PEx Highlights

First BPO Choice Awards Official Launch

The Core Productions, Inc., presented the first industry and awards night that revels the voice of the IT-BPO industry at the ICITE Auditorium.

read more

MOVIE REVIEW: Wish I Was Here

Joey King breaks out in her role in a pretty decent dramedy, Wish I Was Here.

read more

FEATURE: The Travails of Chot Reyes

Find out as Jay P. Mercado weighs in on the criticism handed to our national basketball team coach, Chot Reyes.

read more

PHOTOS: Adamson Finally Captures Elusive Win

Check out match scenes from the final elimination game of the UAAP Men's Basketball season!

read more

Show Me Your One Big Teeths!

Virgie is absent but Merly has a special guest in this week's episode! Find out who it is in this week's Cheerdance edition of Show Me Your Teeths!

read more

UAAP End of Eliminations Power Rankings

Fun times in Katipunan, the streaking Red Warriors and a very happy Norbert Torres. All that and more in this week's power rankings!

read more

Results 1 to 9 of 9
  1. #1

    Viva Films: Ang Tatay Kong Hoodlum (Robin & Kylie Padilla)

    Robin Padilla lines up "Ang Tatay Kong Hoodlum" and "Totoy Bato" among his future projects

    Nora V. Calderon

    Saturday, May 10, 2008
    10:34 AM








    Pagkatapos makipag-lunch si Robin Padilla sa mga executives ng GMA Network at Herbs & Nature Corporation, na kumuha sa kanya bilang latest celebrity endorser ng Liveraide, sa Annabel's Restaurant last Wednesday, April 8, matagal siyang nakipagkuwentuhan sa amin, kahit may editing pa raw siya ng Joaquin Bordado sa GMA Network.



    Marami siyang kuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ngayon lamang namin narinig.



    NO TO FOUR WIVES. Napunta ang kuwentuhan namin sa pagiging Muslim niya. Tinanong namin kung kaya rin ba niyang magkaroon ng apat na asawa, since puwede naman sa relihiyong Islam ang polygamy.



    "Hindi po, kahit puwede. Hindi ko po kayang magkaroon ng apat na asawa. Sa sarili ko po lamang, kulang na ang oras ko, magkaroon pa ‘ko ng apat na asawa?" natatawang wika ni Robin.



    "Sa dalawa lang sa apat kong anak, parang may asawa na rin ako. Sobrang selosa po kasi nitong sina Queenie [16 years old] at Kylie [15 years old]. Mas selosa pa sa asawa kong si Liezl. Maramot din silang manligaw ako, gumaganti yata dahil sabi ko nga hindi sila puwedeng basta ligawan.



    "Si Kylie, sa set namin ng Joaquin Bordado, hindi iyan nagsasalita. Pero lagi iyang may sweet notes sa akin. Pero si Queenie, ang mga notes niyan: ‘I'm watching you!' or ‘I'm here, I am watching you!' Pero sa akin, parang paalaala lang niya iyon sa akin.



    "Si Queenie ang laging nagsusumbong sa mama niya. Noong nasa Baguio nga kami noong Holy Week, lahat ng kilos ko—kung anong oras ako gumising, kung anong oras ako naligo—alam lahat ng ina nila, wala akong maitatago.



    "Sa akin naman, siguro ay dahil gusto rin nilang matuwa ang kanilang ina.



    "Kung si Liezl nga lang ang masusunod, ayaw niya talagang mag-artista ang mga anak namin. Mas gusto niyang mag-aral ang mga ito, magkaroon ng asawa at magkaanak. Kaya nang isama ko rito sina Queenie at Kylie, para ko raw siyang pinutulan ng dalawang paa.



    "Pero sabi ko sa kanya, tanggapin na niya iyon dahil malalaki na ang mga anak namin at marunong na silang magdesisyon para sa sarili nila.



    "Tuloy ang studies ng dalawang bata, pareho silang third year sa Angelicum School sa Sto. Domingo Church [Quezon City]. May modules sila pero uma-attend sila ng regular classes ng Wednesday, Friday and Saturday.



    "Ang sabi kasi ni Liezl sa kanila, kapag hindi sila nakatapos ng studies nila, pababalikin sila sa Australia at doon na mag-aaral. Gusto ko namang may school sila talaga para pagdating ng araw may tatawagin silang Alma Mater."



    THE RADICAL AND THE THRIFTY. Sino ba kina Queenie at Kylie ang nagmana sa kanya?



    "Si Queenie, nagmana siya sa akin. Kahit may kinikita na sila, sarili nilang ipon iyon, binibigyan ko pa rin sila ng allowance. Madalas, laging nauubos ang allowance ni Queenie. Kapag tinanong ko iyong security niya kung ano ang binili at naubos ang allowance, mayroon daw kasing tinulungan.



    "Minana rin sa akin ni Queenie iyong parang pagiging rebolusyunaryo. Kasi noong time na nagtagal ako sa Australia, she was only 14 noon, na-involve ako sa mga nangyayari dito sa atin, lalo na sa mga kapatid kong Muslim sa Mindanao. Nang umuwi ako rito, naisama ko pa siya roon, kaya na-expose siya sa mga nangyayari.



    "Pero sinabihan ko siya ngayon na kung hindi niya babaguhin ang kanyang paniniwala, mapapadali ang buhay niya. Kaya nga natuwa ako nang sabihin niya sa akin na papasukin na rin niya ang showbiz.



    "Si Kylie naman, sobrang kuripot iyan. Mana ‘yan kay Rustom [his brother]. Natawa nga raw iyong mga taga-HSBC [Hong Kong Shanghai Bank Corporation] nang dumating doon si Kylie para mag-withdraw. Ayaw na ayaw kasi niyang nababawasan ang savings niya, pero noong nabangga ang sasakyan niya, sabi ko mag-offering siya dahil walang nangyari sa kanya, pero dapat sa pera niya iyon manggaling.



    "Naku, nakasimangot daw po nang mag-withdraw, hindi raw maipinta ang mukha, ang sama ng loob ganoong P5,000 lang naman ang kinuha. Saka kung magpa-load iyan ng cellphone, P20 lang every three days pa.



    "Pero natutuwa po ako sa kanila dahil sa ngayon pa lang, may schedule na sila sa buhay nila at ayokong sirain iyon."



    LAY-OFF DEAR HEART. Nabalitaan ng PEP na gagawa raw ng movie si Queenie sa Viva Films?



    "Opo, love story raw po, iyong Dear Heart ni Ma'am Sharon [Cuneta]."



    Binanggit ng PEP kay Robin na alam kaya ni Sharon na gagawin ni Queenie ang movie. Very vocal kasi si Shawie sa pagsasabing ayaw niyang i-remake ang Dear Heart na para sa kanya ay napaka-sacred na bagay. In fact, balitang nabili na raw ni Sharon ang master negative nito.



    "Naku, ganoon po ba? Iba na lang po ang ibigay nilang movie kay Queenie, ayoko pong maka-clash kay Ma'am Sharon. Magalit na pong lahat ang tao sa mundo sa akin, huwag po lamang si Ma'am.



    "Pero baka unahin ni Queenie ang recording ng debut album niya sa Viva Records, namimili na po sila sa mga songs ni Ma'am Sharon at ni Ka Freddie Aguilar.



    "Hindi pa rin po mailayo ni Queenie ang pagiging makabayan niya kaya ilan sa mga songs ni Ka Freddie na kakantahin niya ay ang "Anak," "Ipaglalaban Ko" at "Mindanao" [na kinanta pa sa amin ni Robin dahil hindi kami familiar sa song]."



    KYLIE STAYS WITH JOAQUIN. Tuloy ba si Kylie sa Codename: Asero ni Richard Gutierrez kunsaan gaganap itong sister sana ni Richard at mag-a-action din?



    "Hindi na po. Kinausap siya ni Ms. Redgie [Magno] na aalisin na ang character niya sa Joaquin Bordado at ililipat siya sa Asero. Pero ayaw raw po niyang iwanan ang nasimulan na niya. Kinausap ko rin siya na baka magsisi siya kung hindi niya tatanggapin ang Asero. Sagot ba naman sa akin, ‘Bakit po, Papa, may lakad ka ba at nagmamadali ka?' Kaya wala na akong masabi."



    May gagawin daw movie si Kylie sa Viva Films?



    "Opo, kaming dalawa, ang Tatay Kong Hoodlum, sequel ng Ang Utol Kong Hoodlum.
    May offer din sana ang GMA-7 na isang TV show na makakasama niya ang kapatid niyang si Ali, pero hindi po kami parehong pumayag ni Liezl.



    "Ako, ayoko na pa-English-English si Ali. Hindi po kasi siya marunong magsalita ng Tagalog."



    TOTOY BATO. So, paano siya makapagpapahinga kung sunud-sunod pala ang gagawin niyang projects?



    "Si Queenie nga, ginamit pa para kausapin ako dahil ang susunod kong TV show sa GMA-7, iyong Totoy Bato at siya naman ang makakasama ko.



    "Kung bakit nagkukuwentuhan kami nina Direk Mac [Alejandre], mga 4:00 a.m. na iyon, katatapos lang namin ng taping ng Joaquin Bordado at kalong ko sa lap ko si Queenie, nasabi ko na magbabakasyon muna ako pagkatapos ng Sundo, iyong suspense thriller na gagawin ko sa GMA Films with Sunshine Dizon and Rhian Ramos. Bigla akong hinawakan ni Queenie sa leeg ng shirt ko at huwag na raw akong magbakasyon, gawin na namin agad ang Totoy Bato.



    "Napatawa na lang ako at binulungan ko si Queenie na huwag niyang gawin sa akin iyon dahil maraming nakakakita. Kaya hindi ko alam kung makapagbabakasyon pa ako. Wala pa namang casting ang Totoy Bato, pero kailangang singer ang katambal ko rito."



    PEPENG SHOTGUN. Nakumusta namin si Robin kung nagkita na sila ulit ng pinsang si Rudy Fernandez?



    "Hindi pa po ngayon. Pero nagkita kami noon at hiningi ko nga sa kanya ang movie niyang Pepeng Shotgun at pumayag naman siya. Indie lang po ang gagawin ko, gusto ko lang makagawa ng Pilipino action.



    "Kapag ginawa ko po itong malaking pelikula, baka hindi na panoorin ng tao. Baka ako na rin po ang magdirek nito, pero hindi ko pa alam kung kailan ko masisimulan."

  2. #2
    dapat may cameo appearance dito si vina morales.. kahit sa mga flashback scenes. kasi diba sequel to ng utol kong hoodlum, edi si kylie bale ang mgiging anak ni vina at binoe, pero baka palabasin na patay na si vina.

  3. #3
    What's Next for Binoe
    Article posted July 22, 2008

    What's next for Robin Padilla now that "Joaquin Bordado" is over? He reveals that he's off to film a suspense thriller under GMA Films, then he'll start training again for his next Carlo J. Caparas series, "Totoy Bato." Text by Jillian Q. Gatcheco. Photos by Mitch S. Mauricio.


    Post-Bordado

    What are the memories that he'll take with him now that Carlo J. Caparas' Joaquin Bordado has come to a close?

    He starts off with his leading lady, Iza Calzado. "Bukod sa napakaganda niyang babae-napakabango, at napakagaling na artista, naramdaman ko sa kanya yung respeto niya sa pagka-senyor kong artista. Humihingi siya ng opinion ko-pinararamdam niya sa akin na napaka-importante ng opinion ko," he says.

    Did he ever attempt to make 'the moves' on the beguiling actress?

    "Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon!" he remarks with a hearty laugh.

    Robin also mentions that the members of the cast were trained well for their respective roles. "Sa katunayan po, yung mga kasama naming mga artista, talagang masusi ang training. Si kuya Penn (Medina), si Iza, Viktor Neri, [pati] si Jimboy (Renz Valerio) ho! Bago mag-umpisa [ang Bordado], sinabi ko na sa kanila yan-ihanda niyo ang katawan niyo."

    We all know that Robin is notorious for his life-threatening stunts on-screen. What was the scariest one he did?

    "E, lahat po ng stunt dito, pangkamatayan na!" he exclaims. "Lakasan na lang po ng loob! Katulad po noong chopper [scene]-pinakamatindi yun! Nasa script kasi, hahawakan ni Joaquin yung tubig habang lumilipad [yung chopper].
    Nag-usap kami ng piloto: "O sir, paano? Tantsahan tayo! Pag malapit na ako sa tubig, i-steady mo na lang.' [Noong ready na kami], sinabayan na kami [ng camera sa isa pang chopper], bumababa na [yung chopper namin]-malapit na malapit na yung tubig [pero] nagulat ako [kasi] biglang tumaas [yung chopper]!"

    He explains that the pilot backed out because of the potential risk the stunt would entail. "Noong lumanding kami-'O, sir, bakit, anong nangyari?'
    Sabi noong piloto, baka raw [kasi] mapalalim, hindi niya matantsa, tamaan kami ng hangin, bumaba yung chopper, pumasok ako, [at tuluyang lumubog at] maging anchor [ako]!

    "Sabi ko, 'Ah, buti na lang, sir, naisip niyo yan! Patay ako doon!' Kasi nakatali na ako, e! Pag lumubog yun, sasabay ka na!"

    Robin is a risk-taker when it comes to stunts, but if he knows it's too dangerous, he'd rather not do it at all than deliver something mediocre.

    "[Ayoko ng] hilaw na action scenes," he stresses. "Ayaw ko ng daya. Sa mga stunt po na nagawa ko na-mga talon, tumbling, etc., [mga stunt double] na yun, pero yung ibang stunt [na bago, ako gagawa]. Kasi wala ka nang maramdaman na head rush pag nagawa mo na, e. Parang nakokornihan ka na!"

    iGMA had to ask if the rumors are true that Robin is the highest paid actor in GMA.

    He jokes, "Palagay ko, I'm the lowest paid-sa trabaho kong ginagawa!" This could actually be true, especially with all the post production tasks that Robin becomes involved din. He didn't only star in Bordado - he also choreographed fight scenes, directed, and did some editing!

    Totoy Bato, after Sundo

    His next movie project under GMA Films is tentatively titled Sundo, where he'll allegedly be starring with Sunshine Dizon and Rhian Ramos.

    "Parang Sixth Sense ito," he says, describing the suspense-thriller.

    How come he's not making an action movie, a genre that is his specialty?

    "Ay, ang action po ay sa TV na lang," he imparts. "Kasi wala na tayong laban sa pelikulang Amerikano. Kung gagawa ako ng action na Pilipino, sa TV. Yung pang-Pilipino."

    Right after filming the movie, Robin has to undergo intensive training for four months to buff up for his next primetime series, Totoy Bato. The initial release of this Carlo J. Caparas creation was in 1977, where Fernando Poe Jr. played the lead character.

    "Kailangan ko pa po mag-ensayo, kasi 'Totoy Bato,' ibig sabihin malaki, malaman. So hihingi po ako ng apat ng buwan. Kulang nga po sabi ng trainer ko, e-sabi six months, pero sabi ko, hindi na tayo kakain noon-wala na akong ibabayad sa'yo! Kasi anim na buwan akong hindi magtatrabaho."

    Robin will also be shaving his hair off for the role. "Bato nga, e. Talagang muscle man!" he says.

    For Totoy Bato, Robin will not only delve into boxing, but also other martial arts. He clarifies, however, that no one could top FPJ's original portrayal. "Yung orginal ng hari, hindi natin pwedeng pantayan. Si FPJ ay FPJ-idol nating lahat yun."

    His eldest daughter Queenie, who is 16 years old, will be joining him in the series. Manny "Pacman" Pacquiao is also allegedly part of the cast, marking his first TV series as a boxer.

    Another project in the works is Robin's Viva Films flick with his 15-year old daughter Kylie, who starred with him in Bordado as the warrior girl Erenea. This next project is going to be a sequel to Ang Utol Kong Hoodlum, which Robin filmed in 1991, and Miss na miss kita: Ang Utol Kong Hoodlum 2, released the following year. The movie is tentatively titled Ang Tatay Kong Hoodlum.

  4. #4
    RATED A Ni Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) Updated May 21, 2010 12:00 AM

    May kilig factor pa rin talaga ang tambalan nina Robin Padilla at Vina Morales at ito’y napatunayan nang mag-guest ang ate ni Shaina Magdayao sa Wo*wowee kung saan si Robin ang pansamantalang (o permanente na?) naghu-host nito. At hindi rin ikinaila ni Vina na kinikilig pa rin siya sa kanyang ex boyfriend.

    Salve A., malakas ang aming paniniwala na posibleng ma-rekindle ang love affair nina Robin at Vina lalupa’t pareho na silang malaya ngayon. Hiwa*lay na si Robin sa kanyang misis na si Liezl Sicangco ganundin si Vina sa ama ng kanyang anak.

    May plano ring pagsamahing muli ang dalawa sa pelikula na may pamagat na Ang Tatay Kong Hood*lum na sequel ng box office hit movie nilang Ang Utol Kong Hoodlum kung saan nagsimula ang relas*yon noon nina Robin at Vina. Wanna bet?

    * * *

  5. #5
    ABS-CBN, bitin sa desisyon ni Robin
    by Vinia Vivar
    Saturday, 22 May 2010 19:49
    No doubt na kayang-kaya ni Robin Padila na i-maintain ang mataas na ratings ng Wowowee bilang temporary replacement kay Willie Revillame. Since his first day last Monday ay tinatalo nito ang katapat na prog-ramang Eat Bula-ga, proof na tanggap ng mga tao si Binoe bilang bagong host at posibleng ipalit sa original host nito.

    Kaya naman ang itinatanong ng lahat ngayon ay kung si Robin na ba ang permanenteng ipapalit kay Willie sakali ngang hindi na magkaayos ang ABS-CBN managemet at ang TV host/comedian.

    Pero ayon nga kay Binoe nang ma-interview sa radio program na Tambalang Failon at Sanchez ng DZMM TeleRadyo, pansamantala lang daw ang paghu-host niya ng Wowowee at kailangan naman daw niyang mag-resume ng shooting ng dalawang pelikulang ginagawa niya ngayon.

    Kasalukuyang ginagawa ni Binoe ang movie under Star Cinema with Toni Gonzaga at isa pang movie titled Ang Tatay Kong Hoodlum na nahinto raw ang shooting ngayon dahil nga sa paghu-host niya ng Wowowee.

    Bukod dito, sinabi rin ni Binoe na hindi madali ang daily hosting.

    “Kasi ang buhay po ng isang host ay araw-araw po ’yan eh, katulad po ninyo na maaga pa lang nandito na, eh, ganun din po sa amin, buong araw po ’yun. Eh, malulungkot po ang bank book. Baka masarado po ang eskuwela natin. Naku!” sabi ni Binoe.

    Gayunman, nang tanungin siya ni Ted Failon kung isinasara na ba niya ang pintuan sa pagiging permanent host ng Wowowee, ani Binoe ay siguro raw ay kailangang magkaroon ng malinaw na usapan lalo pa nga’t may dalawang movie commitments siya sa kasalukuyan.

    Tungkol naman sa problema sa pagitan ni Willie at katotong Jobert Sucaldito, umaasa pa rin si Robin na darating ang panahon na magkakasundo ang dalawa.

    “Gusto ko muna maayos kung anuman yung nangyari kay Ka Willie at kay Ka Jobert. Kasi ayoko naman ho na parang pagkatapos po nating umayos, itong labanan na napakasimple, hindi natin maawat. Eh, ang hirap naman po ’ata nu’n,” say niya.

    Ayon pa kay Robin, nakausap niya si Willie noong bago siya sumalang sa Wowowee.

    “Noong bago po ako sumalang, ako po ay nagpadala ng mensahe sa kanya dahil siya po ay nasa ibang bansa. Kaya po sinabi ko sa kanya na ako ay nagbibigay pugay, hindi ito ibig sabihin na ako’y nang-aagaw ng anuman kundi ito’y hakbang para maayos kayong dalawa.”

    Sa kasalukuyan, wala pa ring nakakaalam kung saan at kailan magtatapos ang problema sa pagitan ni Willie at ng ABS-CBN management.

    * * *

    dapat si vina morales ang wife nya dito/. loved their hoodlum series before

  6. #6
    Vina Morales says she was surprised people still like her tandem with Robin Padilla
    by Dominic Rea | May 26, 2010 12:16 PM | Share this article

    Wala na diumanong mahihiling pa si Vina Morales sa kanyang showbiz career kahit marami ang nagsasabing hindi naging maganda ang kanyang pribadong buhay may asawa. “I couldn't ask for more because I got a lot of projects than in the past. How many years ko na rin sa showbiz, tapos nung mabuntis ako at nagbalik ako sa showbiz ay naging maganda naman ang pagbabalik ko at marami pa rin ang nagtiwala sa akin especially ABS-CBN, nandiyan ang ASAP XV ko every Sunday, tapos blessed pa ako sa pagkakasama ko sa Agua Bendita family ko na sobrang taas ng ratings now, sobrang happy na ako, blessings lahat ng ito, ano pa bang hahanapin ko, di ba?” sabi ng singer-actress.

    Ayaw na daw sana ni Vina pagusapan ang tungkol sa ama ng kanyang anak. Masaya na da umano siya kay Ceana. “Well, privately, actually, ayoko na rin sanang napag-uusapan 'yan, pero sabi nga nila, tao lang din naman tayo, hindi naman tayo perpekto, may mga pagkakamali rin tayo sa buhay. Like what I always say na we're okay, may mga differences kami but when it comes to responsibilities especially kay Ceana, we're both there, ang hirap pala, but you know, si Ceana talaga ang light of my life ngayon, siya 'yung pinaghuhugutan ko ng strength ko, like kapag uuwi akong pagod, makita ko lang si Ceana at mayakap ko na, sobrang tanggal lahat ng pagod ko. Hindi ko na iniisip pa ang ibang bagay basta masaya ako sa piling ng anak ko, okay na ako du'n," bulalas pa ni Vina sa ABS-CBN.com.

    Matagal-tagal na panahong hindi sila nagkita at nagkausap ni Robin Padilla. Ano naman ang kanyang reaksiyon nung magkita sila ni Robin sa daily noontime show na Wowowee when nag-guest siya? “My God,” bungisngis pa nitong tugon. “Ah...naloka ako sa hiyawan ng tao! ‘Di ba? Na-sorpresa rin ako pero wala na. Okay naman kami. In fairness, ibang-ibang Robin Padilla na ang nakita ko that day at kahit naman nung hindi pa ako nag-guest, alam ko namang he's doing well and good. Honestly, am very happy for Robin now at excited ako sa nangyayari sa kanyang showbiz career especially now that he's hosting Wowowee at nakita rin naman natin ang response sa kanya ng tao, 'yung mainit na pagtanggap sa kanya and everything. Grown-up and matured naman na kaming pareho," aniya.

    Nakahanda na ba si Vina Morales sa posibleng pelikulang pagsasamahan nilang dalawa ni Robin Padilla at this point in time? “Oo naman! We're okay now. Nagkausap na kami at nabanggit niya nga sa akin 'yan before! Why not! Wala namang problema sa amin, sa akin din. We're looking forward to do a movie together kasi marami rin naman ang nagsasabi na sa amin na gumawa ng pelikula together, wala naman akong nakikitang magiging problema na if ever...sana...matuloy!”

  7. #7
    RATED A Ni Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) Updated May 29, 2010 12:00 AM

    Kahapon, Biyernes ay nagtapos na ang pan*samantalang paghu-host ng action superstar na si Robin Padilla sa Wowowee na iniwanan ng original host nitong si Willie Revillame.

    Aminado si Robin na nagi-enjoy siya sa prog*ra*ma dahil sa maraming taong pinasasaya nito. Ma*rami ring ginawa si Robin sa programa na dati-rati’y hindi niya ginagawa.

    Sinabi rin nito na bukas siya sa posibilidad na bumalik sa programa kung nanaisin ang kan*yang serbisyo.

    May dalawang pelikulang sisimulan si Robin sa Star Cinema, a movie with Toni Gonzaga at ang isa naman ay balik-tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Vina Morales na may tentative title na Ang Tatay Kong Hoodlum na sequel sa dalawang hit movies nila noon sa bakuran ng Viva Films.

    Sa totoo lang, Salve A., napakaganda ng ima*he ngayon ni Robin sa kabila ng kanyang image noon na bad boy. Kabi-kabila rin ang kanyang mga en*dorse*ments ngayon at pinakabago ang isang sham**poo at jeans bagay na ipinagpapa*salamat nito.

    Ngayong loveless (?) si Robin, magkaroon kaya ng part 3 ang love affair nila ni Vina Morales lalupa’t gaga*wa silang muli ng pelikula? Your guess is as good as mine!

    * * *

  8. #8
    Vina Morales hopes reunion movie with Robin Padilla pushes through; also hopes this does not start intrigues linking them romantically

    Nica Tomines

    Friday, October 29, 2010
    08:14 AM

    Rating




    Share5

    Talented singer and actress Vina Morales gave an update to PEP (Phililppine Entertainment Portal) and other media on her reunion movie with former on- and off-screen partner Robin Padilla.



    It may be recalled that the two were one of the hottest love teams during the '90s. Some of their hit movies include Ang Utol kong Hoodlum (1991), Di Pwedeng Hindi Pwede (1999), and Eto Na Naman Ako (2000).



    The idea of a reunion movie started after Robin and Vina made an appearance on ABS-CBN's daytime dance-contest program, Showtime.



    "Nag-guest kami, and everyone was teasing both of us, 'Uy! Mag-movie kayo together!' And then, meron nang mga meetings-meetings na. The working title was already Ang Tatay Kong Hoodlum.



    'Eto na, mag-uumpisa na. Ako naman excited ako," Vina said.



    But Vina was then taping for the defunct ABS-CBN teleserye Agua Bendita, where she played the role of Mercedes Montenegro-Cristi.



    "Sabi naman ni Robin, 'O, Vina ha! After Agua Bendita, ikaw lang naman hinihintay namin," Vina said.



    Then Agua Bendita ended. "So, sabi ko, 'Hay, okay, so natapos ang Agua Bendita. Wala pa rin, hindi pa din nauumpisihan."



    "Ewan ko ba, in-love na in-love si Robin, e. Paano kaya 'yon, ano?" Vina said in between laughs.



    She added, "You know, I really wish him well. I think he is just in-love. Ngayon yung time na he wants to spend more time with his loved one, so hayaan muna natin. But I really wish na matuloy iyon. I would love to do a movie with Robin again."



    However, Vina adds that if the movie pushes through, she hopes people do not start intrigues linking her to her former flame.



    "Pero sana wala nang intriga ha, alam mo naman masaya silang dalawa sa lovelife nila. Nakakastress din yung level na 'yon, di ba? Kung iisipin mo? But I'm sure naman alam naman ng tao kung ano yung totoo," she said.



    GLITCH IN ANAHEIM. Vina also related the disappointing story about her not being able to perform in a scheduled concert with the British four-man band, The Boyfriends, in Anaheim, California last October 1.



    "Nagkaproblema kami with the promoter. Uso ngayon sa States yun, e─yung promoter hindi ka nababayaran, yung ganun.



    "I was touring with The Boyfriends. The Boyfriends did the tour for how many cities, hindi pa pala nababayaran," Vina explained.



    She added that the glitch was something she really felt bad about.



    "It feels sad kasi. Alam mo yung, nagre-ready ka para mapasaya mo yung mga kababayan mo, tapos magkakaproblema ka kasi may tao na mapaglamang. It's just so sad na it's been going on for so many years, hindi ko alam na mangyayari din pala sa akin."



    Nevertheless, Vina said she is excited about her European tour in November. The tour will take her to London, France, Milan, and Monaco.

  9. #9
    Vina Morales talks about her pending movie with Robin Padilla
    Wed Oct 27 2010 07:24 AM
    by: Rachelle Siazon

    A movie was supposedly in the works for ex-lovers Robin Padilla and Vina Morales after their kilig reunion several months ago on the now-defunct noontime show Wowowee. But in a recent interview with Vina, she expressed her hesitations in doing the project knowing that Robin is still adjusting to his married life with Mariel Rodriguez. “In love na in love si Robin e, paano kaya yun? You know what, after nung nag-guest ako sa Wowowee and everyone was really saying na, ‘Uy gawa kayo ng pelikula together,’ and meron ng mga meeting na mag-uumpisa na, excited na excited ako. And si Robin naman, ‘O Vina ha, after Agua Bendita, ikaw na lang hinihintay namin.’ Pero after Agua Bendita, wala pa rin, hindi pa rin nauumpisahan,” she said during the press con for the Pampers diapers-Gymboree Play & Music Celebrity Babylympics at Crowne Plaza last October 21.

    Based on her previous talks with Robin, the singer-actress thought that concrete plans had already been made for their reunion movie Ang Tatay Kong Hoodlum (a sequel to their ‘90s hit film Ang Utol Kong Hoodlum). But from the looks of it, Robin has had a sudden change of heart regarding the project. “I really don’t know the whole story but ang sa akin, I’d love to do another movie with him. Ang last movie pa namin was Pwedeng Pwede. But I really wish him well. He's in love and ngayon lang yung time na he wants to spend more time with his loved ones. So hayaan na natin. But I really wish him well,” she reiterated.

    But just in case their movie pushes through, Vina hoped that she wouldn’t be romantically linked to Robin given their much-publicized relationship many years ago. “Sana wala ng intriga, lalo na silang dalawa [ni Mariel], yung love life nila baka intrigahin naman din. So nakaka-stress din yung kung iisipin mo. But I am sure naman alam naman ng tao yung totoo,” she added.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

SHOWBIZ:

Celebrities strut their bodies in annual Bench underwear and denim fashion show

Celebrities strut their bodies in annual Bench underwear and denim fashion show

read more
UAAP:

NU sets up Final Four matchup vs Ateneo with 51-49 win against UE

NU sets up Final Four matchup vs Ateneo with 51-49 win against UE

read more
LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

Typhoon Mario causes floods in Metro Manila, leaves behind 5 casualties

Typhoon Mario causes floods in Metro Manila, leaves behind 5 casualties

read more
GILAS:

Ranidel De Ocampo on Asian Games: "Wala kaming pinag-uusapan kundi gold."

Ranidel De Ocampo on Asian Games: "Wala kaming pinag-uusapan kundi gold."

read more
TV:

Join the "I Do" discussion thread!

Join the "I Do" discussion thread!

read more
CHIT CHAT:

Who's going to the Manila International Book Fair?

Who's going to the Manila International Book Fair?

read more
NMFtv:

Fashionpulis joins Mo Twister in an episode of gossip and revelations!

Fashionpulis joins Mo Twister in an episode of gossip and revelations!

read more

Watch New Trailers

Watch New Trailers