awww. look how cute they were!!!...![]()

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
awww. look how cute they were!!!...![]()
Mark Anthony, gustong makatambal uli si Claudine
ni Aya Martinez
GUSTO raw uling makatambal ni Mark Anthony Fernandez kung gagawa siya ng pelikula ang dati niyang girlfriend na si Claudine Barretto.
Mangarap Ka ang huling pelikula na ginawa nila ni Claudine. Kung sakaling magkaroon ng offer para sa kanilang dalawa na gumawa ng pelikula sa tingin ba niya ay papayagan pa ni Raymart Santiago na siyang ka-on ngayon ng aktres na magkatambal sila.
"Trabaho lang naman iyon," walang gatol na tugon ni Mark. Para kasi sa aktor tapos na ang yugto ng kanilang pagiging sila ni Claudine at nais niyang pamayanihin ang kanilang pagiging magkaibigan na lamang.
Natutuwa nga raw siya at masaya si Claudine kay Raymart pagkatapos ng masakit na nangyri rito at sa yumaong si Rico Yan. Kung sa muli nilang pagsasama sa movie ay di pumayag si Raymart ay wala raw siyang magagawa kundi irespeto na lamang ang desisyon ni Raymart.
Sa malungkot na nangyari sa buhay ng Mama niyang si Alma Moreno at Tito Joey niya, diretsahang sinabi ni Mark na ayaw niyang makialam sa mga nangyayari. Kahit ipinaglaladlaran na ni Kris Aquino at ng Tito Joey niya ang kanilang relasyon hindi niya makuhang magalit o pagsabihan ang mga ito.
Personal daw kasing problema ito ng ina at wala siyang karapatan na makisawsaw pa rito. Kahit daw masakit sa kanya at nakikita niyang agrabyado na ang Mama niya ay tahimik na lang siya dahil hanggang sa ngayon nirerespeto pa rin niya si Mayor Joey na minsan din niyang naging kasama sa buhay nilang mag-iina.
pwede,kaya lang parang selosa yung misis ni mark...
parang imposible to mangyari. pero sana nga magkasama pa sila gusto ko sa MMK.
Eeeeeeeee! Mark Anthony and Claudine! I'd love to see them together again in something!Hehehe.
Ok Lang Pero Kailangan Nakabantay Si Mr R. At Yong Mrs Ni Mr M. Hehehe I Would Like To See Them 2gether Walang Masama Kung Pagsasamahin Silang Muli Sayang Nga *** Love Team Nila Dati Gustong Gusto Ko Pa Naman Yon..