PEx Highlights

FEATURE: Expectations for Gilas 3.0

With Chot Reyes out of the picture and the Gilas program 'under review', JPM ponders on the possibilities that may happen in the new Gilas.

read more

REVIEW: Beauty in a Bottle

Beauty in a Bottle is worth the look thanks to its witty and poignant script and terrific performances from its cast.

read more

Inflatable robot Baymax takes the spotlight!

In Disney's Big Hero 6, a plus-sized inflatable robot named Baymax makes a difference in the life of teen prodigy Hiro Hamada.

read more

PHOTOS: Aces Demolish Bolts

Alaska went on a demolition job against Meralco, defeating the Bolts by an embarrassing 41-point deficit, 105-64.

read more

PHOTOS: Purefoods Back to Winning Ways

Mark Barroca starred in a furious 2nd half comeback win against the GlobalPort, scoring 25 points for Purefoods.

read more

PEx Halloween: Pinoy Horror Stories

Nakakita ka na ba ng aswang o multo? Nakaramdam ng masamang spirito at mga maligno? Kwento mo na dito!

read more

Page 4 of 4 FirstFirst ... 3 4
Results 61 to 75 of 75
  1. #61
    Journal Online
    Bahay Kubo, Katas ng Saudi nangungulelat
    By: Raymund Vargas
    December 30, 2007 Sunday

    MULING pinatunayan ni Vic Sotto na siya ang pa rin ang Hari Ng Takilya base sa resulta ng kinita ng pelikula nitong Enteng Kabisote 4 sa ginaganap na Metro Manila Film Festival 2007.

    Pumapangalawa pa rin ang pelikulang mga dyowang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na Sakal, Sakali, Saklolo at pumapangatlo pa rin ang Shake,Rattle and Roll 9 na masasabi kung pinakapangit sa lahat ng SRR series.

    Buti naman at humahabol sa kita ang Resiklo ng Imus Films na dapat naman dahil sa laki ng ginastos sa paggawa ng naturang pelikula samantalang ang Bahay Kubo naman ay dumausdos sa panlima.

    Ang nakapanghihinayang ay ang Katas ng Saudi dahil magaganda ang review sa naturang pelikula at kami man ay makapagsasabing deserving na makakuha ito A rating from CEB dahil sa maganda nga ang istorya at pagkakagawa nito bukod pa sa mahusay na pagkaganap ng mga artista .Pero ano kaya ang naging problema?

    Ngayong Enero 1 naman magsisimulang ipalabas ang ikalawang batch ng mga pelikulang kasali pa rin sa MMFF at ito ay ang Banal kung saan bida sina Christoper de Leon, Paolo Contis,Alfred Vargas, Paolo Paraiso, Cassandra Ponti at si Ina Alegre na siya rin ang producer ng naturang pelikula.

    Ang Anak ng Kumander ni Manny Pacquiao at Ara Mina mula sa direksyon naman ni Jose ‘Kaka’ Balagtas at ang Desperadas nina Ruffa Gutierrez,Rufa Mae Quinto, Iza Calzado at Marian Rivera.

    Sa tatlong nasabing pelikula, ang Desperadas lang ang medyo komedi ang dating samantalang ang Banal at Anak Ng Kumander ay mga pelikulang ang tema ay naaayon sa kasalukyang panahon lalo ang pagtalakay nila sa namamayaning corruption sa lahat ng sector ng ating lipunan.

    Tiyak marami ang tatamaan at aaray sa mga pelikulang ito.

    Kaya nga sa darating na awards night ay mahigpit ang magiging labanan sa Best Actor at Best actress categories at maging sa Best Supporting Actor and Actress ay pahirapan din dahil pawing magagaling ang maglalaban-laban.

    Sana ang maging batayan naman sa pagpili ng Best Picture ay ibase nila sa ganda ng pelikula at hindi sa pagiging top grosser. Bukod na award ang ibigay rito,ito naman ay kung hindi nagtitipid ang pamunuan ng MMFF at para makaiwas na rin sila sa kritisismo na ipinukol sa kanila noong nakaraang taon.

    Mahigit na isang lingo pa ang itatagal festival at sana lahat ng pelikulang kasali rito ay kumita para na rin muling makagawa pa ng maraming pelikula ang mga producers at mabuhay na muli ang naghihingalong industriya ng pelikulang Filipino at sana sa susunod na MMFF ay mga taga pelikula na ang humawak ng festival at hindi ang mga politikong mahilig lang magpapogi.

    http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=44082

  2. #62
    Journal Online
    Pacman muntik ‘di matuloy sa U.S. dahil sa expired passport
    By: Noel Asiñas
    December 30, 2007 Sunday

    PUPUNTA sa America si Man-ny Pacquiao para doon mag-celebrate ng New Year.

    Pero, muntik nang ‘di matuloy sa Amerika si Pacman dahil sa expired passport. Mis-mong siya na nga ang nag-asikaso nito sa Department of Foreign Affairs dahil last Dec. 27 pa nawalan ito ng bisa.

    Sa pag-alis ni Manny, kasama niya ang buong pamilya para magbakasyon doon. Babalik agad naman siya sa Pilipinas sa second week of January. next year para tupa-rin ang iba pa niyang commitments sa show niyang Pinoy Records. Kailangan niyang mag-taping agad para ipalabas sa susunod na linggo.

    Mataas ang ratings ng Pinoy Records. Nangunguna na itong ngayon sa mga kalabang programa. Last Saturday, Dec.22, ay naka-19.8 % rating ang palabas.

    Bago tumungo sa U.S.A. si Manny, nag-celebrate siya ng Kapaskuhan sa Boracay. May invitation sa kanya roon ang isang resort para doon tu-muloy. Balitang balak ding bumili ng property si Pacquaio sa Boracay.

    Ang pelikula naman ni Manny na Anak ng Kumander ay ipapalabas sa Jan. 1 sa Metro Manila Film Festival. Kasabay nitong ipapalabas ang Desperadas ng Regal-GMA Films.


    http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=44109

  3. #63
    http://www.aizuddindanian.com/voi/images/new_year.jpg


    http://www.aizuddindanian.com/voi/images/new_year.jpg


    http://www.aizuddindanian.com/voi/images/new_year.jpg


    http://www.aizuddindanian.com/voi/images/new_year.jpg


    http://www.aizuddindanian.com/voi/images/new_year.jpg



    http://www.aizuddindanian.com/voi/images/new_year.jpg

  4. #64
    Journal Online
    Jinkee nagseselos pa rin kay Ara?
    By: Leo M. Bukas
    January 01, 2008 Tuesday

    NAKAKALOKA ang nasa-gap naming tsismis. Kaya pala walang mga naglalabasang photos sina Manny Pacquiao at Ara Mina na magkasama para sa promo ng pelikula nilang Anak ng Kumander ay dahil hinarang ito ni Jinkee, ang asawa ni Manny.

    Nag-photo shoot ang cast ng pelikula para ga-mitin sa promo, pero wala ni isa man sa mga nakunang larawan ang lumalabas sa print. Sayang, ang ganda pa naman ng pictures nina Manny at Ara na mistulang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, huh!

    Noon pa kami nagtataka kung bakit wala silang photos na magkasama, and we found out later na sinadyang huwag na lang itong ilabas dahil sa ‘yon ang request ni Jinkee. Nakakaloka talaga. She’s very powerful, huh!

    Hindi ba alam ni Jinkee na ang ginagawa niya ay nakasisira sa pelikula ni Manny? And why is she doing this?

    Nagsiselos pa rin ba siya hanggang ngayon kay Ara?

    We also found out kung sino ang nasa likod ng mga imbentong tsismis tungkol sa bahay at sasak-yan na diuma-no’y regalo ni Manny kay Ara. Saka na na-min ibubulgar ang kanyang identity. Ang taong ito ay da-ting close kay Manny, pero tsinugi na ng boksingero dahil nga maraming kagaguhan na ang ginawa nito.

    Anyway, here are some photos of Ara and Manny na nakuha namin. Examine them kung may karapatan ngang magselos ulit si Jinkee sa mga pose nilang dalawa.

    http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=44293

  5. #65
    Pilipino Star Ngayon
    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
    Wednesday, January 2, 2008

    Bagaman at isang bagito pa sa larangan ng pag-arte, inaasahan namang susuportahan si Manny Pacquiao ng kanyang mga fans sa takilya, sa pagpa*palabas ng kanyang una ring production venture, ang Anak Ng Kumander na sana ay nilakihan na niya ang budget para sa promosyon, tutal naman ay sinabi niyang gumastos na siya ng humigit kumulang sa P30M para sa pelikula.

    Ang dami namang naghintay ng Desperadas ni Joel Lamangan considering na apat na malalaking artistang babae ang topbilled dito – Ruffa Gutierrez , Rufa Mae Quinto, Iza Calzado at Marian Rivera.

    Hindi mapasusubalian na marami ang intere*sadong malaman kung makakaagapay si Marimar (Marian) sa tatlo niyang co-stars, at kung tulad sa Marimar, ay hindi siya nagpatalo sa paseksihan sa pinakaseksing artista ng bansa na si Katrina Halili sa kanilang bikini showdown.

    Bagaman at comedy ang pelikula, binigyan ang apat ng kani-kanilang mga moments, para mailabas ang kanilang ganda at talino sa pag-arte.

    http://www.philstar.com/index.php?Sh...id=20080101126

  6. #66
    Pilipino Star Ngayon
    Movie ni Pacman sa Davao humataw
    TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis
    Thursday, January 3, 2008

    Happy si Ina Alegre dahil mainit ang pagtang*gap ng mga tao sa Banal nang magbukas ito sa mga sinehan noong Martes, January 1.

    Si Ina ang produ ng Banal na pinilahan sa takilya at hindi nalalayo ang kinita sa first day gross ng Desperadas.

    May tsismis na P400,000 ang first day gross ng Anak ng Kumander ni Manny Pacquiao pero un*official pa ‘yon. Nabalitaan ko rin na number one sa Davao City ang pelikula ni Manny na hindi nakapagtataka dahil taga-Mindanao din siya.

    Nakarating din sa akin ang balita na hindi nai*pa*la*bas ang Banal sa mga sinehan sa Bacoor at Gotesco Commonwealth dahil maling reel ang na-deliver.

    http://www.philstar.com/index.php?Sh...id=20080102150

  7. #67
    Pilipino Star Ngayon
    MMFF Awards Night ninegosyo ng MMDA
    RATED A Ni Aster Amoyo
    Thursday, January 3, 2008

    Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na kaya hindi nakasipot si Manny Pacquiao sa Parada ng mga Artista ng MMFF nung December 24 dahil inaway ito ng kanyang asawang si Jinkee? May kinalaman kaya ito sa patuloy na pagseselos sa kapareha ni Pacman sa pelikula na si Ara Mina? O dahil sa kissing scenes nina Pacman at Valerie Concepcion? O baka naman dahil sa malaking halaga ng pera na itinapon ni Manny sa pagpu-produce ng Anak ng Kumander? Tuloy may penalty si Manny bilang lead actor at producer ng Anak ng Kumander dahil sa hindi niya pagsipot sa parada. Ang kanyang pelikula ay isa sa mga kalahok sa 2007 MMFF at nagsimulang mapanood nung Enero 1.

    Samantala, gaano rin kaya katotoo na disappointed umano si Pacman sa kinalabasan ng kanyang self-produced movie na umabot umano ng P30-M pero may mga production expenses umano na hindi maipaliwanag?

    Sa totoo lang, dapat may financial consultant si Manny at hindi siya pumapasok sa isang bagay na hindi niya lubos na naiintindihan. Pinasok niya ang pulitika nang hindi siya handa kaya nagtapon siya ng milyones. Pinasok din niya ang pagpu-produce ng pelikula nang wala siyang kaalam-alam. Kapag hindi naging maingat si Manny sa mga negosyong kanyang pinapasok, baka magising na lamang siya isang araw na ubos na pala ang kanyang pera na kanyang pinaghirapan bilang isang boksingero.

    * * *

    Malayo pa ang itatakbo ng ongoing Metro Manila Film Festival na officially magtatapos sa Enero 7 kaya maaari pang magbago ang ranking ng siyam na pelikulang kalahok. Ang unang anim na pelikulang kalahok ay nagsimula nung Disyembre 25 habang ang natitirang tatlo (Desperadas, Banal at Anak ng Kumander) ay nagsimula nung January 1.

    Kung naka-over P400-M ang 2006 MMFF, target ng MMFF committee na umabot ito ngayon sa P500-M gross na posibleng mangyari dahil sa unang araw pa lamang nito ay kumita na ito ng P60-M. Labing-apat na araw tatakbo ang filmfest kaya hindi malayong maabot nila ang kanilang target sa taong ito.

    Samantala, marami ang umaangal sa bagong pakulo ng MMDA chairman na si Bayani Fernando sa gabi ng parangal ng MMFF sa Enero 5 na gaganapin sa SMX sa Mall of Asia na magkakaroon ng ticket na nagkakahalaga ng P10,000 at P5,000 para makapasok sa teatro na paggaganapan ng awards night. Ten thousand pesos umano ang halaga ng ticket sa malapitan at P5,000 naman sa malayu-layong puwesto.

    Masyado naman yatang kinomersiyo ni Chairman Fernando ang gabi ng parangal ng MMFF. Paano ang mga bisita at mga nominado? Kailangan pa ba nilang magbayad ng ticket para lamang makapasok? Paano rin ang media na magku-cover ng event? Kailangan din ba nilang magbayad? Paano kung tamarin ang mga producer, mga artista at media na dumalo sa awards night? Sa palagay kaya ni Chairman Fernando, magkakainteres ang tao na panoorin ang awards night kung walang stars at celebrities na dadalo?

    Sa totoo lang, hindi namin makuha ang logic kung bakit may concert si Lani Misalucha sa gabi ng parangal?

    Dati-rati ay ginaganap ang parangal ng MMFF sa PICC hanggang sa tuluyan nang baguhin ang konsepto nito. Sa layo ng MOA, tiyak na marami ang tatamaring dumalo kahit mga nominado.

    Ganunpaman, tingnan natin kung magiging successful ang bagong konsepto ni Chairman Fernando sa gabi ng parangal.

    http://www.philstar.com/index.php?Sh...id=20080102152

  8. #68
    Journal Online
    Ara naaawa kay Manny
    Footloose By: Leo M. Bukas
    January 03, 2008 Thursday


    SABAY-SABAY na nagbukas nung New Year ang tatlong pelikula – Desperadas, Banal at Anak Ng Kumander ni Manny Pacquiao at Ara Mina na kasali pa rin sa Metro Manila Film Festival.

    As of yesterday, napag-alaman naming na nangungulelat ang pelikula ni Pacman pagdating sa box-office result. Second to the last naman ang Banal nina Alfred Vargas at Christopher de Leon.

    Malungkot si Ara Mina, ang leading lady ni Pacquiao sa nangyari. Naaawa siya kay Manny sa kinalabasan ng first venture nito sa film producing. Pero hindi naman niya ito sinisisi sa nangyari.

    “Manny did his best para sa movie namin. ‘Yung desire niya to help, andu’n talaga, pero siguro, hindi talaga type ng tao yung pelikula namin,” wika ni Ara.

    Simula nung premiere showing ng pelikula hanggang ngayon ay hindi na ulit naging active si Manny sa pagpu-promote ng Anak Ng Kumander. Sa analysis ng ilang taga-showbiz, mukhang nawalan ng gana si Manny nang mapanood ang pelikula na ipinagmamalaki pa mandin niya na P30-M ang budget.

    “Nag-walkout nga siya sa premiere showing, ‘di ba? It means, hindi niya type yung movie niya kaya wala siyang interes panoorin. Sa parade, hindi na rin siya umatend. Baka nga nawalan na siya ng gana,” kuwento pa ng aming source.

    http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=44464

  9. #69
    Pilipino Star Ngayon
    SEEN SCENE
    Friday, January 4, 2008

    SEEN: Flop sa Metro Manila theaters ang Anak ng Kumander. Mahihirapan si Manny na mabawi ang P30 M budget ng kanyang pelikula. Ang resulta sa takilya ng Anak ng Kumander ang sign na kalimutan na ni Manny ang pagiging artista. Hindi siya pang-showbiz, pang-sports lamang siya.

    http://www.philstar.com/index.php?Sh...aid=2008010341

  10. #70
    Meron na bang nakapanood dito? Review naman jan!

  11. #71
    http://i65.photobucket.com/albums/h218/mrphilippines53bx/kumander.jpg

  12. #72
    Abante Online
    Jinggoy at Marya, top winners sa MMFF!
    THE SOURCE ni Jojo Gabinete
    MONDAY, JANUARY 07, 2008

    SINA Senator Jinggoy Estrada, Maricel Soriano at ang Resiklo ng Imus Productions ang top winners sa Gabi ng Parangal ng 2007 Metro Manila Film Festival na ginanap sa SMX Convention Hall, Pasay City.


    Nanalo si Jinggoy ng best actor trophy dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa katauhan ni Oca, ang OFW na umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng sampung taon na pagtatrabaho sa Saudi Arabia.


    Festival best actress si Maricel Soriano para sa Bahay-Kubo ng Regal Entertainment Inc. No-show si Maricel sa awards night kaya sina Mother Lily Monteverde at Manny Valera (executive producer and supervising producer ng Bahay-Kubo, respectively) ang tumanggap ng kanyang acting award.


    Best Festival Picture ang Resiklo ni Senator Bong Revilla. Rated A ng Cinema Evaluation Board ang Resiklo.


    Best Supporting Actress si Eugene Domingo (Bahay-Kubo) at best supporting actor si Roi Vinzon (Resiklo). Surprise winner si Roi na hindi rin nakarating sa awards night at tiyak na nasorpresa sa kanyang pagkapanalo.


    Kung hindi pa nanalo si Roi, hindi namin mala*laman na dalawa ang kanyang pelikula na kasali sa 2007 MMFF dahil kasama rin siya sa cast ng Anak ng Kumander.


    Surprise winner din ang GMA 7 news reporter na si Cesar Aplonario, ang direktor ng Banal. Si Cesar ang tumanggap ng best director award at best original screenplay trophy (together with wri*ter May Cruz).


    Kahit hawak na niya ang best director trophy, hindi makapaniwala si Cesar na siya ang nagwagi at natalo niya ang award-winning directors na sina Joey Reyes at Joel Lamangan. Nagpahayag ng tuwa si Joey sa tagum*pay ni Cesar na tinawag niya na very promising new filmmaker.


    Si Joey ang direktor ng Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema at Katas ng Saudi ng Maverick Films. Ang pelikula ng Star Ci*nema ang 2nd Best Festival Picture at 3rd Best Festival Picture ang Enteng Kabisote 4.

    Tie sa Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award ang Bahay-Kubo at Katas ng Saudi.



    http://www.abante.com.ph/issue/jan0708/ent_jg.htm

  13. #73
    patok pa rin sa aksyon si Pacman.

  14. #74
    ABANTE TONITE
    ‘Kumander’ ni Pacquiao, nakatatawa
    Ni: Allan Diones

    Gininaw-ginaw kami sa loob ng sinehan dahil iilan lang kami nang manood kami ng filmfest entry na Anak ng Kumander sa TriNoma cinema nu’ng Miyerkules.
    Mabibilang na nga kami sa daliri, nagsisipag-walkout pa ang iba at hindi tinatapos ang action mo*vie ni Manny Pacquiao kaya lalo nang walang natira sa sinehan.
    Sa trailer pa lang ay alam mo na kung anong klaseng pelikula ang mapapanood mo sa Anak ng Kumander ng MP Promotions. Ang producer nito ay ang mga kapatid ni Manny na sina Rogelio at Bobby Pacquiao, at ang executive producer ay ang misis niyang si Jinkee Pacquiao.
    Kuwento ito ng isang rebelde, si Kumander Idel (Manny) na galit sa mga drug lord, jueteng lord at mga tiwaling pulitiko.
    Sa umpisa pa lang ng pelikula ay may dramatic moment na si Pacquiao nang magkasunod na mamatay ang kanyang magulang (Dante Rivero at Perla Bautista).
    Emote na emote na si Manny sa mga eksena niya pero hindi kami matangay sa pagdadrama niya dahil mas sanay kaming makita siyang nakangiti at pa*nay ang tawa.
    Itsura ng mga lumang pelikula nu’ng ‘80s ang pinanonood namin. Naaliw kami nu’ng mag-ala-Rambo si Idel matapos matigok ang nanay at tatay niya.
    Nang sugurin siya ng mga siga para palayasin siya sa bahay niya, galit na dayalog niya sa mga ito: “Muslim ang tatay ko, Bisaya ang nanay ko. Dito na ako lumaki at tumigas ang buto, tapos, palalayasin n’yo ako rito?!”
    Siyempre, siya ang bida, kaya sa liit niyang ‘yon ay nagawa niyang talunin ang apat na goons na mas matatangkad at mas malalaki ang katawan sa kanya.
    Klasik para sa amin ‘yung linya ni Kumander Idel na, “Anuman ang inutang, ‘yun din ang kabayaran. Kalabaw ang inutang, kalabaw din ang papatay!”
    Nang mapanood namin ang movie ay saka namin ‘naunawaan’ ang da*yalog niyang ‘yon. Tinalian pala ng lubid sa leeg ang mga magnanakaw ng kalabaw at saka binigti, na ang humihila ng lubid ay ‘yung mga kalabaw!
    Alam na nga natin ang kakatwang pagsasalita at punto ni Manny, ewan kung bakit kilometric ang mga matulaing linya niya sa pelikula at ang hilig niyang mag-monologue.
    Hindi na namin iisa-isahin dito ang mga da*yalog ni Pacman, na seryoso ang delivery niya, pero parang comedy ang da*ting kaya panay ang tawa namin.
    Ang isang hindi namin makalimutan ay nu’ng lusubin na ng mga sundalo (sa pamumuno ng kapa*tid ni Manny na si Rogelio Pacquiao) ang kuta nina Kumander Idel at pasigaw niyang inutusan ang mga tauhan niya ng, “Rigrop!!!” (na hindi namin na-get nu’ng una, ‘yun pala ang ibig niyang sabihin ay ‘regroup!’).
    Pamatay rin ‘yung linya ng leading lady niyang si Ara Mina na, “May isang bulaklak na hindi nasasam*yo ang bango ng isang bubuyog. Matagal nang naghihintay ang bulaklak na ‘yon. Hahayaan mo ba itong malanta?”
    Pagbitaw ni Ara ng mga salitang ‘yon ay big*la siyang nilapitan ng topless na si Manny at buong ningning siyang nilaplap nito nang halik!
    How sweet, di ba?!
    Sa gandang ‘yon ng gumaganap na TV reporter na si Ara ay hindi namin mapagtanto kung bakit siya pa ang patay na patay sa karakter ni Manny, na para bang guwapung-guwapo siya rito at hunk na hunk ang dating nito sa kanya.
    May ‘highlight’ pa si Ara na nagsisisigaw siya at nagda-drama sa gitna ng crossfire ng mga rebelde at sundalo.
    By this time ay napagtanto na siguro ng Pambansang Kamao kung tamang desisyon ba ang paggastos niya ng P30M sa pelikulang ito para lang mapagbigyan ang pangarap niyang maging isang action star.

  15. #75
    OK talaga itong si Manny.barilan at suntukan.kaya ang ganda talaga ng action movie niya.

Page 4 of 4 FirstFirst ... 3 4

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PBA:

Purefoods capture first win of the season in fierce 2nd half rally vs GlobalPort, 81-75.

Purefoods capture first win of the season in fierce 2nd half rally vs GlobalPort, 81-75.

read more
NBA:

New York Knicks play the spoiler in LeBron James' Cleveland homecoming in 95-90 win.

New York Knicks play the spoiler in LeBron James' Cleveland homecoming in 95-90 win.

read more
SHOWBIZ:

Annabelle Rama, 'surrender na' sa lovelife ni Ruffa

Annabelle Rama, 'surrender na' sa lovelife ni Ruffa

read more
MOVIES:

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

read more
CHIT CHAT:

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

read more
NMFtv:

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

read more

Watch New Trailers

Watch New Trailers