PEx Highlights

REVIEW: Laggies

If Laggies was an animal, it will be an old turtle -- slow, old and boring. Read our full review here.

read more

Where are you staying this Holiday Season?

Join the Call Center promo and get a chance to win Pizza Inc Gift Certificates!

read more

FEATURE: Philippine Cup Semis Preview

It's the Aces against the E-Painters and SMB versus TNT. Read on as JPM previews and predicts the outcome of the Fil Cup semis.

read more

GALLERY: PBA Philippine Cup Semi-finals

Check out photos from each game of the PBA Philippine Cup Semi-finals here!

read more

The Best of 2014: PExers Choice Awards

The results are finally here! Find out who won the hearts of the PinoyExchange community in The Best of 2014: PExers Choice Awards!

read more

PEx Christmas: The PBA Christmas Wishlist

'tis the season of gifts and wishlists! JPM plays Santa's consultant and lists down the best Christmas gift for each PBA team.

read more

Page 1 of 2 1 2 LastLast
Results 1 to 20 of 26
  1. #1
    film buff
    Join Date
    Jul 2001
    Location
    in the cinema

    Daybreak - An Alternative Valentines Day Film - Starring Coco Martin And Paolo Rivero

    "Daybreak"
    OPENS ON FEBRUARY 2008 IN SELECTED THEATERS

    Written by Charliebebs Gohetia
    Directed by Adolfo B. Alix, Jr.

    Cast: Coco Martin, Paolo Rivero

    Synopsis:

    "DAYBREAK" happens entirely in one place: a rest house in Taal, Batangas and only with two characters. In a single narrative time, intending by way of voyeurism, we discover what happens to two men spending one night contemplating whether to break up or continue their relationship. William and JP allow us to know their biggest lies and the biggest truths... two people loving each other, clinging to each other, betraying each other -- trying the fragility of their feelings in only one night.

    Memories and dreams, truths and lies, fears and desires, betrayal and honesty, love and hate are all closely entwined in this night.

    Behind the veil of words, they are drawn to each other but will the light of the sunrise bring this intimacy to an end?

    trailer here:
    http://www.youtube.com/watch?v=UPLe4Vany1Q

  2. #2

    Wink Daybreak Review by Allan Diones (Abante)


    Hayok na hayok sa halikan

    ni: Allan Diones

    Makaka-relate ang maraming bading sa indie gay film na Daybreak na napanood namin sa gala screening nito sa Cine Adarna ng UP Diliman nu’ng Miyerkules.

    Ang istorya ng Daybreak ay naganap sa isang lokasyon lang (sa Tagaytay) sa loob lang ng isang maghapon at magdamag at dalawa lamang ang karakter nito.

    Nag-umpisa ang pelikula na nagmamaneho paak*yat ng Tagaytay ang doktor na si William (Paolo Rivero). Ang paalam niya sa kanyang asawa ay may aayusin lang siya roon.

    Dinaanan niya ang isang binatang naghihintay sa kanya at magkasama silang pumunta sa resthouse ng pa*milya ni William na sa hindi kalayuan ay natatanaw ang Taal Volcano.

    Ang binatang sinundo niya ay si JP (Coco Martin), isang local boatman at tour guide sa Taal, Batangas na isang taon nang lihim na karelasyon ni William.
    Kung si William ay may misis, si JP ay may nobya.

    Dalawang buwan din silang hindi nagkita. Na-miss nila ang isa’t isa.
    Nandiyang magbiruan sila na may kasamang kurutan, at mga lambingan na puno ng kaswitan.

    Iyun ang huling gabi na magsasalo sila sa kaligayahan. Pupunta na ng Australia si William kaya kailangan na nitong magpaalam.

    ***

    Perfect location ang Tagaytay para sa Daybreak.
    Gustung-gusto namin ‘yung mga eksenang unti-unting nababalot ang tanawin ng makapal na fog, habang nakatunghay ka sa Bulkang Taal na para bang damang-dama mo ang malamig na paligid.

    Tila nangungusap ang mga quiet shots ng paggalaw ng mga puno, pagbalong ng mga ulap, pagkalat ng ha*mog, pagkagat ng di*lim at pagsilay ng liwanag, habang ang musikang maririnig mo ay halos mga tunog lamang ng wind chimes.

    Sakto ang pagma-match kina Paolo Rivero (napanood noon bilang ‘torero’ sa Live Show) at Coco Martin (unang nakilala sa Masahista).

    Maputi at makinis ang edukado at tahimik na si William, habang moreno at mukhang babad sa araw at batak sa trabaho ang simple at ordinaryong binata na si JP.

    Mainit ang una nilang lampungan, na hindi na nila natiis ang pananabik nila sa isa’t isa habang nagluluto sila ng pasta.

    Todo-bigay ang kanilang laplapan na animo’y hayok na hayok sila kung makasibasib ng halik.

    Walang keber si Coco sa pagpapakita ng puwet. Umaatikabo ang kanilang laplapan na para bang sad*yang marubdob ang nadarama nila para sa isa’t isa.

    Hindi mechanical ang da*ting o parang napipilitan lang ang kanilang mga halikan at lampungan kaya maniniwala kang masidhi ang kanilang pag*mamahalan.

    Matino at may taste ang unang gay film ng indie direc*tor na si Adolf Alix, Jr. (nagdirehe ng Donsol, Kadin, Tambolista, Nars at Batanes).

    Hindi ito katulad ng mga pipitsuging soft-porn gay flicks na nagsusulputan ngayon. Sana ay gumawa pa ng maraming ganito si Direk Adolf.

    Sa Pebrero 20 ang regular showing ng Daybreak sa IndieSine ng Robinsons Galleria. Ipapalabas din ito sa Ro*binsons Place Ermita (Pebrero 27-Marso 4) at Robinsons Bacolod (Marso 5-11).

  3. #3

    Smile Pinag-uusapan ang love scene nina Coco at Paolo Rivero sa Daybreak!

    THE SOURCE
    by Jojo Gabinete
    Abante
    Feb. 16, 2005

    Pangalawang gay-themed movie ni Coco Martin ang Daybreak. Unang ipinakilala si Coco sa Masahista pero ayon sa kanya, mas challenging ang role niya sa Daybreak dahil puro pagmamasahe lang ang kanyang ginawa sa Masahista.


    Pinag-uusapan ang love scene nina Coco at Paolo Rivero sa Daybreak dahil masahol pa sa halikan ng babae at lalake ang kanilang ginawa.

    Masuwerte ang dala*wa dahil inalagaan sila nang husto ng kanilang direktor na si Adolf Alix, Jr.

    Maraming eksena na hubo’t hubad sina Coco at Paolo pero walang nakita sa private parts nila dahil sa mga shot ni Adolf.

    Apat na oras na kinunan ang love scene nina Coco at Paolo.

    Ito ang eksena na unang kinunan para maging komportable sila sa isa’t-isa.

    Ipinakita na tumutulo ang luha ni Coco sa graphic love scene nila ni Paolo.

    Halos pareho ito ng love scene nina Rosanna Roces at John Arcilla sa Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin.

    Ang pagkakaiba lang, dalawang lalake ang nagtatalik sa Daybreak at lumuluha ang karakter ni Coco dahil nalulungkot siya sa nalalapit na paghihiwalay nila ng kanyang gay lover.

    Sa Ligaya, umiiyak ang karakter ni Rosanna sa love scene nila ni John dala ng matinding kaligayahan dahil may isang lalake na pinakasalan siya sa kabila ng kanyang madilim na nakaraan.

    May dalawang version ending ang Daybreak. Pinili nina Adolf at Noel Ferrer (producer ng pelikula) ang malungkot na ending dahil mas rea*listic ito.

    Nag-suggest kami na isama nila sa DVD version ng Daybreak ang happy ending para hindi masyadong malungkot ang kuwento ng pelikula na nangyayari sa totoong buhay.

    http://www.abante.com.ph/issue/feb1608/ent_jg.htm

  4. #4

    Talking DEFINITELY, hindi GP ang Daybreak.

    People's Taliba
    February 16, 2008 04:39 PM Saturday
    by Dinno Erece

    DEFINITELY, hindi GP ang Daybreak.

    Na-confuse yata ang isa naming kaibigan nang may mabasa siya na sabi raw ni Noel Ferrer, he’s very happy that their film got a GP.

    Although Noel did say that, he was talking about GMA Films and Regal Films movie My Bestfriend’s Girlfriend na, by the way, na-confirm muli the following day after its showing na ito ang highest grossing one-day take for a Valentine’s day passing last year’s The Promise.

    Back to Daybreak, was able to watch the movie sa 3 p.m. screening nito sa UP Film Institute last Feb. 14 at nagulat kami sa rami ng hubaran at laplapan ng dalawang bida na sina Paolo Rivero and Coco Martin, so we asked Noel kung GP ba ito, thus his explanation na he’s pertaining pala to a different movie.

    Anyways, they are hoping na hindi putul-putol ang mga eksena at hindi ma-X when it opens next week exclusively sa Robinson’s Galleria.

    http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=49543

  5. #5
    THE SOURCE
    by Jojo Gabinete
    February 17, 2008




    Ex-husband ni aktres, pedophile?



    YASMIEN KURDIAng huwag nang itu*loy ang balak na pagdedemanda laban sa kanyang ex-husband ang payo sa aktres ng mga kaibigan niya.

    Kung magdedemanda ang aktres, siguradong madadamay sa eskandalo ang kanyang anak na tahimik na namumuhay.

    Sa kuwento ng aktres, nadiskubre nito ang hubad na larawan ng kanyang anak noong batang paslit pa lamang ito.

    Ang asawa ng aktres ang photographer ng larawan kaya lalong lumakas ang kanyang duda na pedophile ang ex-husband niya.

    Gustung-gusto ng aktres na kasuhan ang da-ting asawa at kung itutuloy niya ang balak, siguradong pagpipistahan ito sa mga gossip column.

    ***

    Ang magandang script ang dahilan kaya tinanggap ni Paolo Rivero ang daring gay role sa Daybreak. Nag-react ang pamilya ni Paolo sa torrid kissing scene nila ni Coco Martin sa pelikula, pero ipinaliwanag niya na kailangan ‘yon sa eksena para maging kapani-paniwala ang kanilang pagganap.

    Tumagal ng apat na araw ang shooting ng Daybreak sa Tagaytay City.
    Nagtatrabaho si Paolo bilang executive ng isang call center pero wala itong conflict sa kanyang pag-aartista.

    ***

    Si Adolf Alix, Jr. ang direktor ng Daybreak. Nabanggit sa amin ni Adolf na last gay movie niya ang Daybreak dahil magiging busy na siya para sa kanyang next project na pagbibidahan ng popular Thai actor na si Ananda Everingham.

    Si Ananda ang lead actor ng Shutter at Me, Myself. Nagkakilala sila ni Adolf nang panoorin niya ang Donsol sa 2007 Bangkok International Film Festival.

    http://www.abante.com.ph/issue/feb1708/ent_jg.htm

  6. #6

    Wink Second Wind For Paolo

    IF I KNOW
    By: Aster Amoyo
    February 17, 2008 06:20 PM Sunday
    People's Journal

    SECOND WIND FOR PAOLO

    PAOLO Rivero, the controversial “it” boy of the MTRCB during the “Live Show” showing in 2001, is set for a showbiz comeback via another controversial film “Daybreak.”

    He took a break in 2005 and his last film was “Masahista” with Coco Martin. They are now under the same manager, Noel Ferrer who produced the film “Daybreak” for them.

    Experiencing jitters in his film comeback, Paolo’s fears were gone when he saw the film’s initial footage and he thinks it’s awesome. “Pang international ang mga shot ni Direk Adolf at napakaganda ng pagkakagawa. I did a lot of daring scenes here but they were all done in good taste,” affirms Paolo.

    Ready for the second wind in his showbiz career, Paolo hopes that with “Daybreak,” other producers will take notice of his acting and he will be back into the mainstream groove the soonest like what he has done before.

    Directed by Adolf Alix, Jr. and produced by Noel Ferrer, “Daybreak” will have a regular run at the Robinson’s Galleria IndieSine starting Feb. 20, and will move to Robinson’s Ermita starting Feb. 27 and then to Robinson’s Bacolod on March 5.

    http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=49674

  7. #7

    Wink DAYBREAK Poster

    http://i249.photobucket.com/albums/gg208/aalixjr/Daybreak.jpg
    Last edited by hephaiston; Feb 17, 2008 at 10:02 AM. Reason: images didn't upload

  8. #8

    Lightbulb Paolo Rivero and Coco martin, stars of "DAYBREAK"

    http://i249.photobucket.com/albums/gg208/aalixjr/Daybreak1.jpg

    Photo courtesy of Jay Javier

  9. #9

    Thumbs up DAYBREAK, pinakamatino at pinaka-nakakaantig na alternative gay film!

    Footloose
    By: Leo M. Bukas
    People's Taliba

    February 18, 2008 04:01 PM Monday

    ANG Daybreak ang sinasabing pinakamatino at pinaka-nakakaantig na alternative gay film na ipalalabas sa Robinsons Galleria Indie Sine simula Feb. 20. Sa direksyon ito ni Adolf Alix, Jr., na siya ring gumawa ng Donsol, Kadin, Tambolista, Nars at Batanes.

    Tinatampukan ang Daybreak ng mga premyadong aktor na sina Coco Martin (Masahista) at Paolo Rivero (Live Show).

    I was able to watch the film at UP Film Institute at nakita namin ang ilan sa matitinding eksena sa pelikula. Todo ang laplapan, butt exposures, pero nagawa ito ni Adolf in a very artistic manner kaya ‘di lumabas na bastos.

    Ang friend naming si Noel Ferrer ang nag-produce ng Daybreak para sa Bicycle Pictures. Magkakaroon ito ng regular run sa Robinson’s Galleria simula Feb. 20, and will move to Robinson’s Ermita starting Feb. 27 and then to Robinsons Bacolod starting March 5.

    http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=49736

  10. #10

    Wink RATED R-18 without cuts!

    RATED R-18 without cuts ang Daybreak.

    By: Dinno Erece
    Daily insider
    People's Taliba

    Monday pina-review ng Bicycle Pictures ang first gay-themed movie ni director Adolf Alix Jr., starring Paolo Rivero and Coco Martin sa MTRCB.

    Kinailangang dumating ni Direk Adolf during the review-screening para ma-depensa niya ang napakaraming eksenang hubaran ng dalawang bida that is almost one third of the movie yata considering it has a running time of seventy minutes lang.

    Sabi nga sa commercial, success.

    Approved without cuts ang Daybreak as it opens today exclusively sa Robinson’s Galleria Indie Sine. After a one week run, ililipat naman ito sa Robinson’s Ermita starting February 27 and then sa Robinson’s Bacolod on March 5. Ang hindi lang na-approve, ang plano nilang photo exhibit na kuha pa man din ni Jay Javier at ilalagay sa may harapan ng sinehan.

    Well, you can’t have it all.

    Kung gusto ninyong makita ang mga hubad na katawan nina Coco and Paolo, buy the ticket dahil wala ng exhibit.

  11. #11

    Smile ‘Daybreak’ shows more than nudity

    TAKE FIVE:

    ‘Daybreak’ shows more than nudity

    By Marinel Cruz
    Philippine Daily Inquirer
    First Posted 15:55:00 02/20/2008

    MANILA, Philippines—Award-winning filmmaker Adolf Alix Jr. has asked the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) to reconsider its ban on a publicity photo for his latest film, “Daybreak.”

    The snapshot shows “Daybreak” actors Paolo Rivero and Coco Martin in the nude. Alix said the photo by Jay Javier, was intended for a week-long exhibit at IndieSine in Robinsons Galleria, where the film opened yesterday.

    Alix said his newest project allowed him to “explore the nature of a breakup in a claustrophobic setting.” The film, which has only the two young actors, happens entirely in one night and in one place — Taal, Batangas.

    “When Noel Ferrer (producer) and I were discussing the possibility of making a gay film, I told him that I wanted it to be about two people trapped and left with nothing to do but confront the issue. Rivero’s character, William, has been wanting to end his relationship with Martin’s character, JP, but doesn’t know how. Hence the day becomes a rigodon .”

    Alix explained that volatile Mt. Taal provides the perfect backdrop for the film. “It acts as a metaphor to the ‘bomb’ of a news that William wants to break, and the deterioration of their relationship.”

    Here are excerpts of Inquirer Entertainment’s chat with Martin and Rivero:

    Your roles here are your most daring so far. What was the most difficult thing the director asked you to do?

    Coco Martin (CM): I got to kiss a guy for the first time. The most difficult part was the last love scene, which took us six hours to make.

    Paolo Rivero (PR): I did a love scene with a man for the first time. Director Adolf said the scene had to be realistic and passionate.

    How long did it take to make the whole film?

    CM: We shot for only three days, but we worked round the clock. It was exhausting, but it allowed us to have some major bonding.

    PR: We had a lot of discussion regarding the scenes, but I trusted my director. We did the love scene on the first day.

    What made you say yes to the film?

    CM: I liked the concept. I also believed in everyone involved in the project.

    PR: I read the script; it was challenging.

    How do you compare to the character you portray here?

    CM: I’m way different. I always see to it that I separate my being an actor from my personal life.

    PR: We’re very different. He’s a doctor and he’s gay. I’m straight and I work in a call center.

    Did you have any reservations about accepting a gay role?

    CM: None. As an actor, I need to be versatile and flexible. I don’t see why I should limit myself.

    PR: As far as I’m concerned, for a straight man to do gay roles effectively requires a higher level of skill and commitment.

    What sets this movie apart from other gay films we’ve seen in the past?

    CM: It’s simple but realistic. People are bound to treat it with respect.

    Would you go into a gay relationship in real life?

    CM: No.

    PR: No, although I have gay friends.

    Paolo, you left show biz for a while. What were you busy with?

    Family business. But I missed show biz so much and so I’m here.

    Coco, you waived your talent fee and opted to become co-producer. How involved were you in the making of this film?

    I’ve always been involved in all the films I’ve made.

    “Daybreak” is screening at Robinsons Galleria IndieSine. It will move to Robinsons Ermita Feb. 27, then to Robinsons Bacolod March 5.

    Email [email protected]

    http://showbizandstyle.inquirer.net/...re-than-nudity

  12. #12

    Lightbulb Will lust turn to love in Adolf Alix Jr.'s "Daybreak"?

    Will lust turn to love in Adolf Alix Jr.'s "Daybreak"?
    Jude Bautista
    Thursday, February 21, 2008
    01:06 PM

    In his latest film Daybreak, Adolf Alix Jr. tells a tale of passionate love that takes place in a chilly Tagaytay setting. The movie, which takes place in a span of one day, explores an affair between a married man and a young boatman.

    William (Paolo Rivero) is a pediatrician who is becoming weary of his marital problems. While spending a weekend in his vacation house, William gets to meet a bangkero named JP (Coco Martin). The doctor is drawn to JP's youthful looks and tanned skin. The two men soon start an affair. Daybreak depicts the crossroads in that relationship. Which will William choose—his lustful needs or his marriage?

    PEP (Philippine Entertainment Portal) spotted Adolf checking up on the movie during the first screening day of Daybreak at Robinson's Galleria yesterday, February 20. He pointed out that he wanted to rely less on directorial technique for this movie. "I wanted it to be very minimal. The less the audiences noticed the camera the better. I wanted the performance to shine more than anything else."

    The director was also impressed by the way the two actors, who are both straight in real life, were able to pull off the very intimate scenes. "Realism was my utmost concern. If it wasn't convincing I wasn't going to do it. There had to be lust because they hadn't seen each other for a long time. Whether it blossoms into love is what the movie is about."

    JP (Coco Martin) is a commitment-phobe. His relationships normally range from three weeks to a couple of months. JP thinks nothing of having one sexual relationship after another. Coco's portrayal of JP has both naiveté and worldliness.

    Paolo, who plays the confused doctor, is effortless in portraying the domineering William. Despite the dictates of his mind, William's heart is still very much ruled by his attraction to JP.

    Very much like Adolf's past works, Daybreak takes place in a picturesque part of the country, this time in Taal Lake. In Donsol (2006), he showed us the waters of Sorsogon visited periodically by butanding (whale sharks). Batanes (2007) highlighted the rocky cliffs and lush hills of the most northern islands after which the movie is named.

    In Daybreak, misty fog covers rows and rows of pine trees at dawn. The sun sets on a golden lake with a volcano at its center. "I like using nature to represent what's going on in my character's relationships," he explains. "When you think of Tagaytay, you think of cool weather, so it's definitely an important element in the story."

    Noel Ferrer, project manager for GMA Films, is the executive producer of Daybreak. He admitted that he was bent on tapping Adolf for this project. "When I started on this project, I had no other director in mind but Adolf. His reputation for coming up with consistently successful films is one of the factors. His strong creative sensibility and ability to simplify complex human relationships draws audiences to the theater."

    Producer Arleen Cuevas recently worked on The Amazing Truth by Queen Racquela, which won the Teddy Award for Best Feature in the 2008 Berlin International Film Festival. Arleen co-produced Queen Raquela, which was shot on location in Cebu. The all-Filipino cast was headed by Nordic director Olaf Johanesson.

    Daybreak is rated R-18 by the Movie and Television Review and Classification Board and approved without cuts. It will be screened at Robinson's Galleria from February 20 to 26, Robinson's Ermita from February 27 to March 4, and Robinson's Bacolod from March 5 to 11.

    http://www.pep.ph/guide/1624/Will-lu...-Jr.s-Daybreak

  13. #13

    Thumbs up Meet And Greet the stars of DAYBREAK!

    May ‘Meet And Greet Session’ ang mga bida ng pelikulang Daybreak na sina Coco Martin at Paolo Rivero bukas (Sabado, Pebrero 23) nang 6:30-7:30 PM sa Robinson’s Galleria Cinema Lobby.

    Maganda ang resulta sa takilya ng Daybreak kaya extended nang isang linggo (Pebrero 27-Marso 4) ang pagpapalabas nito sa Robinson Galleria’s IndieSine bago lumipat para sa simultaneous run sa Robinson’s Ermita at Bacolod sa Marso 5 -12.

    Abante Tonite
    February 22, 2008

  14. #14

    Smile DAYBREAK, quietly touching gay romance

    NOW SHOWING
    Ruminative films examine ties that bind men

    By Rito Asilo
    Philippine Daily Inquirer
    First Posted 19:32:00 02/22/2008

    “Daybreak”
    D: Adolf Alix Jr.
    S: Coco Martin, Paolo Rivero

    Interestingly, Adolf Alix Jr.’s quietly touching gay romance, “Daybreak” (currently showing at Robinsons IndieSine) also adopts a contemplative tone. Indie cinema’s most prolific director wisely—and thankfully—utilizes his film’s less than 90-minute running time to tell an intriguing story about lovers who are left without a lot of options to save their relationship.

    Two months after their last romantic tryst in Tagaytay, Makati-based married physician, William (the sensitive but occasionally self-conscious Paolo Rivero), and Taal boatman, James/JP (Coco Martin, who’s consistently empathetic), spend emotionally- and sexually- charged hours between dawn and dusk together, as they make light of the nature of their relationship and its vast ambiguities.

    But, the constricting norms of society and the nagging demands of the future pose a threat to their romance (though we wonder just how high the stakes are for the film’s two protagonists who, it appears, are actually almost strangers to each other).

    Is love enough to save William and James’ pure but forbidden bond? The answer seems obvious.

  15. #15

    Thumbs up Daybreak: Indiesine’s Record Holder

    i Speak
    By NOEL FERRER
    Manila Bulletin
    February 23,2008

    Issue # 3 : DAYBREAK: INDIESINE’S RECORD HOLDER

    Now, it can be told! "DAYBREAK" is about the most critically and commercially successful gay film shown in IndieSine in 2008 so far!

    The film is now the year’s record holder for the biggest opening day gross of the Galleria IndieSine. It has also impressed the MTRCB reviewers.

    Nevermind, if Jay Javier’s precious photos have been disapproved for an exhibit at the IndieSine lobby. The choice pictures will see light on another occasion at the U.P. Film Center.

    This early, distributors from North America and France have signified interest in buying the film; and a major producer is scheduling a U.S. Premiere for the movie.

    Due to insistent public demand, the lead stars of the film Coco and Paolo will have an autograph signing session at the Galleria Cinema Lobby today at 6:30. p.m.

    Robinson’s IndieSine has announced the extended run of "DAYBREAK" at the Robinson’s Galleria for another week (Feb. 27-March 4) before the simultaneous run at Robinson’s Ermita and Bacolod on March 5-12.

    i SPEAK:

    Thank you for all those who supported us in this first film venture!

    To Aloy Adlawan, Annette Gozon and Joey Abacan and GMA Films, to Dave Hukom of Ignite Media and Ditoy Aguila for their technical expertise, to Noel Cabangon for the very beautiful song "Nag-iisa, Wala Ka Na," to our very generous friends in the press and the networks, and to my Tatang who I’ve looked up to a patron of media and films, maraming salamat!

  16. #16

    Cool Daybreak is interesting in that the homosexuality isn’t really central to the plot.

    Fleeting Emotions
    by Philbert Ortiz Dy
    posted on Friday February 22, 2008
    clickthecity.com

    excerpts from the review:


    "Daybreak is interesting in that the homosexuality isn’t really central to the plot. This film is really just a story about the end of an affair, and the characters needn’t have been gay for the story to work. It’s a surprisingly mature approach to writing relationships that’s rarely seen in films today. The characters just happen to be gay, and the film eschews the regular approach of pontificating about being confused or conflicted, choosing instead to just concentrate on showing two people in love."

    "The filmmaking is pretty fantastic, however. I’ve sung praises of director Adolfo Alix Jr. before, and he doesn’t disappoint. He’s developing a clear directorial style, and it’s turning out to be captivating. The cinematography is pretty amazing, easily transcending the limitations of digital filmmaking. Alix Jr. also gets a lot out of his actors, and it’s this cast that really makes the film. There are only two actors in this film, and in lesser hands, this could’ve been a disaster. Coco Martin is a proven property, and his skill in building full characters is used to its fullest extent. Paolo Rivero brings a whole lot of pathos to a pretty complex character. The two show a lot of restraint, and it’s what keeps the film at a proper tone. Together, the two are magnetic."

  17. #17

    DAYBREAK: Respectable Gay Flick

    from:CINEMANYAK

    http://cinemanyak.blogspot.com/2008/...gay-flick.html

    DAYBREAK: Respectable Gay Flick

    Seldom do I see a Filipino indie gay film that carries a solid storyline, bears fantastic acting and shows stunning cinematography. DAYBREAK by Adolfo Alix Jr. proved that "gay-topic'ed" films can go beyond sex and can go deeper.

    Known for his picturesque approach to films (watch Donsol, Kadin and Batanes), Adolfo's awesome camera treatment was in DAYBREAK. A Cinemalaya regular, Adolfo was able to create another film which defies formula. The screenplay is simple, but very powerful. It is not pretentious. Very subtle, but it will hit you hard in the end. Coco Martin is an indie expert. Few actors can do such a role, bold yet respectable.

    DAYBREAK is definitely one of the best Filipino gay oriented film I've seen in years.

    DAYBREAK happens entirely in one place: a rest house in Taal, Batangas. In a single narrative time, we discover what happens to two men spending one night contemplating whether to break up or continue their relationship. William and JP allow us to know their biggest lies. Memories and dreams, truths and lies, fears and desires, betrayal and honesty, love and hate are all closely entwined in this night. Will the light of the sunrise bring this intimacy to an end?

    Adolfo always treats the screen as his canvas, and he is not afraid putting colors over it. I once thought that this approach will not work commercially (after Donsol and Kadin in Cinemalaya). But after Batanes and Daybreak, I could fearlessly say that Adolfo Alix Jr. will be one of the biggest names in Philippines cinema.


  18. #18

    Smile Daybreak Rebyu!

    Daybreak Rebyu
    Posted by Agent Boytoy

    Sunday, February 24, 2008

    http://agentboytoy.blogspot.com/2008...-daybreak.html

    Ang mga huni ng ibon. Ang ihip ng hangin. At ang paggalaw ng mga malalagong dahon sa puno, sumasabay sa tunog na nabubuo tila isang musika habang bumubukang liwayway. Ito ang unang masusulyapan sa pelikulang Daybreak.

    Ang natural na kagandahan ng Taal ang nagsilbing backdrop ng istorya. Matatanaw ang bulkan sa gitna ng lawa na tila kalmado. May nagsasabi na "dormant" ang bulkan. Pero madalas nga daw yanigin ng lindol ang lugar. Minsan naman, nagbabadyang sumabog ang bulkan. Kaya walang kasiguruhan.

    Tulad ng kalikasan, isang tahimik at nag-aalab sa tensyon ang istorya ng Daybreak. Sila william (Paolo Rivero) at JP (Coco Martin) ang mga pangunahing tauhan. Sila ay "secret lovers". Bihira sa isang taon magtagpo ang dalawa. Sa araw na iyon, napagpasiyahan nilang magkita at magsama sa resthouse nila William. Tila normal na pagsasama ang masusulyapan sa dalawa. Nag-uusap ng masinsinan, nagluluto ng sabay, nagpapahangin sa masarap na hangin ng lugar. Ngunit sa likod ng mga dayalogo, may isang bagay ang gustong maglabas ng katotohanan. Ang mga mata. Mangusap ang mga mata ni William. Unti-unti niyang nilalatag ang gustong sabihin kahit walang dayalogo. Sa kabilang dako, si JP naman ay parang naguguluhan sa kakaibang trato ni William sa araw na iyon. Tulad ba ng bulkan, may mangyayari bang hindi inaasahan?

    Sa panulat ni Charliebebs Gohetia, nabuo niya ang simpleng istorya at tema ng dalawang lalaking nagmamahalan. Malinis ang pagkakagawa sa karakter nila William at JP. Tulad nga naman ng bahay na pinangyarihan ng pelikula, malimit ang kagamitan simbolismo ng hubad at sagad sa laman na pagkatao ng mga karakter. Mga emosyon na mahirap ipakita. Mga galit na kinikimkim at pagkonpronta sa katotohanan na hinde lamang sa uri ng relasyon nakabatay kung magtatagal ito.

    Ginampanan ng mahusay nila Coco Martin at Paolo Rivero ang mga role. Matinding emosyon at nakakabinging katahimikan ang kanilang naging sandata sa pag-arte na dinaan sa mga mangungusap na mga mata. Matagal ko nang hinahangaan ang husay sa minimalist acting approach nitong si Coco. Syempre kung anung galing ang pinakita niya sa Masahista at Tambolista, nabigyan na naman niya ng hustisya ang karakter na mahirap gampanan lalo sa tinde ng emosyon at daring love at sex scenes nila ni Paolo. Maging si Paolo ay napahanga ako sa pagganap niya bilang William. Noon pa man, napabilib na niya ako sa Live Show. Kong tutuusin, halimaw ang karakter ni William. Ito ang taong iiwasan mong makilala. Pero sa galing ni Paolo, nagawa niyang sympathetic ang karakter. Napahanga niya ako.

    Maraming simbolismo sa pelikula. Sa kalagitnaan, nag-uusap ang dalawang bida. Biglang may tumawag sa celpon ni William. Naging daan ito para maunawaan ni JP na may iba nga mangyayare. Kaya siya ay umakyat at naligo. Pumasok si William sa banyo at naghugas ng kamay. Mahusay diba. Madalas long shots at napabilib ako dito. Walang nasayang na emosyon. Lahat nakuha sa iisang rolyo. Natatanging pelikula.

    Si Adolfo Alix Jr ang direktor. Siya din ang gumawa ng mga pelikulang Donsol, Kadin, Batanes at Tambolista. Isang tingin pa lamang sa pelikula, dapat makitaan na agad ng mga trademark at potensyal ang direktor. Kay Adolfo, madalas niya gawing backdrop ang mga magagandang lugar sa Pilipinas. Madalas din ang mga long shots. At magaling siya mag-market ng mga pelikula. Nung pinanuod ko ang Kadin noong nakaraang Cinemalaya, nasa tabi ko siya at nakatayo. Tinitingnan niya kong marami ang nasa loob ng tanghalan. Mukhang masaya siya kasi punong-puno. Sa tingen ko, masasayahan din siya pag nalaman niyang mas gumagaling siya sa bawat pelikulang ginagawa niya. Kaso syempre marami pa den dapat improvements sa teknikal na aspekto. Hinde lamang isang realidad ang pelikula. Ito ay isang sining. Teknikal na lang ang kulang sa mga pelikula niya. Dapat mas maliwanag, mas distinct na kulay. Dapat mabaon sa limot ang konsepto na pag indie film eh madilim, magaslaw ang lente ng camera at marumi ang sound editing. But overall, maganda ang pelikula, daring, napapanahon, maayos ang pagganap ng mga artista at goodlooking. Limang malalakas na palakpak.

  19. #19

    Thumbs up DAYBREAK, EXTENDED sa Indiesine Robinson's Galleria!

    EXTENDED po ang DAYBREAK sa Indiesine Robinson's Galleria mula Feb.27 hanggang March 4.

    Back-to-back screenings po with SELDA.

    Check Robinson's Galleria for screening schedules.

    Spread the word!

  20. #20

    Smile Best Gay Film!

    A Little Bit
    By: Remy Umerez
    February 27, 2008
    People's Journal

    THE BEST GAY FILM

    THERE is a pink movie shown almost every week at Indie Sine at Robinsons Galleria. We saw “Daybreak,” a touching gay romance starring Coco Martin and Paolo Rivera and directed by Adolf Alix Jr. Set against a sleek and glossy background, it is by far the best gay movie we ever saw and well-acted too. Walang sinabi ang Brokeback Mountain sa kissing scene nina Coco and Paolo. Both of them deliver a sensitive performance and we hope they won’t be typecast into movies with homosexual themes.


    http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=50794

Page 1 of 2 1 2 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

CHIT CHAT:

Show affection to that one special PExer in the 2014 Mistletoe Kiss thread.

Show affection to that one special PExer in the 2014 Mistletoe Kiss thread.

read more
SHOWBIZ:

Lovie Poe denies transfer to ABS-CBN next year

Lovie Poe denies transfer to ABS-CBN next year

read more
UAAP:

UAAP extends broadcast partnership with ABS-CBN for five more years

UAAP extends broadcast partnership with ABS-CBN for five more years

read more
PROMO:

Where are you staying this Holiday Season? Join the poll and get a chance to win GCs!

Where are you staying this Holiday Season? Join the poll and get a chance to win GCs!

read more
PBA:

TNT boots Ginebra from playoffs with 83-67 victory

TNT boots Ginebra from playoffs with 83-67 victory

read more
NMFtv:

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

read more

Watch New Trailers

Watch New Trailers