi na nawalan kami ng bisita,bale ba kung isang araw lang kundi lingguhan na ang tagal sa amin,maliit ang bahay namin kaya para kaming sardinas nun.Tatay ko ang mahilig sa bisita.Pero nanay ko nung matigbak na si tatay at kapag may bibisitang kamag-anak nya,papasukin naman sa bahay at papakainin pero kapag naka-ilang oras na ang tigil ,saka magtatanong na si nanay kung kelan ang uwi at pag sinabing mga ilang araw sila titigil,dun na naiimbyerna si nanay at magtataray.

  3. #3
    kapag piyesta sa amin, kahit mga hindi naman imbitado, pasok lang ng pasok, tapos grabe kung kumain

  4. #4
    Quote Originally Posted by 108XXXXX View Post
    kapag piyesta sa amin, kahit mga hindi naman imbitado, pasok lang ng pasok, tapos grabe kung kumain
    heheh ganito din samin, kaya madalas pag me mga epal na ganyan ako ang umaalis, uuwi ako pag wala na silang lahat.


    pag ako naman me bwisita lalu na kung isa lang, halimbawa yung kaklase ko nung highschool, sa labas ng gate lang ako makikipag usap di kami papasok sa bahay. lolz. nanghiram ng longsleeves di na sinoli.

  5. #5
    Nakakainis yung mga bisitang kalat ng kalat akala mo naman sila maglilinis.

    Nakakainis yung mga maiingay na akala mo sa kanila yung bahay.

  6. #6
    Yung kapatid ko, nung birthday niya, andun yung balwarte ng daddy ko, tapos may sumama pang ibang mga bisita na di naman namin kilala, tapos nakikisawsaw. Grabe.

  7. #7
    Banned by Admin
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    InYourDreams ^_^
    Yung mga kamag anak namin. Pasok ng pasok sa mga rooms namin lalo na yung mga anak nila tapos kung ano ano ang kinakalikot ultimo mga drawers and cabinets ko bubuksan at sisilipin ang mga laman.. Hindi man lang nila i-respect yung privacy ng bedrooms namin. Yung iba pa pag pumupunta sa bahay walang doorbell doorbell.. Direcho pasok agad.

  8. #8
    Yagit sa Lansangan wing_commander's Avatar
    Join Date
    Feb 2009
    Location
    Realm of Junkyard
    Ayoko sa bisitang kung ano ano ang inaarbor sa bahay mo kahit di naman kayo ganun ka-close.

  9. #9
    Banned by Admin
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    InYourDreams ^_^
    Pinaka ayaw kong bisita sa lahat eh yung minsan ka lang bibisitahin tapos pag inentertain mo eh biglang hihirit ng.. Pautang naman

  10. #10
    under a love spell... mallowee0930's Avatar
    Join Date
    Jan 2005
    Location
    Sunset Boulevard
    Tsh. Yung bisita namin, pinsan ko pa naman. Aba! Kinain lahat ng nakatago kong food sa cabinet. Ugh!

    At once pa, nakitxt, aba, nakita ko sa sent items, sinabi nya sa friend nya na ginagawa daw namin siyang katulong. Ugh! Di nga niya maayos yung pinagtutulugan nya, siya pa may ganang magsabi na ginagawa daw namin syang katulong. Ugh! Nakakainis!

  11. #11
    jia you! hedonist's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    hangzhou, china
    Naku, me ganito sa amin lagi. Recently kasi nakilala ng tatay ko yung half-sister ng mother nya at syempre dahil ngayon lang sila nagkakilala, laging imbitado sa kahit anong okasyon sa bahay o kahit gusto lang nilang mag-inuman. Mas bata pa sa tatay ko yung tita nya at considering na teacher sya, nakakairita ang mga kilos pag nasa bahay. At home na at home, pag dumadating dumidiretso na sa kusina at nagkukusang magbukas ng mga kaldero o di kaya'y namamapak ng pagkain sa mesa ng walang paalam, mag-operate ng mga appliances, kung anu-ano pang mga bagay na hindi dapat gawin ng bisita kahit pa sabihing kamag-anak ka. Yung isang anak nito, nahuli ng nanay ko na nangungupit sa pitaka nya na iniwanan nya lang sa ibabaw ng tv. Eto pa, pag nagkwento ang asawa nya, libo-libo ang bukambibig, lakas ng hangin e alam naman naming sumasala din sa pagkain minsan. Kaya madalas, ako na lang umaalis pag nandun sila sa bahay.

  12. #12

    Pinoy hospitality.

    Quote Originally Posted by Gospel of Judas View Post
    hay nakakabanas yung isang bisita namin last week. natulog sa kwarto ko pagkatapos nagkalat pa sa kwarto ko.

    yung nanay ko naman kwarto ko yun pero syempre mas priority na patulugin ang bisita dun kesa ako.

    Ugali nating mga Pinoy iyang maging hospitable sa mga bisita. Noong araw ganyan din kami: kapag may tiya kaming nagbabalikbayan at tumutuloy sa tahanan ng lola ko kung saan kami nakikitira noong araw, sibak din kami sa aming mga kama. Doon kami sa sala sa mga upuan natutulog.

    Gusto kasi ng Pinoy maging feel at home ang mga bisita. Kung may bisita ako ganyan din ang gusto kong ipamahagi sa kanila. Pero kung ako ang bisita, with few exceptions, naghohotel na lang ako para 'di sila maabala.

    Imbes na magreklamo ka, tulungan mo na lang ang nanay mo sa pagliligpit. Balang araw, mauunawaan at ma-appreciate mo rin ang kaugaliang ito.

    -Just_JT

  13. #13
    parang hindi si just jt ang post na ito, at walang halong kahambugan. mukhang nadala dahil sa pagkuyog sa kanya sa kabilang thread ng dlsr.

    -Just_JT
    nakalimutan.mo.ang.caption.sa.ilalim.ng.handle.mo.

    lonely_pinoy
    taong.grasa.kaning.lamig.okay.na.

  14. #14
    Slumdog Billionaire akosilester's Avatar
    Join Date
    Mar 2004
    Location
    Mayon Volcano
    ang bahay namin nagiging transient ng mga kamag-anak na makikipagsapalaran sa Maynila/ibang bansa...

    siguro sa 10 na nakitira, 9 dun ang bwisita

    meron mag-apply na seaman, aba, feel at home talaga...
    nakipagbarkada sa kapitbahay na mga tambay at nakuha pang mag-inuman sa bakuran namin...
    meron naman call center agent, talaga namang senyorita... hindi man lang magligpit ng pinagtulugan at pinagkainan...

    at may pinsan yung tatay ko na bumisita samin na nanguha pa ng hindi pa gamit na So-En panties at girdle ng nanay ko
    regalo yata yun ng boss ng nanay ko, at hindi pa nga natatanggal sa kahon
    wala kasi nun nanay at tatay ko, kaming magkakapatid lang, eh mga bata pa kami nun...
    may mga kinuha ring mga maling at isang glassware set!

  15. #15
    Return of the Newtype Amuro's Avatar
    Join Date
    Sep 2001
    Location
    Ra Cailum
    Pinoys i believe are the most if not, one of the most hospitable hosts in the world. but i think even though we prioritize the guests and make them welcome and feel home, the guests themselves must act accordingly.

    sa mga ganitong sitwasyon, makikita mo kung pano pinalaki ang isang tao. i think that even that we are welcome in someone's household, kahit sabihin pa nilang "feel at home" they should have a mindset that they are still in somebody else's house, and not everyone in that household will feel comfortable, dahil mag-aadjust sila dahil may bisita.

  16. #16

    Ang katungkulan ng mga panauhin.

    Quote Originally Posted by Amuro View Post
    sa mga ganitong sitwasyon, makikita mo kung pano pinalaki ang isang tao. i think that even that we are welcome in someone's household, kahit sabihin pa nilang "feel at home" they should have a mindset that they are still in somebody else's house, and not everyone in that household will feel comfortable, dahil mag-aadjust sila dahil may bisita.
    Bilang panauhin naman, dapat kusa tayong tumutulong sa mga gawaing bahay. Halimbawa:

    • Iyong kaibigan ko na tinuluyan ko sa Houston TX, inayos ko ang computer niya dahil sa dami ng malware hindi na niya magamit.
    • Doon sa hipag ko sa San Antonio TX, si missus ang naglaba, nagtupi at nagligpit ng kanilang mga damit. Ako naman, lininis ko ang sasakyan nila - vacuum, hand wash at tyre black.
    • Doon naman sa tahanan ng magulang ko sa Inang Bayan, dahil iyong maid nila ang gumagawa lahat, tinitiyak kong inaabutan ko nang kaunting salapi bago ako umalis para maluwag ang loob niya sa abala ko. Nag-aabot din ako sa mga magulang ng salapi na pandagdag sa electric bill dahil malakas akong gumamit ng a/c.

    Bottomline: HUWAG PABIGAT AT KUSANG TUMULONG PARA GUMAAN ANG LOOB SA ATIN NG MGA PUNUNG-ABALA.

    -Just_JT
    Pabigat.lang.ako.sa.weighing.scale.dahil.lagpas.100kg.ako.

  17. #17
    Arrgh! I hate that too. I seldom let my close friends borrow my stuff tapos yung mga di ko pa kaclose?!

  18. #18
    The Lost Gospel Gospel of Judas's Avatar
    Join Date
    Apr 2006
    Location
    hanging on a tree
    Quote Originally Posted by JUST_JT View Post
    Ugali nating mga Pinoy iyang maging hospitable sa mga bisita. Noong araw ganyan din kami: kapag may tiya kaming nagbabalikbayan at tumutuloy sa tahanan ng lola ko kung saan kami nakikitira noong araw, sibak din kami sa aming mga kama. Doon kami sa sala sa mga upuan natutulog.
    oo hospitable tayong mga pinoy. pero lahat ng bagay merong limitasyon. ang hinihiling lang naman natin sa mga bisita eh ma-realize ang limitasyon na yun. o eh pinaghahain sila ng pagkain, libre nood tv, libre sa computer, libre lahat. sana man lang pa-konswelo nila na alamin ang house rules at subukang sundin yun.

    Quote Originally Posted by JUST_JT View Post
    Gusto kasi ng Pinoy maging feel at home ang mga bisita. Kung may bisita ako ganyan din ang gusto kong ipamahagi sa kanila. Pero kung ako ang bisita, with few exceptions, naghohotel na lang ako para 'di sila maabala.
    yup but as i said, everyone has their limitations. meron talagang mga bisita na hindi makuha yun. okay lang naman mag-ingay. pero wag sana pag may natutulog na diba.

    Quote Originally Posted by JUST_JT View Post
    Imbes na magreklamo ka, tulungan mo na lang ang nanay mo sa pagliligpit. Balang araw, mauunawaan at ma-appreciate mo rin ang kaugaliang ito.

    -Just_JT
    ako ang naglinis ng kwarto ko. hindi nanay ko.

    sa sala ako natulog.

    ngayon ko lang sinasabi dito. di naman masamang sabihin basta wag lang harapan sa kanila. hindi naman siguro backstabbing yun dahil totoo naman.

  19. #19
    KulasisiNiHit-Ler NeoDyn's Avatar
    Join Date
    Apr 2009
    Location
    Monaco-di-Baviera
    Quote Originally Posted by lonely_pinoy View Post
    parang hindi si just jt ang post na ito, at walang halong kahambugan. mukhang nadala dahil sa pagkuyog sa kanya sa kabilang thread ng dlsr.

    -Just_JT
    nakalimutan.mo.ang.caption.sa.ilalim.ng.handle.mo.

    lonely_pinoy
    taong.grasa.kaning.lamig.okay.na.
    LPhusay mong magpatutsada pards

  20. #20

    Abusadong panauhin.

    Quote Originally Posted by Gospel of Judas View Post
    oo hospitable tayong mga pinoy. pero lahat ng bagay merong limitasyon. ang hinihiling lang naman natin sa mga bisita eh ma-realize ang limitasyon na yun. o eh pinaghahain sila ng pagkain, libre nood tv, libre sa computer, libre lahat. sana man lang pa-konswelo nila na alamin ang house rules at subukang sundin yun.
    Ganoon na nga. Pero bisita ito ng nanay mo. Paano ka makakahirit? Kung pamamahay mo, siguro maaari kang humirit.

    -Just_JT
    Pagpasensyahan.mo.na.lang.

Page 1 of 12 1 2 11 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

GILAS:

Gilas Pilipinas flies to Miami for an intensive two-week training camp

Gilas Pilipinas flies to Miami for an intensive two-week training camp

read more
PBB:

Jane Oineza celebrates 18th Birthday in the Big Brother House

Jane Oineza celebrates 18th Birthday in the Big Brother House

read more
SHOWBIZ:

Aljur Abrenica seeks release from GMA-7

Aljur Abrenica seeks release from GMA-7

read more
CHIT CHAT:

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

read more
SPORTS:

Sharapova, Murray, set to play in Manila leg of the International Premier Tennis League tournament

Sharapova, Murray, set to play in Manila leg of the International Premier Tennis League tournament

read more
UAAP:

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

read more