meron palang ganitong thread dito sa pex... waaaahhhhh i suddenly missed my sweet valley high/twins collections.
sa mga mapapadaan dito, here are some young adult books na nabasa ko.
i highly recommend holes by louis sachar - my favorite! kakaiba ang pagkakasulat dito, para syang puzzle. paiba iba ng settings, paiba iba ng panahon. pero galing nya... deserving talaga ng newberry award
al capone does my shirts by gennifer choldenko - i love the characters dito. about mga batang nakatira sa azkaban... basta nakakatouch ang bidang si moose.
the graveyard book by neil gaiman - galing ng story![]()
basahin nyo na rin yung good omen ni neil gaiman at terry pratchett.. story about apocalypse pero lafftrip sya.
island of blue dolphins by scott o'dell - malungkot nga lang
the secret garden at a little princess at little lord fauntleroy ni frances hodgson burnette, ang mga paborito kong cartoons sa abs.
yung city of embers ok din pero i haven't read the whole series, yang buk 1 pa lang
like ko rin ang nick and norah's infinite playlist by david levithan at rachel cohn. pati yung naomi and ely's no kiss list at dash and lily's book of dare. galing ng collaboration nila.
of course harry potter series, love ko ang buks 1, 4 at 7. yung buks 2,3,5,6 actually di ko masyadong feel, pero nagustuhan ko sila after mabasa ang deathly hallows. napagtagpi tagpi ni jk rowlings ang buong story.
yung inkheart, inkspell, inkdeath keribels lang... maganda ang plot pero i was expecting another jk rowlings kay cornelia funk, kaso she fell short.
narnia is good, fave ko yung prince caspian at a horse and his boy
pero mas gusto ko ang lord of the rings trilogy.- all time favorite!
at first sobrang nababagalan ako sa story, it took me about a month bago ko napangalahati ang book 1... pero sa kalagitnaan gumanda at naging maaksyon, di ko naman matigil ang pagbabasa hanggang book 3.
yung princess bride, i saw the movie first bago ko nabasa yung book. galing!!! one of my favorites din.
catcher in the rye... hayyyyy... nakakatawa sya habang binabasa ko, pero nakakalungkot na pala ang nangyayari sa bida. grabe, must read!
another must read... to kill a mocking bird. i don't think i would've bought it kung di lang kami kelangang gumawa ng buk review nung high school... pero i'm sooo glad na binasa ko sya.
dahil sa to kill a mocking bird, napabasa tuloy ako ng lord of the flies... isa kasi yun sa mga choices namin sa english lit na kelangan gawan ng buk rview. pero malungkot sya grabe.
flipped, ok din sya. pero mas modern yung settings sa buk kesa sa movie.
yung golden compass maganda hanggang book 2. yung last book parang ngeeee... yun na yun? nangyari ang lahat para lang dun? hehe basahin na lang ng gustong magbasa.
percy jackson and the olympians keribels lang. siguro magagandahan ako if sya ang unang series na nabasa ko.. pero after harry potter at lord of the rings.... ang masasabi ko lang di sila magkakalevel hehe. saree sa mga fanneys ng percy jackson. at super olats ang movie ha.
twilight? - i don't recommend hehehe... daming pedeng interesting na mangyari sana at yung mga characters magandang idevelop. parang mgandang gawan ng mga substories/arcs pero puro sa pag-ibig ni bella nagfocus si stephanie.
nakalimutan ko na yung ibang magandang young adult books e.. post ko na lang pag naalala ko.








Reply With Quote











