Laking public school ako.
Nung time namin, 50-60 students per class ang size.
5 students share one textbook. Maswerte na sa lagay na yan. Merong years na walang textbooks at all, or yong mga lumang textbooks pa ang ginagamit. Lokohan pa pag nagbasa kasi baka magkahawaan ng kuto dahil siksikan sa isang libro.
Tumutulo ang ulan sa classroom, walang electric fan, walang CR, sa tabi-tabi umiihi, naka-tsinelas ang mga estudyante pag pumasok, kilu-kilometrong lakaran papasok sa school, nakawan ng papel at lapis, basta, poor philippines ang scenario. Minsan sa ilalim ng puno na lang ang class dahil hindi na magkasya sa classroom.
After class, mag-ga-gardening, tatanim ng gulay sa bakuran ng school para may lulutuin ang titser na ulam para sa mga hindi makauwi for lunch break. Hiraman ng sapatos pag may school program. Pagbaba sa stage, hubad sapatos at ipahiram sa susunod na aakyat sa stage. Homemade suman, etc ang pang-exchange gift sa x'mas party.
Madalas walang pasok pag panahon ng ani ng palay kasi both teachers and students ay nasa bukid. Usual reason pag absent ay walang magbabantay ng kapatid dahil naglaba ang nanay sa ilog, naglako ng kakanin, isda, etc.
Karamihan sa mga dating classmates, ngayon ay katulong, merong kargador, magsasaka, karpentero, konti lang ang naging professionals.
Ang highlight, sa graduation, yong i-aabot na "diploma", na bond paper na naka-roll at tinalian ng ribbon, mga ilang piraso lang sya, kukolektahin pagkababa mo sa stage at ibabalik dun sa itaas para mai-abot uli sa iba pang aakyat.
Pagtungtong kong UP Diliman, kokonti lang kaming produkto ng public school at nakakaliit dahil magaling mag-english ang mga galing private schools. Nakakahiya sumali sa class discussion kasi baka matawa sila sa akin pag nag-english. Kahit tagalog, nakakahiya din kasi halata ang Bisaya accent at nagtatawanan sila.
Ang galing-galing nila mag-computer, samantalang kahit word star ay hindi kami marunong gumamit nun. Pinapa-type pa namin kasi wala naman kaming typewriter.
Nung natuto na akong mag-socialize and sharing grade/high school stories na ako with my classmates, ibang-iba pala ang mundo ng private schools. Tsaka ko na-realize, ma-swerte pala ako't laking public school ako - mas resourceful, mas madiskarte - hindi nagiging rason ang walang libro, or umuulan kaya hindi nakapasok, or traffic, or may "family occasion" na dinaluhan, or may transport strike, na-virus ang computer, nasira ang printer, etc. or some flimsy excuse for not attending classes or not submitting papers on time.
Tsaka laitan pa sila ng school.
Up to now, nakapag-ateneo na ako't lahat (and ako lang ata ang mula public grade/high school dun), nahihirapan pa rin akong maka-relate sa mga laking private schools. Ibang-iba talaga ang kinalakihan nila.
Kaya mga pinaka-close kong kabarkada, mga nakilala ko sa maynila na mga laking public schools din. Mas nagkakaintindihan kami. As in, pati mga jokes at kalokohan, kami-kami lang nakaka-gets ng jokes namin lagi.
*won't put this in Academics because this is about life in public schools, not about formal education.








Reply With Quote

)













