hi sir rene. ask lang din ako kung anong ok na isp sa gozum street san bartolome novaliches.
mostly for facebook, email, at youtube gagamitin. sa ngayon usb stick lang gamit ko (sun or globe). pwede na for browsing medyo mabagal lang sa youtube.
di pa rin ako decided kung wired or wireless. yung wired kasi sa pldt may kasamang landline na di naman namin kailangan. sabi naman nung isang tech na nag-ayos sa manugang ko di raw gaano reliable yung router with wi-fi ng pldt kasi bagong labas pa lang, madami daw issue. minsan iniisip ko rin yung mga myfi device para portable din at pwede more than 1 device makagamit kaya lang wala akong idea kung ok ba yun or yung mga tipong wi-max na lang.
yung signal ba ng wireless affected ng mga eroplano? madalas kasi may dumadaang eroplano sa may amin, may nagsabi nakaka-affect daw ng signal.
may nag-alok na rin na destiny cable + dsl nung nagpakabit ng cable manugang ko kaya lang parang nakabasa ako na di ok ang tech support. please advise. salamat po!








Reply With Quote














