PEx Highlights

Where are you staying this Holiday Season?

Join the Call Center promo and get a chance to win Pizza Inc Gift Certificates!

read more

GALLERY: PBA Philippine Cup Semifinals

Check out photos from each game of the PBA Philippine Cup Semis here!

read more

FEATURE: Top UAAP Stories in 2014

We take a look back to reflect and celebrate the best stories in the UAAP that happened in the past year.

read more

REVIEW: Laggies

If Laggies was an animal, it will be an old turtle -- slow, old and boring. Read our full review here.

read more

The Best of 2014: PExers Choice Awards

The results are finally here! Find out who won the hearts of the PinoyExchange community in The Best of 2014: PExers Choice Awards!

read more

PEx Christmas: The PBA Christmas Wishlist

'tis the season of gifts and wishlists! JPM plays Santa's consultant and lists down the best Christmas gift for each PBA team.

read more

Results 1 to 16 of 16
  1. #1
    The Next Prodigy
    Join Date
    Mar 2008
    Location
    Philippines

    Smile Guys, Hingin ko lang mga opinyon niyo!!

    Guys, Hingin ko lang ang mga opinyon niyo tungkol dito sa mga isyung ito:

    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan.

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives.

    3. Paglelegalize ng abortion.

    4. Live-in

    5. Magarbong Kasalan

    6. Early marriage

    7. Same sex marriage

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan.

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal

    11. Child Labor

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon.


    Guys, Kailangan ko LAHAT opinyon niyo tungkol sa mga ito kasi kailangan ko sa school ang mga opinyon ng mga tao. Salamat ng marami

  2. #2
    Quote Originally Posted by louie81993 View Post
    Guys, Hingin ko lang ang mga opinyon niyo tungkol dito sa mga isyung ito:

    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan.

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives.

    3. Paglelegalize ng abortion.

    4. Live-in

    5. Magarbong Kasalan

    6. Early marriage

    7. Same sex marriage

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan.

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal

    11. Child Labor

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon.


    Guys, Kailangan ko LAHAT opinyon niyo tungkol sa mga ito kasi kailangan ko sa school ang mga opinyon ng mga tao. Salamat ng marami
    Naku ang hirap naman ng assign mo, pero sana makatulong ang mga opinyons ko ha,sagot nalang ang ilalagay ko ha..

    Answers:
    1.Disagree,ano naman ang gagawin nila sa mga batang ipinanganak na tatlo sa pamilya?kawawa naman,at kasalanan sa Dyos ang pumatay.Makakaraos din tayo,hindi ang pagdami ng pamilya ang problema ng bansa, kundi korupsyon.
    2.Disagree,dapat ang tinututulan ng church ay yung two child policy.Agree ako sa contraceptives,mas mabuti ng i prevent ang pagdami ng mga anak sa ganitong paraan kesa naman sa abortion or murder ng pamahalaan.Kailangan lang ng dagdag kaalaman,ok na na ipakalat ito sa mga schools starting 2nd year high school at sa buong pamayanan.need natin ng sapat na knowledge about contraceptives.
    3.its a no no! masama yun, murder un! lalo lang tayong kakarmahin,maghihirap ang buong bansa, dahil nakalugmok tayo sa pagkakasala.madaming maglalakas ang loob na gumawa ng kalaswaan kapag may abortion na sa Pilipinas,kapag ginawa natin ito,para narin tayong nawalan ng takot kay GOD, kasi murderer ang abortionist.
    4.I agree sa live in, para malaman talaga ng mag partner kung mahal talaga nila ang isa't isa sa kabila ng mga mabibigat na pagsubok sa buhay,at kung hindi talaga, hindi sila mahihirapan sa paghihiwalay.kasi kapag kasal na, at hindi pala talaga mahal ang isa't isa, hindi na dapat naghihiwalay ang kasal na, kasi ito'y pinagsama ng Dyos. (Kaso malas daw nagsasama pag dpa kasal eh,yan tuloy!)
    5.I agree,kung meron naman i papa garbo eh, bakit ba? once in a lifetime lang naman ang kasal.isang beses lang un mangyari sa buhay ng isang babae,at dapat,the best na,magarbo naman eh, yung paraan na magarbo sa paningin ng ikakasal di ba? basta wag lang mabaon sa utang, y not?
    6.okz lang, as long as kayang dalhin ang pamilya, at hindi pabigat sa mga magulang.dapat ang early marriage ay kayang panindigan ng couple. at higit sa lahat, dapat responsible sila sa pagiging magulang sa mga anak. at dapat, hindi nami mirwisyo sa magulang, kasi ginusto mong magpakasal ng maaga, dapat panindigan mo...okz lang naman eh, para ma enjoy mo din ang paglaki ng mga anak mo, habang bata kapa, at bata padin sila..
    7.okz lang, kasi kung sila ang nagkakaintindihan,bakit hindi?para malegalize na,kapag ganun kasi, mas more ang honesty nila sa kanilang mga partners.baka ma lessen ang pagkalat ng AIDS sa mundo kapag pinagbigyan natin silang makasal sa isat isa, syempre pagkasal na sila sa mga partners nila,magiging honest sila, kahit papano di ba?
    8.ok lang,at dapat, para may knowledge ang mga bata,as well as, malaman nila kung anong magiging consequence,kapag nag sex sila ng maaga,dapat include dito sa sex educ ang effect sa health at lifestyle di ba?
    9.Malaki. kaya dapat, honest ang mga ibinabalita ng media sa mga tao, at kung meron mang pagkakamali, matuto din silang mag sorry sa mga viewers.
    10. para sakin ay 23, kasi graduate ang tao ng 20 sa college, 2mo's para magpahinga,2mo's para maghanap ng trabaho, 6mo's para magsikap, 2mo's para mag enjoy, at 2years para mag ipon,para sa kinabukasan at kasal.at kapag nagpakasal ng 23years old, may 1year kayong mag asawa para enjoy ang isa't isa,para ma set ang priorities at para makapag adjust ng magkasama,pag 24 kana,pede kanang magbuntis,para naman,bata kapa,habang lumalaki ang anak mo...
    11.child labour? naku! di ba? karapatan ng mga bata ang mag enjoy habang bata pa sila, dapat ang mga bata ay wala sa kalye upang magtrabaho,dapat nasa school sila para mag aral,makipagkaibigan at sa bahay, para tumulong sa magulang sa gawaing bahay.kapag ang tao ay gumawa ng anak,responsibilidad nya ang mga ito,hanggang paglaki at makahanap ng work,never na naging responsibility ng anak,na ipagtrabaho ang magulang, lalo na kapag bata pa sila.pede mong turuan maging responsable ang mga anak mo,sa pamamagitan ng pagtuturo sa tamang pag gastos,pag titipid at pagsisipag sa pag aaral.pero hindi mo dapat sila pwersahing magtrabaho,uulitin ko..
    karapatan ng mga bata ang maglaro,magsaya at mag aral.
    12.ulitin ko yung sa number 3 answer ko..
    Tama at dapat ipalaganap ng pamahalaan ang edukasyon at tamang paggamit ng contraceptives,lalo na sa mga mahihirap na mamamayan at walang pinag aralan, nang sa ganun, maunawaan nila ang epekto ng pagkakaroon ng maraming anak sa pamahalaan,at lalo na sa health ng tao.kaya tayo at lalo na yung mga mahihirap dumadami, kasi wala silang sapat na kaalaman ukol sa paggamit ng contraceptives.at dapat maging tapat ang government, sa pagbibigay ng tulong at budget, ukol sa libreng contraceptives...

    naku ha! sumakit bigla ang ulot ko dito ha! natapos tuloy agad ang breaktime ko...

    Anong grades ko po?

  3. #3
    1. 2 Child policy > yeah sure. To avert overpopulation.

    2. YES to contraceptives. To avert overpopulation.

    3. Legalize abortion > Yes. Pero kelangan court approved.

    4. Live in. > Yes. As long as parehong legally single ang involved.

    5. Magarbong Kasalan > Yes. Karapatan mo yon kung may pambayad ka.

    6. Early marriage > How early is early? Diba pag 18 na legal adult na yon? Pag less than 18 kelangan ata ng parental consent? Not sure.

    7. Same sex marriage > Legally? Kung huwes ang gagawa nito? Yes.

    8. Sex education > Yes. Kelangan para ma-avert ang overpopulation.

    9. Media effect on kids > Diba yung mga programs na ngayon sinasabi kung kelangan na ng patnubay ng magulang or pambata or what? Ginagawa na ata natin ito.

    10. Tamang edad ng pagaasawa? > no comment. Each person has different levels of maturity. Pero according to the law - 18 years is considered legal adult.

    11. Child Labor > Against ako dito. It's the duty of parents to earn for their kids. Not for the kids to earn for the family. However, if the kid wants to work or voluntary eh di pagtrabahuin mo.

    12. Population control > government to monitor the annual salary of workers. Kelangan umabot sa certain level ang salary mo para i-allow ka na magka-anak. This way masasabi na talagang kaya mong buhayin or bigyan ng magandang buhay ang anak mo.

  4. #4
    dapat nasa LAFI ito or sa RoT.

    mas madaming sasagot sa mga ganitong questions doon.

  5. #5
    Quote Originally Posted by louie81993 View Post
    Guys, Hingin ko lang ang mga opinyon niyo tungkol dito sa mga isyung ito:

    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan.

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives.

    3. Paglelegalize ng abortion.

    4. Live-in

    5. Magarbong Kasalan

    6. Early marriage

    7. Same sex marriage

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan.

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal

    11. Child Labor

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon.


    Guys, Kailangan ko LAHAT opinyon niyo tungkol sa mga ito kasi kailangan ko sa school ang mga opinyon ng mga tao. Salamat ng marami
    1. Sa totoo lang, parang okay ito, kaso 50/50 ang pananaw ko dito eh, dahil nga pasikip ng pasikip ang ating mundo, eh padami na ng padami ang ating mga tao, siguro dapat mag-migrate na lang sila. Eh ano kaya kung mahirap sila? Ipa-ampon na lang, paging Dr. Vicky Belo.

    2. Bakit kaya pinapakialaman ng mga obispo itong mga contraceptives? Wala namang koneksyon ang obispo sa ating ilalim ah.

    3. Abortion? Di dapat ginagawa yan! Sayang naman, eh parang munting anghel na yan eh. Kung gusto mo itago, eh i-ampon mo na lang.

    4. Live in? Di naman maganda ito tsaka dapat matuto muna mag-tawagan na lang instead. Kung mahirap ka naman tapos wala kang pang-gastos, eh mag live-in na lang, sa kalye nga lang. 50/50 ako dito.

    5. Diyos ko po, pwede namang ang kasal magarbo o simple lang eh. Tandaan designs do not matter, this day is the day that God has accepted you as couples.

    6. Early marriage? Sana naman ang CBCP may age requirement, 22 and above na lang sana.

    7. Same sex? Mababa ang pananaw ko dito. Hindi dapat pinagtagpo yan ng diyos, kaya nga may Adam at Eve eh. Mag-live-in na lang sila!

    8. Sex education? Sa College dapat yan, sa kahit anong courses! Matured na ang taong nasa College. Kasi kapat tinuruan lang yan sa HS, eh mas lalong aadik sa sex ang mga kabataan, masyandong greenish!

    9. Ang media, medyo mapanganib na ang trabaho nila ngayon, dapat pinapakita nila sa kabataan na good influence sila by being humble and professional. I-report nila ang dapat i-report na very sensible, kum baga.

    10. Yan dapat! As I have mentioned sa #6, may requirement dapat yan! Kasi kapag nag-aaral pa, tapos may pamilya na, masyado pang mahirap yan.

    11. Magandang batas yan, atleast may proteksyon na ang mga bata, dapat diyan nag-aaral, at HINDI nagtatrabaho.

    12. Dapat nag-migrate na ang ilan sa kanila o kaya, mamatay na lang sila.

  6. #6
    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan. - medyo nadadalawang-isip pa ko eh. pwede rin para naman mabawasan ang lumalaking populasyon natin, pero tingin ko mukhang mahihirapan ang pamahalaan na ipatupad ito.

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives.- medyo disagree din, makakatulong din ito sa pagcontrtol ng populasyon natin.

    3. Paglelegalize ng abortion. - of course not! kahit 1 day old pa lang yung bata sa tiyan at dugo pa lang, may buhay na rin yun. para na ring ginawang legal ang pagpatay..

    4. Live-in - disagree! magsama dapat kung kasal na... kaya maraming nagkakasala na may asawa eh, dapat ipagbawal yan!

    5. Magarbong Kasalan - disagree. hindi naman lahat ay afford ang ganyan. ang importante kasal ka sa mata ng diyos pero hindi naman importante kung magarbo man o simple.

    6. Early marriage - disagree! kailangan paghandaan muna, wag padalus-dalos. ipon muna, at pagdesisisyunan ng mabuti.

    7. Same sex marriage - super disagree! ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki.

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan. - agree. karapatan din malaman ng mga bata yan, pero dapat ituro ng maayos sa mga bata.

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad- agree.

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal - agree. dapat nasa tamang gulang ang pagpapakasal, at dapat siguraduhin muna nila na tama ang kanilan desisyon.

    11. Child Labor - disagree. responsibilidad ng magulang na pag-aralin muna ang kanilang mga anak.

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon. - agree

  7. #7
    Yes - nee
    Join Date
    Dec 2001
    Location
    Line 34 Col 45
    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan.
    Ok yan, pero paano i-implement ?

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives.
    Ginagawa lang ng simbahan ang tungulin niya, pero nasa tao pa din ang pagde-desisyon.

    3. Paglelegalize ng abortion.
    Kung nasa peligro ang buhay ng ina at ito lang ang kasagutan, ok lang.

    4. Live-in
    Nasa tao yan.

    5. Magarbong Kasalan
    Depende sa budget mo.

    6. Early marriage
    Gaano ka early ? as long as nasa legal na edad na, walang masama dun.

    7. Same sex marriage
    Bigyan lang sila ng pantay na civil rights na kahalintulad sa mag-asawa.

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan.
    Dapat may sapat na edukasyon ang mga bata sa larangang ito.

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad
    Nasa tao din yan kung magpapadala siya sa impluwensiya ng media.

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal
    Minsan wala din sa edad, may mga taong bagamat bata pa eh may sapat na maturity na.

    11. Child Labor
    Ok lang basta hindi forced labor.

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon.
    Edukasyon.

  8. #8
    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan. - I'm 50/50 regarding this. Over-populated na ang bansa natin at madami sa atin ang way below the poverty line.

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives. - I disagree. Contraceptives should be used by people to prevent - overpopulation. Kawawa naman ang mga batang iluluwal sa mundo para lamang maghirap.

    3. Paglelegalize ng abortion. - I disagree, period.

    4. Live-in - I agree. Most people nowadays aren't really ready for the level of commitment that marriage requires and entails. Ergo, magandang starting point ito para malaman ng parties concerned whether or not they're ready for marriage. As long as both people are of legal age, then there shouldn't be any problem.

    5. Magarbong Kasalan - Wala akong pakialam kung magarbo o hindi ang kasalanan. Kung may resources yung parehong pamilya, let them have a grand wedding. Kung wala, lauriat na lang sa Chow King ang handa.

    6. Early marriage - How early is early? Back in the day, our parents married as young as 15 etc. However, I think this is too young since everyone deserves to have a happy childhood - and that includes adolescence.

    7. Same sex marriage - Oks lang, wala akong pakialam. Everyone has a right to be happy. IMHO, the church shouldn't be meddling with the affairs of the State. Sa Pilipinas kasi, kahit na may separation na ang Church and State, ang hilig pa rin makialam ng Church eh. Let the State deal with the affairs of the State, and the Church deal with their followers.

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan. - DAPAT MATAGAL NA TONG GINAWA. Ignorance is not an excuse. Siyempre, hindi naman porn ang ipapanuod sa mga batang yan... IMO, yung natutunan ng mga bata about sex outside of the school or the household ay mali dahil iba ang naging attack. SEX shouldn't be TABOO. Parang iniilagan kasi ng mga Pilipino ang usaping ito when it's a natural thing occuring all around us.

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad - What about it? That's why we have parents and guardians inside the house. May child lock function na din naman ang mga tv ngayon.

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal - Redundant na to... SAME AS QUESTION NUMBER 6.

    11. Child Labor - I'm against it. Pero we should have something like that of the states - most of the kids working at the McDonalds' there are high school kids, even the check-out counters at groceries. I-promote natin early on pa lang dapat ang financial management and responsibility para hindi masanay na hingi ng hingi sa mga magulang.

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon. - I-check mo na lang ang mga sagot na nabanggit. Contraceptives and responsible parenting ang nararapat.

  9. Advertisement

  10. #9
    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan.
    - sang-ayon. maybe with exception sa pamilyang may kakayahang magtaguyod ng mas maraming anak.

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives.
    -di sang-ayon. siguro mas dapat magpokus ang simbahan sa dapat gawin kesa sa bawal gawin. ang tao kasi, habang pinagbabawalan, mas lalong gagawin. Focus on advantages of natural method, mas ma-eengganyo pa ang taong gamitin ito kung mas nabigyan ng tamang impormasyon.

    3. Paglelegalize ng abortion.
    -sang-ayon para lamang sa mga inang maaring mamatay kung ipagpatuloy pa ang panganganak.

    4. Live-in
    -di sang-ayon.

    5. Magarbong Kasalan
    -di sang-ayon kung ipang-uutang lang ang pangkasal.. mas mabuti pang ipunin na lang ang pera dahil mas malaking gastusin ahead ang mararanasan kapag nagkaanak.

    6. Early marriage
    - kung batang ikinasal like 15, di sang-ayon. mas maganda kung naging magkasintahan muna at magkakilanlan ng mabuti bago pumasok sa pagpapakasal. at kung papakasal kang, dahil nabuntis, another good reason not to get married. sabi nga nila, wag takpan ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali (but again, case to case basis rin, merong nagiging matagumpay ang pag-aasawa kahit batang kinasal, or kinasal ng bata dahil nakabuntis)

    7. Same sex marriage
    -kung kasal sa simbahan, di sang-ayon bilang respeto sa mga konserbatibo at pananaw ng simbahan. pero kung legalisasyon ng pagsasama na naaayon sa batas, sang-ayon bilang proteksyon ng magka-relasyon sa usapin ng naipundar o ari-arian

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan.
    -sang-ayon, bilang pagbibigay kalinawan sa mga tanong ng kabataan ukol sa kanilang seksuwalidad.

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad
    - malaki ang impluwensiya ng media, pero nasa magulang pa rin kung pano i-eexplain sa anak ang mga napapanood/nababasa.

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal
    - mahirap i-quantify, pero siguro kung kelan may kaya ka ng sumuporta ng pamilya, may estabilisadong trabaho, nasa matinong pag-iisip at higit sa lahat mahal at pananagutan mo ang pakakasalan mo at gayundin siya sayo.

    11. Child Labor
    -sang-ayon to some extent. hindi yung 'child labor' kung saan siya na ang bumubuhay sa pamilya niya. pero yung like summer jobs o weekend errands kung saan matututo yung bata ng responsibility, decision-making and problem-solving skills, plan and organize his time, parang training for future work.

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon.
    - 2 child policy, natural family planning method, contraceptives, gov't should create more jobs for the poor (para naman ma-divert ang atensyon nila sa pagtatrabaho kesa paggawa ng anak.

  11. #10
    naks, assignment. bait talaga ng pexers.

  12. #11
    Quote Originally Posted by louie81993 View Post
    Guys, Hingin ko lang ang mga opinyon niyo tungkol dito sa mga isyung ito:

    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan. I agree that this should be made compulsory to remedy our country's runaway population.

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives. The church (i.e., the Catholic Church) has the option to disagree with the government. Whether it is right or wrong in its opinion is a matter of faith.

    3. Paglelegalize ng abortion. Yes to this, but not late-term abortion.

    4. Live-in This is a matter of personal choice.

    5. Magarbong Kasalan This is a matter of personal choice.

    6. Early marriage This is a matter of personal choice.

    7. Same sex marriage Yes, it is the right of all invidividuals to enjoy the benefits of marriage, irregardless of their sexual orientation.

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan. Yes.

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad Media is very influential, that's why it should be self-regulating.

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal This is a matter of personal choice.

    11. Child Labor Should be regulated.

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon. See item #1 above.

    Hope this helps.

  13. #12
    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan.

    Dapat merong incentive ang mga taong heterosexual na i-limit ang kanilang mga anak sa isang lalaki at isang babae at merong bisa ang pag-bigay ng marriage contract sa kanila. Ang unang sanggol, lalaki o babae, ay babayaran ng gobyerno ng 1,000 PHP. Ang pangalawang sanggol na hindi kauri ang seksualidad ng una ay babayaran ng 5,000 PHP. Kapag kagaya ng unang sanggol, walang bayad. Ang pangatlo o humigit pa ay walang bayad.

    Kung multiple birth, ganoon din ang patakaran, depende kung identical o fraternal. Kung fraternal (DNA evidence), kung 1 lalake at 1 babae, babayaran ng gobyerno ng 10,000 PHP. Kung fraternal at parehong lalaki o parehong babae, 1,000 PHP lang ang ibabayad.

    Kung identical, 2,000 PHP ang bayad at merong pang chance na mag-anak ulit ng kaibang uri, kahit na multiple fraternal, na babayaran ng 5,000 PHP.

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives.

    OK namang tumutol kung sino man, nasa mga tao na yun kung gusto nilang i-donate sa simbahan (ke katoliko o buddhist o muslim) ang pabuya ng gobyerno para sa kanilang mga anak.

    3. Paglelegalize ng abortion.

    Bastat hindi babayaran ng gobyerno ang abortion.

    4. Live-in

    Wala namang nangyayari sa kasal na tao na hindi nangyayari sa mga live-in.

    5. Magarbong Kasalan

    Kung can afford, eh why not?

    6. Early marriage

    Ang nanay ko, halos 15 y.o. nang ikinasal. Pero hindi sya nagka-anak hanggang 10 years ang nakalipas, 25 sya nang ipinanganak ako. Nakunan sya at age 19 at age 21. Pero, sabi nya, OK lang daw ang ikasal ng 15 y.o. Yung pinsan kong babae, 42 na sya ng ikasal.

    7. Same sex marriage

    OK lang, bastat mahal nila ang pakakasalan nila.

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan.

    Kung over 21 y.o. ang estudiyante na tuturuan ng sex education, too late na. Kung 10 y.o. ang mga batang babae, siguro dapat i-explain sa kanila kung bakit merong mensturation ang ilan sa kanila. Sabi nga, in grade school, how can you tell if a girl is having her mens? She is wearing only one sock!

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad

    Malaki ang impluyensya ng media, kasi nakakapasok sila sa pag-iisip ng kabataan tungkol sa moralidad na dapat sundin.

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal

    Hindi naman dapat magpakasal para magka-asawa. Pero, dapat merong parental o guardian consent para magpakasal ang isang 1 day short of 18 years o younger. Ang nanay ko, merong consent ng tiya nya, na kanyang legal guardian.

    11. Child Labor

    Kung ang itinutukoy mo ay ang age ng mga batang nagtatrabaho para sa kanilang mga pamilya, walang age limit. Kahit na magbabantay ng kanilang mga nakababatang kapatid para makapagtrabaho ang kanilang ina ay OK lang.

    Kung ang tinutukoy mo ay yung pag-ire ng mga nanganganak, bakit hindi? Hindi namang pwedeng i-c-section ang lahat ng menor sa idad.

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon.

    Tiyak na hindi magkaka-anak ang mga nagtatalik kung gagamit sila ng birth control devices gaya ng condom. Kailangan hindi lang isa kung meron sila, dapat ay isang dosena ang stock ng condom, kung sakasakaling gusto pa nilang magtalik ng sampung beses sa isang gabi.

  14. #13
    The Next Prodigy
    Join Date
    Mar 2008
    Location
    Philippines
    Maraming Salamat guys sa mga opinyon niyo!!

  15. #14
    Wait for the hardcore LAFI guys to answer your survey.

    And then the fun starts.

  16. #15
    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan.
    Ako ay sang-ayon ngunit dapat pantay-pantay ang pagpapatupad, walang mahirap, walang mayaman. Isa pa, dapat kapunin nang pareho ang mag-asawa kapag naka-dalawang anak na na kahit sinuman sa kanila ang magloko walang mabubuntis at walang makakabuntis.

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives.
    Walang problema sa akin kung tutol ang simbahan sa paggamit ng contraceptives dahil yun ang naaayon sa kanilang paniniwala. Ang hindi ako sang-ayon ay kung ang simbahan ay magpapataw ng parusa sa kanilang tagasunod kapag hindi sumunod sa kanila. Hayaan nilang ang pananampalataya ng kanilang mga tagasunod ang umiral.

    3. Paglelegalize ng abortion.
    Hindi ako sang-ayon maliban na lang kung darating sa puntong mamimili sa kaligtasan ng ina o anak. Hindi na rin ito kailangan kung naka-dalawang anak na at kapon na ang isang indibidwal.

    4. Live-in
    Sang-ayon. Hindi lahat ng tao ay naniniwala sa turo ng simbahan. Dapat rin itong maging pre-requisite ng kasal habang wala pang divorce sa Pilipinas.

    5. Magarbong Kasalan
    Sang-ayon. Basta hindi ipinangutang ang gastos sa pagpapakasal at imbitado ako, walang problema.

    6. Early marriage
    Hindi sang-ayon. Mag live-in na lang muna kung hindi papipigil. Kapag hindi umukol maghiwalay, pag ukol saka na lang magpakasal.

    7. Same sex marriage
    Hindi sang-ayon. Sa isang ideyal na sitwasyon, ang pagkakapantay-pantay ay isang magandang adhikain. Ngunit, tayo’y nasa bansang konserbatibo at tsismoso na ang tingin sa ganitong mga bagay ay imoral. Kawawa lang ang magpapakasal sa matatalim na dila ng mga Pilipino.

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan.
    Sang-ayon. Maraming makakaligtas sa maagang pagbubuntis kung alam lang ng mga kabataan ang mga tamang paraan upang hindi mabuntis. Tigilan na rin na ang pokus ng pagtuturo ay sa pagpipigil kundi sa tamang paggamit ng contraceptives.

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad
    Malaki ang impluwensiya ngunit hindi nating masasabing negatibo o positibo ang resulta. Nasa mga indibidwal na rin kung paano nila tatanggapin ang mga impluwensiyang ito.

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal
    Hindi dapat sa edad nababatay ang pagpapakasal kundi sa kakayahan ng magpapakasal. Kahit singkwenta pa ang isang indibidwal kung walang kwenta naman mas mabuti pa ang tinedyer na may tamang pag-iisip.

    11. Child Labor
    Sang-ayon hangga’t hindi naaapektuhan ang pag-aaral ng isang bata. Kapag talo pa ng anak ang kanilang magulang sa pagta-trabaho at hindi na nakakapaglaro ng taguan at hindi na nakakapag-aral, ibang usapan na ‘yun.

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon.
    Ipatupad ng mahigpit ang unang bilang.

  17. #16
    Schadenfreude Twin-Skies's Avatar
    Join Date
    Mar 2009
    Location
    Earth! (I think)
    1. Two child policy na nais ipatupad ng pamahalaan.

    I'd rather that the state did mandate how many children a couple can have. What I'd rather have is that they implement a widespread family planning program that informs families of all the possible repercussions that may result from them having more kids than they can handle.

    2. Pagtutol ng simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptives.

    The church can tell is constituents, but what gives them the right to tell people of other faiths what they do in bed? Furthermore, I have very little respect for the the CBCP's stance on the matter, given they always demonize pro-contraceptive spokesmen, and constantly insist that simply learning about contraceptives will automatically result in increased promiscuity.

    This is utterly untrue, and it pains me to see such a well-established organization - one that claim the moral high ground at that - to be actively participating in such a lie.

    3. Paglelegalize ng abortion.

    Ideally, I'd prefer to have this option available only for worst-case scenarios. Such as when the woman was impregnated because of rape, or if the pregnancy poses a serious risk to the mother's survivial. Ultimately, it will be the woman's choice.

    4. Live-in

    Not an issue for me, honestly.

    5. Magarbong Kasalan


    6. Early marriage

    If the couple is fully capable of standing on their own financially and emotionally, and have already thought this decision out, I don't see why not.

    7. Same sex marriage

    Not an issue for me either. Might be an issue for homophobes and religious conservatives, although the latter will be offended at anything that makes them uncomfortable, even if it's not necessarily a moral wrong. The former on the other hand are just douchebags who should be shunned and ignored.

    My questions to you: What gives other people the right to prevent two people from being together, if their relationship is one founded on genuine love and nurturing?

    My other question: Would you like other people telling you what to do in bed with your partner, just because they think they're right and you're wrong?

    8. Pagtuturo ng sex education sa paaralan.

    Preferably during high school, when youths are at their most promiscuous, and when they can fully appreciate the lessons. Start off preferably with a crash course on STDs such as Syphilis. Copious amounts of visual aid will definitely help

    9. Impluwensya ng media sa mga kabataan/moralidad

    Our media does have a responsibility to our youth in how they can shape their sense of morality, but so do parents. If the kids are watching all that garbage on the local networks that pass off as shows, then I'm inclined to wonder why the parents aren't doing anything about it (Turn off the TV, get them involved in other hobbies, etc.)

    10. Tamang edad ng pag-aasawa/pagpapakasal

    What's to argue about?

    11. Child Labor

    Wrong, Just plain wrong, but it happens due extreme poverty.

    12. Mungkahi upang mapigilan ang mabilis na pagtataas ng populasyon.

    I already said it earlier - widespread sex education programs.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement


Advertisement


Advertisement

Hot Topics

PEx CHRISTMAS:

Celebrate the joy of Christmas with PinoyExchange!

Celebrate the joy of Christmas with PinoyExchange!

read more
MOVIES:

Manonood ka ba ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival?

Manonood ka ba ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival?

read more
PBA:

Don't miss a beat on PBA semis action, join the ongoing discussion here!

Don't miss a beat on PBA semis action, join the ongoing discussion here!

read more
PROMO:

Where are you staying this Holiday Season? Join the poll and get a chance to win GCs!

Where are you staying this Holiday Season? Join the poll and get a chance to win GCs!

read more
NMFtv:

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

read more

Advertisement