
Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreAng pumasok ng naka Pajama at matulog sa phone-booth...
Kumain ng kwe-kwek/tukneneng.
Ang magbantay (OJT mode ko) ng tindang yosi ni Mang Roger.
Kumain ng Spaghetti na bigalang sigaw "ate may itlog ng ipis yung spaghetti nyo !"
At todo rebuttal na namn si ate "Hindi itlog ng ipis yan paminta yan!"
At dahil naka kalahati na ako kever nalang! lol
Doon lang din ako nakainom ng Cheers at Sparkle sa mga bundok lang iyon na bebenta ang alam ko dati.
Doon lang din ako natutu uminom ng alak at inumaga.
Sa sobrang kalasingan namin ang isang pinaka magandang mapuan na barkda ko Umihi sagitna ng Muralla hahahahahah. Yes, yes, yes sa gita ng kalye... Lashing eh.
Sobrang saya... kaya noong nalaman ko na candidate na ako for graduation instead na matuwa ako eh nalungkot ako... kaya di ako nagmarcha lol
-miss ko ang library! sarap tumambay sa lamig ng aircon, kaso hirap humanap ng pwestong di halatang natutulog kaya dun ako nagpupunta sa pinakadulo ng library. yung separate section, diko na matandaan yung name ee
-yung mga vacant room sa NW na airconditioned, dun madalas nakakatulog pag mahaba ang vacant.
-Manang's Porckchop!
-yung pansit cantunan sa gilid
-yung dating Mcdo sa tabi ng Mapua
-yung canteen na paglabas mo amoy canteen kana din hehe
-yung onting ulan baha na kagad sa intra (diko mashadong miss to lol)
-footlong
-OTs!
-tas nung last time na nauwi kami ng barkada ko dyan sa Pinas, nagpunta kame sa Mapua, tamang foodtrip lang sa wall at sa canteen ng Mapua. tas tumambay kame sa isa sa mga vacant airconditioned room sa NW. in fairness napagkamalan kameng estudyante. me pumasok kasing prof, lipat daw kami ibang room kasi gagamitin nila yung room. haha! ansaya saya balikan ng college days![]()
sobrang miss.![]()
nakakamiss ang kantunan. balita ko tinanggal na daw un ngayon?
Na-miss ko din naman ito kahit papaano. Dito ko natagpuan ang bestest barkada ko ever! Ito ang iilan sa mga bagay na na-mimiss ko:
1. Ang dating McDo na ngayon ay Bayleaf na. Laging punuan ito dahil sa mga Mapuans!
2. Ang dating cantonan na nasa gitna na ng Mapua at Lyceum. Iba parin kasi yung dati na nasa tabi ng South building ng Mapua.
3. Ang dating masikip at maliit na canteen na ngayon ay lumaki na pero masikip parin dahil sa dami ng mga estudyante!
4. Mga fire exits na madalas naming tinatambayan at tinutulugan ng barkada ko sa tuwing mahaba ang break.
5. Ang dating "Katipunan" uniform para sa PE. Remember yung white PE shirt at red jogging pants? Kulang na lang si Andres Bonifacio para maglunsad ng isang himagsikan sa Mapua! Haha! Ang jologs lang ng uniform na ito! Buti naman at pinalitan na.
5. Ang frosh week, foundation week, at kung anu-ano pang week iyan!Enjoy ang mga panahon na ito dahil sa mga food booths! Nakakasawa narin kasi ang mga pagkain sa canteen.
6. Ang mga pagkain sa canteen! Favorite ko ang cheese logs ni ateng nagtitinda ng fries!
7. Ang rooftop na naging tambayan din namin dati!
8. Ang pag-tap ng ID.
9. Yung mga masusungit na tao sa registrar lalong lalo na si ateng nasa OSA!![]()
10. Yung halos 1 week lang na bakasyon na kasama na dun ang online enrollment at in-campus enrollment!
11. Siyempre, ang bidang bidanga My Mapua na sobrang bilis! (pun intended)
12. Ang mga water dispenser sa 4th floor na halos walang laman lahat! Yung tipong kailangan mo pang bumama ng 3rd floor para makakuha lang ng tubig dahil walang laman lahat ng nasa 4th floor.
13. Ganun din ang mga cr sa 4th floor! Hindi ko lang maintindihan kung bakit sabay-sabay na nililinis ang mga CR sa 4th floor na kung minsan kakailanganin mo pang bumaba sa 2nd floor para lang makapag CR!
14. Siyempre ang South building na lungga ng mga ka-course ko.
15. at marami pang iba! Haha
Kahit marami akong pintas sa Mapua, namimiss ko parin ito! Aba, dito ko ba naman inilaan ang apat na taon ng buhay ko!
Kaya sa mga nag-aaral pa diyan, enjoy niyo lang!![]()
yung mga terror prof sa physics at math! anong pangalan ng prof sa math yung may balat sa muka tapos lagi naka mic?
nakaka-miss nga ang mapua. may The New Builder pa ba? at may doghouse pa ba?
^ yes. meron pa.. ang namimiss ko jan bukod sa department namin e yung mga ate sa canteen at yung mga nagxexerox, yung may kakambal..
Na miss ko yata ang stress ng college. Mas sobrang relax ako ngayon sa trabaho.
O baka sobrang training ang ginawa sa akin ng Mapua.
And one funny thing about tapping the ID (when it was first used), madaming students sinisigurado na may kasunod silang papasok kasi kung hindi naka plaster yung mukha mo sa screen for a loooong time.
Sa batch rin namin nangyari yung transition from sem to quarterm. And the ABET certification. Kami ang ginawang lab rats ng school for all the changes.![]()
^ naw... 2000.
i knew there could have been at least 5 batches that went thru the same thing... i just said that that to make things easier. hehe
hi guys (ate and kuya),
we are undergrad students from C-L-A conducting a survey on relational IQ. Please participate You'll just need to answer 15 questions. Purely academical purposes lang po.
https://docs.google.com/spreadsheet/...hPSFE6MQ#gid=0
thanks
namimiss ko yung BG, lyceum chicks, magallanes, kantunan tyaka mga dota times namin![]()