PEx Highlights

FEATURE: Top UAAP Stories in 2014

We take a look back to reflect and celebrate the best stories in the UAAP that happened in the past year.

read more

Show Me Your Festival Teeths!

In this special comeback episode of SMYT, the girls poke fun at the participating films in the upcoming Metro Manila Film Festival.

read more

GALLERY: PBA Philippine Cup Semifinals

Check out photos from each game of the PBA Philippine Cup Semis here!

read more

PEx Christmas: The PBA Christmas Wishlist

'tis the season of gifts and wishlists! JPM plays Santa's consultant and lists down the best Christmas gift for each PBA team.

read more

The Best of 2014: PExers Choice Awards

The results are finally here! Find out who won the hearts of the PinoyExchange community in The Best of 2014: PExers Choice Awards!

read more

Where are you staying this Holiday Season?

Join the Call Center promo and get a chance to win Pizza Inc Gift Certificates!

read more

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 80
  1. #1
    Tindahan bukas magdamagan! 7/11's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    across mini-stop

    SALAWIKAIN....Pumili at ibahagi ayon sa pag kaka-unawa o intindi.

    Mag balik tanaw po tayo...

    Mangyari na pumili ng salawikain at ipaliwanag ayon po sa ating pagkakaintindi o unawa....

    Subukan natin kung na-aalala pa natin si Lola Basyang sa kanyang mga matalinghagang pananalita tungkol sa salawikain...


    "Bagay na hinahangad nung wala,
    Nung nagkaroon ay patapon-tapon"

    C",) 1

    "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
    hindi makakarating sa paruruonan"

    C",) 2

    "Nasa Diyos ang awa!
    nasa tao ang gawa!"

    C",) 3

    "Kung sino ang masalita
    siya ang kulang sa gawa"

    C",) 4

    "Ang taong matipid,
    maraming maililigpit"

    C",) 5

    "Ang hindi napagod magtipon,
    walang hinayang magtapon"

    C",) 6

    "Madali ang maging tao,
    mahirap magpakatao"

    C",) 7

    "Ang tunay na anyaya,
    ay sinasamahan ng hila"

    C",) 8

    "Ang magalang na sagot
    ay nakakapawi ng poot"

    C",) 9

    "Ang gawa sa pagkabata,
    dala hanggangpagtanda"

    C",) 10

    "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
    hindi makakarating sa paruruonan"

    C",) 11

    "Kapag hindi ukol,
    ay hindi bubukol"


    C",) 12

    "Daig ng maagap
    ang masipag"

    C",) 13

    "Ako ang nagbayo, ang nagsaing
    subali't ng maluto'y iba ang kumain"

    C",) 14

    "Ubus-ubos biyaya,
    pagkatapos nakatunganga"

    C",) 15

    "Pagkahaba-haba man ng prusisyon,
    sa simbahan pa rin ang tuloy"

    C",) 16

    "Aanhin mo ang palasyo,
    kung ang nakatira ay kuwago
    mabuti pa ang bahay kubo,
    ang nakatira ay tao"

    C",) 17

    "Ang paala-ala ay mabisang gamot,
    sa taong madaling makalimot"

    C",) 18

    "Ang taong nagigipit,
    kahit sa patalim ay kumakapit".

    C",) 19

    "Kung pukulin ka ng bato,
    tinapay ang iganti mo"

    C",) 20

    "Ano man ang gagawin,
    makapitong iisipin"

    C",) 21

    "Hangga't makitid ang kumot,
    matutong mamaluktot"

    C",) 22

    "Ang pagsisi ay laging
    nasa huli!"

    C",) 23

    "Huli man daw at magaling,
    ay naihahabol pa rin"

    C",) 24

    "Balat man at malinamnam,
    hindi mo matitikman"

    C",) 25

    "Tuso man ang matsing,
    napaglalalangan din"

    C",) 26

    "Batang puso,
    madaling marahuyo"

    C",) 27

    "Kung saan nahihilig,
    duon din nabubuwal"

    C",) 28

    "Naghangad ng kagitna,
    isang salop ang nawala"

    C",) 29

    "Ang bulsang laging mapagbigay,
    hindi nawawalan ng laman"

    C",) 30

    "Ubus-ubos biyaya,
    pag katapos ay nakatunganga"

    C",) 31

    "Kung ano ang sukat ng ohales
    iyon ding ang laki ng butones"

    C",) 32

    "Kung binigyan ng buhay,
    bibigyan din ng ikabubuhay"

    C",) 33

    "Ang iyong kakainin,
    sa iyong pawis manggagaling"

    C",) 34

    "Kung nasaan ang asukal,
    naruon ang langgam"

    C",) 35

    "Walang mapait na tutong,
    sa taong nagugutom"

    C",) 36

    "Ang tunay na kaibigan,
    karamay kailan man"

    C",) 37

    "Ang tao kapag mayaman,
    marami ang kaibigan"

    C",) 38

    "Kapag may isinuksok,
    may madudukot"

    C",) 39

    "Magkulang ka na sa magulang,
    huwang lamang sa biyenan"

    C",) 40

    "Nakikita ang butas ng karayon,
    hindi makita ang butas ng palakol"

    C",) 41

    "Hampas sa kalabaw,
    sa kabayo ang latay"

    C",) 42

    "Ang lumalakad nang mabagal,
    kung matinik ay mababaw"

    C",) 43

    "Ang lumalakad nang matulin,
    kung matinik ay malalim"

    C",) 44

    "Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
    mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam'"

    C",) 45

    "May tainga ang lupa,
    may pakpak ang balita"

    C",) 46

    "Kung ano ang itinanim,
    ay siya din ang aanihin"

    C",) 47

    "Aanhin pa ang damo,
    kung patay na ang kabayo"

    C",) 48

    "ang taong pili nang pili,
    natapatan din ay bungi".

    C",) 49

    "Huwag magbilang ng sisiw,
    hangga't hindi napipisa ang itlog"

    C",) 50

    "Kung sino ang unang pumutak,
    siya ang nanganak".

    C",) 51

    "Magkupkop ka ng mga aba,
    langit ang iyong gantimpala"

    C",) 52

    "Kapag bukas ang kaban,
    nagkakasala sinuman".

    C",) 53

    "Ang bungang hinog sa pilit,
    kung kainin lasa ay mapait".

    C",) 54

    "Walang humawak ng palayok,
    na hindi naulingan"

    C",) 55

    "Walang Butong tinangay ng aso,
    ang di nalawayan"

    C",) 56

    "Sala sa lamig,
    sala sa init"

    C",) 57

    "Ang sakit ng kalingkingan,
    ramdam ng buong katawan"

    C",) 58

    "Ang mabigat ay gumagaan,
    kapag pinagtulung-tulungan"

    C",) 59

    "Sa larangan ng digmaan,
    nakikilala ang matapang"

    C",) 60

    "Ang sundalo habang nasusugatan,
    ay nag iibayo ang tapang"

    C",) 61

    "Ang pag-ilag sa kaaway,
    ang tunay na katapangan"

    C",) 62

    "Ano man ang tibay ng piling abaka,
    ay wala ring silbi kapag nag-iisa"

    C",) 63

    "Ang taong mainggitin,
    lumigaya man ay sawi pa rin"

    C",) 64

    "Sa taong may tunay na hiya,
    ang salita ay panunumpa"

    C",) 65

    "Walang matimtimang birhen,
    sa matiyagan manalangin"


    Last edited by 7/11; Dec 7, 2008 at 04:36 AM.

  2. #2
    Tindahan bukas magdamagan! 7/11's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    across mini-stop

    Nakakapag tataka?

    Kapag tungkol sa kalinangan ng ating kultura wala na tayong alam na maiambag?

    Ito ba ay dahil sa mga bagay na inilulunsad ng makabagong teknolohiya?

    Pero bakit naman kapag ang paksa ay patunkol sa............

    1. sa text...
    2. sa mga artista...
    3. sa mga yaya o kasambahay...
    4. sa mga kalokohan...
    5. sa mga larawan na nakakaloko at hindi na nakakatuwa...
    6. sa mga isyu ng artista... urban, blind item etc.,


    Ang dami nating kayang iambag at nakikipag talo pa tayo? hangang sa mag karoon tayo ng mga kaalitan sa internet? o yung tinatawag na "virtual enemy"

    Emo mode ba? Kasi nakakalungkot isipin na wala ng nagpapahalaga ng totoo at tunay na kultura ng ating bansa.

    • mas pinipili nilang gamitin ang salitang banyaga.
    • kapag natira sa ibang bansa nakakalimutan na ang sariling wika...
    • lahat ng pag uugali ng banyaga ay pilit na tinutularan....
    • may pag kakataon pa kaya na maibahagi ito sa mga bagong sibol?




    ako ay kasalukuyan din pong nakabase sa ibang bansa. Nguni't mas pinili ko po na gamitin ang ating sariling wika. gaya nga ng sabi ng ating dakilang bayani.... [nabas ko po sa isang libro ng kasaysayan...] "ang hindi raw marunong mag mahal sa sariling wika ay higit pa sa isang mabaho't malansang isda" tama po ba?

    kayo na ang humusga!!!!


  3. #3
    Contemplare et Contemplata joseph0487's Avatar
    Join Date
    Sep 2008
    Location
    USA
    "Huwag magbilang ng sisiw,
    hangga't hindi napipisa ang itlog"

    Tayong mga Pilipino, mabilis minsan kung mag-isip. Iniisip na natin kung anong maaring mangyari o maaring makuha sa isang bagay kahit hindi pa ito nagiging ganap. Madalas, kung ito ang kaugalian natin, tayo ay madidismaya lamang. Lahat ng mga bagay sa mundo, lalo na ang mga hindi pa nagaganap, ay walang katiyakan. Kaya, kung ayaw mo'ng madismaya sa huli, huwag munang umasa sa bagay na wala pa. Sa accounting, may prinsipyo na tinatawag na "conservatism", ibig sabihin, huwag munang kikilalanin ang kita kung hindi pa talaga siya kita dahil baka sa huli, mapahiya lang at madismaya ang isang kumpanya.

    huwag munang umasa sa bagay na wala pa.

  4. #4
    Sang-ayon ako sa ipinaparating mo 7/11, malimit na tinatalikuran na ng mga kabataang pilipino ang sarili nating salita. Nanghihinayang nga ako na wala akong masyadong alam sa sarili nating wika e, nakabase na rin kasi ako sa ibang bansa pero kahit papaano, pinipilit ko pa ring magbasa,magsulat at magsalita ng purong tagalog sa abot ng aking makakaya Sana marami pang mga kabataan ang gumawa nito!

    Ang problema kasi sa ating mga Pilipino ay nagpapadala tayo masyado sa kung anong "uso" sa panahon ngayon. At ang uso ay ang pagiging maka-Kanluran. Ang pinakamagandang salawikain siguro na dapat alalahanin ng mga Pilipino ay ang:

    "ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan"

    Kung kakalimutan natin ang ating pinagmulan, ang ating nakaraan, ang ating kultura pati na rin ang ating salita, hindi tayo magkakaroon ng matibay na pananaw tungkol sa ating mga sarili. Mananatili tayong gulung-gulo sa mundong ito at hindi natin alam kung nasaan ba talaga ang lugar natin sa mundo. At kapag ganoon ay magiging mahirap ang pagkamit natin sa kung ano man talaga ang ninanais nating magawa.

    Isang simple pero magandang halimbawa na nagpapakita nito ay kung ang layunin mo ay ang mag-aral ng iba't ibang wika. Kung hindi mo talaga master na master ang sarili mong wikang Filipino, wala kang magandang pundasyon para mag-aral ng ibang wika. At kung ganoon, magiging mahirap para sa '** ang mag-aral ng ibang wika.

    Isa pang magandang salawikain na medyo may kaugnayan dito ay ang:

    "Ang langaw kapag dumapo sa kalabaw, mas mataas pa sa kalabaw ang tingin sa sarili."

    Halata naman siguro ang ibig sabihin nitong salawikaing ito: minsan ang mga tao, kapag umasenso ang mga buhay salamat sa ibang tao, mas tataas pa ang tingin sa mga sarili kaysa sa mga taong tumulong sa kanila. Isa itong pangit na ugali ng mga Pilipino at kung sana'y naisapuso nila ang unang salawikain na pinaliwanag ko, hindi magiging ganito ang tingin nila sa sarili nila.

  5. #5
    *Wika nyo yan sa ka-tagalugan.

    anyway, mga natutunan ko sa paaralan:

    "walang matimtimang birhen, sa mdalas manalangin"

    "kapag ang palay naging bigas, may bumayo"

    "walang matigas na tinapay sa mainit na kape"

    ang paborito kong bisaya na salawikain:

    "ang mga matam-is, nagakapait man."

    ang matamis, pumapait rin.

  6. #6
    C",) 3

    "Kung sino ang masalita
    siya ang kulang sa gawa"


    ito po yung mga pulitiko natin



    C",) 65

    "Walang matimtimang birhen,
    sa matiyagan manalangin"

    ito yung mga babaeng nakuha ang virginty ng mga mgaling mabolang boyfriend

  7. #7
    Offspring of Chaos
    Join Date
    Dec 2006
    Location
    Darkness
    7/11: Hindi naman siguro sa tinatalikuran na nang tuluyan ang sariling wika. Hindi lang talaga siguro interasado ang iba sa paksa kaya hindi sila sumasagot. Pero hindi naman iyon nangangahulugang wala na silang pagpapahalaga sa kulturang atin.

    Tulad ng ano pa mang bagay, mahalaga ring paunlarin ang ating kultura. Dapat lamang na makasabay ito sa mga pagbabagong nangyayari sa lipunan.

    Sa tingin ko, hindi na katanggap-tanggap sa kasalukuyan ang salawikaing, "Huli man daw at magaling ay naihahabol pa rin."

  8. #8
    Mga iba pang salawikain:

    Kung ano ang puno, siya rin ang bunga

    ---0---

    Ang punong hitik sa bunga ang pinupukol

    ---0---

    Ang isda ay nahuhuli sa bibig

    ---0---

    Kalawang ang nakasisira sa bakal

  9. #9
    Tindahan bukas magdamagan! 7/11's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    across mini-stop

    Sa inyong pananaw....

    Quote Originally Posted by Erebos View Post
    7/11: Hindi naman siguro sa tinatalikuran na nang tuluyan ang sariling wika. Hindi lang talaga siguro interasado ang iba sa paksa kaya hindi sila sumasagot. Pero hindi naman iyon nangangahulugang wala na silang pagpapahalaga sa kulturang atin.

    Tulad ng ano pa mang bagay, mahalaga ring paunlarin ang ating kultura. Dapat lamang na makasabay ito sa mga pagbabagong nangyayari sa lipunan.

    Sa tingin ko, hindi na katanggap-tanggap sa kasalukuyan ang salawikaing, "Huli man daw at magaling ay naihahabol pa rin."
    "Huli man at magaling ay naihahabol pa rin."

    Kung ito po ay hindi na katangap tangap! Ano po ang mas katangap tangap sa inyong panukala?

    Dahil maging ang mga taga kanluran ay naniniwala pa rin sa ganitong kaanyuan ng kanilang pananaw...

    at ito ay ang tinatawag nilang....

    "It's better late than never."

  10. #10
    sarap basahin uli ng mga salawikain. =)

  11. #11
    hindi yata salawikain ito eh ...

    kung ayaw, may dahilan ... kung gusto ay laging meron paraan





    - rico blanco

  12. #12
    Isa pang salawikain na naalala ko:

    Mahirap gisingin ang taong nagtutulog-tulogan.

  13. #13
    Offspring of Chaos
    Join Date
    Dec 2006
    Location
    Darkness
    Quote Originally Posted by 7/11 View Post
    "Huli man at magaling ay naihahabol pa rin."

    Kung ito po ay hindi na katangap tangap! Ano po ang mas katangap tangap sa inyong panukala?

    Dahil maging ang mga taga kanluran ay naniniwala pa rin sa ganitong kaanyuan ng kanilang pananaw...

    at ito ay ang tinatawag nilang....

    "It's better late than never."
    Dahil naniniwala akong ang tunay na magaling ay hindi dapat nahuhuli!

  14. #14
    Sa tingin ko ang salawikain na Huli man... ay tumutukoy sa pagkamatiyaga. Halimbawa, kahit 20 taon ka na at hindi ka pa tapos ng high school dahil sa kakapusan sa pera dati, pwede ka pa ring magpatuloy kung kaya mo na.

  15. #15
    Offspring of Chaos
    Join Date
    Dec 2006
    Location
    Darkness
    Quote Originally Posted by Busilak View Post
    Sa tingin ko ang salawikain na Huli man... ay tumutukoy sa pagkamatiyaga. Halimbawa, kahit 20 taon ka na at hindi ka pa tapos ng high school dahil sa kakapusan sa pera dati, pwede ka pa ring magpatuloy kung kaya mo na.
    Tama! Pero tandaang may kasunod ang "huli man..." na salawikain! huli man AT MAGALING, naihahabol pa rin!

    Kaya kung magaling ka, bakit ka mahuhuli/ magpapahuli?

  16. #16
    Tindahan bukas magdamagan! 7/11's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    across mini-stop

    Pagbati!!!

    Quote Originally Posted by Erebos View Post
    Dahil naniniwala akong ang tunay na magaling ay hindi dapat nahuhuli!
    Hindi po natin dapat ito talakayin ng ayun sa pagkakabaybay... ika nga po sa banyagang kawikaan...: "don't take it litterally" naway, nakapagbigay linaw po sa inyo ang aking simpleng paliwanag.

    Quote Originally Posted by Busilak View Post
    Sa tingin ko ang salawikain na Huli man... ay tumutukoy sa pagkamatiyaga. Halimbawa, kahit 20 taon ka na at hindi ka pa tapos ng high school dahil sa kakapusan sa pera dati, pwede ka pa ring magpatuloy kung kaya mo na.
    Tumpak po ang iyung tinuran! Iyon din po ang nais kong ipakahulugan...

    Quote Originally Posted by Erebos View Post
    Tama! Pero tandaang may kasunod ang "huli man..." na salawikain! huli man AT MAGALING, naihahabol pa rin!

    Kaya kung magaling ka, bakit ka mahuhuli/ magpapahuli?
    Kung sa inyo po talagang palagay hindi dapat "MAHULI" ang "MAGALING" wala po akong nakikitang mali doon!

    Pero kung ito ang pag babasehan ng isang taong "MAGALING" at siya ay nahuli sa isang "importanteng pagtitipon". Nangangahulugan po bang hindi na siya magaling?

    At isama na natin ang tinuran ng ating kasamang si busilak na kung punto por punto ang pag uusapan ay napakaganda ng epekto ng salawikaing ito sa buhay ng isang tao na gutong mag bago. At iminumungkahi lang nito na hindi idad o estado ng buhay ang sanggalang upang marating natin ang rurok ng ating tagumpay...

    Paano po natin aanalisahin ang ganitong uri ng sitwasyon?

    Hindi ko po layunin ang mag karoon tayo ng pag tatalo o ano pa man ang sa akin po ay mag karoon tayo ng isang malusog na palitan ng pananaw ukol sa usaping ito...

  17. #17
    minsan yung mga salawikain may mga kahulugan din na pede sa iba't ibang sitwasyon.

  18. #18
    Quote Originally Posted by 7/11 View Post

    C",) 1

    "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
    hindi makakarating sa paruruonan"
    salawikain ng mga mahilig humingi ng balato.


    "Kung sino ang masalita
    siya ang kulang sa gawa"
    paano na ang call center agents at ang mga brokers?

    C",) 19

    "Kung pukulin ka ng bato,
    tinapay ang iganti mo"
    Kung pukulin ka ng bato, singhutin mo.

  19. #19
    Tindahan bukas magdamagan! 7/11's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    across mini-stop

    Talking ^LoL!!!

    Quote Originally Posted by LimpBwiZit View Post

    C",) 1

    "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
    hindi makakarating sa paruruonan"


    salawikain ng mga mahilig humingi ng balato.


    C",) 3

    "Kung sino ang masalita
    siya ang kulang sa gawa"


    paano na ang call center agents at ang mga brokers?


    C",) 19

    "Kung pukulin ka ng bato,
    tinapay ang iganti mo"


    Kung pukulin ka ng bato, singhutin mo.

    C",) C",) C",) C",) C",)



    Limp,

    C",)

    PANALO!

    "Ang tanong lang nakagamot ka ba? O nag gagamot?"

    lol!!!



    peace tol!

  20. #20
    winner talaga sa mga banat yang si Limp...

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PEx CHRISTMAS:

Celebrate the joy of Christmas with PinoyExchange!

Celebrate the joy of Christmas with PinoyExchange!

read more
MOVIES:

Manonood ka ba ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival?

Manonood ka ba ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival?

read more
PBA:

Don't miss a beat on PBA semis action, join the ongoing discussion here!

Don't miss a beat on PBA semis action, join the ongoing discussion here!

read more
PROMO:

Where are you staying this Holiday Season? Join the poll and get a chance to win GCs!

Where are you staying this Holiday Season? Join the poll and get a chance to win GCs!

read more
NMFtv:

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

read more