PEx Highlights

REVIEW: Annabelle

Annabelle is a fun, scary screamfest for the barkada.

read more

An FEU-NU Matchup in the UAAP Finals?

Well, you guys were calling for an FEU-NU matchup and we wrote about it! Check out our article about a potential Tamaraws-Bulldogs matchup in the UAAP Finals.

read more

PHOTOS: La Salle Extends Series vs FEU

Jeron Teng and the DLSU Green Archers had no problems defeating the FEU Tamaraws on Saturday, 94-73.

read more

PROMO: Gone Girl

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

read more

Show Me Your Nahulog na Teeths!

Chelsey takes over hosting duties for this week's episode! She and her guest talk about the big fall from the recently held Cosmo Bachelor Bash.

read more

RPG: 2014 PEx School of Witchcraft and Wizardry

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry!

read more

Results 1 to 19 of 19
  1. #1
    D fR!3nDLy 6!rL
    Join Date
    Nov 2000
    Location
    noypi oka

    disiplina ng magulang noon at nagyon..

    Ibang-iba na nga talga ang pagdisiplina ng mga magulang sa mga anak.

    Kami ng ate ko latay galing sa sinturon ang naaabot namin sa nanay namin tuwing magaaway kami di kaya may kasalanan na nagawa.

    Naranasan din namin mapalo ng tambo sa sobrang kakulitan.

    Di kami pwede lumabas at maglaro pag di natulog sa tanghali.

    Kung ano ang nakahain sa lamesa kailangan yun ang kainin.

    Nung nagaaral *** dinisiplina *** na hangan't matino pa ang shoes at bag di bibili ng bago kesehodang 3 taon na.

    Di din namin nakukuha ang lahat ng ninais namin kahit maglupasay ka dyan at magiiyak.

    Meron ako friend grabe disiplina ng tatay niya sa knya tinatali sila sa labas ng gate ng hubo pag may bagsak sa school to think mga 13 or 14 yrs oln na sila.

    guys kwento **** dyan ng mga naranas nyong sakit nung maliit pa kyo. Katuwa balikan dahil sa sakit natuto din **** tyo.

  2. #2
    BCWMH addict pink_eyes's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    Team GB - UK
    eto sa akin noon.....

    pag sunday di makalabas ng bahay pag hindi naglilinis

    oras ng kainan dapat nasa bahay ka

    mama ko mahilig sa alahas so mga medyo luma na ako ang gumagamit,so pag nawala ko hanger o sanga ng bayabas ang matatanggap ko

    pag naglalaro ako,nadapa at nasusugatan dapat sekreto ko lang kasi pag alam ng mama ko,palo lang matanggap ko

    ako din di makalabas o makapaglaro pag hindi natutulog sa tanghali

    .....

    pero di dapat ganyan eh..yung pagdidisiplina na palo ng palo
    kasi base sa akin,lumaki ako with my lola and mama
    so mas love ko lola ko kaysa mama ko dahil never akong binubuhatan ng kamay ng lola ko

  3. #3
    D fR!3nDLy 6!rL
    Join Date
    Nov 2000
    Location
    noypi oka
    pero di dapat ganyan eh..yung pagdidisiplina na palo ng palo
    kasi base sa akin,lumaki ako with my lola and mama
    so mas love ko lola ko kaysa mama ko dahil never akong binubuhatan ng kamay ng lola ko[/QUOTE]

    ... pero lam mo sa ngyon parang hndi na ganito ang pagdisiplina ng mga magulang sa mga anak some how may magandang effect kasi mas matino ang mga bata nung unang panahon unlike ngyon mga spoiled ang mga bata gusto nila lhat ng naisin nila masunod.
    Minsan nakakatawa isipin mga palo at latay na naabot mo sa magulang mo nung kabataan mo dahil dun ka natuto..

  4. #4
    In a way nagising na ren ang mga magulang ngayon..kasi nga tayo ang napapalo noon at alam natin na nagrerebelde tayo at ayaw natin na siguro mangyari sa ating mga magiging anak ang sinapit natin noon..kaya ang mga magulang ngayon ibang-iba na..minsan nga kasama pa sa mga gimikan ang anak nila..ang ganda ngayon parang mag utol lang sila...paggising nga nila ang bangitan.."Tol! bagsak ka kagabi!...Ang gandang tignan diba? at hingian pa nga ng yosi minsan..Ang maganda ang tawag sa mother nila "ATE" at sa father naman "KUYA" at ang alam ba ninyo ang tawag sa lola nila? NAY!"

  5. #5
    sagana ako sa palo noon (sinturon, kamay, kahoy) kasi likas akong sutil na bata. pero ok lang naman sa akin yun, mas mabait na ako ngayon kasi bata pa lang naputol na ang sungay ko kakagulpi ng magulang ko. lols.

    bawal maglaro pag di natulog sa tanghali. ang malas ko nga lang kasi pag natulog ako ng tanghali, gising ko ay mga 4-5 pm na. eh kelangan mga 5:30 ng hapon nasa bahay na ako dahil pag naabutan ako ng tatay ko sa labas. palo!

    bawal makikain sa bahay ng may bahay. kahit kamag-anak pa namin. nakakahiya raw kasi "wala" na nga raw makain kapitbahay namiin makikishare pa ako.

    kailangan laging kumpleto sa hapag-kainan. at kumpleto pa yun with lead the prayer.

    pag may bagsak sa klase, que quiz lang yan, palo! at magdamag na tutorial care of my nanay or tatay.

    isang tingin lang sa amin kailangan tumigil na kakaiyak. kasi kung hindi, kukurutin kami.

    medyo harsh ang pagpapalaki sa akin compared sa mga nakikita kong parenting styles ngayon. pero tingin ko naman ok lang kasi lumaki naman akong mabuting tao. siguro kung sa iba ginawa to, hindi effective. pero sa akin, swak na swak siya. lols.

  6. #6
    1. ubusin ang pagkain na nasa plato, kumain na maayos at malinis, wag iiwanang may tira-tirang pagkain sa plato at nakakalat ang kubyertos sa plato pagkatapos kumain.

    2. pag oras ng kainan, dapat sabay-sabay kumain (pero sa pagka busy di na to nasusunod ngayon. hehe)

    3. praying before meals

    4. mag bless or mag kiss sa mga relatives pag magkikita-kita

    5. nung buhay pa si lola, ginigising nya ko ng 5am to pray the rosary kahit antok na antok ako sobra (i was like 4 years old ata)

    6. bawal junk foods

    7. nung nag high school na, if gigimik man dapat pinaka late is 12 midnight lang. if feeling ko mage-exceed ako, dapat exact time ang ibigay ko at dapat uwi ako dun sa sinabi kong oras. di pwedeng magexceed kahit 1 minute lang. lupeettt!!

    8. do household chores muna before pleasure

    9. pag nagkamali ka, dapat i-solve mong magisa. kahit ano pa yun.

    10. you want something (material or hindi), you have to earn it thru saving and maybe high grades or pa-good shot ka. basta anyway that they would feel you're worthy of what you want.


  7. #7
    thank god for the atheist einhander's Avatar
    Join Date
    Mar 2002
    Location
    safe from harm
    kwento ng tatay ko, nung panahon daw nila pag may sugat sa tuhod at nag nanana, pag pinaliliguan sila ng lola ko, biglang kukusutin ng mabilis ng bimpong may sabon yung sugat, syempre, bubunghalit ng iyak yung tatay ko, biglang bubuhusan ng lola ko yung tatay ko ng tubig para banlawan, kaya malulunod yung tatay ko at di na makakaiyak malupit!

  8. #8
    sagana rin ako sa palo nung bata pa ako, sinturon, kamay, dos por dos, you name it.
    Ang isa pang rule eh, bawal manood ng TV pag araw ng skwela, weekends lang pwede. Minsan nahuli ako ng erpats ko nanonood ng TV after school. Ano inabut ko? Shempre, ano pa, eh di PALO!

  9. #9
    We got smacked on the hands sometimes but I don't remember being really spanked. Kinakausap lang kami nang seryoso at tinatanggalan ng privileges o di binibigyan ng allowance. So di ko din ma-imagine na papaluin ko ang mga anak ko. Lumaki din naman kaming matitino ng mga kapatid ko kaya sana, ang mga anak ko din ganito.

    Some memorable crimes and punishments:

    @6 years old, ayaw kong kainin ang kalabasa na ulam namin for lunch, pinatayo ako sa sulok ng salas at di ako nakasama sa yaya ko na nanood ng Tito Vic at Joey na sine sa Recto.

    @9 years old maingay kaming magkapatid on Good Friday kaya pinatayo kami sa salas na naka-crucifix position ang mga braso. Di naman siguro ito lumampas ng isang oras pero nangawit talaga kami.

    P2 ang daily allowance ko at iniipon ko talaga para makabili ng Nancy Drew at Sweet Valley na libro (na ngayon nakatambak lang sa bahay ng nanay ko hehe) at pinambibili ng Yakult at dirty ice cream, at Chikadees kasi siyempre "in" ka kung kumpleto mo yung latest na series ng mga laruan... pag gusto ko ng mamahalin na laruan o sapatos, kailangan ako ang mag-ipon ang kalahati ng amount. Madalas sumusuko na lang ako at natuto ako na di naman kailangan ng mamahaling bagay at branded na damit sa buhay

  10. #10
    I remember in kindergarten, I took another classmate's stuff. When my mom saw it in my bag, she asked whose it was. I said I stole it from a classmate. I got a good spanking from her. To this day, I have not stolen a thing.

  11. #11
    2lad ng iba nakaranas din ako ng hagupit at sobrang sermon mula sa nanay ko at sa kuya ko

    Elementary Days:

    - pag nde natulog nde makakalabas ng bahay.
    - pag mamababa ang grade nde makukuha ang gusto.
    - gugulpihin ni kuya pag nakita akong naglalaro ng maduming tubig (pwede naman pag sabihan ***, masunurin naman ako sa kanya)
    - papauwiin sa bahay pag nakikita akong nasa labas at naglalaro (dahil di pa daw ako nakasaing)
    -papagalitan pag nasunog ang sinaing (eh halos araw araw naman nasusunog ko ang sinaing nde na sila nadala n ako lagi nag sasaing)

    High School Days:

    - Uwi agad after ng class kundi gulpi n naman ako o kaya sermon pag sinuwerte kailangan lang i justify at kapani paniwala bakit ginabi.
    - Huwag sumama sa bad influence n barkada kung nde ay di ako makaka alis ng malaya. (i know naman what is right at ayoko masira ang future ko).

    College Days

    - Huwag mag pa umaga pag gumigimik or else deretso n lang ng simbahan kahit puyat. Kundi sangkaterbang sermon n naman.
    - Huwag aalis ng 1am para gumimik masyado ng late, dapat mga 9pm alis n ng bahay para nde abutan ng sikat ng araw sa kalye.
    - Huwag aalis ng 1am at biglaan para lang gumimik (ayun dahil pasaway ako nasampal ako ng kuya ko) ouch!!!

  12. #12
    hay naku ibang iba ang discipline noon kumpara ngayon..matindi ang mga magulang natin noon.. buti nalang naging open na tayong mga parents ngayon.. dati kasi sobrang authoritative sila...

  13. #13
    naabutan ko pa kung paano magdisiplina ang lola ko sa mga anak nya,pati na rin sa amin...grabe ang higpit.at nakwento rin sa akin ng mom ko yung mga experience nila nung bata. buti na lang iniba ng mom ko way ng disiplina sa amin.i think,mas nagrerebelde ang anak pag sobrang higpit ang parents.dapat may moderation sa lahat ng aspects ng pagpapalaki sa anak.

  14. #14
    pero amazing no, bakit hindi nag rerebelde ang mga mom and dad natin noon... parang sobrang bait nila, natiis nila yong ganong klaseng disiplina.. kaya lagi kong naririnig sa mga oldies nanay na " ay naku hindi kami ganyan noon, tingin lang ng lola nyo, behave na kami"..:-) Totoo ngayon mga bata hindi na makuha sa tingin... hehehehehe

  15. #15
    nung grade 6 ako, i tried smoking, curious lang kasi. kaso nahuli ako ng nanay ko.

    hindi naman ako pinalo, pero tinali yung kamay ko, hinila ako papunta sa mga monggo at asin, pinaluhod ako tapos nagsindi sya ng katol. yung katol, sinalpak nya sa bunganga ko.

  16. #16
    Expectant Mom
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    Babies R Us
    I believe that children should be spanked depende sa kasalanan nila, saang part ng katawan sila papaluin, kung gaano kalakas ang pagpalo and gaano kadalas.

    Parents shouldn't spank their children when angry. I have a younger sister and she's 20 years younger than me. If she does something wrong, i talk to her first and give her warning. She knows already what's gonna happen if she still misbehaves after 3 chances I gave her. Napalo ko na siya ng maraming beses but never did she misrespect me. She even loves more because I disciplined her the right way. I don't express my anger through spanking. I make her realize why I had to spank or put her in timeout. I never make spanking a hobby with my sister. As a parent or older bros/sis, we should know how to handle and correct our youngers' behavior. They're are our responsibilities since they can't decide for themselves yet.

    I work in a child care facility here in US and believe me, mas magaling magdisiplina ang majority ng mga pinoy kesa sa mga Amerikano.

  17. #17
    basta ako... i vow not to put my child's self-esteem over a sense of right and wrong....

    that's not to say na his self-esteem won't be something i'd take care of... but parents who let their kids play with food kunyari and not call these kids over that because they don't want to curtail a child's nitiative and what-not, a nako, that really gets to me...

    there are some things na NO talaga for me...


    oh and my parents' main folly in disciplining us was... lack of consistency and unity... we can sometimes get one to make us kampi or something... tas minsan, major galit agad wala pang warning... parents should discipline in a united way, even if only one will scold or spank, dapat united front sila...

  18. #18
    nung bata ako nakatikim ako ng lumilipad na ashtray pag pasok ko ng pinto ng bahay namin. tumakas kasi ako ng bahay para mag laro, umuwi ako ulubog na araw kaya ayun... hehehe ngayon natatawa nlng *** ng nanay ko pag naaalala namin yun. pasaway kasi ako nun e heheheh

  19. #19
    mas maluwag ang pagdidisiplina ng mga magulang ngeon.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

RPG:

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry.

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry.

read more
PROMO:

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

read more
SHOWBIZ:

The Amazing Race Philippines reveals participating teams for upcoming season

The Amazing Race Philippines reveals participating teams for upcoming season

read more
ASIAN GAMES:

Join the 2014 Asian Games discussion thread!

Join the 2014 Asian Games discussion thread!

read more
UAAP:

La Salle extends series, blows out FEU, 94-73

La Salle extends series, blows out FEU, 94-73

read more
NMFtv:

#TBT: Alfonso, Nigel and Enrique talk about their first gaming memories. What about yours?

#TBT: Alfonso, Nigel and Enrique talk about their first gaming memories. What about yours?

read more