PROMO: The Hangover 3

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3!

read more

PHOTOS: Alaska Sweeps Ginebra

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.

read more

Philippine Road-trip Destinations

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!

read more

PHOTOS: NU Outlasts AdU

The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: The Great Gatsby

Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience

read more

Page 2 of 2 FirstFirst 1 2
Results 21 to 37 of 37
  1. #21
    Piolo at Angel, atras kina Juday at Richard
    By: Nitz Miralles

    ISA sa mga itinanong kay Piolo Pascual sa launching ng Timeless album sa Star Records ay kung totoong magkakasabay ang showing ng Star Cinema movie nila ni Angel Locsin at ang GMA Films movie naman nina Richard Gutierrez at Judy Ann Santos?

    Pareho raw Valentine’s Day presentation ang pelikula ng dalawang pareha, pero walang maisagot si Piolo.

    Isang taga-Star Cinema ang nagsabing walang tapatang mangyayari at ’di nag-elaborate, like sa ibang playdate ba ilalagay ang Angel-Piolo movie?

    Pati ang hinihintay na tapatan ng shows nina Angel at Richard, hindi pa siguradong mangyayari.

    Next week pa lang magti-taping ang actress at si Piolo, samantalang may scheduled airing na ang action-fantasy ni Richard sa October. That’s unless ihabol ng ABS-CBN ang mystery drama ng bago nilang loveteam.

    Samantala, may dagdag na balita si Piolo sa mga gagawin niyang projects. Tuloy na ang shooting ng international movie niyang Wrinkles.

    Ang alam niyang director ay si Joey Reyes, pero si Johnny Manahan ang magdidirek ng scenes sa New York.

    May eksena ring kukunan sa Universal Studio backlot.

    Mala-My Big Fat Greek Wedding ang movie na tungkol sa beauty contest ng senior citizens.

    Magaling mag-English si Piolo at challenge sa kanyang mag-English with a New Yorker accent.

    * * *
    Last edited by kyupayb; Sep 21, 2007 at 02:03 PM.

  2. #22
    Ok lang! sana maganda!!

  3. #23
    PROMOTE LANG:
    Click Image and you'll be redirected to the Forum Site



  4. #24
    Quote Originally Posted by <<henrietta>> View Post
    oo nga, pedeng pede itech!

    anong hinde bagay?

    ang hinde bagay ay ang ipagpilitang piolo-angel noh!

    mas nakakapdiri yun. ano, lesbianism ang tema nun if ever?!

  5. #25
    Crispina Martinez-Belen


    Judy Ann/Richard Gutierrez movie

    She may not be leaving ABS-CBN, but Judy Ann is scheduled to start shooting a movie with Richard Gutierrez this May. This is another GMA Films’ presentation, definitely something to excite fans of both Richard and Juday.


    One thing that has been getting on the way for more work (like pictorials and taping for endorsement projects, etc.) for Juday, according to her manager, is the much delayed teleserye that she and Derek Ramsay are supposed to do (as a follow-up to "Ysabella"). Juday already shot some sequences in the US (when they went there for the premiere of "Sakal, Sakali, Saklolo") but up to now, they haven’t resumed taping. The drama series was initially titled "Habang May Buhay" but it has been changed to "Humingi Ako sa Langit."

  6. #26
    Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo plan to study in San Francisco for a year

    Nora Calderon

    Monday, April 28, 2008
    06:18 PM

    Rating






    Hinihingal pa nang bumalik sa Imperial Palace Suites si Judy Ann Santos kagabi, April 27, past 6:00 p.m. Sumaglit kasi siya sa The Buzz para sa live guesting niya with her fellow Pantene image models na sina Gretchen Barretto, Claudine Barretto, and Ruffa Gutierrez na co-host din ng naturang showbiz talk show ng ABS-CBN.



    Naghintay kasi sa kanya ang boyfriend na si Ryan Agoncillo, si Mother Lily Monteverde at ang anak nitong si Roselle Monteverde-Teo, ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo, at ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer.



    Sabi ni Juday ay 30 minutes lang daw siyang mawawala dahil promo lang ang gagawin nila, pero hinuli pala ang segment nila kaya natagalan bago siya bumalik. Kaya todo sorry si Judy Ann sa mga naghintay sa kanya at may "peace offering" siyang kiss kay Ryan.



    Nag-sign kasi ulit ng one-year contract sina Juday at Ryan sa Regal Entertainment. Last year, bago rin nag-birthday si Juday, nag-sign sila ng two-picture contract each.



    NEW CONTRACT WITH REGAl. Natapos na ni Ryan ang My Kuya's Wedding at si Juday ay natapos na rin ang shooting ng Kulam with Dennis Trillo. Ngayon, two-picture contract pa rin ang pinirmahan nila.



    Si Ryan ay may isa pang solo movie and a movie na katambal si Juday. Si Juday naman ay one movie na pagtatambalan nila ni Ryan and another movie na pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez.



    Ang naiwan nilang contract last year na sila ang magkatambal ay magsisimula na rin ang shooting sa August. This will be directed by Jose Javier Reyes, na direktor din nila sa Kasal, Kasali, Kasalo at sa sequel nitong Sakal, Sakali, Saklolo.



    After the contract signing, magka-holding hands na sumagot sina Juday at Ryan sa mga tanong ng entertainment press.



    PINOY DREAM ACADEMY. Unang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Judy Ann ang pakiramdam niya nang malaman niyang hindi na si Ryan ang magho-host ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN kundi si Billy Crawford na.



    "Ayokong mag-isip ng hindi maganda," pauna ni Juday. "Pero siguro may nangyayari talagang ganoon. Siguro ang feeling, yung nagulat lang kami dahil sa diyaryo na lang namin nabasa. Okey lang siguro kung kami ang unang nakaalam, hindi na kami magugulat."



    PANGKABUHAYAN SHOWCASE. Nilinaw na rin ng PEP kina Juday at Ryan ang balitang aalis sila at mag-i-stay sa abroad for one year.



    "Yes, nakaplano na yun kapag natapos na namin ang mga commitments namin," pagkumpirma ni Ryan. "After we have settled down, may plano na kami for the future. Iyon, ipagpapatuloy niya [Juday] ang studies niya ng Culinary Arts sa abroad. Sasama ako, hindi para bantayan siya. Baka mag-work din ako doon at mag-aaral naman ako ng photography.



    "We have our individual dreams, pero lahat ng mga nangyayari ngayon, para sa pangkabuhayan showcase namin!" nagbibirong wika ni Ryan.



    Inulit namin ang paglilinaw kay Ryan sa pagsasabi niyang "after we have settled down." Ibig bang sabihin ay mangyayari ito kapag kasal na sila?



    Natawa muna si Ryan bago sumagot.



    "Actually, maaaring kasama na nga ‘yon," sabi niya. "Basta lahat ng plano namin, hindi mangyayari hanggang hindi namin natatapos ang mga commitments dito. Wala kaming iiwanang trabaho na nakabitin."



    Sabi naman ni Juday, "Yes, ang plano ko kasi, ituloy ang studies ko sa Culinary Institute of America (CIA) dahil marami pa akong gustong matutunan para makapagpatayo ako ng business pagbalik namin dito. Naghanap kami ng branch ng CIA, although ang main school nila ay nasa New York, either sa Los Angeles or San Francisco, pero napili ko na kung saan, sa San Francisco.



    "Si Ryan, ang main school din ng photography ay nasa New York. Pero napili na rin niya na sa West Coast, sa San Francisco siya mag-aaral para magkasama na rin kami.



    "Pagdating sa kasal, wala pa kaming exact time frame. Basta aayusin muna namin lahat, mga papers... Lalo na ang papers ng anak kong si Yohan, at wala kaming iiwanang hindi tapos na trabaho," saad ng aktres.



    Dagdag ni Ryan, "Marami na rin kaming pinasok na trabahong bago ngayon ni Judy Ann. Siguro sabihin na nating ito ‘yong life namin before and after Ploning dahil talagang inayos namin lahat ito.



    "Siguro, tama na rin na hindi natuloy ang Pinoy Dream Academy sa first quarter of this year dahil nasamahan ko si Judy Ann sa shooting sa Cuyo, Palawan, at nagawa ko nga itong coffeetable book ng Ploning.



    "May mga bumili nang mga friends namin ng book noong premiere night ng Ploning sa SM Megamall. Inaayos na namin kung saan ito puwedeng mabili kasi limited lang ang copies nito, 2,000 copies lang ang ipina-print namin. Ia-announce din namin kung kailan at saan ang book signing para sabay-sabay na."



    BIRTHDAY PLANS. Malapit na rin ang 30th birthday ni Juday sa May 11. Ano ang plano ng aktres sa birthday niya?



    "Usually naman, hindi talaga ako nagpapa-party sa birthday ko," sabi niya. "Basta may dinner lang ako with my family and sa family ni Ryan. Sa araw ng birthday ko, basta mawawala na lang kaming parang bula, sina Ryan at ang anak ko. Kung saan, hindi ko sasabihin dahil gusto ko sarili ko ang araw na ‘yon."



    Last week of May ang schedule nila for their European trip with some friends. Pero hindi raw ‘yon bakasyon lamang dahil may shows din sila sa London, Milan, at Rome. ‘Tapos ay may pictorial din si Juday sa Ireland para sa TFC card. Last week of June na rin ang balik nila sa bansa.



    So, ano ang unang trabaho ni Juday pagbalik nila?



    "Baka mag-resume na ako ng taping ng Nars with Derek Ramsey dahil last year pa namin ito sinimulan. Sa movie, kung meron nang ready, puwede ko na ring simulan," sabi niya.



    Ano na ang nangyari sa sitcom na pagsasamahan nila ni Ryan sa ABS-CBN?



    "Wala pa po silang sinasabi sa amin," sagot ni Juday. "Hindi namin alam kung kailan ba sisimulan ‘yon. Noon, sabi nila magte-taping na raw kami, pero as of now, hindi pa nila kami ulit kinakausap," nakangiting pagtatapos ni Juday.



    > so tuloy parin ang banggaang richard-juday vs piolo-angel?

  7. #27
    Jojo Gabinete

    Magbubukas sa mga sinehan sa October 1 ang Mag-ingat Ka Sa...Kulam, ang pelikula na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

    Sa presscon ng pelikula noong Sabado ng gabi, sinabi ng producer na si Mrs. Lily Monteverde na espesyal sa kanya si Juday kaya binigyan niya ng solo movie ang aktres.

    “Mabait siya. I consider her a big star. Judy Ann deserves to have a solo movie!”

    Pagkatapos ng Kulam, tatlong pelikula pa ang nakatakda na gawin ni Juday sa film outfit ni Mother Lily, ang project na pagsasamahan nila ni Ryan Agoncillo, ang Judy Ann-Richard Gutierrez movie at ang Judy Ann-Marian Rivera starrer.

    Balak sana ni Mother Lily na bigyan ng filmfest movie si Judy Ann pero busy pa ang aktres.

    Hindi naman malilimutan ni Judy Ann na ang Regal Films ang movi*e outfit na sumugal sa kanila ni Gladys Reyes noong mga TV star pa lamang sila.
    Ang Regal Films ang producer ng Sana Naman, ang hit movie nina Judy Ann, Gladys at Wowie de Guzman.

    Ipinaalaala ni Alfie Lorenzo (Judy Ann’s manager) na noong mga panahon na ‘yon, tanging ang direktor na si Boots Plata ang nangulit kay Mother Lily na gawin ang Sana Naman.

    Ipinagmamalaki rin ni Judy Ann na nakatanggap siya ng mga acting award sa mga pelikula na ginawa niya sa Regal Films.


    > regal na to? o co=prod na naman?

  8. #28
    Regal Films celebrates year-long 48th anniversary with "Mag-ingat Ka Sa...Kulam"

    Dinno Erece

    Monday, September 8, 2008
    07:28 AM

    Rating
    [Rate as 1] [Rate as 2] [Rate as 3] [Rate as 4] [Rate as 5]

    *
    *


    Regal Films is all set for its one-year 48th anniversary celebration starting this October.



    Month of August dati isini-celebrate ng Regal Entertainment ang anniversary nito magmula nang ipapalabas ang unang pelikulang iprinodyus nila, ang Kayod Sa Araw, Kayod Sa Gabi noong dekada ‘70. Binago ni Mother Lily Monteverde ang buwan ng selebrasyon dahil sa dalawang rason.



    Una, ibinilang ng Regal ang taon na una silang pumasok sa showbiz hindi lang bilang producer ng local movies kundi sa pagsisimula nila bilang taga-release ng foreign movies. Dating Good Harvest, sila ang nag-release ng isa sa pinakamalaking pampamilyang pelikula ng Hollywood noong 1962 na All Mine to Give.



    Ikalawa, "sa Chinese tradition, August is the month of the dead and the ghosts," paliwanag ni Mother Lily sa presscon ng Mag-ingat Ka Sa... Kulam. Sa international movie ni Alessandra de Rossi na The Maid, ito ang naging tema ng pelikula—ang pagdating niya sa Singapore na panimula ng celebration of the angry ghost sa buwan ng Agosto.



    Isang taon magsi-celebrate ang Regal at sunud-sunod na projects ang gagawin nila. Dapat sana'y ia-announce ito ni Roselle Monteverde-Teo sa general question and answer ngunit naputol ang pagsagot niya sa isang segue question kung kaya't kinausap na lang namin siya pagkatapos ng Q&A.



    "Marami. Una na yung apat na movie ni Juday [Judy Ann Santos]," pauna ni Roselle.



    Dalawang two-picture contract ang pinirmahan ni Juday para sa Regal. Una na nga rito ang Mag-ingat Ka Sa... Kulam kasama si Dennis Trillo na ipalalabas na sa October 1. Gagawin na ang kasunod, ang balik-tambalan nila ng kanyang real-life boyfriend na si Ryan Agoncillo, na malamang ay maging opener ng Regal para sa 2009.



    Sa dalawa pang pelikula ni Juday, una ay ang pagsasama nila ni Richard Gutierrez at ikalawa ay ang isang pelikula naman na pagsasamahan nila ni Marian Rivera.



    Hinahanda na rin ang dalawang festival entries ng Regal sa 2009 Metro Manila Film Festival-Philippines na Shake, Rattle & Roll X at Desperadas 2. Next year, makiki co-produce pala ang Regal sa GMA Films para sa ikalawang pagsasama nina Richard at KC Concepcion na When I Met You.



    Ang isa sa pinag-uusapan pa lang at pinaghahandaan ng Regal ay ang pagbabalik ni Gabby Concepcion sa Regal at binabalak nilang iparehas si Marian sa dating matinee idol ng dekada ‘80. Naitanong namin kung co-produced din ba ito with GMA Films. Hindi raw, iba kasi ang plano ng GMA Films para sa isang picture contract nila kay Gabby, si Iza Calzado ang binabalak nilang ipareha.

  9. #29
    Quote Originally Posted by crystalblast View Post
    Judy Ann Santos to do a Valentine movie with Richard Gutierrez

    Nora Calderon

    Kinumpirma rin ni Tito Alfie ang balitang gagawa ng pelikula si Juday katambal si Richard Gutierrez. Ito raw ang magiging Valentine presentation ng GMA Films at Regal Entertainment at posibleng makatapat naman ng pelikulang gagawin nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa Star Cinema.

    Ayon pa kay Tito Alfie, kasama rin sa Juday-Richard movie ang unang ka-loveteam ng aktres na si Wowie de Guzman, na gaganap bilang first boyfriend ni Juday sa pelikula. Si Joey Reyes daw ang magdidirek at siyang susulat ng pelikula.
    how can that be when the Piolo-Angel movie will be shown in november. may premiere pa nga dito sa san francisco sometime in november. isn't gma films showing their richard-kc movie on valentines day?

  10. #30
    sinungaling naman ang article na yan... sa Nov 12 na yung movie ni Angel and Piolo.. and KC/Richard ang pang-Valentine nang GMA.. ano ba yan...

  11. #31
    sa November 12 ang alam kong showing ng Gelo movie.

    not february di ba. How about Richard-KC movie for GMA films ??

    ang gulo .

  12. #32
    yan yung unang press release na pangvalentine. pero oviuous namang hindi natuloy yung original plan.

  13. #33

  14. #34
    matuloy na kaya this time around

    Abante-Tonite
    Alfie Lorenzo

    Juday-Richard movie, inaayos na

    Kahapon ay nag-meeting na naman kami ng GMA Films for the much-awaited na Juday-Richard Gutierrez movie na five years na yatang binalak bago pa ma-conceive ‘yang Richard-KC Concepcion, two films na ginawa ng Star Cinema at GMA Films.

    Gusto ni Annette Gozon na mag-shoot na ng October, pero ‘yun din ang shooting months na ibinigay ni Juday for OctoArts films para sa MMFF entry na My Househusband.

    The Juday-Richard movie will still be enclosed sa Ouija series.

    Kundi raw pupuwede pa si Juday, gagawa naman ng isang Marian Rivera-Richard movie na buong pusong sinang-ayunan ni Bisaya na kasama namin sa meeting namin sa Red Crabs. Wah listen si Bisaya sa storytelling ni Joey Abacan dahil mas concentrated siya sa babaeng alimango at black squid adobo!

  15. #35
    since it looks like this team-up will be in the Ouija sequel, I will post future articles on that thread

    perhaps there can be another Judai-Richard-centered film after Ouija 2...who knows

    Abante-Tonite
    Alfie Lorenzo

    May katwiran sina Cristy Fermin at Ruffa Gutierrez sa sinabi nila sa Paparazzi kahapon na hindi dapat sundan kaagad si Lucho.

    Dapat daw movies & commercials muna ang harapin ni Juday at pagpapalaki muna kay Lucho.

    Kinulit kasi si Juday ng mga reporter na dumalo sa presscon ng Purefood hotdogs commercial na dapat na raw sundan si Lucho.

    For me, hindi pa dapat kahit gusto na nina Juday at Ryan. Dapat muna nilang ma-enjoy si Lucho na wala pang one year old.

    Sa October 6 pa magwa-one year si Lucho.

    Dapat pag three or four years old na si Lucho masundan dahil alam nina Juday at Ryan ang pinagdadaanan ni Yohan ngayon -- kung hindi ba ito nagseseloss sa younger brother niya?

    Biro mo, kung masusundan agad si Lucho, hindi pa nagsasawa man lang si Ryan na magpalit ng pampers ni Lucho, may bago na namang lalampinan?

    At anong magiging role ni Lucho paglaki niya, insecure sa bagong kapatid?

    Magbubuntis lang pala si Juday, eh bakit nagpapayat pa siya kung tataba na naman pala uli siya?

    Tatlong movies ang gagawin ni Juday this year.

    Ready na raw si Juday to shoot in August for their MMFF entry for OctoArts, then sa October type na rin ng GMA Films na gawin ang Juday-Richard Gutierrez Ouija na pam-Valentine presentation, wait din ang Regal Films at Viva Films.

    Panay na ang taping ni Juday for her cooking show sa ABS-CBN kung saan sabi eh nag-renew na raw ng kontrata niya si Juday till 2013.

    Ows? Hindi nga?

    Dapat din sexy si Juday pag shoot niya ng iba pang commercials niya.

    Hindi nakapasa si Juday sa Biggest Loser ni Sharon, kasi, kulang na siya sa timbang.

    Ha! Ha! Ha!!!

  16. #36
    Richard at Judy Ann tuloy ang pagsasamahang pelikula

    Last taping day ng Captain Barbell this Friday. Pero hindi mababakante ng matagal si Richard Gutierrez kahit tapos na ang taping ng series dahil marami siyang naka-line-up na trabaho.

    Ten days lang siya pinayagang magpahinga at pagbalik, paghahandaan na ang Season 4 ng Survivor Philippines. May gagawin din siyang environmental special sa GMA News & Public Affairs at itutuloy ang Anatomy of a Disaster.

    Panay-panay din ang meeting ni Richard sa GMA Films, kung saan siya may movie contract. Inaalam namin kung anong project ang gagawin ng aktor at kung sino ang makakapareha dahil nabalitang magtatambal sila ni Judy Ann San Santos. Aalamin namin ang playdate ng movie at kung tuloy din ang paggawa nila ng movie ni Angel Locsin na balitang sila rin ang producers.

  17. #37
    PEP.PH
    January 27, 2012

    PEP: What happened to his supposed project with Judy Anne Santos?

    Richard: His answer: "I'm not sure pero hopefully matuloy din yung with Juday...

    "She gave birth and, you know, she did a movie, yung sa Metro Manila Film Festival...

    "Hopefully, matuloy din yung project with Juday."

Page 2 of 2 FirstFirst 1 2

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Watch New Trailers

Watch New Trailers




Caught Up Default

Sub title

Trailer: Fast and Furious 6
The entire gang's back and badder than ever, reuniting for their most high-octane adventure yet. view more


Trailer: Epic
From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more


Review: The Great Gatsby
Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more




Forums Directory