
Originally Posted by
twerp
Mukha namang papasa ako sa thread na ito, so ito ang aking kwento.
Una, nagkaroon ako ng super close friends nuong bata ako hanggang mag-grade 1 ako. Nuong panahong iyon, nakatira pa ako sa Taytay Rizal. Subalit nagdecide ang mga magulang ko na lumipat na sa Maynila dahil tawag ng hanapbuhay.
Nuong grade 2-6 naman, nag-aral ako sa isang public school. Hindi naging masaya ang alaala ko nuong elementary bagamat honor student ako. Parati kasi akong masama kapag hindi nagpapakopya at hindi nagpapahiram ng assignment ko. Sa totoo lang, madugo ang limang taon na iyon ng aking kamusmusan.
Nung high school ako, napabilang ako sa honors section ng batch namin. Hindi ko masasabing smart ako, pero siguro, nagbunga naman yung aking kaunting pagsisikap kaya naging bahagi ako ng klaseng iyon. Nakalipat ako sa isang private school at nakakuha ng scholarship. Masasabi kong masaya naman ang high school life ko at malapit ako sa mga naging kaklase ko. Pero mas napangibabaw kasi sa samahan yun yung common denominator na kami yung masikap at mahusay sa batch. Pero sa lahat ng mga naging parte ng buhay mag-aaral ko, pinakamalapit na siguro ako sa mga nasa high school.
Hindi ako pumasa sa UP at Ateneo, at di ko naman nagawang mag-exam sa DLSU at alam kong hindi rin kakayanin ng mga magulang ko roon. Nuong college, napunta ako sa isang school na maipagmamalaki ko naman, pero sadyang yung mga naging kabatch ko ay hindi kapareho ng mga naging kaklase ko sa high school. Sa una kong course, hirap ako magkaroon ng barkada, pero nuong huling semester ko na sa course na iyon, nagkaroon ako ng barkada. Nuong nag-shift na ako, sa mga unang isa o dalawang taon, ok pa. Nakaksasama pa ako sa gimik ng barkada ng una kong course, pero parang stranger o alien ang pakiramdam ko. Ako lang kasi ang nagshift. Minsan pa, nagyayaya sila ng gimik, at parati akong kasama, pero nagugulat na lang ako na kasama rin yung mga kabloc nila (na hindi ko minasama o pinagbabawal na gawin nila), subalit parati akong naiisolate. Parating topic nila yung mga nasa course nila, hanggang sa nagkatrabaho na kami at lahat pero industriya parin nila ang pinaguusapan nila tuwing nagkakareunion kami. Kaya kamakailan lang, pinipilit kong bawasan ang pakikipagkita sa kanila, kasi parang pakiramdam ko, sinasama lang nila ako for the sake na makumpleto ang orihinal na barkada, kahit pa ang essence ng samahan ngayon ay sa kanila na lamang nakapaloob. Di ko alam kung mali ako pero ganun talaga pakiramdam ko all this time.
Sa naging course ko naman, yung pinaglipatan ko, mababait naman sila at maayos pakisamahan, pero hindi ko nga lang nagawang paabutin sa level ng mabuting kaibigan ang samahang iyon. Yung mga kablock ko kasi, medyo passive sila at hindi sila yung alam mong mag-aaral pag may exam at may project. Hindi naman masama yun (FYI, hindi ko sila tinuturing na bobo, pero di lang siguro sila kagaya ko na umaabot sa point na nag-aaral tlaga). Siguro dahil ako yung pala-aral na kaklase nila, hindi siguro nila ako maituring na isa sa mga "cool guys" ng block/batch.
Pinilit ko namang baguhin ang imahe ko, pero siguro hindi nga lang ako kagaling sa pagbabago ng imahe na yun. Kaya at a minimum, naging acquaintance ko lamang ang mga kablock ko, though may iilan na sadyang kaclose ko naman, pero hindi nga lang sa level ng barkada. Hindi ako kabilang sa mga party nila maliban kung block party ito. Kumbaga, nakakasama ko lang sila sa starbucks kung may project, pero hindi ako yung isa sa itetext nila sa mga normal na gimik.
Sa totoo lang, it bothered me. Pero siguro umabot na ako sa stage ng acceptance, at inisip kong may darating din akong friend na para sa akin.
Until recently, may nakilala ako. Kapareho ko ng course sa ibang school, kaedad ko, kapareho ko ng hilig sa maraming bagay lalo na sa cartoons, at kahit paano, pareho ng gusto maging at sa mga gustong i-pursue na may kaugnayan sa career at industriyang kinabibilangan namin. Pareho pa kaming nag-shift.
Mula nung nagkakilala kami, madalas kami gumimik. Pero siguro, habang mas tumatagal, mas nakikilala nya kung sino ba talaga ako, kung ano talaga ugali ko. Umabot sa point na hindi na kami ganun kadalas magkita, hanggang sa lalong di na nagkita. Bago umabot sa ganun, parati pa ako nagiinitiate ng lakad, di gaya ng dati na pareho kaming nagyayaya. Sa mga huli naming simpleng lakad, parating ako ang nagyayaya, at pumupunta naman sya, pero sa pakiramdam ko ay it was out of pakikisama at siguro dahil na rin sa pinupursue niya ngayon sa career.
Ito ang frustrating: nasimulan ko na siyang ituring na matalik na kaibigan, kahit pa unreciprocated iyon, dahil naniniwala naman ako na unconditional iyon. Pero tila, hindi naman niya naiisip magparamdam kung hindi ako ang unang nagpaparamdam. Ewan ko,pero siguro sinusubok ko kung kahit paano ay kaibigan nga ako sa kanya.