PEx Highlights

Inflatable robot Baymax takes the spotlight!

In Disney's Big Hero 6, a plus-sized inflatable robot named Baymax makes a difference in the life of teen prodigy Hiro Hamada.

read more

PEx Halloween: Pinoy Horror Stories

Nakakita ka na ba ng aswang o multo? Nakaramdam ng masamang spirito at mga maligno? Kwento mo na dito!

read more

REVIEW: Beauty in a Bottle

Beauty in a Bottle is worth the look thanks to its witty and poignant script and terrific performances from its cast.

read more

PHOTOS: Aces Demolish Bolts

Alaska went on a demolition job against Meralco, defeating the Bolts by an embarrassing 41-point deficit, 105-64.

read more

PHOTOS: Purefoods Back to Winning Ways

Mark Barroca starred in a furious 2nd half comeback win against the GlobalPort, scoring 25 points for Purefoods.

read more

FEATURE: Expectations for Gilas 3.0

With Chot Reyes out of the picture and the Gilas program 'under review', JPM ponders on the possibilities that may happen in the new Gilas.

read more

Page 1 of 2 1 2 LastLast
Results 1 to 20 of 38
  1. #1

    Paano Ba Uunlad ang Pilipinas?

    Nung isang araw lang, napanood ko si GMA pinapabango na naman ang pangalan ng Pilipinas. Pero kasi, meron lang syang nabanggit na naniniwala ako na kayang kaya nating mga Pilipino kung gugustuhin lang talaga natin at magiging bukas tayo sa pagbabago.

    PRESIDENT Gloria Macapagal-Arroyo said she would continue to be a "proud and ardent saleswoman" for the country to help it reach first world status in 20 years.
    http://globalnation.inq7.net/news/ne...rticle_id=2884

    Tingin nyo ba hindi ito malayo sa katotohanan? Diba't kay sarap isipin kung mangyayari ito? Sana nga...

    Bigay naman kayo ng mga suhestiyon para umunlad ang bansa natin. Alam ko ito ang pinapangarap ng bawat Pilipino.

    OT: Sinadya ko talaga na tagalugin lahat para akma naman sa paksa. Ang hirap pala...

  2. #2
    Mauna na ako...
    Sana tigilan na natin na isisi lahat ng kahirapan sa gobyerno. Naniniwala kasi ako na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili. Sana matapos na ang pagsasalungatan na nagiging ugat ng hindi natin pagkakaisa. Tingin ko yun ang isa sa kulang sa atin.

  3. #3
    Quote Originally Posted by live_strong
    Mauna na ako...
    Sana tigilan na natin na isisi lahat ng kahirapan sa gobyerno. Naniniwala kasi ako na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili. Sana matapos na ang pagsasalungatan na nagiging ugat ng hindi natin pagkakaisa. Tingin ko yun ang isa sa kulang sa atin.
    I agree... Mahilig nating sabihin na bulok ang gobyerno natin, kurakot ang mga pulitiko at sinungaling at mandaraya ang presidente.

    Ganun pala e bat ka pa aasa sa gobyerno... wag nang maghintay ng kung anu pa man tulong...

    Dapat satin ay wag nang umasa at magkaroon ng sariling tulak sa katawan at palo sa ****. Kumilos at disiplinahin ang sarili at wag umasa na umasa sa iba. Imbis na maghintay ng tulong isipin natin kung pano natin matutulungan ang ating mga sarili at ang ating nasasakupan sa malinis, legal at pangmatagalan na paraan.

    May nabasa nga akong aricle sa philippine star na yung mga successful entrepreneurs dito sa pilipinas di na pinapansin yung ingay sa gobyerno at di nagrereklamo sa sitwasyon nila, gawin na lang nating halimbawa si henry sy mantikin mong ilang krisis na ang pinagdaanan ng pilipinas at taon taon na lang ay sinasabi ng balita na pabaon na ang ating bansa pero sya gawa lang ng gawa ng mall parang walang pakialam. Siguro kung magrereklamo man tayo sa sitwasyon natin mas maganda ay tayo na rin ang gumawa ng sulusyon. Tigilan na ang government bashing. Hayaan mo sila!

  4. #4
    answer to thr question...kapag disiplinado na "LAHAT" and Pinoy

  5. #5
    uunlad *** ang Pilipinas pag nawala na ang nangungurakot sa gobyerno!

  6. #6
    There are two things na palagay ko napaka-importante sa Pilipinas.

    These two should be implemented sa educational system ng Pilipinas right now. Ang result ay hindi para sa generation ngayon kundi para sa susunod na generation:

    1. Ang pagiging seryoso sa pagtatapon ng basura(recycling, separating combustible, non-combustible at saka mga re-cycles ).
    2. Sports. Hindi lang basketball. When I say sports, kailangang lahat ng elementary students ay magkaroon ng seryosong sports activities yong papawisan at magiging physically fit ang mga bata. Kapag lumaki ang mga batang ito na alam ang kahalagahan ng sports at exercise sa katawan, sinisigurado ko, mas responsible citizen ang mga ito kesa sa mga Pinoy ngayon.

  7. #7
    Salamat sa mga makabuluhan nyong sagot. Nakakasawa na kasing marinig ang salitang kahirapan. Gasgas na gasgas na kasi. Simula bata tayo yan na parati nating naririnig. Pero kahit naman paano diba makikita mo naman ang diperensya noon at ngayon.

    Sumasang-ayon ako sa mga sinabi ni edoga tungkol sa wastong pagtatapon ng basura at paghikayat sa mga bata na maging aktibo sa sports. Tingin ko magkaugnay ang mga punto nya. Para sa una nyang punto, kulang kasi tayong mga Pilipino sa disiplina halimbawa na nga lang iyong tungkol sa mga basura at pagsunod sa batas trapiko diba. Sa ikalawang punto naman, malaki talaga ang maitutulong ng sports kasi maliban sa magandang kalusugan, mabubuo sa mga bata ang kahalagahan ng disiplina sa sarili.

    Isa rin pala sa mga naisip ko na pwede makatulong. Dapat ituro rin nang maaga sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagiging negosyante. Tingin ko kasi, simula pagkabata, nakondisyon na ang mga isip natin na kailangan nating makatapos ng pag-aaral para lang magkaroon ng magandang trabaho. Kasi nga diba, pag negosyante ka, hindi lang mas malaki ang tsansa mong yumaman, makakatulong ka rin sa sa bansa natin.

  8. #8
    madaling magpabango ng pangalan. pero kung lagyan mo man ng hugo boss ang asong kalye, sasagwa lalo ang amoy di ba?

    kelangan sa bansa natin kung gusto nyo talagang bumango... buhusan ng muriatic acid.

  9. #9
    simple: wag nang maging kurakot ang gobyerno

  10. #10
    Guest 2424's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    forrest and Hills
    Wala ng pagunlad ang pilipinas. our economy has a downward trend, we have nothing to expect from our country, the only thing we can rely on is ourselves. KANYA-KANYA ANG BUHAY SA PILIPINAS.

  11. #11
    dapat din siguro ay i-practice din natin yung clean politics, kasi nakakasawa na yung dialogue na, lagi na lang dinaya pag natalo sa election para bang bawat election eh pag natalo ay kailangan ng recount dahil dinaya diba.

    tapos, yung mga political dynasty tulad na lang ni binay ng makati ayaw na yatang umalis sa pwesto at napaka-swaaaapang sa kapangyarihan pagkatapos niya ay yung asawa niya then he's grooming yata yung son niya para kung hindi na siya pwede ay yung jr na lang, then yung apo, aba eh hindi wala yatang balak iwan ang makati city hall, tapos pag may rally eh ginagawang edsa at mendiola ang ayala. napakadupang talaga niyang si binay, ikaw ba naman ang may-ari ng makati.

    mabuti nga at mukhang tatakbo si lito lapid sa makati, sigurado akong nanginginig na ang tumbong niya at ang alipores niya, tapos pag nanalo si lapid eh dinaya siya.

    ewan ko ba yang politics sa bansa natin, parang pelikula na lagi kang may aabangan na istorya.

    eh may karapatan kaya si lapid na maging mayor ng pinakasosing city ng pinas. eh baka tumaas ang kilay ng mga yuppies ng paseo. ayaw na siguro niya sa senate at hindi niya kaya ang pressure at stress doon.

  12. #12
    simulan ang edukasyon sa elementarya pa lang. yung mga traffic regulations dapat grade 1 pa lang tinuturo na. at sana ituro rin ang kahalagahan ng paggamit ng sariling wika at pagtangkilik sa sariling atin. alam ko marami sa ati ang nababaduyan dito.

    tungkol sa basura, minsan ayokong magtapon kahit saan pero wala akong mahanap na basurahan. kung may basurahan sa bawat kanto sa kalye, walang dahilan para magkalat ang mga pilipino.

  13. #13
    Quote Originally Posted by colegio
    tungkol sa basura, minsan ayokong magtapon kahit saan pero wala akong mahanap na basurahan. kung may basurahan sa bawat kanto sa kalye, walang dahilan para magkalat ang mga pilipino.
    kung wala kang makitang basurahan, hindi mo ikamamatay ang hawakan ang basura mo hanggang makakita ka ng basurahan. kung wala talaga, ilagay mo sa bag mo o bulsa mo hanggang makakita ka.

    yon ang problema, lahat binibintang sa iba. dahil lang walang makitang basurahan sa immediate vicinity, pwede nang magkalat?

  14. #14
    ayane, puso mo.

    ang tinutukoy ko ay yung basura ko sa bahay na nag-aantay kunin ng trak ng basura. minsan kailangan ko umalis na ng bahay at wala akong mapag-iwanan. napipilitan akong iwanan sa labas.

    pakiusap lang, kung makikipag-diskusyon. ayus ayusin.

    yon ang problema, lahat dinadaan sa galit.

  15. #15
    Quote Originally Posted by colegio
    ayane, puso mo.

    yon ang problema, lahat dinadaan sa galit.
    hindi pa ko galit nyan. sensitive ka lang.

  16. #16
    Sangkatutak na nga talaga problema ng Pilipinas. Pero syempre, dapat huwag pa rin tayo mawalan ng pag-asa diba. Tingin nyo ba maibubunton din natin ito sa kawalan natin ng sariling pagkakakilanlan dahil na rin sa matagal tayong naging kolonisasyon?

    Sana maliban sa mga negatibong obserbasyon, magbigay din kayo ng mga positibo na likas sa ating mga Pilipino na maipagmamalaki natin.

    Tingin ko likas sa atin ang pagkakaroon ng close family ties. Diba sa ibang mauunlad na bansa, kadalasan pinapaubaya na lang sa mga caregivers ang pag-aalaga sa mga matatanda.

  17. #17
    Quote Originally Posted by 2424
    Wala ng pagunlad ang pilipinas. our economy has a downward trend, we have nothing to expect from our country, the only thing we can rely on is ourselves. KANYA-KANYA ANG BUHAY SA PILIPINAS.
    Huwag naman, may pagasa pa... huwag lang nating hayaan na tuluyan nang mamatay yung spirit ng 'Tulong-tulong' at 'Bayanihan', it can always start in our home, our neighborhood, at baka sakali pagdating ng araw,... magising na ang mga Pinoy.

  18. #18
    kontrabida
    Join Date
    May 2006
    Location
    Del Valle Mansion
    suspend the writ of habeas corpus. kill all the mockingbird. huh?

  19. #19
    I don't get it? Filipinos want our country to be improved... pero simpleng traffic lights hindi sundin???

    Everytime may traffic signs, maraming pedestrians ang nagcocross kahit di pa green ang light, or red na ang light eh di pa rin magstop sa pagtawid. Tapos hindi tatawid sa pedestrian lane. SO MAGTATAKA PA BA TAYO BAKIT HINDI UMUUNLAD ANG PILIPINAS? EH SIMPLENG MGA REGULATIONS HINDI NATIN MASUNOD...????????????

  20. #20
    if and only if, every single filipino could be a law-obeying citizen.

Page 1 of 2 1 2 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PBA:

Purefoods capture first win of the season in fierce 2nd half rally vs GlobalPort, 81-75.

Purefoods capture first win of the season in fierce 2nd half rally vs GlobalPort, 81-75.

read more
NBA:

New York Knicks play the spoiler in LeBron James' Cleveland homecoming in 95-90 win.

New York Knicks play the spoiler in LeBron James' Cleveland homecoming in 95-90 win.

read more
SHOWBIZ:

Annabelle Rama, 'surrender na' sa lovelife ni Ruffa

Annabelle Rama, 'surrender na' sa lovelife ni Ruffa

read more
MOVIES:

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

Heeeere's Johnny! What's the scariest horror movie for you? Share it here.

read more
CHIT CHAT:

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

Dito na me, where na you: Anong gusto mong nakasulat sa sarili mong epitaph?

read more
NMFtv:

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

Showbizbro is joined by JM of The Call Center Show & Tagalog-Speaking Aussie, Chris Urbano.

read more