My experience...
Wednesday 4:30am nasa Robinsons Place Cainta na ako, medyo madami na ang tao, pero pumila pa rin ako, ang nakakalungkot nagbilang na pala yung guard at first 200 lang ang kaya iprocess that day dahil may 150 na pinabalik the day before na ginawang priority, so 350 lang ang kaya nila iprocess the whole day and sabi nun guard na magbakasakali na lang daw kami since pang-208 ako sa pila na baka magdagdag daw ng kayang iprocess ang mga taga NBI. Pero madami na ding umuwi dahil baka masayang ang oras sa kahihintay gaya nung 150 na pinabalik na lang.
Thursday 3:00am sa Galleria naman ako pumunta, malapit din kase at sabi ng friend ko mas organized sa Galle pero dahil along EDSA dapat daw maaga, pagdating ko dun may pang-61 na ako sa pila, may mga natutulog na sa semento at mga nakatakip ang mukha ng panyo.
4:00am 250-300 na ang tao
5:00am inayos na ang pila para may madaanan at para iwas na din sa mga makakapal ang mukha na sumisingit. Binigyan na kami ng instructions na kapag may sumingit isumbong sa guard para mapaalis kaagad, nagbilang na din ulit dahil yung first 200 ang unang batch na iproprocess at yung 300 eh pababalikin yata ng 11am at bibigyan na lang ng number.
7:00am - pinapasok na sa mall at nagbigay na number, pinalipat kami sa waiting room sa basement, mas comfy dito kesa sa labas, binigyan ng form at pinaalalang kailangan ng 2 valid id
8:00am - start na ng processing, 3 steps lang yun at sobrang bilis lang.
8:30am tapos na ko pero dahil super common ang name ko HIT ako at pababalikin after 2 weeks

pero yung sa iba nakuha na nila in less than 2 mins sa releasing.
TIPS & addtl info
- Magdala kayo ng anyting soft na mauupuan, matigas ang semento, masakit sa butt sobra. Magdala din ng pamaypay dahil medyo masikip na kapag inayos ang pila mafefeel mo yung init kahit 6am na
- Di na kailangan magbaon dahil katapat naman ng Ministop yung entrance, sasabihin din nung guard kung saan pwedeng magCR
-
Huwag magsawalang kibo kapag may sumingit at huwag nang magtangkang sumingit, sobrang daming sumingit kahapon at nakatikim sila ng matinding pagkapahiya dahil dun
- Very secure ang lugar pwede ka magdala ng netbook at mga gadgets, bantay sarado ng mga guards at may mga pulis din malapit sa EDSA Shrine.
- Kung govt id ang hawak hindi na kailangan ng isa pang ID, pero kung company ID/Student ID lang minsan hinahanapan pa ng supporting ID or NSO Birth Cert
- Kung sa tingin mo baka kailanganin mo, kumuha ka na din ng NBI CLearance for travelling abroad
- Magdala ng ballpen
- Kung senior citizen ka, buntis or disabled, PRIORITY ka, pumunta ka na lang dun ng 7am at pauunahin ka nila
- Think happy thoughts, madaming nega sa paligid at hindi healthy na uminit ang ulo kapag napapaligiran ng madaming tao.
Yun lang. Ayoko na ulit maulit ang experience na ito kahit kelan.
