Normally, you control the number of guests in your wedding to suit your budget, but these things nevertheless, do happen. Watch out for...
Wedding Guests from...HELL!!!
1. Mga di nakakaintindi ng R.S.V.P.
2. Mga nag confirm na aattend on your wedding only to notify you on the wedding day itself that they could not make it. Now, what should we do with the reserved seats that we already paid for.
3. Mga inimbitahan na "Mr. & Mrs. blah blah" reserved seats for two (2), and yet they bring the whole family!
4. Mga nagsasama ng mga pasaway na bata, a.k.a, Kids from HELL!!
5. Mga pumipitas ng flowers sa centerpiece ng Table kahit di pa nag sisimula ang program at kainan.
6. Mga Eat & Run Guests. Sana pag kinasal sila, mag-uwian din mga bisita nila pagkakain at wala paki sa program.
7. Mga nag-uuwi ng sobra-sobrang give-aways/souvenir items, as if ma-ibebenta ata nila ng retail ang mga yon.
8. Mga guests na hindi marunong sumunod sa instructions, tulad ng paliparin dapat ang paru-paro, but instead ginagawang souvenir at inuuwi sa bahay, para siguro gawing Pet.
9. Mga Singles na maaarte at ayaw mag-participate sa bouquet/garter toss, as if naman gusto nilang tumandang dalaga/binata.
10. Mga mahilig dumutdot (mag stick ng fingers) sa icing ng wedding cake ng pa-simple at hindi na lang mag-antay na i-serve sa kanila, akala mo mga ginutom sila sa pagkain. Buti na lang fondant ang cake namin.
11. Mga nag-uuwi ng kubyertos at table napkin, as if ipakikilo ata nila yung kubyertos at gagawing lampin ng bata ang table napkin.