This thread was inpired by a post of MC. Bigla lang din akong nagbalik tanaw sa nakaraan kung paano nagsimula magustuhan ko ang basketball. Well, this is my story.
Sa totoo lang, hate ko ang basketball
bakit? kasi laging katapat yung mga palabas na gusto ko sa tv
i remember 4 years old pa lang ako nun sa quezon city
then napadpad ako ng manila, mga 6 years old ako
yung tinitirhan namin, may half court sa kalye
lahat ng mga taga samin, dun nakatambay
mapabata at lalo na ang matatanda
nakita ko ang saya nila kaya parang nagustuhan ko na rin
at saka para magkaron ako ng kaibigan
every saturday nanunuod ako sa kanila maglaro
hanggang isang araw, kulang sila player, kinuha ako
eto nakakatawa, pagpasa sa akin ng bola
walang dribble, dineretso ko sa ring, e bawal pala yun
kaya ayun tawanan ng tawanan ang mga kalaro ko at mga manunuod
kaya simula nun pinangako ko na pagaaralan ko maglaro ng basketball
natuto yata ako mga 12 years old na kaya lang lampayatot ako
inggit ako sa mga kasabayan ko kasi ang gagaling nila
at ang daming nagkakagusto sa kanila dahil sa basketball
kaya ayun, nagseryoso na naman ako magaral
sumabit ako sa MILO BEST,
every saturday morning, walang mumogmumog,
may panis na laway pa sa bibig, laro na agad
sali ng liga, laging bangko, ipapasok lang kapag tambak na
minsan may pinuntahan ako, niyaya ako one on one ng isang bata
sabi ko kasi tawag sa akin sa amin three point king
sinubukan niya ko, ayun talo ako, ni isang long shot walang pumasok
15 years old na ko, bopol pa ko sa basketball, kasi puro half court
college lang ako natuto, sali ako sa team ng college namin
sabi ko ayoko ng fastbreak kasi hingalin ako
ayun hindi ako natanggap kaya pagdating ng last year ko
nagpraktis ako ng takbuhan, kaya sa awa ng diyos nasali na rin
21 years old na ko, bangko pa rin, ang payat kasi
22 years old, ayun medyo marunong na, nakokontrol ko na drives ko
at may outside shooting na, first time nagchampion, ha ha ang sarap
25 years old up to now, ganito na laru ko, ang tagal bago natuto.
Kayo ano kwento niyo?








Reply With Quote




. I'd love to play on our hs team since we have the annual league against other chinese schools na kmpleto ang sponsor from jersey to jacket, jogging pants shoes, bags, out of the country pa pag nag champion.... I realized the sport wasnt for me.... nag volleyball na lang ako at least exempted sa CAT. That was also the year when i grew up to 6"0 (4th yr HS). Nag enroll din ako sa Milo Best which is the best money i spent playing basketball. Inipon ko mga baon ko para maka enroll.


Natawagan ako ng travelling nung isang ref, naipasa ko yung bola sa kakampi ko. Foul counted naman na iconvert ng kampi ko so foul counted ang tawag ng ref. Inulit yung game namin. Ayun talo kami. 








