Feeling Poor Moment... - Page 30 | Buhay Pinoy | PinoyExchange

X

Page 30 of 38 First ... 20 29 30 31 ... Last
Results 581 to 600 of 742
  1. #581
    nung one time na pauwi na ako nagkita kami ng classmate ko inabot kami ng gabi, linibre libre ko pa siya tapos nagulat ako yung pauwi na ako na-realize ko wala na pala akong pera. di ko alam kung anong gagawin ko nun dahil malayo pa ako sa amin at gabing gabi na

  2. #582
    Web Shooter TTJ's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    North America
    ^ so anong ginawa mo? bitin naman.

  3. #583
    amishuuu kreuk's Avatar
    Join Date
    Nov 2001
    Location
    you're not concern
    Kapag century tuna na kinain ko para makapag pho the next day.

    At sa grocery pipiliin ko yung medyo mura na chicken pero mas pangit itsura para pambawi sa buffet hehet

  4. #584
    Usually ang poor moments ko mga 1 week before payday. By that time paubos (or ubos) na ang pera kaya belt-tightening time na. Dito napapadalas ang pagbili ng delata. Syempre pag payday na, todo bili uli ng groceries!

  5. #585

  6. #586
    noong time na natalo ako sa Casino. Imagine p3000 ang natalo ko sa loob ng 2 oras. Talagang luhaan ako noong umalis ako ng casino. Kasalanan ko naman kasi eh, hindi ko agad kinashout noong nagbibigay na yung slot machine and call it a night, naghangad pa kasi ako eh ang ending kinain ng machine yung pera ko.

  7. #587
    NINJAneer gone Indie! Dunedain's Avatar
    Join Date
    Dec 2002
    Location
    SoCal
    i'm always poor. but I feel rich when I play around with my kids.

  8. #588
    Member momsy77's Avatar
    Join Date
    Oct 2012
    Location
    near the bathroom
    dumating yun time na
    sardinas at itlog ang kinakain ng mga anak ko
    or itlog na may kamatis
    and it lasted for how many months
    may time pa nga na 1 year kaming walang kuryente

    may work naman si husband kaso
    di kakasya eh nung time na yon I was
    in between work..
    naipagpaslamat ko nalang di reklamador mga bata

    yun lang one time narinig nila yun
    pinsan nila na adopted ng brother ko and nung
    wife niya, " bakit tayo kakain ng sardinas na me itlog,
    kasinghirap na ba tayo nila tebey?"
    referring to my eldest

    nagsumbong sila at sabi nung panganay ko
    "at least di kami nagugutom no, yabang naman niya"

    I vowed to myself na di na pwedeng maulit yun

    ayun naka kita ako ng kol center na mataas magpa
    sweldo eto medyo okay na kami..
    lumipat din kami ng lugar nakakuha ako
    ng hulugang lupa sa Bulacan na pinatayuan namen ng
    bahay kubo

  9. #589
    Quote Originally Posted by Dunedain View Post
    i'm always poor. but I feel rich when I play around with my kids.
    aw..


    OT:

    yung kapag lunch break lunok na lang ang nagagawa ko.

  10. #590
    proud-to-be-real NeoDyn's Avatar
    Join Date
    Apr 2009
    Location
    Monaco De Baviera
    Quote Originally Posted by momsy77 View Post
    dumating yun time na
    sardinas at itlog ang kinakain ng mga anak ko
    and it lasted for how many months
    may time pa nga na 1 years kaming walang kuryente

    may work naman si husband kaso
    di kakasya eh nung time na yon I was
    in between work..
    naipagpaslamat ko nalang di reklamador mga bata

    yun lang one time narinig nila yun
    pinsan nila na adopted ng brother ko and nung
    wife niya, " bakit tayo kakain ng sardinas na me itlog,
    kasinghirap na ba tayo nila tebey?"
    referring to my eldest

    nagsumbong sila at sabi nung panganay ko
    "at least di kami nagugutom no, yabang naman niya"

    I vowed to myself na di na pwedeng maulit yun

    ayun naka kita ako ng kol center na mataas magpa
    sweldo eto medyo okay na kami..
    lumipat din kami ng lugar nakakuha ako
    ng hulugang lupa sa Bulacan na pinatayuan namen ng
    bahay kubo
    +million dito

    Pinagdaanan ko ang ganyang buhay..kahit maraming trabaho si tatay,hindi kakasya dahil may kapatid kaming may sakit na sa gamot lang nya napupunta kinikita ng tatay..hanggang magkaroon na kaming 3 magkakapatid ng maayos na hanapbuhay saka lang guminhawa buhay namin,4 na kaming kumikita ng pera...dumating nga ang panahon na dalawa kaming nakapag-abroad,at hayun sunod-sunod na ang blessings sa amin..

    pero kung iisipin ko ang nakaraan,parang di pa rin ako makapaniwala,na nakaalpas kami sa ganung buhay..kaya naman binabalik-balikan ko ang pinagdaanan ko sa Pinas hindi para panghitzurahan yung mapang-api sa amin kundi para makihalubilo sa kanila para malaman nilang wala sa akin nagbago,ganun pa rin ako.

  11. #591
    Quote Originally Posted by momsy77 View Post
    dumating yun time na
    sardinas at itlog ang kinakain ng mga anak ko
    or itlog na may kamatis
    and it lasted for how many months
    may time pa nga na 1 year kaming walang kuryente

    may work naman si husband kaso
    di kakasya eh nung time na yon I was
    in between work..
    naipagpaslamat ko nalang di reklamador mga bata

    yun lang one time narinig nila yun
    pinsan nila na adopted ng brother ko and nung
    wife niya, " bakit tayo kakain ng sardinas na me itlog,
    kasinghirap na ba tayo nila tebey?"
    referring to my eldest

    nagsumbong sila at sabi nung panganay ko
    "at least di kami nagugutom no, yabang naman niya"

    I vowed to myself na di na pwedeng maulit yun

    ayun naka kita ako ng kol center na mataas magpa
    sweldo eto medyo okay na kami..
    lumipat din kami ng lugar nakakuha ako
    ng hulugang lupa sa Bulacan na pinatayuan namen ng
    bahay kubo
    masarap naman sardinas at itlog ah, yan ulam ko pag tamad ako magluto.

  12. #592
    Share ko lang yung poor moments ko noon. Mahirap lang kami dati, year 1990's nun nakatira kami sa inuupahang bahay namin sa kaibigan ng lola ko, mura lang 750 pesos isang buwan dahil magbespren sila. Public school lang ako nagaaral noon kaya talagang nagpupursige akong magaral ng mabuti kasi pagmababa ang section ko magiging kaklase ko yung mga magugulo. Naaalala ko noon sa bahay namin dati biglang umulan ng malakas, may naramdaman akong malamig sa paa ko yung pala binabaha na yung loob ng bahay namin, nagputukan yung mga saksakan ng kuryente namin sa loob. Noong mga grade 3 nako nakalipat na kami sa mas maayos na bahay, naaalala ko may kalaro ako noon na may playstation1, nakilaro ako. Mabait naman yung kaibigan ko pero yung tatay nya medyo mayabang, sabi ba naman samin "Matulog kana, d naman natin binili yan para sa kanya". Inis na inis ako nun na d ko mapaliwanag yung pakiramdam ko dahil parang tinapakan ako nun, umuwi nalang ako. Tapos may isa kaming kapitbahay na medyo angat samin, madalas silang pumunta sa E. Wood, that time hindi ko pa alam kung saan yun, eh d tinanong ko... Sabi ng anak nya "D kapa nakakapunta dun?" tapos yung tatay lakas ng tawa na parang nakakainsulto. Baon ko noong Elementary ako 5 piso, yung mga kalaro ko 70 pesos, nung HS ako 50 pesos lang tapos nung medyo nakaangat na kami mga 100 pesos na. Nung college ako d na ako masyado nakaranas ng poor moments dahil nakaangat na kami. 500+ na din baon ko noon sa isang araw. Nakabili na din kami ng sarili namin bahay, minsan nakakatuwa din isipin na galing ka sa ganon, na dami mong natutunan na sa isip mo magpupursigi ka talaga na dapat d kana bumalik dun sa ganong buhay at alagaan yung mga naitaguyod ng magulang mo. Kinukwento sakin ng Nanay ko dati na pag bumibili daw sya ng panty noong bata pa sya dapat daw yung malaki para hanggang lumaki sya kasya pa din. Tapos Tatay ko namumulot ng mga pwedeng ibenta para may baon sya. Sarap pakinggan ng mga storya nila lalo na malayo na narating nila ngayon. Inspiration ko talaga sila.

  13. #593
    akala ko dati talagang mahirap na yun buhay namin kasi wala kaming luho sa buhay. oo, sa dekalidad na private school kaming magkakapatid nag aaral pero hindi kami mabigyan ng luho namin. yun mga pangangailangan lang. pero nun na lay off yun daddy ko nung college ako, dun ko naranasan yun totoong hirap ng buhay.

    yun mga ate ko lang ang sumusuporta sa buong pamilya namin. nagpapaaral sa amin apat na magkakapatid na di pa nakapagtapos (3 college at 1 HS). sila din yun gumagastos sa kuryente, tubig at pangkain namin sa araw araw. naalala ko na baon ko isang araw ay 50 lang (walang halong biro). sa espana manila pa ako pumapasok nun kaya ang mangyayari, sa bahay ako mag aalmusal at bus papunta at pauwi at sa bahay na din ako maglulunch. imbis na sumasakay na ng isa pang jeep e naglalakad na lang ako para matipid yun 7 pesos na yun. nasabi ko nun sa sarili ko na di pwedeng ganun lang ang mangyayari sa akin. kaya nag ipon ako mula sa baon ko na at nagsimula ng loading business. lumago naman yun dahil kinasabwat ko lahat ng mga kaklase ko sa school para sa akin na lang magpaload. at lumago nga ng lumago yun. hanggang sa nakaipon ako ng pera pangtayo ng negosyo na softdrinks at beer dahil summer nga ng panahon na yun at di makakapagpaload ang mga kaklase ko. mula doon, nakahawak ako ng pera na never ko maimagine ma mahahawakan ko nun estudyante pa lang ako. ako na din gumastos ng mga pang thesis at lahat ng gastusin ko sa school. pero dahil sa "feeling poor moment" ko na yun, andami kong natutunan sa buhay. natutunan ko ang maghigpit ng pera. natutunan kong maging madiskarte sa buhay. at natutunan ko na hanggang sa kayang magtiis, magtiis.

    ngayon na nakatapos na kaming 5 magkakapatid at isa na lang ang nag aaral, masasabi ko na gumiginhawa na kahit papaano ang buhay namin. nakakakain na din ulit kami sa labas. nakakapagshopping at nakapagtayo na din ng negosyo ang magulang ko.

    kaya sa lahat ng mga may "feeling poor moment", konting tiis lang at malalampasan din natin yan.

  14. #594
    Nung lahat ng tao nakatutok sa mga tv at nanonood ng speech ni Obama. Ako nakahiga lang sa kama, natitig sa kisame.
    Nagcoconcentrate kasi ako pakinggan yung tv ng kapitbahay.

    Noong college, kahit iskolar kami magkapatid, hirap parin kami kahit miscellaneous nalang ang binabayaran namin. Tuwing pagkabayad ko pag enrollment, tyak yan mga dalawang linggo kaming maski-paps lang ang ulam (maski-papano). Never ko inattempt kumick-back sa magulang ko kasi alam kong mahirap lang kami. (Samantalang yung mga normal-paying kong kalase kung maka-kickback grabe mga limang libo yung iba. Well ganun talaga, hindi patas ang buhay.)

  15. #595
    Itatawid, ihahatid kita.. popsky's Avatar
    Join Date
    Mar 2008
    Location
    Ilalim ng tatsulok
    Magkukwento rin sana ako kaso baka mag-tsunami ng luha dito.

  16. #596
    feeling poor ako palagi. Kasi tuwing salary, set aside agad ang target kong savings. Kahit anong mangyari, hindi ko gagalawin yun. Yung matitira lang sa mga dapat kong bayaran at dapat kong i save.

  17. #597
    dam nung nabasa ko mga post niyo, parang i feel blessed di ko naranasan ang mga yun. naawa naman ako sa story ni turatko. pero if in case in the future mangyare yun saken, ok lang, kakayanin ko. para san ba ang mabuhay ka kundi sagupain ang mga problema at magtagumpay in the end diba? be happy lang kasi ang problema may katapusan din.

  18. #598
    When I resigned from my job (due to intrigues) I felt so poor. Pag nagugutom na ko, papasyal ako sa mga friends. Kaso madalas hindi naman ako inaalok ng pagkain. There were days na literally isang biscuit lang ang kinain ko.

  19. #599
    ako medyo marami experience pero isa sa pinaka poor moments ko ay yung nag enroll ako sa adamson. tapos kinausap nung dean *** erpat ko. igapang daw ako sa pagaaral at gawin nya lahat para makapag tapos ako. na discourage ata tatay ko dahil nakita nya *** magagastos ko sumabay pa na di makapagpadala ang nanay ko sa taiwan dahil nagbabayad ng bond. so fist day ng school ay nakapila ko sa registration para magtanong ng process ng withrawal nung enrolment at makarefund ng pera. ayun mula adamson naglakad ako sa luneta at umupo sa tapat ng manila bay hawak *** schedule ko sana..Im very dissapointed in my life that time habang nakatingin sa palubog na araw.

  20. #600
    may financial struggles din kami i admit that pero kahit ganun kahit papano may pera pa namang pambili ng pagkain. Pero i know yung parents ko nakaranas ng ganun but not us na mga anak nila kasi nagsumikap sila. Hmmm naalala ko lang sa kwento ng parents ko. Yung tatay ko nagtratrabaho siya isang ice plant habang nagaaral ng criminology noon. Sa kanya din nakaasa ang iba niyang mga kapatid kasi mahirap lang sila. Naranasan din niya magtinda ng saging na linaga sa daan nung bata pa siya at nakikinood lang siya ng palabas n Popeye sa kapitbahay nila kasi wala silang TV tapos sinasarhan pa ng kurtina.

Page 30 of 38 First ... 20 29 30 31 ... Last

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •