Edge: Star Cinema Vs Gma Films Vs Regal Films Vs Viva Films | Local Movies | PinoyExchange

PEx Highlights

DJ Chacha exits PBB house!

DJ Chacha ends her journey as a PBB housemate. Sayang or Ok lang?

read more

Ayoko na! Move on na!

Minsan kelangan din natin mag move-on,sa trabaho. Ano ang mga pinaka matinding dahilan kung bakit nagreresign? Alamin na ang kwento dito!

read more

What is your money saving style?

Saving your hard earned cash can sometimes be challenging but there are ways to make it happen. Share us your money saving tips here!

read more

Duterte signs EO on FOI

How will change our political system? Voice out your opinions here!

read more

PROMO: Lights Out!

Get a chance to win special movie merchandises by joining this promo. Check out this thread for more info!

read more

Dogs for kids!

What puppy breed can you recommend for the youngsters? Check out some suggestions here!

read more

X

We just need a few minutes of your time. Tell us what you think of PinoyExchange!

Click here

Results 1 to 4 of 4
  1. #1
    Isang Dekada ng PEX FutureFilmMaker's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Location
    Manila,Philippines

    Edge: Star Cinema Vs Gma Films Vs Regal Films Vs Viva Films

    Napaguusapan lang din naman ang EDGE EDGE na yan, PEXERS, ano sa tingin nyo ang EDGE ng bawat film producer sa isa't isa?

    Star Cinema:
    - HUGE POOL of TALENT (from preprod, prod and post prod)
    - Income generating materials
    - Experience in producing quality and profitable movies for 15 years
    - MULTIMEDIA promo plus AIRTIME
    - Wide reach among the public
    - positive image for producing family friendly movies
    - knows the market well. In fact, they created a trend that other prods follow.
    - Roadrunner network
    - International Screenings

    Regal Films:
    - Can accomodate all actors, no network biases (ok, more of 40-ABS, 60-GMA)
    - Has RMM, MaQ, Gold Harvest
    - Been in the business for decades
    - GAMBLES on movies they make
    - can advertise on both large TV stations

    Viva Films:
    - can tie up with Star Cinema and GMA Films
    - has a good roster of talents (Anne Curtis, Sarah Geronimo etc)
    - Been in the business for decades
    - Viva Digital
    - Viva International
    - Videocity
    - Can promote on both large TV network

    GMA Films:
    - backed up by a TV station
    - tie ups with Viva and Regal
    - Has its own roster of talents, but no homegrown directors
    - Before year 2000, GMA Films has been producing quality movies. But since they revived the film outfit, they have been catering to consumer friendly movies that generate income, but the quality has depleted.

    OctoArts Films:
    - tie up with M-Zet for the Enteng Franchise
    - no network affiliations
    - wala na ako maisip eh :P

  2. #2
    isali mo rin diyan ang OCTOARTS... baka uusok ang ilong yung si jpmarkcarla at si juliaserving

  3. #3
    The WatchMaker heuer's Avatar
    Join Date
    Sep 2008
    Location
    Switzerland
    Quote Originally Posted by FutureFilmMaker View Post
    Napaguusapan lang din naman ang EDGE EDGE na yan, PEXERS, ano sa tingin nyo ang EDGE ng bawat film producer sa isa't isa?

    Star Cinema:
    - HUGE POOL of TALENT (from preprod, prod and post prod)
    - Income generating materials
    - Experience in producing quality and profitable movies for 15 years
    - MULTIMEDIA promo plus AIRTIME
    - Wide reach among the public
    - positive image for producing family friendly movies
    - knows the market well. In fact, they created a trend that other prods follow.
    - Roadrunner network
    - International Screenings

    Regal Films:
    - Can accomodate all actors, no network biases (ok, more of 40-ABS, 60-GMA)
    - Has RMM, MaQ, Gold Harvest
    - Been in the business for decades
    - GAMBLES on movies they make
    - can advertise on both large TV stations

    Viva Films:
    - can tie up with Star Cinema and GMA Films
    - has a good roster of talents (Anne Curtis, Sarah Geronimo etc)
    - Been in the business for decades
    - Viva Digital
    - Viva International
    - Videocity
    - Can promote on both large TV network

    GMA Films:
    - backed up by a TV station
    - tie ups with Viva and Regal
    - Has its own roster of talents, but no homegrown directors
    - Before year 2000, GMA Films has been producing quality movies. But since they revived the film outfit, they have been catering to consumer friendly movies that generate income, but the quality has depleted.

    OctoArts Films:
    - tie up with M-Zet for the Enteng Franchise
    - no network affiliations
    - wala na ako maisip eh :P
    Seems like you've done a good research. no bias. nicely done.

  4. #4
    Offer sa Kapamilya ‘di raw totoo, Jennylyn bumigay na uli sa GMA
    SOME LIKE IT HOT Ni Vinia Vivar (Pang-Masa) | Updated July 5, 2016



    Kapuso pa rin si Jennylyn Mercado. Ito ang announcement ng GMA 7 kahapon as the actress renewed her contract bilang exclusive artist ng network. Kasabay ng kanyang pagre-renew ay ang pagbibigay ng titulo sa kanya na The Ultimate Star.

    Pumirma si Jen ng bagong kontrata sa 16th floor ng GMA 7 bandang alas-dos ng hapon kahapon with the top executives of the network. After the contract signing ay nagkaroon ng pocket presscon for her sa 17th floor at dito ay sinagot ng The Ultimate Star ang lahat ng mga intrigang naglabasan na kesyo lilipat na siya ng network.

    Ayon kay Jen, all this time ay never naman daw na sumagi sa isip niya ang lumipat sa ibang network.

    “Palagi ko pong sinasabi na ever since, bawat taping ko, bawat trabahong ginagawa ko sa GMA 7, hindi siya feeling trabaho, eh. Kasi ganu’n ako kakomportable, ito ‘yung comfort zone ko, ‘yung GMA.

    “Masarap makatrabaho ‘yung parte ng production, mga staff, direktor, masarap magtrabaho kasi parang pamilya ang turing nila sa ‘yo, hindi ibang tao.

    “Maraming dahilan (kung bakit siya loyal sa Kapuso), ang babait ng boss natin, masarap katrabaho ‘yung mga co-artist natin at sa tingin ko, hindi na ‘yun mapapantayan ng kahit ano,” pahayag ni Jen.

    Tungkol sa napapabalitang nagkaroon ng malaking offer ang ABS-CBN, ayon kay Katrina Aguila na co-manager ni Becky Aguila, hindi raw nila in-offer si Jen sa kabilang network.

    “We never offered Jen sa kabilang network. ‘Di ba, as managers, it’s our responsibility to explore our options, but if your artist is insistent na huwag umalis sa network and very persistent siya to stay, then we will follow what the artist wants,” pahayag ni Kat.

    Ano ang masasabi ni Jen sa titulo niyang The Ultimate Star?

    “Of course, I’m honored and grateful. Sa totoo lang po, medyo hindi po ako kumportable na tinatawag ng mga title. Pero salamat po, maraming salamat po dahil binigyan n’yo po ako ng ganun’g title at I feel humbled and at the same time, may konting pressure kasi kailangan mong ma-meet ‘yung expectations ng mga tao. At masarap ‘yung pakiramdam,” she said.

    Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Jen kung ano-ano ang gagawin niyang bagong proyekto.

    “Sa ngayon po, everything is in the works. Pero magtatrabaho na po ako ASAP,” sey niya.

    Natanong kung tuloy ba ang My Love From Another Star with Alden Richards, ani Jen ay wala pa raw update tungkol dito. Pero kung io-offer daw talaga sa kanya, willing naman daw siyang gawin ito.

    Pero kinumpirma na ni Kat na may gagawing pelikula si Jen under GMA Films pero wala pa raw detalye kung ano ito at kung sino ang makakasama.

    Samantala, natanong naman si Jen tungkol sa reaksyon niya sa result ng FHM’s Sexiest Pinay kung saan ay si Jessy Mendiola nga ang nanalo at siya ang pumangalawa.

    “Of course, I’m happy, kasi si Jessy naman, nakita naman natin kung gaano siya ka-voluptuous. Lahat naman tayo, may kanya-kanyang kaseksihan. Si Jessy, ‘yung attitude niya, ‘yung kanyang hubog, confidence niya, depende na ‘yan sa pagdadala ng tao, eh. ‘Yung iba, nagiging sexy dahil sa rumor nila, ‘yung iba, nagiging sexy dahil attitude nila, iba-iba naman ang definition ng sexy, eh.

    “So, happy ako for Jessy and deserved niya naman ‘yun,” saad ni Jen.

    Excited na nga raw siyang mapanood ang fashion show at susubukan daw niya talagang makadalo.

    Sa bandang huli ay napaiyak si Jen sa pagpapasalamat sa GMA 7 na siyang nagsimula ng career niya ay naging home network niya for 13 long years.

    “Salamat po sa effort ng GMA, dahil kung hindi po dahil sa inyo, wala rin po ako dito. Thank you po dahil inalagaan n’yo ako at minahal ninyo ako sa network na ito.

    “Wala na akong ibang mahihiling pa. Wala na akong ibang mawi-wish pa. Napakaswerte ko po dahil parte ako ng GMA family at habang-buhay ko pong ite-treasure itong mahabang pagsasama natin at mahaba pa ang magiging pagsasama natin.

    “Salamat po dahil tinanggap n’yo po ulit ako. Actually, hindi ko in-expect na makakabalik pa ko pagkatapos kong manganak sa dami ng pinagdaanan ko. At wala namang ibang tumulong sa akin kundi GMA lang at si Tita Becky.

    “Salamat po sa suporta at sa pagmamahal ninyo. Hindi ko po ito ipagpapalit sa kahit sino, sa kahit saan. Ite-treasure ko po ito habang-buhay. Mahal na mahal ko po kayo.

    “Ang GMA talaga is my home, this is my family. Wala na po akong masasabi, napakasaya ko po ngayon,” emosyonal na sabi ni Jen.

    Samantala, wala man ang manager niyang si Tita Becky sa contract signing at presscon, nagpahatid naman siya ng kanyang pagbati sa kanyang Facebook account kahapon.

    “We are grateful and hopeful that in the coming years, Jen, our management, and GMA will be stronger partners in building Jen up as an inspiring celebrity and social influencer,” bahagi ng post ni tita Becky.



    Sana matuloy ito at sana solo-produced na ng GMA Films para dumami ang consistently active local movie producers aside from Star Cinema, Regal Films at Viva Films. Here's hoping na unti-unting maibalik ni Jennylyn ang glory days ng GMA Films.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Watch New Trailers

Watch New Trailers



X