Para maging fair, ako po ay kasalukuyang empleyado ng kgb and I would like to take this opportunity to comment on a previous post that enumerated different issues about our company:
Yan po ay company policy na ipinapaalam sa lahat ng trainee sa orientation pa lang. Ito rin ay nakasaad sa Employee Manual na pinipirmahan upon employment. Trainees are evaluated on overall performance and not for speaking tagalog on the floor.
Di po ito totoo, meron pong Medicard doctor na naka-station sa 11th floor Mondays to Fridays on specific times. Isang tawid din lang ay nandyan ang isang malaking hospital na Medicard accredited din.
Ito rin ay di totoo, aside from the basic salary, merong allowances at prod pay na ibinibigay, bukod pa sa premiere pay at consistency bonus. Meron din Sick Leave conversion pag walang absent sa loob ng isang buwan, at 150% Sick Leave Bonus pag perfect attendance ka sa loob ng isang quarter. Mas madali din ang nature of calls dito kumpara sa ibang account (e.g. technical, sales, etc.).
Totoo, maraming volume ng calls dahil directory assistance ang account ng kgb. Pero bawat call ay tumatagal lang ng 30secs to 1 min, napakadaling trabaho kumpara sa customer care or technical support. Tama?
Ito ay standard practice ng karamihan ng companies na nagbibigay lamang ng health card upon regularization. Isa sa pinaka magandang benefit ng kgb and HMO card nito. Kahit ipagtanong niyo pa sa current at former employees na naka experience
Di po ipinagbabawal ang mag-CR kahit anong oras
Di po totoo na bulok ang equipments na ginagamit ng agents, dahil makakaapekto ito sa operations ng company. Kung meron man defective na equipment, inaayos o pinapalitan ito agad. Ang mga company equipment na inaassign sa mga employees ay personal accountabilities na dapat ingatan at pagmalasakitan.
Meron pong sick leaves na pwede gamitin kung hindi maganda ang pakiramdam ng empleyado. Hindi po totoo na bawal magpahinga, otherwise mauubos lahat ng empleyado kung lahat ay pagod. Merong wellness programs na ipinapatupad para sa kapakanan ng lahat ng empleyado, at meron ding Annual Physical Exams na isinasagawa katulong ang Medicard.
Ito ay personal na opinion at kung meron mang naging hindi magandang experience dito ay ikinalulungkot namin. Sana ay isinangguni mo ito sa iyong Team Manager, Team Leader or HR representative para nagawan ng resolusyon kung may mga issue or concern nung ikaw ay nasa company pa. O baka naman connected ka pa rin sa company? Open Door Policy naman tayo ever since.
Wala pong deception na naganap kahit kailan dahil fully declared lahat ng matatanggap na salaries and allowances sa job offer at contract. Wag po nating gawing basehan ang hearsay.
Kaya Kung Ako Sa Inyo Stay Away Sa Abusadong Kumpanya Na To At Kung May Kakilala Kayo Na Gusto Mag-apply E Sabihan Niyo Na Parang Awa Niyo Na.
Wala pong pinipilit ang kgb na mag-apply bilang CSR or Non-CSR. Lahat tayo ay may free will, gamitin natin ito
