PHOTOS: NU Outlasts AdU

The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

PHOTOS: Alaska Crushes Ginebra

Alaska survived a late-game rally by Ginebra to win 104-90, leading the series at 2-0 and now one win away from the title.

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

PROMO: Epic

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic!

read more

REVIEW: Hunter X Hunter

Does Hunter x Hunter: Phantom Rouge do the manga justice? Find out in this review!

read more

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 71
  1. #1
    Reputasyon ashley26ph2004's Avatar
    Join Date
    Feb 2004
    Location
    Manila,Philippines

    WOWOWEE/EAT BULAGA NG ABS CBN 2/GMA 7 - ALING ANG SHOW SA U S ANG TINAO at NILANGAW?

    Alfie Lorenzo

    Isyu ba kung aling show ang tinao at nilangaw?

    SADYANG may crab mentality ang karamihan ng mga Pinoy, na hindi sila maligaya kapag may ibang nagtatagum*pay. Katulad na lang itong “EAT BULAGA” at “WOWOWEE”. Hindi ba mas dapat matuwa ang karamihan sa atin dahil nakapunta roon ng personal ang dalawang shows ng magkalabang network.

    Meaning, marami silang napasaya na mga kababayan nating matagal na naninirahan sa abroad at ang iba ay sabik ng makauwi ng Pilipinas, pero sa halip na gastusin ang perang naipon sa ti*ket sa eroplano ay nagtitiis na lang na magtipid para may maipadala sa mga mahal nila sa buhay sa Pilipinas.

    Nagiging isyu nga*yon kung alin sa “Eat Bulaga” at “Wowowee” ang mas dinumog. May nag-e-mail nga sa amin ng litratong kuha sa dalawang show venue.

    Ano ang purpose ng kumuha ng litrato? Para siraan ang kabilang show na tumalo sa kabilang show? Halata namang doon sa litrato na may daya ang kuha sa isang show. Masyadong close-up ang shot doon sa pinaborang show para tight ng shot ng audience at doon sa isa ay long shot para ipakita ang empty bleachers seats. Ang masasabi ko lang, “Hayyyy, ang Pinoy...kahit saan makarating...Pinoy pa rin!” Ha! Ha! Ha! Ha!

    Posted also at
    http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS...amilyaPEXers2/

  2. #2
    shut up alfie. hypocrite!

  3. #3
    Hindi namin inaasahan na malaking isyu at magiging debate subject ng mga Pilipino ang recent show ng Eat Bula*ga sa Los Angeles, Ca*li**fornia.

    Ipinagpipilitan ng mga hindi nanood na walang katotohanan ang mga balita na dinumog ng mga kababa*yan natin sa Amerika ang nabanggit na show, pero may sagot kaagad ang mga physically pre*sent sa LA Sports Arena.

    Hinihiling ni Sol Magat (Inventory Control Specialist at may e-mail address na solmagat@juno.com) na i-forward namin ang kanyang e-mail sa reader na nagpaparating sa mga entertainment writer ng balita na hindi successful ang show ng Eat Bulaga sa Los Angeles, California.

    “I read in your article in Abante that somebody e-mailed you re*garding the show of Eat Bulaga here in LA. We watched the show and it was successful. In fact, I bought 14 tickets for $50.00 each ($700.00 total) for my fa*mily. “Can you please forward my e-mail to him or her: Did you check Ticketmas*ter or any Island Pacific supermarket if they are selling tickets for bleacher? If you watched the show, you should noticed that blea*cher were closed. Next time you forwarded some e-mail, make sure it’s true.”

    ***

    Iba naman ang concern ni Jaime Santos (sheenkx@yahoo.com):

    “Correction lang, hindi po fan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang nagpadala ng e-mail na naninira sa Eat Bulaga. “Kinuha po ang picture mula sa internet thread ng Eat Bulaga na inilagay ng fan nina Marian at Dingdong. “Sana, pakituwid ito sa column ninyo. Baka isi*pin ng Eat Bulaga staff na fans nina Marian at Dingdong ang naninira. Ang mga taga-Amerika po ang saksi na mara*ming nanood sa show ng Eat Bulaga sa LA
    .

    souce: abante tonite

  4. #4
    Eat Bulaga’, ‘di apektado sa paninira!
    Juday at Ryan, nanliit kina Tito, Vic & Joey!
    Allan Diones

    Natawa na lang kami sa natanggap naming email na sinisiraan ang show ng Eat Bulaga na ginanap nu’ng Hulyo 19 sa Los Angeles Sports Arena.

    Saksi kami mismo kasama ng iba pang mga kapatid naming journa*list na galing ‘Pinas sa nasa*bing event kaya nakasisiguro kaming mali ang impormasyong ikinakalat ng email sender.

    Naisulat na namin dito pagkatapos na pagkatapos ganapin ang Eat Bulaga Grand Fiesta in LA na hindi binuksan ang uppermost section ng OA sa laking LA Sports Arena na mahigit 16,000 ang total seating capacity.

    Normal na ginagawa ‘yon ng mga live stage show sa nasabing venue na hindi inookupa ang buong lugar para mas ma*ging intimate ang au*dience at manageable ang crowd lalo na kung hindi naman ito isang major sports event.

    Pero kahit na ang arena area (floor section) at loge area (middle section) lang ng nasabing ve*nue ang binuksan at hindi isinama ang concourse area (bleacher section) ay napakalaki pa rin ng 6 to 7,000 seating capacity ng dalawang bukas na area para sa isang live variety show na katulad ng Eat Bulaga.

    Ang nakatutuwa nga, obvious na madadatung ang mga taga-Amerika dahil mas mabenta ang mga mahal na tiket ($100 at $75) kumpara sa mas mura ($50 at $35).

    Kaya napansin namin na mas puno ang mga upuan sa lower section ng venue kesa sa itaas, kaya tama lang din na hindi na in-open pa ang bleacher area.

    Sigurado kaming hindi apektado sa mga ganitong klase ng paninira ang TAPE, Inc., GMA Pinoy-TV at Starmedia Entertainment dahil alam nilang isang malaking tagumpay ang LA show ng Eat Bulaga at hindi matatawaran ang kasiyahang inihatid nila sa ating mga kababayan sa baha*ging ‘yon ng Amerika.

    ***

    Hindi lang mga Pinoy at Fil-Ams ang dumagsa sa LA show ng Eat Bulaga, marami ring nanood na Amerikano at fo*reigners na naaliw nang husto sa longest-running noontime variety show in Philip*pine television.

    ‘Yun ang masarap sa pagsu-show sa ibang bansa, bukod sa napapasaya mo na ang mga kababa*yan nating nasa malala*yong lugar ay nae-expose pa ang mga local shows natin sa foreign audience, na in fairness ay curious din sa mga Filipino programs.

    Kaya hindi kami nagtataka kung bakit ganu’n na lang kung makipag-cooperate ang TAPE big boss na si Mr. Tony Tuviera sa Kapuso network ngayong meron nang GMA Pinoy-TV para dalhin sa iba’t ibang sulok ng mundo ang Eat Bulaga, na sabi nga nina Tito, Vic & Joey ay parte na ng kulturang Pinoy.

    Sigurado rin kaming masaya ang US producer ng Eat Bulaga Grand Fiesta na si Ms. Ana Co Puno ng Starmedia Entertainment. Maliban kasi sa ticket sales ay grabe sa dami ang sponsors ng EB show.

    Nu’ng presscon sa Glendale, CA ay super-haba ng ipinalabas na VTR na isa-isang ipina*kita ang santambak na sponsors ng show.

    So, nu’ng photo-op ng mga sponsor kasama ng Eat Bulaga barkada, akala namin ay wala nang katapusan ang piktyuran kaya gutom na gutom ang grupo nang mag-late dinner after the presscon.

    Ang medyo ikinalokah namin ay nu’ng mismong araw ng show na hanggang sa backstage ng LA Sports Arena ay go rin ang ilang sponsors para magpa-picture sa EB dabarkads mereseng ongoing ang show.

    Pati ang karamihan sa mga itinalagang ushers at security ay sila pang aligaga sa pagpapakuha ng litrato. Mas nawindang kami after ng show na mula sa dressing room ng mga artista papunta sa back area kung saan kami e-exit ay mabilis na napuno ng tao kaya nakuyog nang husto ang EB tropa at kandahirap sa paglabas ng venue.

    Ganunpaman ay sobrang saya ng lahat dahil sa successful show na ‘yon na siguradong gusto pang maulit muli ng mga kababayan natin sa Cali*fornina.

    ***

    Ang mag-sweetheart na Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na special guest sa LA show ng Eat Bulaga ay puring-puri ang EB family.

    “Ay sobrang nakakahiya, kasi ang babait nilang lahat! Ha! Ha! Ha!” natatawang bulalas ni Juday.

    “Actually, pinag-usapan nga namin ‘yon ni Ryan, eh! Ako, nahihiya ako. For some reason, nakikimi akong kumilos kapag kasama ang mga taga-Eat Bulaga.

    “Kasi, ang sarap nilang panoorin, ang sarap nilang tingnan. At the same time, hindi kami makapaniwala na kasama kami sa grupo nila!”

    Sey naman ni Ryan, “Yeah, when we were watching the rehearsals, we couldn’t believe the amount of genius that was onstage right at that moment.

    “Meron kang TVJ, there’s Francis Magalona, Allan K, lahat sila, eh! We actually felt small next to them! Ha! Ha! Ha!

    “At saka they’re so relaxed. They’re such a jamming-type of group. Parang we just had fun ni Juday observing them. And there’s such a tight-knit bond, so talagang nakakabilib sila!”

    Sa Agosto 2 (Sabado) mapapanood ang nasabing show ng Eat Bulaga sa Amerika sa GMA-7.

  5. #5
    GMA Pinoy TV, panalo sa LA
    Joe Barrameda

    Nakabalik na sa Pilipinas ang buong tropa ng Eat Bulaga, matapos ang show nila sa Los Angeles, California. Isang maganda at nakaaaliw na show nga ang ihinandog ng Eat Bulaga sa mga Pinoy sa LA.

    Siyempre, masaya ang producer ng show na si Anna Puno, dahil dumagsa ang maraming kababayan natin sa LA Sports, para manood ng Eat Bulaga.

    At enjoy na enjoy ang mga Pinoy sa mga host na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, kasama pa sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Marian Rivera at Dingdong Dantes.

    Sabi nga, siguradong mas dadami pa ang magsu-subscribe, kaya panalo talaga ang GMA Pinoy TV sa LA.

    Masaya nga ang mga taga-Anaheim dahil may GMA Pinoy TV na sa lugar nila. Gaya ni Tito Al Chu na nag-host ng dinner sa amin nina Jojo Gabinete at Lhar Santiago noong Lunes nang gabi. Ganoon din si Rey Lim ng Days Inn na nag-aabang din ng GMA Pinoy TV sa Irvine sa California. Hinakot talaga niya ang mga Pinoy employees niya para lang panoorin ang Eat Bu*laga sa downtown Los Angeles.

    Sa paglipad namin pabalik ng Pilipinas ay nakasabay namin ang loving couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kasabay ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer at ang PA ni Juday na si Nonong.

    Kamuntik na naming ipagpaliban ang pag-uwi namin dahil naghahanap ng mga volunteers ang PAL para ibigay ang mga seats dahil overbook sila.

    Pero kinagabihan ay hindi naman lahat dumating at sumobra man ang pasahero ay ipina-upgrade na lang nila kami sa business class, kesa magbayad sila ng 800 dollars sa mga hindi makakasakay.

    Halos magkasabay naman dumating ang PAL flight from Los Angeles at Las Vegas sa Pilipinas, kaya nagkita-kita rin ang mga artista at press na nanggaling sa magkaibang siyudad sa Amerika.

  6. #6
    ano ngayon ang masasabi ng mga bopols na fans ng abs-cbn tungkol dito ? wala kasi wala naman silang alam gawin kundi magpauto masyado

  7. #7
    Anna Puno, CEO of StarMedia (producer of the show), was hoping 10,000 people to attend the show but only 6,000 (exaggerated numbers) went in LA Sports Center that is capable of holding more than 16,000 people.

    And their excuse na hindi daw makita kasi malayo, bakit ito binili ng tao kahit malayo yung seats?...

    Ganyan po ang Sold Out (^ Wowowee In Las Vegas)

    GMA-Abante's definition of Sold Out:
    Last edited by flipto; Jul 26, 2008 at 10:39 AM.

  8. #8
    Sino ba ang GUESTS sa EB?? Diba sinama nila ang Kapamilya stars Judy Ann at Ryan?

  9. #9
    LAOS NA TALAGA YANG MATATANDANG HOST NA YAN ..

    MGA APOY LUPA NA SILA KAYA NILANGAW YUNG SHOW NILA

  10. #10
    Quote Originally Posted by flipto View Post
    GMA-Abante's definition of Sold Out:
    Hinihiling ni Sol Magat (Inventory Control Specialist at may e-mail address na solmagat@juno.com) na i-forward namin ang kanyang e-mail sa reader na nagpaparating sa mga entertainment writer ng balita na hindi successful ang show ng Eat Bulaga sa Los Angeles, California.

    “I read in your article in Abante that somebody e-mailed you re*garding the show of Eat Bulaga here in LA. We watched the show and it was successful. In fact, I bought 14 tickets for $50.00 each ($700.00 total) for my fa*mily. “Can you please forward my e-mail to him or her: Did you check Ticketmas*ter or any Island Pacific supermarket if they are selling tickets for bleacher? If you watched the show, you should noticed that blea*cher were closed. Next time you forwarded some e-mail, make sure it’s true.”

    ayan po malinaw na CLOSED ang BLEACHER.. kasi *** ng makikita ang tao dun..

    eh yung iba wala naman paki alam sa viewers nila basta MAKAKWARATA lang..

  11. #11
    Quote Originally Posted by yhods69 View Post

    Wlang makikita o hindi makabenta? Search mo past concert sa LA Sports Arena. Kahit malayo yung seat Sold Out. Excuses Talaga.

    Ito example ng past concert sa LA Sports Arena.

  12. #12
    nilangaw!

    Last edited by Yuweh; Jul 26, 2008 at 12:05 PM.

  13. #13
    Quote Originally Posted by watsjud View Post
    shut up alfie. hypocrite!
    Hayaan mo siya, noon pa yan
    Bahala na siya.

  14. #14
    Banned by Admin
    Join Date
    Jun 2002
    Location
    in the kingdom
    bwahahaha! masaya ito. magandang labanan bwhahaha!

    tapos nilagay din nila kung magkano ba ang tickets ng magkalabang show. lol! si tandang alfie, nabahag ang buntot bwhahaha1

    sa sunod, pag nag show sa araneta coliseum, wag ibenta ang ticket sa bleachers para intimate ang show.. malapitan at madaling i control... bwhahahahha!
    Last edited by renz; Jul 27, 2008 at 01:05 PM.

  15. #15
    Quote Originally Posted by ashley26ph2004 View Post

    Alfie Lorenzo

    Isyu ba kung aling show ang tinao at nilangaw?

    SADYANG may crab mentality ang karamihan ng mga Pinoy, na hindi sila maligaya kapag may ibang nagtatagum*pay. Katulad na lang itong “EAT BULAGA” at “WOWOWEE”. Hindi ba mas dapat matuwa ang karamihan sa atin dahil nakapunta roon ng personal ang dalawang shows ng magkalabang network.

    Meaning, marami silang napasaya na mga kababayan nating matagal na naninirahan sa abroad at ang iba ay sabik ng makauwi ng Pilipinas, pero sa halip na gastusin ang perang naipon sa ti*ket sa eroplano ay nagtitiis na lang na magtipid para may maipadala sa mga mahal nila sa buhay sa Pilipinas.

    Nagiging isyu nga*yon kung alin sa “Eat Bulaga” at “Wowowee” ang mas dinumog. May nag-e-mail nga sa amin ng litratong kuha sa dalawang show venue.

    Ano ang purpose ng kumuha ng litrato? Para siraan ang kabilang show na tumalo sa kabilang show? Halata namang doon sa litrato na may daya ang kuha sa isang show. Masyadong close-up ang shot doon sa pinaborang show para tight ng shot ng audience at doon sa isa ay long shot para ipakita ang empty bleachers seats. Ang masasabi ko lang, “Hayyyy, ang Pinoy...kahit saan makarating...Pinoy pa rin!” Ha! Ha! Ha! Ha!

    Posted also at
    http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS...amilyaPEXers2/

    Kunwari pa napaka bait nitong si Alfie kesyo dapat maging masaya na lang ang mga tao dahil parehong nakapag paligaya then tapos sa baba halata naman daw na may daya ang kuha nung isang litrato. Lumabas din ang pag ka bias at ang purpose nya na linlangin ang mga tao. Sinasabi nya ang pag ka crab mentality ehh mukhang sya itong nangungunang ganun ang pag-iisip. Bakit ganun sila mag sulat nang mga opinion nila parang ang mga tao hindi kayang mag-isip lahat ba kailangan nilang ibigay ang impormasyon at akala ba nila na ganon ganon lang at maniniwala ang mga tao sa kanila. Hindi ba nila kayang matanggap na mas kokonti ang nanood sa kanila. Hindi mo ma iiwasan na mag kompara ang mga tao specially kung yung dalawang mag ka competition ang halos sabay na nag show sa abroad. Meron ba silang dapat pag takpan?? Parang sila mismo walang tiwala sa mga sarili nila na sabihin nilang number one sila. So what kung mas madaming nanood sa wowowee kaysa sa eat bulaga at bakit kailangan pa nilang sabihin na kesyo hindi mapapanood nang nasa bleacher kaya hindi talaga inopen iyon. Sinong aanga anga ang maniniwala doon ehhh de dapat sa mas maliit na venue sila nag show. Akala mo namang mas mura ang bayad kung mas malaki ang venue.

    Bottom line pareho silang kumita at yun ang importante hindi na nila kailangang mag sulat pa nang mga article ehhh sa kanila rin naman bumabalik. Hindi ba nila kayang palampasin yung mga issue na negative. Kung may na recieved sila na email na paninira hindi mo na kailangan ipag tanggol pa hayaan mo na ang mga tao ang mag-isip noon. Nasa public sila open sila sa mga criticism at lahat nang gawin nila ay mapupuna. Kung hindi sila insecure at wala silang duda na sila ay sikat na sikat hindi na nila kailangan idepende nang ganyan yung show. Ang importante na kapag pasaya sila nang mga kababayan natin.
    Last edited by daly732000; Jul 26, 2008 at 04:11 PM.

  16. #16
    <a href="http://smg.photobucket.com/albums/v733/localboi/?action=view&current=12.png" target="_blank"><img src="http://img.photobucket.com/albums/v733/localboi/12.png" border="0" alt="Photobucket"></a>

    I guess fair na lahat..WWW had it's show held in LA Sports Arena with the bleachers empty and EB's was empty to so FAIR ok..!

  17. #17

  18. #18
    Eat Bulaga In Los Angeles Sports Arena 2008:

    - Almost 30 years of Eat Bulaga and went to LA
    - #1 Daw
    - "EB Day In LA"
    - Highest Ticket Price is $150! (Secret Price)
    - "Sold Out"
    - "Eat Bulaga is generating a lot of buzz in L.A. From San Bernandino to Ventura Counties, Filipino Americans in the bustling megalopolis are getting crazy getting tickets from this game show."

    The Result:

    Wowowee In Los Angeles Sports Arena 2006:

    - First year of Wowowee and went to LA
    - Went to LA 10 months later after the Tragedy (still being used as paninira sa wowowee na walang effect )
    - "LOS ANGELES - Game shows are a favorite pastime for Pinoys. A glaring evidence of which was the overwhelming attendance of Filipino-Americans in Wowowee, held recently at the Los Angeles Sports Arena."

    The Result:

  19. #19

    Yeah there you go that's more like it. Yung isa malabo at again mas marami parin ang sa wowowee. Baka yung kuha na yun pauwi na ang mga tao kaya akala empty yung sa top na bleacher pero sa second picture puno din yung sa taas. Anyway, pareho namang madaming tao.

  20. #20
    yeah, hwag na nating palkihin ang isyu. ang importante ay nakapagsasaya sila sa kababayan natin sa abroad. kaso lang itong si tito Alfie minsan di maintindihan ang mga write-ups. kunwari gusto nya ABS tapos ilalaglag. tapos may time din ilalaglag ang GMA. OMG, ano ba talaga gusto mo kuya? please fix up your mind, kung wala kang masabing maganda wag na lang mag-write ng articles. kaya nga di tayo umaasenso dahil sa crab mentality na yan na sabi pa ni tito alfie.

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Whats Happening

Sub title

The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more

PROMO: Epic
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic! view more

The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more

Caught Up Default

Sub title

Trailer: The Great Gatsby
Baz Luhrmann directs an ambitious, visually stunning tale of love, dreams, and tragedy in The Great Gatsby. view more

Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more

Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more

Review: One Piece
Is One Piece Film Z an epic nautical adventure worth experiencing? Find out in this review! view more

Review: Trance
Director Danny Boyle delivers tons of twists and turns in this well-written mind-bending action thriller view more

Forums Directory