Tampo ni Richard sa Siyete, sana maayos — Raymond
By: Vinia Vivar
NiLinaw na ng kampo ni Richard Gutierrez ang balitang may tempting offer ang ABS-CBN sa young actor.
Kahapon sa Sis, nagsalita na ang kakambal ni Chard na si Raymond na wala raw katotohanan ang nasabing balita.
Nakausap din namin ang isa sa malapit sa pamilya Gutierrez at pinatotohanan niya ang sinabi ni Raymond.
Nakakahiya naman daw sa ABS-CBN na may ganitong lumalabas gayung wala naman daw offer ang Kapamilya network.
Kung meron man, ito ay noon pa, na inamin na rin naman ni Annabelle Rama before.
Ang tungkol sa tampo ni Richard sa home studio ay hindi naman itinatanggi ng kampo ng young actor dahil maging si Tita Annabelle nga raw, very vocal about it.
It’s a fact na may ilang mga hinampo ang kampo ni Richard sa Kapuso network, the latest of which ay ang hindi pagkakasama ng young actor sa unang bugso ng summer plug ng Kapuso.
In fairness naman daw to GMA-7, gumagawa raw ng aksyon ang management para maayos ang mga tampong ito.
In fact, nangako na nga raw ang isang executive na paiimbestigahan niya ang insidenteng hindi nailagay si Richard sa summer plug launch.
Sa panayam kay Raymond kahapon, sinabi rin niyang kung may mga tampo man, sana raw ay maayos ito.
In-assure rin niya ang fans ni Richard na hindi naman daw basta na lang aalis ang kanyang kakambal nang hindi nase-settle ang mga problema.
***
SANA MABASA TOH NG MGA WRITERS NA YAN NAGPIPILIT NA MAY OFFER DAW ANG EBS KAY RICHARD E WALA NAMAN PALA. BUTI PA SI RAYMUNDA NAHIHIYA!
SANA MAG-RETRACT ANG MGA WRITER NA YAN! KUNG MAY TAMPO ANG BUWISIT NA SI RICHARD E WAG NILANG GAMITIN ANG EBS!









Reply With Quote
ambait ko.

nahihiya yatang magsilabas 











