Talaga!!! Hindi naman sobrang hirap ng etiquette at lalong hindi na kailangan pa i-spell out sa mga bisita ang expectations sa kanila di ba? It's pure common sense but some people just don't get it.
In my mind and in general, I had a great dream wedding. Almost perfect. Pero you really can't avoid wedding guests from HELL!
At my wedding 2 years ago:
- super over ang guest count by more than 100% kasi may nagdala pa ng
mga bata at iba pang kasama. WTF? I anticipated guests overload but this was just plain TOO RUDE. It was clearly an adult affair and the only kids allowed were flower girls and bearers, including a few others from the entourage.
- Correct about eat and run guests! VERY RUDE! Di pa nga tapos ang program, nagpapaalam na sa mom ko na uuwi na sila. Ano ba yan?
- Hay naku!!! Talagang magte-take home pa ng centerpiece mo no?
- Sa souvenirs naman, akala mo mabebenta .... kukuha talaga ng sobra sobra!
- relate talaga ako sa #8. I had a butterfly wedding kasi. So dun sa reception, ewan ko na kung sino ang mga gumalaw ng mga butterflys but there were supposed to be around 200 butterflies in the cage for the release. Akalin mo bang mga 100 lang ata ang lumipad. Yung iba pala, binulsa na ng mga lecheng bisita. May nakapag sabi sa akin after the wedding, na while they were opening the butterfly envelopes to put in the butterflies, may kumukuha dun sa box. No wonder I thought parang kokonti lang yata ang lumipad during the reception!

Bwisit!!
- Dagdag ko pa about mga bisita. May mga bisita, lalo na kamag anak, na di talaga nakakaintindi na ON A BUDGET KA. Ini expect na buong angkan imbitado. Kung mayaman ako, problema ba yun? Pag nag prangka ka naman na nasa budget lang kasal mo at di imbitado ang lahat ... parang nagtatampo pa. Magba-backbite. Kesyo ganito, kesyo ganun. Buti nga naisipan pa sila at naging sobrang accomodating pa kami para mag invite ng "representatives" sa bawat pamilya ... para maka share naman sila sa joy nyo. Tapos ganun pa ang ganti. Ang lalaki pa nga lamon sa pagkain

Pag di mo na-invite, ang sama-sama mong kamag anak.
Eh pag sila nga... sa mga okasyon nila, di man lang maisipan na imbitahin ka pero pag problema naman nila, parang feeling nila obligasyon mong tumulong at iligtas sila. Langhiya!!
Bwisit talaga ang mga wedding guests from hell... It takes everyting you've got emotionally to come up with a creative and memorable wedding not only for yourselves but for your guests as well, and if it all goes unappreciated.... hay naku...