PEx Highlights

PHOTOS: Cagayan upsets Army

Cagayan Valley Rising Sun hands Philippine Army its first loss through 4 sets, 27-25, 20-25, 25-23, 25-22

read more

Prepare to Go Into the Storm

From New Line Cinema, in association with Village Roadshow Pictures, comes the tornado disaster film Into the Storm.

read more

PHOTOS: NU Hands Ateneo its First Loss

The NU Bulldogs relied on Troy Rosario and Rev Diputado to give Ateneo its first loss of the season, 64-60

read more

Review: Hercules

Bordering on ridiculous, Dwayne Johnson delivers and Hercules is a fun and entertaining ride.

read more

The Unique Heroes of Marvel's Guardians

Know more about Peter Quill, Gamora, Drax, Groot and Rocket.

read more

UAAP Basketball Power Rankings: Week 2

Are the Blue Eagles back on top again? Check out this week's PEx UAAP Season 77 Basketball Power Rankings.

read more

Page 1 of 2 1 2 LastLast
Results 1 to 20 of 21
  1. #1
    Tindahan bukas magdamagan! 7/11's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    across mini-stop

    Question Ang "Kapistahan" Noon @ Ngayun......

    noon.....
    • Pinag-iipunan ang panghanda!
    • pinapahiran ng uling ang mga ati-atihan dancer.
    • nag hahanda ng lechon baboy.
    • may amateur singing contest.
    • may barangay beauty contest.
    • may importansya ang Santong ipinagdiriwang sa haba ng prosisyon!

    ngayun......
    • ipina-ngungutang ang panghanda!
    • naka costume na lang ng black stocking at long sleeve t-shirt.
    • nag hahanda ng lechon manok. [hehe sosyal pa rin!]
    • may karaoke singing contest.
    • may barako at gay byuti contest.
    • mas nauna pang humaba ang pila ng mga manginginom kaysa sa mag-prosisyon.

    kayo po ano ang napansin ninyong nagbago o nawala na po sa ating kultura sa pag seselebra ng mga kapistahan.....

    Paki dag-dag na lang po....

  2. #2
    Quote Originally Posted by 7/11 View Post

    this is a relevant blog pero sori ndi pa ako nakauwi but siguro austerity na ngayon lalo pa may crisis.. pero ang Pinoy kahit papano mag-celebrate pa rin kaya lang siguro sa ka-pamilya na lang at ndi na mangumbida gaya dati.. that's ok lang kc alam naman ng lahat ang hirap ng buhay ngayon.. hope you enjoy your fiestas!

  3. #3
    ^ oo, filipinos will try to make sure na may handa kahit hikahos. isang manok lang na nandyan sa labas, adobo na o kaya tinola. a tradition is a tradition and it will never get lose. kung baga, pride na rin nating mga pinoy. nakakahiya kasi kung walang handa, kaya gagawa at gagawa ng paraan.

  4. #4
    chinito na moreno bahamut_zero's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Location
    MooMoo farm/Cleyra
    Noon...
    -May mga kakatok days before the fiesta para manghingi ng pera
    -may mga banderitas
    -magarbong handaan na lahat nakikikain kahit di mo kakilala
    -mga pa-liga, santa cruzan, at kung ano-ano pang festivities

    Ngayon...
    -in most places, lalo na sa Metro, parang wala lang
    -inuman sa kanto

  5. #5
    piesta noon, bongga
    ngayon wala ng piesta sa amin

  6. #6
    pyesta sa amin nung nakaraan ni banderitas hindi man lang nag lagay, tsangge lang sa palengke ang pinakaespesyal

  7. #7
    Quote Originally Posted by 7/11 View Post
    noon.....
    • Pinag-iipunan ang panghanda!
    • pinapahiran ng uling ang mga ati-atihan dancer.
    • nag hahanda ng lechon baboy.
    • may amateur singing contest.
    • may barangay beauty contest.
    • may importansya ang Santong ipinagdiriwang sa haba ng prosisyon!

    ngayun......
    • ipina-ngungutang ang panghanda!
    • naka costume na lang ng black stocking at long sleeve t-shirt.
    • nag hahanda ng lechon manok. [hehe sosyal pa rin!]
    • may karaoke singing contest.
    • may barako at gay byuti contest.
    • mas nauna pang humaba ang pila ng mga manginginom kaysa sa mag-prosisyon.

    kayo po ano ang napansin ninyong nagbago o nawala na po sa ating kultura sa pag seselebra ng mga kapistahan.....

    Paki dag-dag na lang po....

    sa provinces, parang pareho pa din , pero sa metro
    parang isang araw na madaling lumipas
    tama ka sa mga items mo

  8. #8
    ngayon, lalo na sa metro, ay halos wala ng mga Fiestas.

    yung sa mga probinsiya naman ay obvious na manufactured at maypagka peke ang dating.

    wala na ang natural beauty niya.

  9. #9
    Alta Moderator hydrangea's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    Azucarera de Papa
    ang fiesta sa probinsiya, ginawang money drawer ala tourist attraction. nagmumukha na siya pilit at staged.

  10. #10
    Tindahan bukas magdamagan! 7/11's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    across mini-stop

    karagdagang impormasyon ng kapistahan....

    mga palarong kapistahan

    noon.....

    • Palosebo - isang mahabang kawayan na may langis o grasa at sa dulo may banderitas at pag nakuha mo panalo ka na...
    • biik hunting - paliliguan ang biik ng mantika at grasa pag katapos pakakawalan sa plaza at ang mga kalahok ay mag tatangkang hulihin ang biik at pag pinalad ka panalo ka!
    • softdrinks contest - 2-3 bote ng pop cola, pepsi cola o coca cola ang kailangang ubusin ng kalahok ang unang makaubos siya ang panalo!
    • coin contest - nakalagay ang mga barya sa plangana at nakalubog sa harina o gaw-gaw. At ang nguso ng kalahok ang gagamitin upang makalap ang mga barya sa ilalalim ng harina o gaw-gaw at ililipat sa kabilang plangana.

    ngayun.....

    • Kompyuter a.k.a "dota'
    • PsP Anime
    • Beer drinking contest
    • paper money contest

    Mga pangakaraniwang senyales ng mga barangay, barrio o bayan na mag daraos ng kapistahan....

    noon.....

    • may banderitas
    • may arko sa bungad ng barangay, barrio o bayan
    • may pasayaw gabi gabi sa plaza pagkatapos ng amateur at dance contest
    • may liga ng basketball
    • Parada ng mga sagala ng barangay, barrio at bayan

    ngayun.....

    • bihira na ang nag sasabit ng banderitas
    • wala ng arko!
    • wala ng mga pasayaw kasi jologs daw!
    • may liga pa rin pero may kasama din na liga-w na bala pag nag kapikunan! o di ba ang saya?
    • wala ng sagala! parada na ng mga kafatid sa hanap buhay! hehehe

    Ano pa ba?

    ay ang mga tampok na aktibidades sa kapistahan....

    gaya ng....
    • Bulacan, San Isidro - naluhod ang mga kalabaw
    • Aklan, Sto Nino - Ati-atihan
    • Bulacan, plaridel, Santiago de Galicia- parada ng mga kabayong pangarera
    • Quezon, Tiaong - mga bahay naadornohan ng pinipig at prutas
    • Manila, Tondo Sto Nino - parada ng ibat ibang klase, laki, uri at kulay ng patrong sto nino.
    • Baguio - panagbenga
    • Cebu - Sinulog ang pagseselebra ng patrong Sto Nino.
    • Mandaue - mantawi
    • Pampanga -
    • January 1 Aguman Sanduk, Minalin
    • January 6 10 Kuraldal, Sasmuan
    • February Phil Int'l Hot-Air Balloon Fiesta, Clark Field, Angeles City
    • February 28-29 - Caragan Festival, Mabalacat
    • March/April (Good Friday) San Pedro Cutud Lenten Rites (Mal a Aldo), City of San Fernando
    • May Sabat/Santacruzan
    • May (First week) - El Circulo Fernandino
    • June 28-30 Apung Iru Fluvial Procession, Apalit
    • August 27 - Apung Monica Fluvial Procession, Minalin
    • October Pyestang Tugak (Frog Festival), City of San Fernando
    • October Fiestang Kuliat (La Naval Fiesta), Angeles City
    • Last Friday of October Apo Fiesta, Angeles City
    • Last Friday and Saturday of October Tigtigan Terakan Keng Dalan, Angeles City
    • November (Last week of November) Duman Festival, Sta. Rita
    • December Sisig Festival (Sadsaran Qng Angeles), SM Clark, Angeles City
    • December 1-7 Sinukwan Festival, City of San Fernando
    • December 11 Aldo Ning Kapampangan (Pampanga Day)
    • December - Saturday before Christmas Eve Ligligan Parul (Giant Lantern Festival), City of San Fernando
    • December 16-24 - Lubenas, various towns in Northern Pampanga

  11. #11
    1. Inaabangan ng lahat kung sino ang magiging reyna <--> Pinipilit ang mga dalagita na mag-reyna.

    2. Special guests ang mga balikbayan <--> Balikbayan na lang karamihan ng mga nasa piyesta.

    3. Dumadayo ang mga taga-kabilang bayan <--> Kumakandado ng pinto at dumadayo sa ibang bayan ang mga ayaw maghanda.

    4. Madaming devotees ng patron ang nagsisimba at sumasama sa prosesyon <--> mga devotees na lang ang nagpo-prosesyon.

    5. Naka-bihis ang mga kabataan (spooting) <--> naka-shorts at naka-havaianas na lang sila.

    6. Tagpu-an ng mga kabataang nagliligawan ang sayawan sa plaza <--> Tagpu-an ng mga nagi-EB na textmates.

  12. #12
    Banned by Admin
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    InYourDreams ^_^
    ang tagal ko na sa manila pero ni minsan hindi ko naranasan yung fiesta na naranasan ko sa province yung tipong lahat ng magkakapitbahay eh may pagkaing handa tapos may mga dumadayo pa para kumain. Pinaka pyestang narasanan ko sa manila eh mga banderitas na nakasabit. Yun lang

  13. #13
    sus, sa maynila piyestang inuman ang nagyayari. pagdating ng gabi ang daming mga lasing na baliw sa daan. tsk tsk tsk...

  14. #14
    Tindahan bukas magdamagan! 7/11's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    across mini-stop

    Agree!!!!

    Quote Originally Posted by untouchable View Post
    sus, sa maynila piyestang inuman ang nagyayari. pagdating ng gabi ang daming mga lasing na baliw sa daan. tsk tsk tsk...
    ang lupeet piyestang inuman?

    hahaha!

  15. #15
    Tindahan bukas magdamagan! 7/11's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    across mini-stop

    Happy New Year!!!

    up ko lang po!

  16. #16
    jia you! hedonist's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    hangzhou, china
    big deal pa din ang fiesta sa probinsya namin, in fact, tinatapat ko lagi sa fiesta ang bakasyon ko (birthday din kasi ng tatay ko yun). since this is the time na nagbabalikan sa probinsya lahat ng tao (time to see mga "day-off" na nagtatrabaho sa manila na sosyalera pag-uwi ), panahon din ito ng kabi-kabilang reunion at araw-araw na inuman ng tuba. syempre, di pa din nawawala ang mga handaan na pinangungutang pa. dito mo din madalas makita mga kaibigan at kamag-anak na naka-base sa ibang bayan na matagal mo na di nakikita na manghihingi ng pagkain (BH o Bring Home kung tawagin samin) para sa mga naiwan sa bahay nila. hehe.
    The day after the fiesta, sa beach naman ang handaan, mostly yung nakitang handa nung fiesta.

    Nandyan din ang magrent ng videoke machine para naman kumakanta ang mga bisita habang kumakain at umiinom - nakakagulat ang confidence level ng mga tao sa probinsya ha? Kahit wala sa tono yung di ko naman kilalang mga bisita e nakikipag-agawan sa songbook at mic. haha! it was fun, though.

    9 days (or was it 7?) leading to the fiesta proper, madaming activities ang ino-organize ng simbahan. nandyan ang paliga ng basketball (eto munisipyo yata ang organizer), singing contest, (hideous ) beauty contest, pasayaw, etc. pag me budget ang local government me motocross at inter-town basketball/volleyball tournament pa. the latter is funner kasi kanya-kanyang hakot ang mga municipalities na sumasali na halos magpatayan na sa kantyawan, daig pa PBA sa dami ng tao, televised pa at me live feed sa mga naiiwan sa bahay. haha..

    basta masaya pa din naman kahit di na ganun kadami ang handa.

    looking forward ako sa next fiesta this may! sorry, long post. this triggered a lot of memories e.

  17. #17
    Tindahan bukas magdamagan! 7/11's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    across mini-stop

    Thumbs up hi!

    Quote Originally Posted by hedonist View Post

    siguro ang sarap makipiyesta sa inyo??? sana ma invite ako ngayung May 2009! wish ko lang! hahaha!!! Feeling close ba ako sa iyo?

    But kiddin aside, I totally agree with you. Fiesta time bring backs those old days woderful memories...

  18. #18
    pero minsan nde!!!
    Join Date
    Jun 2002
    Location
    Sa Little Mermaid!
    Kung husto nyo talaga makaexperience ng traditional na Fiesta within Metro Manila, punta kayo sa San Juan... Sa Town proper mismo, nagsi-celebrate pa rin *** ng mga nakaugalian na. Yun basaan, masaya pa din yan... lagi yang inaabangan at iniiwasan.. hehehe tapos at 12 pm pagtapos ng basaan, may prusisyon which is called "Santong Tao." These are people from different baranggays in San Juan. Each Baranggay may entry... mga nakacostume silang mga santo...This is very nice talaga.

    Tas sa baranggay naman namin (Sta. Lucia) sa San Juan din, bisperas pa lang Fiesta may celebration na. Kami lang sa buong San Juan ang may contest ng mga mosiko. "Serenata" yung tawag namin dun. (Di ko lam un tawag dun sa mga banda , mosiko ang nakalakihan kong tawag eh) pero these are people who plays different wind instruments like oboe, flute, etc...Sa eve ng fiesta, may competition un 2 banda, patagalan, pagalingan, pabaguhan ng mga tinutugtog. Kaya saya talaga sa amin tuwing fiesta.

    Tas sa fiesta day itself andami nang mga nagpapalaro ng mga agawan buko, sack race, palayok, hagisang itlog atbp. tapos sa paligid daming nagpapabunot ng mga sisiw na bagets hahahhah! hay kakamiss!

  19. #19
    jia you! hedonist's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    hangzhou, china
    Quote Originally Posted by 7/11 View Post
    siguro ang sarap makipiyesta sa inyo??? sana ma invite ako ngayung May 2009! wish ko lang! hahaha!!! Feeling close ba ako sa iyo?

    But kiddin aside, I totally agree with you. Fiesta time bring backs those old days woderful memories...

    haha! Ang layo samin, sa Leyte pa. Bukas ang pinto ng mga bahay dun samin sa kahit sinong gustong kumain kahit di kilala. Totoo yun kaya pwede ka mag-drop by at maki-fiesta. Makikanta ka na rin sa videoke. hehe.

  20. #20
    Nice nice. Nakakatuwang basahin.
    Di naman ako oblivious sa mga nangyayari sa piyesta. Sa kasamaang palad, di pa ako nakakaranas ng tunay na piyesta. Sana balang araw.

Page 1 of 2 1 2 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

TV:

Lyca Gairanod wins first ever The Voice Kids Philippines

Lyca Gairanod wins first ever The Voice Kids Philippines

read more
SHOWBIZ:

TV5 still behind Paolo Bediones despite sex video scandal

TV5 still behind Paolo Bediones despite sex video scandal

read more
SPORTS:

Army wins 3rd straight SuperLiga title, beating Air Force to capture All-Filipino championship

Army wins 3rd straight SuperLiga title, beating Air Force to capture All-Filipino championship

read more
CHIT CHAT:

What's the story behind your username? Answer the PEx Slumbook here!

What's the story behind your username? Answer the PEx Slumbook here!

read more
UAAP:

DLSU completes comeback bid with a win over UE, 60-58

DLSU completes comeback bid with a win over UE, 60-58

read more
GILAS:

Andray Blatche joins Gilas Pilipinas practice in Miami

Andray Blatche joins Gilas Pilipinas practice in Miami

read more