The damage has been done
Alfie Lorenzo
HINDI naisip ni Vincent del Rosario na sa pagbebenta nila ng distribution rights sa international arm ng TFC ng movie nilang co-produced by GMA-7 films ay mapi-pre-empt ang interntional premiere night ng ibang show producers for Ouija.
Ayon kay Vincent ay nagkasundo sila ng bumili ng rights na ilalabas lang ang DVD copy ng Ouija a week after the premiere night -- or on the night itself of the premiere showing.
Meron yatang may diperensya sa tenga kaya inilabas ang DVD copy ng Ouija several weeks bago ang premiere night. Kaya nakansela lahat ng binalak na premiere nights for Ouija sa US.
Hindi naman ito nakagawa ng damage for Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo dahil nakapag-charity shows pa ang dalawa sa halip na magmukmok na lang sa Amerika.
Nakatulong pa ang dalawa sa fund raising ng mga madre at pari sa San Francisco sa pamamagitan ni Sister Esperanza na tuwang-tuwa dahil sa malaking halaga na nalikom na pantulong sa maraming ulila sa mundo.
Ang malaking pasasalamat ni Sister Esperanza ay mapapanood ang footage sa Startalk this coming Saturday.
Dahil sa nangyaring mistulang sabotahe sa premiere nights ng Ouija sa Amerika ay sinabi naming hindi na gagawin ni Juday ang part 2 or sequel ng Ouija sa Amerika kung co-producer pa rin ng GMA Films ang Viva Films.
Naalarma yata ang magkapatid na Vincent at Veronique del Rosario kaya nagpatawag ng meeting sa office niya sina Vincent at Veronique sa pamamagitan ng kaibigan naming si Baby Gil.
Sa text ni Baby Gil ay sinabi niyang hindi na ibebenta sa una nilang pinagbentahan ang sequel ng Ouija kaya nagsadya na kami sa opisina ng Viva Films sa Tektite Building.
And in the photo here ay makikitang nagkasundo na kami ni Vincent sa isa pang movie na gagawin ni Juday under Viva Films.
We have worked with Vincent’s dad Boss Vic del Rosario when they were putting up Viva Films with their initial presentation, PS I Love You, second team-up of Sharon Cuneta and Gabby Concepcion after their initial team-up for Sining Silangan’s Dear Heart.
So, maliwanag na wala pa si KC Concepcion at bubuuin pa lang nina Sharon at Gabby ay nanduon na kami sa tabi ni Sharon, hence ang matunog na tawag niya sa amin hanggang ngayon ng ‘Tatay’ -- the very first one na tumawag sa amin ng ganyan when everybody else was addressing me as ‘Tito Alfie,’ vice ‘Kuya Germs’ of German Moreno, Ike Lozada’s ‘Kuya Ike’ and Inday Badiday’s ‘Ate Luds.’
Nowadays, who looks more like ‘Tito Alfie’ and ‘Kuya Germs’ sa respective edad namin? Debah, parang binabastos pa si German when a boy as old as seven-year old John-john calls the master showman "Kuya Germs’?
***
I showed Vincent Juday’s 2008 calendar na puno na until April kaya nagkakamot ng ulo si Vincent kung kelan masisimulan ang gagawin ni Juday para sa kanila sa Viva Films.
Eh uunahin muna kasi nina Juday at Ryan ang napirmahan na nilang movie under Regal Films.
Meron pa ring OctoArts ni Boss Orly na naghihintay rin ng availability ni Juday.
Hindi pa nga tapos ni Juday ‘yung Kulam for Regal Films.
Sa Enero 2008 pagkatapos ng US premiere ng Sakal, Sakali, Saklolo ay se-segue naman sa taping ng bagong teleserye nina Juday at Derek Ramsay, pagkatapos niyon ay 20 days sa Palawan si Juday para sa Ploning na ididirek ni Dante ‘Ga’ Garcia Ramsay vda. de Pascual.
Then two more indie films ang nakaabang kay Juday, one for the Jesuits and another one for the Dominican sisters naman.
Limang bagong commercials pa ang nakaabang sa available dates ni Juday for TVC shoot.
Opo, inuulan at binabaha ng offers si Juday and this she attributes sa faith niya in the Lord God at sa mga dasal at pamisa ng Carmelite Sisters sa pangunguna ni Sister Agnes at ng Virgin of Manaoag, Pangasinan with Fr. Sonny Ramirez’ prayers, too.
This is one great example that if we give our full trust to the Lord everything will be fine and dandy.
So to my reading public, our reminder: laging manalig sa Panginoong Diyos! Amen.