Sharon celebrates 41st birthday with a free concert
The Megastar is also slated to start a new movie to be shot in London
Nora Calderon | Friday, January 5, 2007 CF
Sharon Cuneta will hold a free birthday concert on January 9 at the Araneta Coliseum.
Photo: Noel Orsal
Magdiriwang ng kanyang 41st birthday ang Megastar na si Sharon Cuneta bukas, January 6.
Kaugnay ng kanyang kaarawan, isang birthday special sa Araneta Coliseum sa Tuesday, January 9, ang handog niya sa kanyang mga tagahanga. Free admission ito, pero kailangang kumuha ng tickets ang mga gustong manood.
Maaaring makakuha ng libreng tickets sa ABS-CBN audience entrance from January 6 to 8, Saturday to Monday. Look for She Caronan and Bing Ramos. Dalawang tickets ang maaaring ibigay sa bawat tao.
Sa ngayon ay ayaw pang sabihin ng ABS-CBN kung sinu-sino ang magiging special guests ni Sharon sa kanyang birthday special na, for sure, ay isosorpresa sa kanya. Pero may balita na may song number daw ang panganay na anak ng Megastar na si KC Concepcion na kasalukuyang nasa bansa.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sharon kahapon, January 3. Ibinalita ng actress-singer-TV-host na ipalalabas ang kanyang birthday special sa January 14.
Sinamantala na rin namin ang pagkakataon upang tanungin siya sa balitang may gagawin siyang movie with Judy Ann Santos for Star Cinema. Makakasama rin daw nila sina Piolo Pascual at Sam Milby sa pelikula.
"What?! Saan nanggaling ang balitang ‘yon? Walang nakikipag-usap sa akin tungkol doon," nagtatakang wika ng Megastar.
Nilinaw ni Sharon na may gagawin nga siyang pelikula sa Star Cinema, ngunit hindi niya kasama rito sina Judy Ann, Piolo, at Sam. Ang pelikulang gagawin niya ay ididirek ni Chito Rońo at kukunan ito sa London.
Ayon sa Megastar, "Tuloy ang movie naming ‘yon and it will be partly shot in London. In fact, nagpunta na sa London sina Direk Chito at ang executive producer na si Elma Medua. Nag-location hunting na sila roon."
Dagdag pa niya, "Kababalik lang nila rito first week of December. We will start our shoot here sa last week of January, at sa March naman kami pupunta ng London for our shoot there. Untitled pa ang movie namin, pero straight drama ito tungkol sa isang caregiver in London. Hindi ko pa rin alam ang complete cast nito."
Bukod sa kanyang sisimulang pelikula at TV show na Sharon sa ABS-CBN, may iba pang commitments si Sharon. Like, yung concert sana niya sa Island Cove Resort sa Cavite last December 2 na na-postpone dahil sa bagyong Reming. Matutuloy na raw ito sa January 20 with Mark Bautista as her special guest.
Bago umalis ang Megastar for London, kailangang din niyang mag-ipon ng episodes ng Sharon kaya mag-a-advance taping din siya para rito. Bukod dito, tuloy pa rin ang pag-aaral niya sa UP Open University.