PEx Highlights

PHOTOS: Cagayan upsets Army

Cagayan Valley Rising Sun hands Philippine Army its first loss through 4 sets, 27-25, 20-25, 25-23, 25-22

read more

Review: Hercules

Bordering on ridiculous, Dwayne Johnson delivers and Hercules is a fun and entertaining ride.

read more

Calling all vigilantes in PEx!

Are you vigilant and always ready for action? This is your chance to be a "PEX POLICE"

read more

PHOTOS: DLSU Notches First Win

Jason Perkins drained big baskets in the clutch to help DLSU escape NU 57-55 and notch their first win in the UAAP Season 77.

read more

FIBA Worlds Special Feature

PEx's resident local hoops guru, Jay P. Mercado, ranks the greatest RP teams in the "open basketball" era.

read more

UAAP Basketball Power Rankings: Week 2

Are the Blue Eagles back on top again? Check out this week's PEx UAAP Season 77 Basketball Power Rankings.

read more

Results 1 to 8 of 8
  1. #1

    Blind Items !!!

    MGA BLIND ITEMS!!!!!!

    Bulgar (6-1-05)
    Cristy Fermin

    Blind Item:

    May lahing Bading: KONTROBERSIYAL NA YOUNG ACTOR, PANG REYNA ELENA

    Dahil nagsimula nang mabulabog ang lungga ay unti-unti nang naglalabasan ngayon ang mga daga, maraming impormasyon na tungkol sa isang batang aktor na pinagdududahan ang kasarian ang dumarating sa amin.

    Marami nang nakikilahok sa piyesta, may kanya kanyang kuwento ang mga dating kapitbahay ng pamilyang ito, at hindi na pala kami dapat magtaka kung bakit ganito ang kinalabasan ng lahat.

    Isang dating kapitbahay ng pamilya ng batang aktor ang nagbigay ng impormasyon ng hindi na bago sa kanilang pandinig ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng pamilya, dati na pala silang kinaiinisan sa kanilang lugar. "Talagang malditang wala sa lugar ang nanay ng batang yon!" unang impormasyong nakuha namin.

    Kahit nu'ng mga panahong walang-wala pa raw ang pamilyang ito ay lutang na ang kanilang kahanginan. "Ayaw makipaglaro sa mga bata sa lugar namin ang magkakapatid na yan dahil baka raw sila magkasakit.

    Adelantadang de-primera ang nanay niya, wala namang magawa ang kanilang tatay, kahit naman ang pamilya ng tatay e, hindi kasundo ng kanilang nanay!

    "Wala silang kasundong kapitbahay, ngayong artista na yung anak, meron ba kayong nakilalang mga dating kapitbahay na masaya para ru'n sa bata?

    "Di ba lumipat agad sila, dahil natatakot ang pamilyang yan na baka mabulgar ang tunay nilang ugali na ang mga kapitbahay mismo nila ang magsasalita laban sa kanila?

    "Naku, balikan n'yo ang dati nilang tinitirhan, para mas makilala n'yo ang mga taong yan! Ngayon pa lang n'yo nalalaman ang mga yan pero kami, sanay na sanay na kami sa kanila, sabi pa ng aming impormante.

    Isang hiwalay na impormante naman ang nagpadala sa amin ng mga kuwentong kapista-pista na mas magpapalinaw sa pagdududa ngayon ng marami, may kinalaman yun sa kasarian ng bagets na aktor, may lahi pala talaga sila ng mga berde ang dugo.

    "Sa side ng father niya, marami silang kamag-anak na bading, may parlor pa nga ang isa ru'n! Sa side naman ng nanay niya, magkahalo, meron silang mga kapartidong bading at meron ding tomboy".

    "Dati nang malamya 'yung batang 'yun, masyado kasi nilang bine-baby, ang palagi pa naman niyang kasama, e, ang kapatid niyang ganun din".

    "Sana, busisiin n'yo siya kung nagkaroon na siya ng girlfriend! Pero itanong n'yo sa kanya kung meron siyang kilalang basketball player sa isang private school na kinalokohan niya nu'ng nasa high school pa lang siya".

    "Yun ang talagang tipong artista. 'yun ang guwapo talaga, lalaking-lalaki pa ang hitsura at bulto ang katawan ng lalaking yun, hindi katulad niya na pang-Reyna Elena ang beauty!" sabi ng aming impormante.

    Marami pang istoryang nakarating sa amin tungkol sa pamilyang ito na naglalantad ng tunay nilang kulay, pero hindi namin ilalabas nang minsanan, mas maganda ang paunti-unti, para may NGINIG at suspense.

    Krung-Krung din ang marami nating kababayan kapag may gusto silang idiretso at linawin.

  2. #2
    Pilipino Star Ngayon
    Eric John Salut (May 27, 2005)

    Now it can be told! Kaya pala galit ang isang male star sa kanyang ka-loveteam ay dahil boyfriend nito ang isang male star na nakasama nila sa isang talent search. Nakakaloka dahil magka-loveteam ang male star at female star. Nitong huli, tumindi ang alitan nila. Nagpalitan sila ng masasakit na salita. At totoo pala, galit ang male star sa kanyang ka-loveteam dahil type nito ang boyfriend ng female star.

    Yes, berde ang dugo ng male star. During the contest nila, niligawan ng male star ang kasama nitong male star (na boyfriend na ngayon ng female star). At dahil feeling ni male star ay inagaw sa kanya ni female star ang kanyang love, galit ito sa female star.

    Naikwento na rin ng male star (na dyowa ng female star) sa mga kaibigan nito na talagang niligawan siya ng bading na male star.

    Ngayon ay lumalabas na ang tunay na kulay ng male star. Pati sa kilos nito, halatang-halata nang bading ito.

    At ang latest, isang male star (na finalist din ng season 2 ng talent search) ang dyowa ni male star. Yes, very sweet ang dalawa ngayon at usap-usapan ito sa set ng trabahong magkasama sila.

    Pati executives ng network, alam na ang tungkol sa kabadingan ng male star. Sabi nga ng isang executive nang malaman ang isyu, "Day one pa lang ng contest, alam ko nang bading yan!"

    Pati diumano sa university kung saan nag-aaral ang male star, kilalang bading ito. No wonder, during the contest, hindi ito sinuportahan ng mga ka-university niya. Dahil nga alam nila na ang tunay na kulay ng dugo nito.

  3. #3
    fangirldom 101 zashibear8's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    roppongi hills
    May TV show na ganito ang title ng program? Saan ito at kelan? Just curious.

  4. #4
    Nagtataka lang ako kung bakit ayaw nilang tantanan si Hero.
    Pag galit sila sa isang aktor ang lagi nilang issue bakla yng tao.
    Akala mo naman hindi nakinabang si Cristy sa mga bakla. (di ba C Ogie D, Boy A, Jobert at marami pang iba, di ba mga bakla yan)

    Masyado ng pinipersonal ni Cristy si Hero. Ang tanda tanda na nya, *** pumatol sa bata. Tapos ayaw nyang lumaban ng parehas. Lagi nyang ginagamit yong pagka reporter nya.

    Masyado na nyang inabuso ang posisyon nya.

    Si Cristy ang taong walang karapatan na bigyan na posisyon kasi abusera sya!

    Pakiusap sa mga viewers, sna huwag na nating panoorin ang d buzz!
    *** alisin na si Cristy at mag tabloid nlang sya. doon lang sya nararapat.

    Para si Cristy na walang pinag aralan.

  5. #5
    Bastos ang young actor!
    SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
    Pilipino STAR Ngayon 06/02/2005

    Sa isang pocket interview na ipinatawag ng isang malaking network ay naging bastos ang isang young actor.

    Hindi siya seryoso sa mga sagot at kadalasan ay nagtatanong ito ng "Nagbabasa ba kayo ng tabloid?" May isang senior writer na nagtanong kung bakit maintriga ang kanyang pamilya. Sukat ba namang tanungin ang kolumnista ng "Bakit mo alam?"

    Lilima lang ang nag-iinterbyu sa kanya at gusto nang mag-walk-out ng tatlong writers dahil sa kabastusan nito at walang galang sa mga nag-iinterbyu. Sabi nga nila ay hindi sila magtataka kung bakit hindi ito makagiliwan ng mga press people, dahil "nega" ito. Siguro kailangang may mangaral dito para hindi manamlay ang kanyang career. Sayang dahil sikat siya ngayon.

  6. #6
    HERO AT DM, MAY SPECIAL FRIENDSHIP
    5/31/2005 8:11:00 PM

    Unang lumabas sa blind item. The next pinangalanan na ang mga taong involved sa isyu. Ang sinasabing dalawang young actor na masyadong sweet sa isa’t isa ay sina Hero Angeles at DM Sevilla. Paano nga ba nagsimula ang malisyosong intrigang ito?


    It all started from people na may malisyosong isip sa pagiging malambing daw nina Hero at DM sa isa’t isa. Tapos ay pareho pa silang pinagdududahan pagdating sa kanilang sexual preference. Ika nga ng mga bading ay amoy malansa ang kanilang mga bituka dahil pigil ang kanilang mga pinapakita sa tao.


    Pero how true na kahit ang mga kasamahang artista ang nagsasabing something is going on between the two? Sa recent show ng Kapamilya stars sa Cebu ay nahuling natutulog sa kandungan ni DM itong si Hero habang nasa biyahe sila pauwing Maynila.


    Kwento rin na mahilig silang magtext sa isa’t isa kahit magkakasama sila sa grupo. Sa halip na maging pasimple ang dalawa ay napakaobvious daw nila. Parang hindi raw sila iniintriga sa pagiging pusong mamon.


    Pero sinagot na ni Hero ang isyu tungkol dito. Sinabi niyang hindi siya bading at secure siya sa kung ano ang pagkalalaki niya. Unfair nga namang maintrigang may relasyon silang dalawa ni DM kung totoong friendship lamang ang namamagitan sa kanila. Masama nga naman bang maging super close sa kapwa lalake?

  7. #7
    laughtrip talaga ito.

    anyways, kung totoo nga ito...isang suntok sa buwan ang magaganap o kaya'y pagputi ng uwak pag nagladlad nga si H-e-r-o. Pag nagtapat siguro si Hero on National TV, say... sa The Buzz, aabot siguro ng 50% ang ratings pero babagsak naman ang career nya.

    hay naku... si Cristy talaga. walang kadala-dala!

  8. #8
    The Legal Wife's Lover LEE23's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    Moseying...
    Dinala na pala dito ang Blind Items thread. Hehehe.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

GILAS:

Gilas Pilipinas flies to Miami for an intensive two-week training camp

Gilas Pilipinas flies to Miami for an intensive two-week training camp

read more
PBB:

Jane Oineza celebrates 18th Birthday in the Big Brother House

Jane Oineza celebrates 18th Birthday in the Big Brother House

read more
SHOWBIZ:

Aljur Abrenica seeks release from GMA-7

Aljur Abrenica seeks release from GMA-7

read more
CHIT CHAT:

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

read more
SPORTS:

Sharapova, Murray, set to play in Manila leg of the International Premier Tennis League tournament

Sharapova, Murray, set to play in Manila leg of the International Premier Tennis League tournament

read more
UAAP:

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

read more