Kumpirmadong sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang magbibida sa White Lady ng Regal Films. Uumpisahan na raw ang nasabing movie ngayong Marso kaya pinapa-black-off na ang March calendar ng dalawa.Bukod dito, may ibibigay pa raw na isang teleserye ang GMA-7 sa magka-loveteam at bukod pa rin ang soap opera sa New York na pagbibidahan din nila.Dahil sa White Lady, mukhang mauurong na naman ang pag-alis nina Mark at Jen para gawin ang soap opera sa New York. Baka raw April na ito gawin para pagbigyan ang movie ng Regal.Kahit split na ang dalawa, hindi maitatangging mainit pa rin talaga ang loveteam nila. Napatunayan nila ito nang kumita ang Blue Moon at isa sa hinihinalang dahilan ay ang loveteam nila.Paborito rin silang kuning guests sa mga GMA show dahil mataas daw lagi ang rating sa tuwing magkasama sila.Sinubok na rin ng GMA na ipareha sila sa iba.









Reply With Quote

















MAJOR CHARACTERS)









