PEx Highlights

Watch 'The Legend Ends' Trailer!

Check out the trailer of the final instalment of the Rurouni Kenshin series, 'The Legend Ends.'

read more

Calling All Travel Bloggers!

Wanna get featured in PEx-Travel? Share with us your travel blogs and have your entries promoted around PinoyExchange!

read more

PHOTOS: UE Keep Final Four Dream Alive

Despite not fielding in Roi Sumang, the UE Red Warriors managed to get a 64-55 win over the NU Bulldogs.

read more

Wake Me Up When You Show Me Your Teeths!

In this week's Show Me Your Teeths!, the ladies talk about the -ber months, the upcoming Bench Fashion Show and the Cosmo Bachelor Bash.

read more

MOVIE REVIEW: The Giver

Very promising, but tries too hard to fit in the mold of the Hunger Games/Divergent series.

read more

FIBA FEATURE: Do We Stand a Chance?

Do we really have a shot to make it through? JPM weighs in on the the odds of Gilas Pilipinas in the FIBA World Cup.

read more

Results 1 to 5 of 5
  1. #1

    Ang Pintor

    Chapter 1

    Madidinig mo ang mga businsa ng mga jeep sa bintana ni dan...yun ang gumigising sa kanya tuwing umaga..ang maiingay na jeep...nakatira sya sa itaas ng isang lumber hardware na building sa libertad...isang loft na malawak ang lugar at medyo mura...pinaganda nya ito ..para makapag pinta sya ng maayos.

    Normal lang ang buhay ni dan...mag kakape sya tuwing umaga...mag papatugtog ng new age music...at tititigan nya ang kanyang mga nagawa at mga paintings na medyo basa pa ang pinta...na kanyang pinag puyatan nung gabing yun....

    Wala syang asawa o anak..para sa kanya...gusto nya lang mag isa sa buhay....at mapag patuloy ang kanyang pag pipiinta...at para maka raos sa pangaga ilangan ng kanyang katawan ay kumukuha nalang sya ng mga waitress or ng mga **** sa club..at dun nya dinadala sa kanyang munting paraiso...

    Ngunit isang araw....ay biglang nagbago ang lahat...hindi na busina ng jeep ang gumigising sa kanya...kung hindi isang bangugot....


    tulog sya...at pag harap nya sa kabilang side ng kama...ay andun ang isang babaeng patay...at pag hawak nya ng kumot..ito ay punong puno ng dugo...

    Hanggang magigising nalang sya...titigan nya ang kanyang higaan...pero malinis...walang dugo..at walang bangkay ng isang babae....

  2. #2
    Bumangon si dan...at pinag pawisan sya dahil sa kanyang masamang panaginip...nag timpla sya ng kape..at tinignan nya ang kanyang hindi pa na natatapos na obra...natuwa sya sa kanyang nakita...isang babae ang nasa larawan...na medyo malabo...at asa likod ng isang salamin...

    Nag isip si dan..kung bakit ngayon lang sya nag karon ng masamang panaginip...hindi nya ma explika...nag isip sya ng malalim...inisip nya na baka hindi nya na on yung aircon nya kaya sya binagugot....

    Nag isip sya kung natulog sya ng busog..or basa ang buhok nya....binale wala nya ito at nag patuloy sya sa kanyang pag pinta...nag pa tugtog ulit sya ng music nya ng malakas....at ngayon si Pavarotti naman ang naka salang....habang nag pipinta sya ulit...at nilalagyan ng coating ang pinta nya....

    Maya maya ay may kumatok....nag on yung intercom...

    "dan...this is john..."

    "oh sir...pasok..." nag buzz sya para mag open yung steel door sa baba....

    Umakyat si john...ang mayaman na buyer nya...at nag collect ng mga paintings ito....naka tira ito sa isang village sa makati...pinamanahan sya ng kanyang mga magulang ng mga paupahan ...bahay at commercial buildings...namatay ang kanyang magulang sa plane crash...kaya biglang yaman si John...at dahil board sa buhay...ay lahat kino kolekta nito....balbas sarado si john...at parating naka puti ang suot....at may baston...ang edad ay asa 50 na.....

    Pumasok si John at sinalubong ni dan..

    "sir tuloy"

    "ikaw naman sir pa ...john nalang"

    habang naka tingin sa paligid si john sa mga bagong natapos ni Dan....

  3. #3
    Nag timpla si Dan ng kape para kay John...since alam nya na ang gusto nito...

    "oh sir john...may nagugustuha ka ba"

    "kilala mo naman ako dan...kung may gusto ako tinuturo ko nalang diba"

    "oo nga pala...gusto mo lang gumala ang mga mata mo...hanggang mabuo dito ang gusto mong obra"

    "tumpak ka!"

    "ayos ahh...sapul na sapul...tumpak..hahaha"

    "so kelan matatapos yang tinatapos mo"

    "alin"

    "yan yang babae na yan" habang tinuro ni john yung asa canvass na medyo basa pa ang pinta..

    "ahh...siguro mga tatlong coating pa yan"

    "mukang magiging maganda kalalabasan nyan ahh"

    "oo....pero...ewan ko...hirap ako dyan"

    "bakit naman?"

    "wala"

    "dan...hindi lang obra ang gusto ko...ang gusto ko ay ang mga kwento sa obra"

    "hahahaha...ibang klase ka din"

    "kanya kanya naman tayo ng hilig diba dan?"

    "matanong nga kita John...ikaw...marami ka namang pera...bakit nag tyatyaga ka pa sa akin...na isang munting pintor na hindi kilala"

    "sa ngayon....pero malay mo balang araw sumikat ka..eh di tutubo ako sa mga pinag bibili ko sayo"

    "hahahaha...pag namatay ako ganun"

    "ganun na nga" sagot ni john na medyo seryoso

    "pare..walang ganyanan...hahahaha...bata pako..."

    "sugal yan diba..sa mga pintor...maiba ako..bakit ka hirap dito " paturo nya yung obra na asa gitna ng sala...

    "gusto mo ba talagang malaman?"

    "oo..para mabili ko yan..kapag alam ko ang kwento dyan"

    "nanaginip ako ...bangugot....at parang yang pinta na yan ang dahilan"

    "pare ibig mong sabihin yang pinta mo buhay?"

    "hindi buhay...ewan ko...hindi ko alam...wag na natin pag usapan yan"

    "sige..."

    "ikaw kelan ulit pag abroad mo?"

    "hindi ko alam...baka next week...balik ako sa mozambique"

    "pare bakit dun?"

    "ahhh...ehhhh...may parang seminar sa mga african tribal rituals"

    "wow...bigat ahh...iba nanaman yang kinalolokohan mo ha"

    "hahahaha..hindi naman"

    "ano so wala kang nagustuhan "

    "parang trip ko yang tinatapos mo.....babalik ulit ako pag natapos mo na yan..text moko pare ha"

    "sige ba..."

    "sige..alis nako...punta lang ako sa greenbelt"

    "shopping ka nanaman..iba na talaga mayaman"

    "wala...tingin tingin lang"

    "sige bye"

    naglakad si john..naka titig pa din dun sa obra na may babae....at binuksan ni dan ang pinto...hanggang naka labas na ito...

    umupo ulit si dan sa sala..at nag pa tugtog...gusto nya medyo tahimik..kaya david lanz ang pina tugtog nya....at tinitigan nya din ang obra na may babae....

    Lumapit sya dito at balak umpisahan ang second coating...pero...naguluhan sya..at tinigil nya...

    dumilim at bumaba na ang araw sa Manila bay....sumilip si dan sa bintana..at tuwing gabi..ay beer naman ang kanyang ini inom.....hanggang...

    Next Chapter 2

  4. #4
    Chapter 2 Ang panaginip

    Napasok si Dan sa isang madilim na kwarto...sobrang dilim at wala syang makita....

    May nahawakan syang switch ng ilaw..sa kanyang pag kapa sa dingding...at pag bukas nya...ay isang pulang ilaw ang sumindi....at sa ibaba nitong ilaw...ay isang kama na puting puti ang bedsheets at unan....at isang babae na sobrang ganda at sexy....hubad hubad ang babae...at kitang kita ang makorte nitong katawan at ganda ng dibdib...medyo bata pa ito at maputi...

    Aakitin nito si Dan....at lalapit si Dan....hahalikan nya ang babae..at ihihiga nito sa kama...

    Habang hinahalikan nya ang babae...ay mabibigla si Dan...

    Bibigyan sya ng isang itak ...at mag tataka si Dan kung bakit....maya maya...ay mag tatalsikan ang mga dugo...at tatalsik sa mata ni dan...hindi nya alam kung bakit at kung ano nangyari....makikita nalang nya na ang itak ay nasa kamay nya...at pugot na ang leeg ng babae na kanyang katalik...

    Sisigaw si dan...matataranta..tatakbo sa kwartong madilim...pero walang katapusan....mahaba..at walang pinto....kakapain nya ang dingding...at susuntukin at sisipain nya ang dingding para maka takas....

    hanggang sa....bigla nalang sya magigising....na pawisan....

    Pag bangon ni Dan ay hingal na hingal sya at pawis na pawis....

    tititig sya sa relos nya...Alas 3 na madaling araw...

    babangon sya at mag hihilamos sa lababo.....


    "hindi...panaginip lang ito....panaginip lang ito"

    Kukuha ng malamig na tubig si dan sa ref nya..at iinom ito ng dalawang baso....at uupo sa silya....

    "****...ano to....." habang kausap nya ang kanyang sarile...

    Bumaba si dan sa sala...at tititigan nya ang obra nya na hindi tapos....

    "ikaw ba may kagagawan nito?"

    "pwes..hindi ako takot sayo"

    "at hindi moko matatakot"

    pero walang sasagot...dahil ang kausap nya ay sarile nyang likha....

    Nag sigarilyo si Dan..at tumingin sa bintana...magulo sa labas..at madidinig ang ingay ng ibang club na bukas pa sa libertad...

    Gulong gulo sya sa sarile nya pero hindi nya ito nilalalbas....tinatanong nya ang sarile nya kung bakit pangalawang araw na ito bumabalik balik....

    Pagkatapos nya mag yosi..ay bumalik sya sa kwarto...binuksan nya ang tv...sa national geographic...hanggang naka tulog na ulit si Dan....at iniwan nya na bukas ang TV.....

  5. #5
    wow okay ang story!

    pero commercial break muna...

    http://atrastonite.blogspot.com/
    http://2.bp.blogspot.com/_SM4BzuvGVqs/ShjPbNzHDGI/AAAAAAAAAAs/qB4Ff3Qrkx4/S660/Atras+Tonite.jpg

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

GILAS:

Gallant Gilas Pilipinas drops to 0-3 after 85-81 defeat vs Argentina

Gallant Gilas Pilipinas drops to 0-3 after 85-81 defeat vs Argentina

read more
SHOWBIZ:

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

read more
MUSIC:

Eraserheads to release two new songs

Eraserheads to release two new songs

read more
SPORTS:

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

read more
UAAP:

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

read more
CHIT CHAT:

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

read more