Go Back   PinoyExchange > Entertainment > Local Movies and TV > TV Programs
Register FAQ Members List Calendar Mark Forums Read

Reply
 
Thread Tools
Old May 10, 2008, 12:32 PM   #1
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
GMA Network: Totoy Bato

Robin Padilla lines up "Ang Tatay Kong Hoodlum" and "Totoy Bato" among his future projects

Nora V. Calderon

Saturday, May 10, 2008
10:34 AM

Rating






Pagkatapos makipag-lunch si Robin Padilla sa mga executives ng GMA Network at Herbs & Nature Corporation, na kumuha sa kanya bilang latest celebrity endorser ng Liveraide, sa Annabel's Restaurant last Wednesday, April 8, matagal siyang nakipagkuwentuhan sa amin, kahit may editing pa raw siya ng Joaquin Bordado sa GMA Network.



Marami siyang kuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ngayon lamang namin narinig.



NO TO FOUR WIVES. Napunta ang kuwentuhan namin sa pagiging Muslim niya. Tinanong namin kung kaya rin ba niyang magkaroon ng apat na asawa, since puwede naman sa relihiyong Islam ang polygamy.



"Hindi po, kahit puwede. Hindi ko po kayang magkaroon ng apat na asawa. Sa sarili ko po lamang, kulang na ang oras ko, magkaroon pa ‘ko ng apat na asawa?" natatawang wika ni Robin.



"Sa dalawa lang sa apat kong anak, parang may asawa na rin ako. Sobrang selosa po kasi nitong sina Queenie [16 years old] at Kylie [15 years old]. Mas selosa pa sa asawa kong si Liezl. Maramot din silang manligaw ako, gumaganti yata dahil sabi ko nga hindi sila puwedeng basta ligawan.



"Si Kylie, sa set namin ng Joaquin Bordado, hindi iyan nagsasalita. Pero lagi iyang may sweet notes sa akin. Pero si Queenie, ang mga notes niyan: ‘I'm watching you!' or ‘I'm here, I am watching you!' Pero sa akin, parang paalaala lang niya iyon sa akin.



"Si Queenie ang laging nagsusumbong sa mama niya. Noong nasa Baguio nga kami noong Holy Week, lahat ng kilos ko—kung anong oras ako gumising, kung anong oras ako naligo—alam lahat ng ina nila, wala akong maitatago.



"Sa akin naman, siguro ay dahil gusto rin nilang matuwa ang kanilang ina.



"Kung si Liezl nga lang ang masusunod, ayaw niya talagang mag-artista ang mga anak namin. Mas gusto niyang mag-aral ang mga ito, magkaroon ng asawa at magkaanak. Kaya nang isama ko rito sina Queenie at Kylie, para ko raw siyang pinutulan ng dalawang paa.



"Pero sabi ko sa kanya, tanggapin na niya iyon dahil malalaki na ang mga anak namin at marunong na silang magdesisyon para sa sarili nila.



"Tuloy ang studies ng dalawang bata, pareho silang third year sa Angelicum School sa Sto. Domingo Church [Quezon City]. May modules sila pero uma-attend sila ng regular classes ng Wednesday, Friday and Saturday.



"Ang sabi kasi ni Liezl sa kanila, kapag hindi sila nakatapos ng studies nila, pababalikin sila sa Australia at doon na mag-aaral. Gusto ko namang may school sila talaga para pagdating ng araw may tatawagin silang Alma Mater."



THE RADICAL AND THE THRIFTY. Sino ba kina Queenie at Kylie ang nagmana sa kanya?



"Si Queenie, nagmana siya sa akin. Kahit may kinikita na sila, sarili nilang ipon iyon, binibigyan ko pa rin sila ng allowance. Madalas, laging nauubos ang allowance ni Queenie. Kapag tinanong ko iyong security niya kung ano ang binili at naubos ang allowance, mayroon daw kasing tinulungan.



"Minana rin sa akin ni Queenie iyong parang pagiging rebolusyunaryo. Kasi noong time na nagtagal ako sa Australia, she was only 14 noon, na-involve ako sa mga nangyayari dito sa atin, lalo na sa mga kapatid kong Muslim sa Mindanao. Nang umuwi ako rito, naisama ko pa siya roon, kaya na-expose siya sa mga nangyayari.



"Pero sinabihan ko siya ngayon na kung hindi niya babaguhin ang kanyang paniniwala, mapapadali ang buhay niya. Kaya nga natuwa ako nang sabihin niya sa akin na papasukin na rin niya ang showbiz.



"Si Kylie naman, sobrang kuripot iyan. Mana ‘yan kay Rustom [his brother]. Natawa nga raw iyong mga taga-HSBC [Hong Kong Shanghai Bank Corporation] nang dumating doon si Kylie para mag-withdraw. Ayaw na ayaw kasi niyang nababawasan ang savings niya, pero noong nabangga ang sasakyan niya, sabi ko mag-offering siya dahil walang nangyari sa kanya, pero dapat sa pera niya iyon manggaling.



"Naku, nakasimangot daw po nang mag-withdraw, hindi raw maipinta ang mukha, ang sama ng loob ganoong P5,000 lang naman ang kinuha. Saka kung magpa-load iyan ng cellphone, P20 lang every three days pa.



"Pero natutuwa po ako sa kanila dahil sa ngayon pa lang, may schedule na sila sa buhay nila at ayokong sirain iyon."



LAY-OFF DEAR HEART. Nabalitaan ng PEP na gagawa raw ng movie si Queenie sa Viva Films?



"Opo, love story raw po, iyong Dear Heart ni Ma'am Sharon [Cuneta]."



Binanggit ng PEP kay Robin na alam kaya ni Sharon na gagawin ni Queenie ang movie. Very vocal kasi si Shawie sa pagsasabing ayaw niyang i-remake ang Dear Heart na para sa kanya ay napaka-sacred na bagay. In fact, balitang nabili na raw ni Sharon ang master negative nito.



"Naku, ganoon po ba? Iba na lang po ang ibigay nilang movie kay Queenie, ayoko pong maka-clash kay Ma'am Sharon. Magalit na pong lahat ang tao sa mundo sa akin, huwag po lamang si Ma'am.



"Pero baka unahin ni Queenie ang recording ng debut album niya sa Viva Records, namimili na po sila sa mga songs ni Ma'am Sharon at ni Ka Freddie Aguilar.



"Hindi pa rin po mailayo ni Queenie ang pagiging makabayan niya kaya ilan sa mga songs ni Ka Freddie na kakantahin niya ay ang "Anak," "Ipaglalaban Ko" at "Mindanao" [na kinanta pa sa amin ni Robin dahil hindi kami familiar sa song]."



KYLIE STAYS WITH JOAQUIN. Tuloy ba si Kylie sa Codename: Asero ni Richard Gutierrez kunsaan gaganap itong sister sana ni Richard at mag-a-action din?



"Hindi na po. Kinausap siya ni Ms. Redgie [Magno] na aalisin na ang character niya sa Joaquin Bordado at ililipat siya sa Asero. Pero ayaw raw po niyang iwanan ang nasimulan na niya. Kinausap ko rin siya na baka magsisi siya kung hindi niya tatanggapin ang Asero. Sagot ba naman sa akin, ‘Bakit po, Papa, may lakad ka ba at nagmamadali ka?' Kaya wala na akong masabi."



May gagawin daw movie si Kylie sa Viva Films?



"Opo, kaming dalawa, ang Tatay Kong Hoodlum, sequel ng Ang Utol Kong Hoodlum. May offer din sana ang GMA-7 na isang TV show na makakasama niya ang kapatid niyang si Ali, pero hindi po kami parehong pumayag ni Liezl.



"Ako, ayoko na pa-English-English si Ali. Hindi po kasi siya marunong magsalita ng Tagalog."



TOTOY BATO. So, paano siya makapagpapahinga kung sunud-sunod pala ang gagawin niyang projects?



"Si Queenie nga, ginamit pa para kausapin ako dahil ang susunod kong TV show sa GMA-7, iyong Totoy Bato at siya naman ang makakasama ko.



"Kung bakit nagkukuwentuhan kami nina Direk Mac [Alejandre], mga 4:00 a.m. na iyon, katatapos lang namin ng taping ng Joaquin Bordado at kalong ko sa lap ko si Queenie, nasabi ko na magbabakasyon muna ako pagkatapos ng Sundo, iyong suspense thriller na gagawin ko sa GMA Films with Sunshine Dizon and Rhian Ramos. Bigla akong hinawakan ni Queenie sa leeg ng shirt ko at huwag na raw akong magbakasyon, gawin na namin agad ang Totoy Bato.



"Napatawa na lang ako at binulungan ko si Queenie na huwag niyang gawin sa akin iyon dahil maraming nakakakita. Kaya hindi ko alam kung makapagbabakasyon pa ako. Wala pa namang casting ang Totoy Bato, pero kailangang singer ang katambal ko rito."


PEPENG SHOTGUN. Nakumusta namin si Robin kung nagkita na sila ulit ng pinsang si Rudy Fernandez?



"Hindi pa po ngayon. Pero nagkita kami noon at hiningi ko nga sa kanya ang movie niyang Pepeng Shotgun at pumayag naman siya. Indie lang po ang gagawin ko, gusto ko lang makagawa ng Pilipino action.



"Kapag ginawa ko po itong malaking pelikula, baka hindi na panoorin ng tao. Baka ako na rin po ang magdirek nito, pero hindi ko pa alam kung kailan ko masisimulan."

Last edited by kyupayb : May 10, 2008 at 01:05 PM.
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old May 10, 2008, 12:49 PM   #2
Sapiryan
Member
 
Join Date: Apr 2006
Diba may pelikula dati na Durugin si Totoy Bato?

Boksingero siya dito at ginampanan ni Fernando Poe Jr. Kasama din dito si Julie Vega bilang anak niya.

Siguro si Queenie ang gaganap sa role dati ni Julie Vega.
Sapiryan is offline   Reply With Quote
Old May 10, 2008, 12:57 PM   #3
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
yung DURUGIN SI TOTOY BATO sequel ata yung ng TOTOY BATO. singer daw ang leading lady nya.. sino ba pwede?

REGINE VELASQUEZ
ANGELIKA DELA CRUZ
JENNYLYN MERCADO
KARYLLE
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old May 10, 2008, 12:59 PM   #4
kapkachika
Kapamilya Kachika!
kapkachika's Avatar
 
Join Date: Feb 2008
Baka TOtoy ButoToY?... hekhek
kapkachika is offline   Reply With Quote
Old May 10, 2008, 01:13 PM   #5
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
kung bout boxing nga to, abay interesting.. baka maging sidekick pa ni binoe si manny pacquiao.. haha.
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old May 10, 2008, 02:51 PM   #6
lui_gcab
Member
 
Join Date: Oct 2003
Quote:
Originally Posted by kyupayb View Post
yung DURUGIN SI TOTOY BATO sequel ata yung ng TOTOY BATO. singer daw ang leading lady nya.. sino ba pwede?

REGINE VELASQUEZ
ANGELIKA DELA CRUZ
JENNYLYN MERCADO
KARYLLE
di puede si karylle,pamnagkin nya yan.
lui_gcab is offline   Reply With Quote
Old May 10, 2008, 06:52 PM   #7
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
pwede din pala JOLINA MAGDANGAL..
or what about VINA MORALES? that's intriguing...


Possible Leading Lady

REGINE VELASQUEZ
VINA MORALES
JOLINA MAGDANGAL
ANGELIKA DELA CRUZ
JENNYLYN MERCADO
KARYLLE
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old Jun 5, 2008, 01:48 PM   #8
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
tingin ko kay JOLINA to ibibigay. bagay naman sila ni binoe, tsaka ngkaoon na sila ng blockbuster movie dati..
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old Jun 26, 2008, 09:53 PM   #9
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
Carlo J straddles top 2 networks with ‘telekomiks’


By Bayani San Diego Jr.
Philippine Daily Inquirer
First Posted 18:42:00 06/23/2008


MANILA, Philippines—Playfully, Carlo J. Caparas says he is the only one still “alive and kicking” among the komiks masters given the Presidential Medal of Merit last year.

It’s an esteemed list of honorees that included Mars Ravelo, Tony Velasquez and Francisco V. Coching, says Carlo J.

“They were all my idols; they were the pioneers.”

Like Ravelo’s works, the Caparas komiks catalogue is continuously being mined by TV networks for fantaserye, sineserye and teleserye material.

GMA 7 recently acquired the TV rights to the youth romance-drama, “To Have and to Hold,” originally serialized in the Inquirer, Carlo J reports.

He relates that the Kapuso channel has also clinched the rights to the TV versions of “Totoy Bato,” “Andres de Saya,” “Angela Markado,” “Ermitanyo” and “Gagambino.”

Casting for these TV shows is ongoing, except for the “Gagambino” superhero role, assigned to Dennis Trillo.

Carlo J believes Robin Padilla, who is currently essaying another one of his iconic creations, “Joaquin Bordado,” will be perfect for the TV remake of “Totoy Bato,” the tough boxer previously played on the big screen by Fernando Poe Jr.

Robin is also a shoo-in for the comedy, “Andres de Saya,” which originally top-billed Vic Vargas and Gloria Diaz, Carlo J says, or maybe boxing champ Manny Pacquiao.

“Angela Markado” is also being developed by GMA 7, he notes. “‘Angela’ is special to me because it’s my first story that won in an international film festival.”

The movie, directed by National Artist Lino Brocka and which starred Hilda Koronel, won the Gold Montgolfier (grand prize) at the 1983 Festival des 3 Continents in Nantes, France.

Top-caliber actors

Although Carlo J is eyeing someone like Iza Calzado for the film’s TV remake, Katrina Halili has already been attached to the project, according to Net reports.

Several Carlo J works are also being turned into TV serials by ABS-CBN, relates Donna Villa, his wife and producing partner. Among these, she says, are “Valora,” “Gabriel,” “Alyas Paniki,” and “Pieta.”

It’s been reported that Ryan Agoncillo will play the black sheep son in “Pieta,” previously portrayed by Ace Vergel in the movie directed by Carlo J.

Donna reveals that top-caliber actresses Maricel Soriano, Dawn Zulueta, Rosanna Roces and Cherry Pie Picache are in contention to play the tormented mother immortalized by Charito Solis in the original.

Carlo J isn’t surprised that he’s able to shuttle between the Kapamilya and Kapuso camps.

“Even when I was still writing for komiks, I was never tied down to just one publication. I worked with Atlas, GASI, Journal, Liwayway, Ace, Affiliated...”

“And when we started producing movies, we worked with both Viva and Regal,” Donna points out.

Carlo J explains: “An artist’s loyalty belongs only to his craft.”
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old Jun 27, 2008, 09:44 AM   #10
keyelle
Binibini
keyelle's Avatar
 
Join Date: Jun 2003
naku di bagay kay jolens.mag-asawa ang role ni totoy bato at yung girl dito.
keyelle is offline   Reply With Quote
Old Jun 27, 2008, 02:10 PM   #11
iwantyoursoul
Member
 
Join Date: Dec 2007
Quote:
kyupayb
Threadstarter


Join Date: Jul 2005 yung DURUGIN SI TOTOY BATO sequel ata yung ng TOTOY BATO. singer daw ang leading lady nya.. sino ba pwede?

REGINE VELASQUEZ
ANGELIKA DELA CRUZ
JENNYLYN MERCADO
KARYLLE


dalawa lang ang puede pagpipilian..c jennylyn at angelika dela cruz

jennyln=kasi kasama *** sa original cast ng JOAQUIN BURDADO kasama c jenn kaso lang nag back-out malamng matutuloy na ang project na ito...

angelika dela cruz-as far as i remember matagal na plano ng GMA na magkakaroon ng tambalan eversince nandoon c robin sa abs noon kaso lang napurnada kasi lumipata kaagad c angelika sa dos..ngayon same bakuran na sila ni robin at angelika tyak na matutuloy na ito...
iwantyoursoul is offline   Reply With Quote
Old Jun 30, 2008, 02:34 PM   #12
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
* * *
OPEN na si Robin sa pagkukuwento ng next project niya sa GMA-7 na Totoy Bato, kung saan ang eldest daughter niyang si Queenie Padilla naman ang kanyang makakasama.

Magkakaroon daw ng sariling TV show si Kylie Padilla, na hindi muna sinabi ng actor ang title.

Ilo-launch din ng Viva Films sina Queenie. Kylie at Jen-Jen at nag-pictorial na noong isang araw ang mga anak.

Request daw ni Vic del Rosario na sa film outfit niya ma-launch ang tatlo na agad niyang pinayagan.

Si Deo Fajardo ang magma-manage sa mga anak.

Tungkol sa Totoy Bato, baka sa December pa ito mapanood, dahil magpapalaki muna siya ng katawan sa Australia.

Four months ang hiningi niyang training at kailangang umabot sa 180 lbs. ang kanyang timbang. Magpapakalbo si Robin at kailangang mukhang bato at muscle man.

Sina Direk Mac Alejandre at Angel Joseph din ang magdidirek nito at the same staff and crew ng Joaquin Bordado ang gusto niyang humawak ng project.

Na-i-imagine na raw nila ang magiging hitsura niya as Totoy Bato.

Uunahing gawin ni Robin ang GMA Films movie na Sundo nila ni Sunshine Dizon na ididirek ni Topel Lee.

Sa July 15, na ang first day shooting nila sa Baguio. Mala-Sixth Sense ang tema ng pelikula at kasama rin sa cast si Rhian Ramos.

* * *


> tingin ko tlaga kay jolina to mapupunta..
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old Jun 30, 2008, 02:37 PM   #13
LokeytMe
Member
LokeytMe's Avatar
 
Join Date: Jul 2002
susmaryosep,wag naman kay jolens.

hindi bagay sa kanya yung mga ganitong role.

baka maging comedy itong totoy bato.

si francine prieto,puede na.

hindi naman significant yung leading lady dito.
LokeytMe is offline   Reply With Quote
Old Jun 30, 2008, 02:41 PM   #14
azul5
Member
azul5's Avatar
 
Join Date: Feb 2007
PLS wag si jolina.
azul5 is offline   Reply With Quote
Old Jun 30, 2008, 02:41 PM   #15
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
Quote:
Originally Posted by LokeytMe View Post
susmaryosep,wag naman kay jolens.

hindi bagay sa kanya yung mga ganitong role.

baka maging comedy itong totoy bato.

si francine prieto,puede na.

hindi naman significant yung leading lady dito.
they can always modify the plot.
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old Jun 30, 2008, 03:20 PM   #16
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
TOTOY BATO (1977)
FPJ and Lita Vasquez

DURUGIN SI TOTOY BATO (1979)


> pwede bang jonalyn viray sa role ni charo santos.
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old Jun 30, 2008, 03:37 PM   #17
careko
Member
 
Join Date: Jul 2002
Location: Batangas
wag po si jolina.hindi bagay.
careko is offline   Reply With Quote
Old Jul 3, 2008, 01:10 PM   #18
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
By: Mario E. Bautista
Freehand


SLAMBANG ENDING FOR BINOE

ROBIN Padilla’s “Joaquin Bordado” is ending on July 12 with a lot of big stunts and slambang action scenes that viewers shouldn’t miss. He will replace this with a remake of “Totoy Bato,” first made into a film by the late Fernando Poe, Jr. So the rumor that GMA-7 will no longer get Robin again as he has become so demanding is not true.

Before starting “Totoy Bato,” Robin wants to finish a movie first for GMA Films, “Sundo” (about fetchers from the great beyond who take people from our world into the afterlife), a horror flick to be directed by Topel Lee of “Ouija.” His leading lady will be Sunshine Dizon, who’ll hopefully be much healthier by then. Sunshine was replaced by Camille Prats in “Gaano Kadalas ang Minsan” due to health reasons.

After the movie, Robin will go to Australia to undergo a rigid physical workout program to bulk himself up. He wants to sport a more muscular physique for “Totoy Bato,” who is a buff streetfighter. “Para talaga mukhang batu-bato sa hard muscles ang katawan ko,” he says.

In “Joaquin Bordado,” he acted with his daughter Kylie. In “Totoy Bato,” he will be acting with his other daughter, Queenie. This will be directed by Mac Alejandre and Argel Joseph.
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old Jul 13, 2008, 12:12 PM   #19
kyupayb
Objective Threadstarter
 
Join Date: Jul 2005
Robin Padilla to recharge first before doing his next projects

Nora Calderon

Sunday, July 13, 2008
08:52 AM

Rating






Malungkot man na natapos ang pagsasama-sama ng cast ng action-drama telefantasya na Joaquin Bordado, na nag-final telecast last July 11, masaya naman ang live telecast nito mula sa Studio 3 ng GMA Network. Dinaluhan ito ng buong cast sa pangunguna ni Robin Padilla, ang author ng comics character na ito na si Direk Carlo J. Caparas, GMA Network's top executives, mga advertisers, at ang 100 Fanatxt fans ni Robin.



Masayang-masaya ang mga fans ni Robin na bukod sa nakita nila nang personal ang kanilang idolo at napanood ang proceedings sa loob ng studio, nag-uwi pa sila ng gift packs mula sa show.



Poging-pogi si Robin na wala nang hair extension. Siya rin ang nag-introduce ng pagsisimula ng screening ng final episode na hinangaan dahil bigay-todo ang fight scenes na akala mo ay nanood ka ng Korean epics na Jumong at The Legend. Ilan ditto ang pagkamatay ni Erenea, played by Robin's daughter Kylie Padilla, at ng mga nabuhay na tattoo sa katawan ni Joaquin at tumulong sa pakikipaglaban niya sa kasamaan.



Pero dahil telefantasya ang Joaquin Bordado, happy ending pa rin dahil muling nabuhay sina Joaquin (Robin), Sofia (Iza Calzado), at Jimboy (Renz Valerio) dahil na rin sa kapangyarihan ni Jilco (Pen Medina). Ginawang medyo comedy nina Robin, Direk Mac Alejandre, at Direk Argel Joseph ang final scene. Matapos kasing mabuhay si Jimboy, nag-alis ito ng suot na costume at bilang bagong bordado, may naka-tattoo na rin sa kanyang katawan—ang mga mukha nina Ariel at Maverick, na kasama rin sa Joaquin Bordado.



SULIT NA SULIT. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Robin pagkatapos ng telecast, na umabot ng one hour and twenty minutes na sulit na sulit naman sa mga manonood.



Nag-appear sa final scene ng Joaquin Bordado ang bunsong anak ni Robin na si Ali. Tuluy-tuloy na ba ang pag-aartista nito?



"Hindi po!" mabilis na sagot ni Robin. "Hindi ko po siya papayagang mag-artista, mag-aaral muna siya. Isinama ko lang siya dahil gusto raw niya, saka nandoon ‘yong ibang bata na kasama sa show."



Ngayong natapos na ang pinaghirapan nilang Joaquin Bordado, ano ang susunod na gagawin ni Robin?



"Next week po ay aakyat na kami ng family ko sa Baguio para makapag-bonding naman kami. Matagal-tagal din naming hindi nakasama nina Queenie at Kylie ang mommy nila, si Liezl, at mga kapatid na sina Zhen-Zhen at Ali. Time ko rin po namang magpahinga at mag-recharge pagkatapos ng almost six months na walang tigil na pagtatrabaho," lahad niya.



ROBIN'S NEXT PROJECTS. Ibinalita rin ni Robin na sa August ay sisimulan na niya ang shooting ng second movie niya sa GMA Films, ang suspense-thriller na Sundo na kukunan sa Baguio. Makakasama niya rito sina Sunshine Dizon at Rhian Ramos mula sa direksiyon ni Topel, na siya ring nagdirek ng Ouija.



In-announce din ni Direk Carlo bago natapos ang live telecast nila na abangan si Robin sa susunod nitong project sa TV, ang Totoy Bato na si Carlo rin ang lumikha. Kailan naman ito sisimulan ni Robin?



"Kailangan ko po munang tapusin ang shooting ko ng Sundo," sabi ni Robin. "Pagkatapos, ako naman ang uuwi sa Australia. Kailangan ko po kasing mag-training para lumaki ang katawan ko. Boxer po kasi ang role ni Totoy Bato kaya ganoon ang pangalan niya.



"Dati po itong ginawa ng idolo kong si Fernando Poe Jr., at sana ay makaagapay man lamang ako sa pagganap niya sa role. Babalik po ako rito after four months saka kami magsisimulang mag-taping. Kaya baka early 2009 na ito mapanood sa GMA-7."



Sa executive producer ng Joaquin Bordado na rin namin nalaman na sila pa rin ang production staff na hahawak sa Totoy Bato, tulad ng kagustuhan ni Robin. Sina Direk Mac at Direk Argel pa rin ang magdidirek nito.



Hindi pa raw nila alam kung sinu-sino ang makakasama ni Robin. Naghahanap pa raw sila ng makakatambal ni Robin na dapat daw ay isang singer.


Meanwhile, habang nagsu-shooting si Robin ng Sundo at nagti-training sa Australia, magsisimula na ring mag-shooting si Direk Mac ng One True Love (dating Amnesia) para sa GMA Films, na pagsasamahan for the first time nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Iza Calzado.



Bago tuluyang umalis si Robin, may lumapit sa kanyang GMA-7 crew na tinanong siya kung willing daw siyang mag-endorse ng mga native crops natin tulad ng camote, saging saba, na puwedeng pampalit sa kakulangan ng bigas, ayon sa Malacañang.



"Anytime po," nakangiti niyang sagot. "Kahit po kasi ako, kumakain na talaga ako ng camote at saging saba at iba pang native crops natin."
kyupayb is offline   Reply With Quote
Old Jul 13, 2008, 03:35 PM   #20
kapuso4evermore
Member
kapuso4evermore's Avatar
 
Join Date: Apr 2005
Location: Kapuso Shows lang!
Pa-promote po. Tx.



Click the image to enlarge:



Another good source to watch GMA shows.

kapuso4evermore is offline   Reply With Quote
Reply


Thread Tools

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off
Forum Jump


All times are GMT +8. The time now is 12:51 AM.

Check out our partner websites: BoracayIsland.org | Friendster.com

Powered by vBulletin® Version 3.6.12
Copyright ©2000 - 2010, Jelsoft Enterprises Ltd.

Forums Directory