Ako dati rati naiinis at natatawa sa mga taong kung pumorma eh todo todo mapa gadgets man o dress parang akala mo socialite ang dating pero nasa mall lang at palakad lakad. Kaliwat kanan ang hawak ng mga gadgets na halos hindi na malaman ang uunahin kapag nag ring or may nagtext dahil hawak hawak ang Ipad habang nag iinternet. Dati asar na asar ako sa mga taong yan tapos sasakay ng jip na akala mo siga mapera. Pero napag isip isip ko rin na ang tao ay may kanya kanyang gusto. Sa madaling salita kanya kanyang trip lang yan walang pakialamanan hanggat hindi nakakasagabal at nakakasakit. Ako kuntento na ko sa cp na pwedeng pantawag at pang text kung emergency. Malinis at maayos na damit pang mall at pamasyal basta sisiguraduhin ko lang na may dala akong pera lalo na't kapag may nakasabay akong kakilala ko sa jip lalo na kung maganda.![]()








Reply With Quote



Sometimes, the surplus shop. P80 top anyone? Hehe















