ako 8 years old ng simula nahook sa basketball. naalala ko yung anejo rum 65 pa. pinanonood ng erpats so nanood din ako tapos lagi ko na inaabangan ang pba.
anejo fan naalala ko pa yung pagkapanalo nila over purefoods hotdogs all filipino conference bidang bida si jawo at si ampalayo hehe.
after that conference nagswitch na ako sa purefoods. dun ako ng patrimonio fan pili ko ginagaya ang moves niya na nagagawa ko naman kasi flexible pa ang katawan ko tapos matangkad pa ako sa batch ko kaya power moves ako.
dahil sa mga galaw ni alvin hehe pati tangkad ko nakuha ako ng varsity ng lsgh. kakampi ko noon yung anak ni ompong segura at si paul artadi (lower batch siya sa akin). naglaro kami sa paya league nakalaban namin sina jenkins mesina at cholo villanueva noon eh nabwisit ako sa coach noon kasi binangko ako (sa loob loob ko kaya ko makipagsabayan noon sa magagaling ng ibang schools) tapos yung isang player namin na di nagprapraktis pinalalaro kaya ayun nagquit ako in the middle of the tournament sayang gusto ko pa naman makaharap noon si bj manalo ng ateneo hehe.
ang main head coach ng lsgh noon si coach rene baena, assistant ni ato badolato sa san beda ngayon. tapos may mga assistants siya yung naghandle sa paya team asssitant niya dun ako bwisit may pagkapeyboritism
binuhos ko ang frustration ko sa intrams, focus ko rebounding at gulangan since malaki ako sa batchmates ko feel ko parang manute bol na malapad hehe.
tapos one year after may prada tournament or ceap tourney noon, nilapitan ako ni coach baena at ininvite mag tryout . awa ng diyos pumasa yun nga lang back up center ako kay arnaiz na naglaro sa up maroons eh si arnaiz napakahiganti. unti unti ko ng napapansin marami ng matangkad sa akin hehe
sa tournament na yun, natalo kami sa ateneo sa eliminations (nakalaban ko yung kapatid ni richie ticzon kamukha din niya at maliit noon) pero pag dating ng finals naghapit kami kami at nanalo laban sa ateneo thanks kay arnaiz na nakagawa ng 25 pts ata
naalala ko yung sinabi ng coach sa akin nung huddle. nak ng tokwa ka francis sa practice ang lakas mo maglaro mala patrimonio pag dating dito di mo madominate hahahaha.
eh nak ng tokwa manood ba naman magulang mo sa game mo kung di ka ba mapressure hahahaha
after nung championship, sarap ng feeling narecall ko tinawag yung mga pangalan namin nung flag ceremony then after noon nagdecide ako mag-concentrate na lamang sa studies ko
palaro laro na lang ako sa mga liga liga dahil sa height ko noon imbes na juniors league nilagay ako sa seniors division siyempre nangulelat ako sa loob, dun ako nagsimula magpraktis ng shooting sa labas so from 5 naging converted 3.
sinubukan ko mag point guard kaso wala maagawan lang ako hahaha
sumali pa ako nun sa RINGS basketball. yung mga trainer ko yung mga dating olympians sa basketball nakakatawa nga kasi yung scrimmage ang bagal nila tapos isang hand ang tira nila kaya ang daling tapalan
after noon napansin ko unti unting napagiiwanan ako sa height kaya dun ko lalong nagpraktis ng shooting pero di na ako nag-attempt pa mag-varsity kahit nung college sa uste kasi ba naman mag 3 or 2 ako eh 5'8 lang ako. height ko pang point guard lang hahaha
sa mga liga, intrams na lang ako naglalaro naging bentahe ko yung shooting sa labas.
tapos after college ayun . pex basketball na habang nag wowork.
sa company dati naging highlight sa akin yung 3pt shootout competition. ganda ng performance ko nun napa-oooh lahat ng nanonood sunod sunod kasi pasok
ngayong taon lang ata ako minamalas na. tineraydor ng shooting ko hahaha.
sa nba 2k9 na lang ako nakakagawa ng 30 pts hahaha
best moment: naging miyembro ng varsity, pex basketball at nagkaroon ng oportunity na makalaban ang san miguel all stars like patrimonio, calma, chito loyzaga, caidic (langya sakop nila yung buong court tapos isang pitik lang sa kin ni patrimonio lumipad na ako)
worst moment.: injury sa fingers ko yung left pinky na bali reminds me of my injury (di na naibalik p eh)








Reply With Quote
), playing @ MTCBL, Manila Invitational, tpcbl. Last year, i was teammate with Obi at an Inter Company League, si Obi ang MVP and we were champions.


). Kung maaga aga lang sana ako natuto, pede pa sana. So, hanggang dito lang ang maiishare ko sa inyo mga brod. Ayos din ang nakaisip nitong thread 










