Okay, dahil ang category na ito ay entitled 'BUHAY PINOY', nakapag-isip tuloy ako ng isang palong-palong thread na pinamagatang 'Tipikal na laman ng isang pinoy ref'.
Siguro, kung ang mga Pinoy ay nasa America, meron ngang malalaking bag ng Cheetos, Lays, Doritos, Ruffles, sangkatutak na snickers, M&M at kung anu-anu pang american product pero hindi mawawala ang mga gulay na ginagamit natin pang-sinigang o pang-nilaga!
eto para sa akin yung tipikal na laman ng isang pinoy ref: (eto kase yung mga nakalagay sa ref namin eh)
-mga chocolate na galing amerika
-dairy creme strawberry butter na expired na
-mga ketchup na galing fast food
-mighty bond
-electrical tape
-gulay. yung iba doon, bulok na.
-anchor butter
-calamansi
-sili
-1.5 bottle na coke na may lamang tubig
sa inyo, ano ang mga laman ng ref ninyo?![]()








Reply With Quote














