PEx Highlights

The Best of 2014: PExers Choice Awards

The results are finally here! Find out who won the hearts of the PinoyExchange community in The Best of 2014: PExers Choice Awards!

read more

GALLERY: PBA Philippine Cup Semifinals

Check out photos from each game of the PBA Philippine Cup Semis here!

read more

REVIEW: Laggies

If Laggies was an animal, it will be an old turtle -- slow, old and boring. Read our full review here.

read more

Where are you staying this Holiday Season?

Join the Call Center promo and get a chance to win Pizza Inc Gift Certificates!

read more

FEATURE: Top UAAP Stories in 2014

We take a look back to reflect and celebrate the best stories in the UAAP that happened in the past year.

read more

PEx Christmas: The PBA Christmas Wishlist

'tis the season of gifts and wishlists! JPM plays Santa's consultant and lists down the best Christmas gift for each PBA team.

read more

Page 1 of 2 1 2 LastLast
Results 1 to 20 of 35
  1. #1

    Exclamation

    Tesis: Mayroong ibat-ibang aspeto na umaapekto sa kagandahan at pagiging epektibo ng message boards.

  2. #2

    Talking INTRODUCTION

    Ang message board ay isang forum na makikita sa web page ng isang web site. Ito ay kalimitang ginagamit para mai-voice out ng kahit sino ang opinyon nila tungkol sa mga bagay-bagay. Ang mga message boards ay kalimitang may sari-sariling purposes at ito ay kasama rin naming bibigyang atensyon sa aming report. Ang message board ay maarin maging educational, maaring maging tungkol sa entertaiment, at maari ring tungkol sa mga eskwelahan. Ang pinag-ukulan namin ng atensyon ay ang message board ng pinoyexchange.com, ito ay ang Campus Chat. Ang Campus Chat ay isang message board na para sa mga estudyante. Napapag-usapan dito ang kanilang mga opinyon tungkol sa kanilang professors, sa kanilang mga classmates, at marami pang iba.

  3. #3

    Red face CONTENT

    Ano nga ba ang mga naka-post dito? Kadalasan ang mga pinag-uusapan dito ay tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kasalukuyan. Ito ay maaaring politikal, sosyal o edukasyonal. Ang malaking bahagya nito ay tungkol sa mga eskuwelahan, kolehiyo, at mga unibersidad. Napaguusapan dito ang mga sari-saring kwento at mga pangyayari na nagaganap sa loob ng paaralan. Kasama na rin dito ang mga talakayan tungkol sa mga piling estudyante na may mga kakayahan at katangian sa larangan ng kanilang pag-aaral at extra-curricular na aktibidad. Ang mga taong hinahangaan katulad nila Mon Jose, Paul Tanchi. Madalas na banggitin kung gaano sila kagaling sa kanilang paglalaro ng basketbol at kakayahan na ipagsabay ang basketbol at pag-aaral. Sari-saring mga tao na kilala at hinahangaan ang madalas na pinag-uusapan sa mga forums.
    Madalas na rin banggitin dito sa forum kung sino sa tingin nila ang pinakamahusay na propesor. Napapagusapan kung gaano kagaling at kung paano nila hinahangaan ang mga ito. Paminsan nababanggit na rin dito ang mga personal na bagay tungkol sa kanila. Ang daming mga issues na minsan ay nakakasakit na rin ng damdamin.

  4. #4

    Thumbs up CONTENT (continued)

    Sari-saring usapin ang matatagpuan dito kung saan mayroong kalayaan na makihalubilo sa forums. Sa pamamagitan nito, naipapahayag ng mga tao ang kanilang mga opinyon o palagay sa mga maiinit na usapin. Nailalabas ang sariling damdamin sa mga usapin na halos kabahagi na rin sila sapagkat nakakaugnay sila sa mga naka-post. Halimbawa na rito, kung sino ang pinakamaganda para sa kanila, at iba pang mga masasayang kwentuhan ng mga karaniwang estudyante.
    Mayroon nga bang positbo ang contents ng forum na ito? Mapapnsin ninyo na minsan masaya ang mga nagpopost dito. Kung sa pakikipagugnayan ng mga ibang tao, na hindi naman na kakasakit ng iba, masasabi nating may postibong epekto ito. Dito nakakapagusap ang mga sari-saring tao kahit hindi naman sila magkakakilala. Masaya rin ito sapagkat mayroon kayong napapagusapan na pareho ninyong alam at nakakarelate kayo sa isa’t isa. Paminsan ang mga naka-post sa mga forums na ito ay mga karaniwang na mga tanong na sino sa palagay ninyo ang okei para sa inyo, at mga iba pang bagay na pwedeng mapag-usapan ng mga tao. Ngunit hindi rin natin maiiwasan ang mga paninira ng ibang tao. Hindi natin maiiwasan na mag-post sila ng mga hindi nakakatuwang topics tulad na ng SINO MAS JOLOGS COE O COS? Mahirap ng iwasan ang mga ito sapagkat hindi naman ipinagbabawal dito ang mga ganitong topics.
    Mapapansin naman natin na hindi ito edukasyonal sapagkat ito ay ginawa upang maipahayag nila ang iba’t-ibang damdamin. Ang purpose naman nito ay para makapag-chat ang mga tao. Sari-saring mga tanong at sari-saring mga sagot ang mababasa mo dito.

  5. #5

    Unhappy BEHAVIOR

    Meron dating mga guro na nagsasabi na ang iyong handwriting o penmanship ay nagrerepresenta ng iyong katauhan. Dito naman ay ang iyong message ay nagpapakita ng iyong behaviour. Sa simpleng pagoobserba ng mga message boards at ng mga mensaheng naksulat dito ay maaring makagawa ng simpleng konklusyon tungkol sa mga behaviour o katauhan ng taong naglagay ng message. Dahil sa pagkadamidami ng mga topic na maaring pagusapan sa mga message boards ay maraming rin pagkakataon na ipahiwatig ng mga tao ang kanilang mga tunay na mga nararamdaman. Sa gamit ng message boards ay naiilabs ang mga opinion ng isang tao katulad na lamang ng nararamdaman ng estudyante tungkol sa isa niyang titser maging sa kaslukuyan o kahit nagdaan na. Isang halimbawa nito ay ang sumusunod:

    Posted By: Ms. Joelle:
    i knew there are lots of teachers that left big marks in your heart... and they even sign a big 4.0 or 0.0 in your course cards... so, let them know how appreciative we are of all their help and support to us...
    my vote goes to Engr. John B. Tubongbanua... i can't say that he's the best... but he's definitely a great teacher... he's unlike others who disguises as if they know what they teach, but in reality, they can't even understand what they're talking about... and that makes this man different, he teaches based on his experience... he doesn't only teach college studs but he also trains other professionals...

  6. #6

    Question BEHAVIOR (Continued)

    nakikita dito ang pagpapasalamat at pag-appreciate ng isang estudyante para sa kanyang naging guro. Ngunit hindi lamang ito ang naiilagay sa mga message boards maaring rin hindi gaano kaganda ang nakalagay na mensahe ayon sa behaviour ng nagpopost dito kagay nito:
    Posted By: qwerty78
    as for the one teacher that i'll never forget, i think i'll have to go with Sir Jefferson Tan Lo.

    pano ba naman no! sa kanya ko nakuha ang LOWEST grade ko sa tanang buhay ko!! unforgettable talaga!

    siguro paglayas ko dito sa DLSU, pag meron man akong maaalala na tao dito, siya yun! baba kase magbigay ng grade eh! nyehehehe!

    [Edited by qwerty78 on 10-26-2000 at 11:47 AM]


    Kapag mayroong pagkatino ang behaviour ng naglalagay ng mga mensahe ay makikita na maayos at maganda ang dating nito at ang mensahe niya ay epektibong napapaabot sa sino man ang makapagbasa nito. Ayon sa teorya ng mga nag-aaral tungkol sa behaviour ng tao, mayroong pangangailangan ang tao namaging parte ng isang bagay o di kaya ng grupo, ito ay tinatawag na “need to belong”, at sa pamaraan ng message boards ay kanilang na-fufullfill ang pangangailangan na ito. Kapag kanilang napapansin na meron silang mga kaparehong gustong bagay o parehong kagalit na tao at kanilang napapagusapan ay nararamdaman nilang parte sila ng isang bagay.
    Sa loob ng silid aralan ay hindi lahat ng bagay ay naipapahiwatig ng isang estudyante maging isang opinyon ito tungkol sa sabdyek, kapwa estudyante o titser. Di rin niya minsan naipapakita ang tunay niyang katauhan o parte ng kanyang katauhan na narereflect ng kanyang behaviour, ngunit sa gamit ng message boards ay maaring niyang

  7. #7

    Talking BEHAVIOR (Continued)

    mai-voice out ang mga ito at mapaikita ang kanyang creativity sapag-describe ng kung ano-ano.
    Example:
    Posted by: dafunk
    may isang estudyante sa goks na ka-look-alike ni grimace! kulay brown lang
    nga...
    meron rin mga mensaheng maaring makaoffend ng ibang tao, at maaring makapag-flutter rin naman ito sa iba. Sa mga ganitong mga mensahe maaring makita ang behaviour ng mga tao.
    Example:
    Posted by Boochie2
    Originally posted by badoochi
    quote:

    Originally posted by DonJuanDeMarco
    I think I'll have to choose Ms Shirley Palisoc .
    She's so hot , I can't get her outta my mind...

    What 'dya think Golden Boy....


    now that's one NASTY sh*t!!


    Haaahhahahah
    yer right badoochi... she's such a piss in the ***

    Ang mga ganitong mensahe na batay sa behavior ng nagpopost dito ay

    nakakapekto sa kagandahan at pagkaepektibo ng mga message boards.

  8. #8

    Wink LENGUAHE

    Ang Kahalagahan ng Lengwahe sa isang Message Board:

    Malaking component ang lengwahe sa pagiging epktibo ng isang message board. Ito ay sa kadahilanang ang language o lengwahe ang nagbibigay daan sa pagkakaintindihan ng mga participants sa isang message board. Napaka-importante ng language dahil ito ang nagbibigay buhay sa isang message board. Bakit ko nasabi ito? Ito ay dahil sa pamamagitan ng language, ay navo-voice out ng participant sa isang message board ang kanyang opinion, ang kanyang mga views tungkol sa isang bagay. Dahil din sa language ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang mga participants ng isang message board.


  9. #9

    Angry LENGUAHE(Continued)

    Ano nga ba ang kalimitang anyo o porma ng lengwahe ang ginagamit sa message board?

    Kalimitang ‘taglish’ ang gamit na language ng mga gumagamit ng message board na ito. Meroon din namang pure English lang at meron din namang gumagamit ng Filipino at meron ding gumagamit ng pure Tagalog ngunit hindi ito kadalasan.
    Naririto ang ilang mga halimbawa ng messages sa isang message board na nasa Ingles, Filipino at Tagalog:
    Message Board Topic: your favorite DLSU teacher and their famous lines
    _Mase_
    Member
    Registered: Sep 1999

    09-15-2000 06:43 PM

    Melvyn Kirk Yabut, PHILHIS professor, first day of class:

    "If you're bad, I'm badder."

    Up to now (this was last year), I'm still not sure if he was joking or not.

    But anyway, his line's been stuck in my head.

  10. #10

    Question LENGUAHE(Continued)

     Malimit English ang ginagamit sa isang message board dahil mas nae-express ng nagpo-post ng message ang gusto niyang sabihin sa English.
     Ito rin ay dahil pag Tagalog o Filipino na ang kanyang gagamitin, hindi na niya masasabi ng mabuti ang gusto niyang sabihin.

    palaso
    Member
    Registered: Jul 2000


    09-25-2000 10:05 PM

    Sir Bobby Mendoza ng Psychology Department:

    ARE YOU REALLY HAPPY?

    noong nasa college ako, laging ito ang hirit nya everytime na may makakasalubong na estudyante/kaibigan/kapwa guro . and take note, he had a unique way of asking the question. matatawa ka na lang. sa mga kumukuha ng psych dyan sa la salle, ito pa rin ba ang hirit nya o may bago na syang pa-uso?

  11. #11

    Talking LENGUAHE (Continued)

     Filipino ang pinaka popular na gingamit sa message board ng Campus Chat. Ito ay dahil ganito magsalita ang karamihan ng mga kabataan ngayon. At dahil sa mga kabataan ang pinakmalimit na gumagamit ng message board na ito nadadala nila ang kanilang way ng pagsasalita sa pagpo-post ng message sa message board.
     Filipino rin ang kadalasang ginagamit na lengwahe dahil sa pagiging epektibo nito. Ito ay dahil sa asimilasyon. Dahil sa naa-asimilate na ngayon ang karamihan na mga salitang Ingles sa Filipino, nagkakaroon ng freedom ang participant ng isang message board na mai-express ang kanyang views ng walang limitasyon sa lengwahe na kanyang ginagamit.

  12. #12

    Smile LENGUAHE(Continued)

    Kalimitan ring nagkakaroon ng pagpapaikli sa spelling ng salita sa isang message board. Ito ay dahil din sa behavior ng nagpo-post ng message sa isang message board. Dahil sa sobrang laganap na ng text messages na kung saan na-uso ang pagpapaikli ng mga spelling ng words sa kadahilanang hindi na magkakasya ang lahat ng sasabihin sa sobrang pagkalimitado ng mga characters na dapat gamitin sa text, nadala na rin ito ng mga karamihang participants sa kanilang mga replies sa message boards.
    Ang mga halimbawa nito ay makikita sa susunod na pahina at ang mga pinaikling spelling ng mga salita ay makikitang naka-highlight.

  13. #13

    Exclamation LENGUAHE (Continued)

    Kalimitan ding sariling lingo ng mga kabataan ang nagagamit na lengwahe sa isang message board lalo na kung dominated ito ng mga kabataan kagaya ng message board na Campus Chat.
    Naririto ang isang halimbawa:
    pranZ
    Member
    Registered: Jul 2000


    09-25-2000 09:46 PM



    mr. aaron ronquillo
    "o, remember ang no-epal rule a"
    "yung ano..yng ano a ano..ano..."
    "a remember another policy natin a, walang mag-aasume a"
    he's quite weird but ok naman **** siya..nakiki-ride sya sa mga jokes namin..=).


     Kagaya ng ginamit sa halimbawang ito, ang ‘o-epal rule’, marami pang sariling lingo ang mga kabataan na ginagamit sa mga replies nila sa isang message board. Kasama rin dito ang mga terms na ‘yosi’, ‘jologs’, at marami pang iba.
     Bakit nga ba ito ginagamit sa isang message board? Ito ay dahil na rin sa orientation at behavior ng mga kabataan na gumagamit ng message board. Dahil sa pagiging exposed ng mga kabataan sa iba’-ibang klase ng lingo, nagagamit na nila ito sa sarili nilang conversations. At kasabay din nito ang pagbuo nila ng sarili nilang expression based sa mga expression o lingo na kanilang naririnig. Dahil din mayroong

  14. #14

    Unhappy LENGUAHE (Continued)

    sariling lingo ang kabataan, sumisilbi din ito na parang aid sa pagkaka-intindihan sa isang message board. Ito ay dahil nagakakaintindihan ang mga kabataang gumagamit nito dahil naiintindihan nila ang lingo ng isa’t-isa.
    - dahil sa language na ginagamit sa isang message board, nagkaka-intindihan ang mga participants o ang mga nagpo-post ng messages sa isang message board
     kalimitang English ang ginagamit na language sa Campus Chat pero meroon ding nagta-tagalog at nagfi-filipino sa mga nagpo-post ng message sa Campus Chat
     malimit din na pinaiikli ang spelling ng mga salita
     kalimitan rin na lingo ng kabataan ang ginagamit na language sa message board

  15. #15

    Lightbulb FREEDOM OF SPEECH/EXPRESSION

    Sa ngayong mundo ng "knowlege economy", ng "velocity", napakaimportante ang information. Sa totoo, inpormasyon na ang deciding faktor kung isang bansa ay maging malakas at may potential o hindi. Kaya, lahat ng mga bansa sa mundo ay subukin at sikapin sa pagpadevelop ng IT (information technology) kahit mayaman o mahirap man sila. At sa mga iba't ibang sphere ng IT ngayon, internet ay ang bagay na dapat binigay ng maraming concentration ng halos lahat na bansa dahil iniconsidered nito ang "information superhighway".
    Gayunman, katulad ng lahat ng mga bagay sa mundo, may dalawang mukha din ang internet - ang mabuti at ang masama. Dahil sa ito, kailangan pa rin na may "human touch" ang internet para mas kaunti ang mga masamang epekto ang internet at makadult ng mas maraming mabuting epeckto. Samakatuwid, kahit na napakaliberal ang internet, may rules at restriction na dapat sana sundiun ng mga gumagamit ng internet katulad ng mga privacy policy sa email, e-commerce o mga "netiquette" sa chatting, at iba pa.
    Ganoon din sa "message board" o sa "forum". Kung gusto ng mga gumagamit na maging epektibo at maganda ang kanilang message board, dapat mayroon silang mga rules, restriction o userguide para itigil ang mga masamang epekto, katulad ng mga alitutunin ng "freedom of speech/expression" - na isang napakaimportanteng aspekto ng "message board".

  16. #16

    Angry FREEDOM OF SPEECH/EXPRESSION (Continued)

    Kung masyadong malawak o istrikto ang "freedom of speech/expression" ang isang message board, maaaring maging hindi kasing epektibong o maganda ang mga epekt ng message board sa mga gumagamit. Kaya, dapat maging tama, accurate, tumpak at specific ang mga alitutunin upang makuha ang mabuting epekto ng "freedom of speech/expression". Ito ay posible dahil hindi na pwedeng inabuse ang message board ng mga user at pwedeng pa rin binigian ang mga sumusunod na epeckto and message board.
    Una, ay ang maging responsable ang mga gumgamit. Maaring maging careless, ofensive, thoughtless o irresponsible sa mga posting ang mga gumagamit kung wala ang mga kalitutunin katulad ng mga sumusunod na mula sa http://www.pinoyexchange.com:
     You agree not to provide any Messages to the PinoyExchange Forum that (a) infringes any third-party intellectual property or publicity/privacy rights, (b) is knowlingly false, and/ or defamatory, inaccurate, abusive, vulgar, hateful, harrasing, obscene, profance, sexually oriented, threatening, ivasive or a person's privacy, or otherwise violate of any law or regulation, (c) contains any viruses, (d) promotes privacy.
     As each forum is specifically tailored to address certain topics, you are responsible for initiating new threads in the correct forum. You should stay on-topic at all times. The appropriate content for each forum is descrebed in detail on the PinoyExchange Forum Hompage.
     You agree not to post the same message in multiple forums without permission from the PhinoyExchange Administrator. All such requests for permission should be directed through the Administrative Forum.
     You agree that "chatting" or exchanging personal messages with the other participants should be done in the Small Talk forum.

  17. #17

    Red face FREEDOM OF SPEECH/EXPRESSION (Continued)

     "Flaming" or lashing of other participants is strictly forbidden. Proper etquette is required for participation on PinoyExchange.com.
     "Spamming: or sending electronic junk mail or junk newsgruop postings, in any form, is strictly forbidden.
     You agree not to use the PinoyeExchange Forum to either advertise or promote commercial endeavors, which includes direct posts, as well as, active links to other sites on the Internet, without permission from the PinoyExchange Administrator. All such requests for permission should be directed through the Administrative forum. You may, however, include expanding on comments or providing additional information as part of regular forum interactions.
     You agree that you will not incorporated any word in your name, Message ID or password that violates any trademark, service mark, or other propreitary/intellectual property rights of any third pary, including, without limitation, that of PinoyExchange.com or PEx, Inc.


  18. #18

    Talking FREEDOM OF SPEECH/EXPRESSION (Continued)

    Posted by d_a_z_z_y on 07-25-2000 12:24 AM
    Bong Razon? Well, he also gave a failing mark in (would you believe..) BASICON; but i don't hate him for that. I treated it as a challenge! it's how you look at things namen eh... Oliver? HAHA! ingat ka lang tsong! Sir Oliver is one of the most effective teachers i've ever met..not only is he a close friend of mine, but also Sir Oli really teaches well!!! hindi ako humihigop, i', saying this from my perspective ..oh well, barbell, you con't please everybody. PEACE! I don't hate any CCS teachers...teachers from other departmens pa pwede! like Mathe Department.. I am from Catch 2001, a senior, taking her practicum, and proud to say that I survived the core subjects of CCS!!! >;>;>;===ANIMO CCS!===>;>;

  19. #19

    Arrow FREEDOM OF SPEECH/EXPRESSION (Continued)

    Sa nating naipakita, masisiguro natin na ang mga gumagamit ng message board katulad ng tao sa itaas, ay resposable sila sa mga posting ngunit maging pa rin silang malikhain (ang gamit ng mga emoticon, mga kakaiba na salita, walang kaparis na stylo), kritikal (mayroon silang sariling opinion na logical at hindi influenced by mga iba't ibang gumagamit na hindi naman fair o masyadong personal) at comportable (dahil pwedeng siyang express ang mga sa utak niya, mga bagay na hindi niya gusto o gustong gusto niya, mga stress o pleasure). At hindi ito possible kung hindi tumbak ang mga alitutunin. Kaya, napakaimportante ang mga karampatan ang restriction sa "freedom of speech/expression" sa mga message board.

  20. #20

    Talking FREEDOM OF SPEECH/EXPRESSION (Continued)

    Pero, hindi lahat ng mga gumagamit ng mga message board ay responsable para sundin nila ang mga rules at restriction. Kaya, importante rin na mayroon mga moderator para sa administration ng mga posting, at mga "freedom of speech/expression" ng mga gumagamit. Paaano ito posible? Ito ay posible dahil sa mga susunod na content filtering ng mga moderator:
     PEx, Inc. reserves the right to edit, delete, or prune any and all Messages which, in its sole opinion, violates any of the terms and conditions of this Agreement.


Page 1 of 2 1 2 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  


Hot Topics

PEx CHRISTMAS:

Celebrate the joy of Christmas with PinoyExchange!

Celebrate the joy of Christmas with PinoyExchange!

read more
MOVIES:

Manonood ka ba ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival?

Manonood ka ba ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival?

read more
PBA:

Don't miss a beat on PBA semis action, join the ongoing discussion here!

Don't miss a beat on PBA semis action, join the ongoing discussion here!

read more
PROMO:

Where are you staying this Holiday Season? Join the poll and get a chance to win GCs!

Where are you staying this Holiday Season? Join the poll and get a chance to win GCs!

read more
NMFtv:

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

read more