PEx Highlights

PHOTOS: La Salle Extends Series vs FEU

Jeron Teng and the DLSU Green Archers had no problems defeating the FEU Tamaraws on Saturday, 94-73.

read more

An FEU-NU Matchup in the UAAP Finals?

Well, you guys were calling for an FEU-NU matchup and we wrote about it! Check out our article about a potential Tamaraws-Bulldogs matchup in the UAAP Finals.

read more

RPG: 2014 PEx School of Witchcraft and Wizardry

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry!

read more

REVIEW: Annabelle

Annabelle is a fun, scary screamfest for the barkada.

read more

PROMO: Gone Girl

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

read more

Show Me Your Nahulog na Teeths!

Chelsey takes over hosting duties for this week's episode! She and her guest talk about the big fall from the recently held Cosmo Bachelor Bash.

read more

Page 1 of 7 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 138
  1. #1

    Arrow

    Kung batayang kagalingan sa edukasyong Pilipino ay mamamayagpag ang La Salle at Ateneo. Nagsalita muli ang Asiaweek para sa taong 2000, magaling ang naturang mga pamantasan sa akademiya, sa usaping pananalapi at sa pananaliksik sa buong Pilipinas. Walang katanungan din kung ang pagbabatayan ay mga usapin ukol sa mga pamosong tao sa larangan ng ekonomiya, negosyo, pelikula, palakasan at sining. Nguni't bakit?

    Iba ang panlasa ng kulturang Pinoy. Kung sino ang mayaman ay siyang tinitingala at binibigyan ng kahalagahan. Kung sino ang mayaman ay siya ang matalino at may katuturang tao. Kung sino ang mayaman ay siya lamang makakatikim ng isang edukasyong hindi maibibigay ng mga pamantasang kapiranggot lamang ang nakukuha sa bayad ng kanilang mag-aaral. Kung sino ang mayaman ay siya lamang ang magaling. Kung sino ang mayaman ay siya lamang ang anak ng Diyos. Mali ito rapat. Mali. Nguni't malakas ang puwersa ng maling paniniwala, ng kinamulatan, ng bulung-bulungan, ng kulturang Pinoy.

    Ito ba ang balangkas kung bakit sa paningin ng iba ay angat ang La Salle at Ateneo sa ibang pamantasan na ang kaibahan nila ay ang ibinabahaging edukasyon na para sa samu't-saring Pilipino na kapiranggot lamang ang kayang ibayad kumpara sa ibinabayad ng iba sa edukasyong Ateneo o La Salle? Sapat bang dahilan upang makakuha ka ng edukasyong maipagmamalaki sa laki ng iyong ibinabayad? Ito ay pinawalang totoo ng Pamantasang Santo Tomas. Bakit mailalahok mo ang pangalan ng Santo Tomas sa uri ng La Salle at Ateneo bilang isa sa pinakamagaling na pamantasan sa Pilipinas? Kapos sa sukatang kailangan pang kumita ang iyong mga magulang ng limpak-limpak na salapi kada-buwan upang maipasok ka sa isang paaralang mabibigyan ka rin ng isang edukasyong maipagmamalaki. Hindi mo ring kailangang maging anak ng mga maimpluwensiya at mayamang angkan upang maging bahagi ng pamantasang iyong maipagmamalaki.

    Saan naging mas angat ang Pamantasang Santo Tomas kung gayon? Kalidad ng edukasyon para sa lahat ng antas. Kalidad ng edukasyon para sa mga gustong matuto at may kakayanang matuto nang hindi tunay namang mabubutas ang bulsa ng kanilang mga magulang.

    Kalidad at presyo ng edukasyon? Kung ang pagbabatayan ay ang pamosong Asiaweek ay bakit hindi malawak ang agwat ng La Salle at Ateneo sa Pamantasang Santo Tomas? Tunay sanang malakas ang lohikang "ang kalidad ng edukasyon ay nasusukat sa mahal ng iyong ibinabayad" kung ang Ateneo at La Salle ay nasa linya ng Pamantasang Pambayan ng Seoul o ng Pamantasan ng Melbourne. Apat na beses man ang laki ng ibinabayad ng isang mag-aaral ng La Salle at Ateneo kumpara sa ibinabayad ng isang mag-aaral ng Santo Tomas ay bakit hindi malawak ang agwat ng tatlong pribadong pamantasang mga ito ng Pilipinas sa basehang Asiaweek?

    Ano ang tunay na batayan ng kagalingan ng pamantasan? Ano ang tunay na batayan ng kagalingan ng Ateneo at La Salle? Ano ang sukatan ng magandang edukasyon sa Pilipinas? Ito ba ay naisasakatuparan o naisasakatuparan ng wasto kung ang tunay na adhika ng iyong paaralan ay edukasyong hindi tinitignan ang lalim ng iyong bulsa?

    Paano kung maging kasing-mahal ng La Salle at Ateneo ang ibinabayad sa Santo Tomas? Paano kung kasing-mura ng Santo Tomas ang ibinabayad sa Ateneo at La Salle?

    May mali sa kinamulatang paniniwala.

    §inned™

  2. #2

    Talking

    kumpareng Sinned! Magbibitiw lang naman po ako ng mga katanungan sa iyong isinulat sa taas. Ngunit bago ko simulan ang kaing mga katanungan, nais ko lang sabihin na sumasang-ayon ako na mali nga ang pananaw na kung sino ang mayayaman ay sila rin ang tama. Nais ko lang tanungin, bakit nakatuon ang iyong pansin sa Ateneo at La Salle? Wala bang mayayaman sa iyong pamantasan? Sa tingin mo ba mayayaman lahat ang mga mag-aaral sa mga pamantasang nagbibigay edukasyon sa kapalit ng mataas na matrikula? Sumasang-ayon ako sa yo na hindi dapat matrikula ang gawing basehan, marami naman siguro ang sumasang-ayon sa puntong ito. Kaya nga marahil masmaraming mga nagtapos ng mataas na paaralan ang sumubok na pumasok sa Unibersidad ng Pilipinas, ang pinakamagaling na pamantasan sa Pilipinas ayon sa Asiaweek, at ang may pinakamababang matrikula sa apat na pamantasang nakapasok sa listahan ng pahayagang ito.
    Marahil hindi nga pinakamahalagang basehan ang matrikula sa pagbibigay ng isang magandang edukasyon, subalit mahalagang punto pa rin ito. hindi ba masmagandang uri ng edukasyon ang pagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong gumamit ng mga kagamitan sa halip na basahin lamang ang tungkol sa mga kagamitang ito sa mga libro lamang? Hindi bat masmagandang uri ng edukasyon ang maibibigay sa mga estudyante kung kumpleto at maayos ang mga pasilidad ng isang pamantasan? Hindi ba galing sa mga matrikulang binabayad ng mga estudyante ang perang pambili sa mga bagay na ito?
    Masmataas ang tingin ng mga tao sa isang nakatapos ng kolehiyo kung galing siyang Unibersidad ng Pilipinas dahil na rin sa kagalingan ng pamantasang ito. Kung gayon hindi ba lohikal naman kung sasabihin na mataas ang tingin ng mga tao sa mga nagtapos sa Ateneo at La Salle dahil magaling rin ang mga pamantasang ito at hindi dahil sa taas ng matrikula? Asiaweek na ang nagsabi nyan.
    Oo nga may mga taong nasisilaw sa kayamanan, subalit hindi naman sila ang nagbigay ng ikalawa at ikatlong pinakamagaling na pamantasan sa Pilipinas sa La Salle at Ateneo.
    Ikaw na rin ang nagsabi na hindi sa taas ng matrikula nakukuha ang kagalingan ng isang pamantasan at sa tingin ko naman ay hindi hungkag ang mga manunulat sa Asiaweek para ito ang gawing basehan. Ngayon sagutin mo ang sarili mong tanong: ano ang batayan ng kagalingan ng Ateneo at La Salle?
    Hindi mahalaga ang lalim ng bulsa sa pagkuha ng mataas na antas ng edukasyon, batay na rin sa pagturing ng lahat na ang UP, La Salle, Ateneo, at UST ang pinakamagagaling na pamantasan dito sa Pilipinas.



  3. #3

    Talking

    pahabol nga pala kumpareng Sinned. akala ko ba maling-mali ang paniniwalang ang mataas na antas ng edukasyon ay kabalikat ng mataas na matrikula? bakit sa tingin mo may magbabago kung bumaba ang matrikula sa Ateneo at La Salle at tataas naman ang matrikula ng UST?

  4. #4
    procrastination specialist
    Join Date
    Sep 1999
    Location
    boondocks

    Talking

    pareng limerick! nabuhay ka!

    naalala mo ba last year na sobrang ginigiit nyang tama yung survey ng aling magazine ba yun? na mas magaling sila sa dlsu. tapos super ginigiit nyang tama yun. sobrang tama daw yun. e bakit now d nya ma take????

    vaket kaya?

  5. #5

    Cool

    Ganito talaga ang culture nating mga pinoy. Mahilig tayo sa mahal. Pagdating sa gamit at pagkain parang iba ang pakiramdam ng pinoy pag mataas ang halaga..

    Sa school, hindi naman nagumpisa yang obsession ng pinoy sa elitistang paaralan sa kolehiyo. Kahit sa grade school at high school pa lang gusto na ng mga magulang na papasukin ang anak nila sa mga mamahalin na paaralan.. kung lahat ng pinoy sa lugar namin may pera siguro wala ng mag-aaral sa public high school namim.

    Kung maiintindihan natin to, mauunawaan na rin natin ang dahilan kung bakit maraming nagkakape sa starbucks gayong kape lang din naman yon, bakit maraming may gusto ng mamahalin na damit at mga imported na sapatos, bakit maraming tao lagi sa mga bar sa makati pwede namang sa apartment na lang maginom mas mura pa.

    Malayo kasi ang buhay ng mayaman sa mahirap sa pinas kaya pansin ng marami kung paano mamuhay ang mayaman kaya ganoon na lang ang pagnanasa ng marami na maging katulad nila. Paano ba titingnan ng isang ordinaryong pinoy ang isang estudyante na nag-aral sa isang mamahaling paaralan? Hindi nya iisipin na matalino o mahusay ito, hindi nya titingnan na mahusay ang mga naging professor nito, hindi nya iisipin na mataas siguro ang ranking ng paaralan nito sa isang itergalactic survey na nakasulat na sa holy bible na published ng vatican. Ang unang papasok sa isipan nya ay naging maginhawa ang buhay nito at galing sa may kayang pamilya.

    Kahit na siguro maging number one pa ang ibang school na hindi nabibilang sa paaralan ng mga mayayaman at kahit siguro ilang ulit kong talunin sa mga inter-school contest, quiz shows, basketball , pusoy at tongits ang mga estudyanteng nag-aral sa mga mamahaling paaralan hindi siguro mababago ang pagtingin ng mga tao sa kanila. Nasa akin man ang tropeo at ang lahat ng medalya, sa kanila pa rin ang status nila sa buhay.

    Sa lahat ng ito, hindi sapat na dahilan ang mga ito para ikagalit at ikainggit ko. Wala akong dahilan para magtanim ng sama ng loob o iwasan ang pakikipagkaibigan sa kanila. Napatunayan ko na sa sarili ko na kaya kong mabuhay ng maayos at masaya kahit na wala ako ng mga bagay na meron sila.

  6. #6
    Member
    Join Date
    Feb 2000
    Location
    valenzuela city

    Talking

    Sinned:

    What makes you think that people here take your posts seriously?

    Your past posts simply reeks with insults and bad taste.

    You are also the person who said that "all students who drive cars to school are BOBO".

    IKAW ANG BOBO Sinned! Hindi ka naiiba sa mga kapwa mo UST Trash-Throwers during UAAP and also your "Hoodlum" UAAP basketball players.

  7. #7

    Thumbs down

    Patunayan ba talaga na bastos ang mga taga-La Salle? Hindi ka ba makapagsulat ng may laman, ng may sinasabi? Asal basura ka. Kailangan n'yo pa ng katulad ni Limerick.

    §inned™

  8. #8

    Talking

    i think, as philip moran says, it is unfair to judge ateneans to be rich and bratty kids. ateneo is not equal to rich. we have to study, or less we'd get kicked out. besided, ateneo boasts of academic and financial scholars.
    i dont think it is a question of being rich. i think it is the question of reassessing false impressions.

  9. #9

    Talking

    badgirl: kung 4.5 hours ba naman break mo pag thursdays kailangan may gawin ka rin tsaka minsan rin lang mangyari na ako maunang magreply sa isang topic eh hehehe
    sinned: whoa! now that was rare, coming from you
    ollagram_12: my point exactly

  10. #10
    Member
    Join Date
    Jan 2000
    Location
    Central Station

    Talking

    Sinned,

    Ingat lang, ang puso mo .

    Ang iyong kadugo sa panulat (kapwa amihan ...hehehe!!!)



  11. #11

    Talking

    Tama si Limerick sa kanyang pagsasabi na hindi lahat ng mga mag-aaral sa Pamantasang De La Salle ay mayayaman.

    Siguro ganio lamang ang kasagutan sa tanong mo Sinned.

    Malaki ang binabayad ng mag-aaral sa mga eskwelahan na iyong nabanggit, dahil sa mataas na antas na serbisyo na ibinibigay ng mga Pamantasang ito.

    Una sa mga guro. Nakukuha ng mga Pamantasang ito ang mga magagaling na guro na sumusweldo ng may P20,000 pataas. Ang mga gurong ito ay hindi lamang mga basta basta dahil sa sila ay may mga napatunayan na sa kanikanilang mga disiplina.

    Panagalawa, ang mga kagamitan na ginagamit sa loob ng Pamantasan ay may kamahalan sa pagmimintina. Ang Pamantasang De La Salle ay isang campus na halos lahat (maliban sa mga labs) ay air-con. Mahal ang kuryente na ibinabayad dito. Ang mga iba't-ibang kagamitan sa loob naman ng classroom tulad ng mga OHP's (bawat isang klasrum sa La Salle ay mayroong isa), mga computer, mga telebisyon (karamihan sa mga klasrum sa DLSU mayroon), mga karaoke, mga multimedia projectors, ay kinakailangang alagaan ng mga taong may mataas na kwalipikasyong teknikal. Ang mga taong ito ay siyempre, hihingi ng malaking suweldo mula sa Pamantasan, kapantay ng mga nakukuha ng mga kauri nila sa ibang industriya.

    Pangatlo, sa DLSU, ang mga estudyante ay may insurance (alamin nyo to La Sallians, binabayaran niyo ito!), na maaring makapagabigay ng iba't ibang benepisyong medikal at funeral (oo pag namatay ka), bawat isa rin ay may internet account.

    Sa paglalagom, ang mga magandang serbisyo ay may kapalit na malaking bayarin. Ito lamang ang tanging sagot sa katanungan.

    Malaki ngang problema ito dahil sa ang mayayaman lamang ang nakakapagbayad ng ganito kalaking matrikula. Ngunit malaki ang ginagawa ng mga Pamantasan para magbigay ng mga [b]Scholarships[/b[ sa mga estudyanteng walang ganoong pinansyal na kapabilidad ngunit matalino. May STUFAP o Student Financial Assistance ang DLSU, ganoon rin siguro sa Ateneo.

    Ganun lamang.

    Isang marahas na realidad....

  12. #12
    MAXICARE APPLYT 09178046275 mark_mark's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    PM me for details

    Talking

    i guess students from UST are just expressing what they
    think of us. i do not see any bad intentions. it is also
    appropriate so they learn out from us and they learn out
    from them.

  13. #13

    Talking

    Originally posted by mark_mark:
    i guess students from UST are just expressing what they
    think of us. i do not see any bad intentions. it is also
    appropriate so they learn out from us and they learn out
    from them.
    mark_mark:

    Maybe you are new here since you don't know what kind of a person Sinned is.

    Well Sinned is the most ill-bred and insulting person I have come across here in Pex.

    In his earlier posts this ill-bred UST alumnus has not only insulted other schools but also his own country (refer to his earlier topic "the Philippines Sucks"). However he praises his school-UST to high heavens.

    Sinned: We don't need your stupid analysis since kalokohan lang ang sinasabi mo.

  14. #14
    procrastination specialist
    Join Date
    Sep 1999
    Location
    boondocks

    Wink

    http://www.pinoyexchange.com/lol.gif at limerick.

    oo nga naman, sinned! kakagulat yun ah!

  15. #15

    Talking

    Wow Sinned that was very BRILLIANT! Now, intelligent minds would know who in this forum tells nothing, tells stupidity and worst, blurting out with so much hatred because they lack such quality.

    Ang hindi ko maintindihan kung bakit patuloy nilang inilalahad ang pagiging bahain ng isang campus, ang pambabato ng iilan ng plastik bottles sa playing court, ang pagiging hostile/radical ng mga debaters sa isang programa, at ang PAGSINGIL NG MALIIT NA TUITION FEE NG ISANG PAMANTASAN para patunayan na ang kalidad ng edukasyon sa UST ay bumababa at hindi puwedeng itulad sa Ateneo, La Salle o UP gayong ilang ulit nang sinabi ng gobyerno (PRC, CHED)na ang UST ay nangunguna sa paghubog ng mga propesyonal sa bansa, pumapangalawa sa UP sa kategoryang COEs at CODs, nagunguna sa survey ng foreign embassies sa Pilipinas, nagkakampyon sa mga paligsahan pang internasyonal at biruin mo minsang tinalo ang Oxford, Cambridge, UCLA at ibang pomosong unibersidad sa Amerika at Europa sa World's Debating Tournament noong nakaraang taon na nagbigay karangalan sa bansa at marami pang iba. Kung pangit ang kalidad ng edukasyon ng UST, eh bakit patuloy kumukuha ang Ateneo, La Salle, at UP ng mga nagsipagtapos sa Dominikong pamantasan para turuan ang kanilang mga estudyante?

    SADYA NGA SIGURONG BOBO ANG MGA ITO AT MAHIRAP UMINTINDI!!

  16. Advertisement

  17. #16
    w8nG FoR mY WIND to bLOw
    Join Date
    Jun 2000
    Location
    AnYwheRe but iN

    Arrow

    it's true that not all students in De La Salle University are rich, money-is-not-a-problem type of people... im a student of DLSU and i hardly qualify in such category... i think that students who come from families like that represent a minority in the school's population... some of us are able to pay the tuition with the help of college plans or the financial assistance that the school offers...

    moreover, as far as i know, DLSU is the only college/university that i know who increases only tuition fees of the incoming freshmen students... that means you're tuition on your first year in DLSU is most likely what your tuition will be until you graduate give or take one-three thousand pesos. Would you believe thatand my tuition fee in DLSU is as much as (even lesser) what an AMA student is paying per term?

    however, it is indeed unfortunate that the filipinos have an inclination to favor things that are expensive and disregards other factors... that's why fake designer things and clothes will never lose market... i think it is an insult for the employers or the people, in genral to believe and to conclude that they only use money=tuition fee as the basis for judging students... we cannot fault them if they consider the tuition fee for the reasons Limerick has stated earlier, but more importantly, they also consider other more significant factors such as a student's competence and knowledge...

    I believe it still depends upon the student... if you're from say, ateneo or lasalle but people can see that you're no-good they'll take somebody from, say, ust anytime... in a race to success, a student will get nowhere if the only thing he brought with him is name of his school and nothing of what really matters--knowledge, skills, etc.

  18. #17
    w8nG FoR mY WIND to bLOw
    Join Date
    Jun 2000
    Location
    AnYwheRe but iN

    Arrow

    it's true that not all students in De La Salle University are rich, money-is-not-a-problem type of people... im a student of DLSU and i hardly qualify in such category... i think that students who come from families like that represent a minority in the school's population... some of us are able to pay the tuition with the help of college plans or the financial assistance that the school offers...

    moreover, as far as i know, DLSU is the only college/university that i know who increases only tuition fees of the incoming freshmen students... that means you're tuition on your first year in DLSU is most likely what your tuition will be until you graduate give or take one-three thousand pesos. Would you believe thatand my tuition fee in DLSU is as much as (even lesser) what an AMA student is paying per term?

    however, it is indeed unfortunate that the filipinos have an inclination to favor things that are expensive and disregards other factors... that's why fake designer things and clothes will never lose market... i think it is an insult for the employers or the people, in genral to believe and to conclude that they only use money=tuition fee as the basis for judging students... we cannot fault them if they consider the tuition fee for the reasons Limerick has stated earlier, but more importantly, they also consider other more significant factors such as a student's competence and knowledge...

    I believe it still depends upon the student... if you're from say, ateneo or lasalle but people can see that you're no-good they'll take somebody from, say, ust anytime... in a race to success, a student will get nowhere if the only thing he brought with him is name of his school and nothing of what really matters--knowledge, skills, etc.

  19. #18

    Lightbulb

    'Yun nga ang isa ko pang punto, kung mas mahal ng apat na beses ang ibinabayad ng mga mag-aaral sa La Salle at Ateneo kumpara sa ibinabayad ng mga mag-aaral sa Santo Tomas ay bakit kalinya ng dalawang pamantasang ito ang Santo Tomas sa hanay ng nasa pitumpu (70), ayon sa Asiaweek? Hindi nga ba marapat lamang na kung mahal ang ibinabayad mo ay dapat lamang na mas maganda ang kalidad ng edukasyon na nakakamit mo ayon sa paniniwala ng marami? Kung gayon ay dapat ang Santo Tomas lamang ang nasa-70 at ang Ateneo at La Salle ay nasa 20 o 40 kaya, hindi ba? Bakit hindi malawak ang pagitan ng dalawang pamantasan sa Santo Tomas? Bakit? Kung hindi lang sa pera sinusukat ang kagalingan ng isang pamantasan ay ano pa? Hindi n'yo ba naisip ito?

    §inned™



  20. #19

    Talking

    Originally posted by janellexxt1:
    mark_mark:

    Maybe you are new here since you don't know what kind of a person Sinned is.

    Well Sinned is the most ill-bred and insulting person I have come across here in Pex.

    In his earlier posts this ill-bred UST alumnus has not only insulted other schools but also his own country (refer to his earlier topic "the Philippines Sucks"). However he praises his school-UST to high heavens.

    Sinned: We don't need your stupid analysis since kalokohan lang ang sinasabi mo.
    Siguro hindi nga maganda ang intention ni sinned sa pagbukas ng usaping ito, mapapansin natin na malimit ay negatibo ang bukang bibig nya, may halong inggit, pagkainis. siguro medyo frustrated lang sya kaya pinag-aaksayahan nya ng panahon ang manira ng ibang tao at paaralan, at malamang iilan lang ang kaibigan nya at katrabaho na galing ng ibang unibersidad...

    pero hindi naman ibig sabihin nito na dapat nyo syang patulan at siraan, at kung ano mang usapin ang gusto nyang buksan ay maaari nating pagusapan ng maganda at mahusay...


  21. #20

    Talking

    thank you!

    let sinned speak his mind..

Page 1 of 7 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement


Advertisement


Hot Topics

RPG:

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry.

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry.

read more
PROMO:

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

read more
SHOWBIZ:

The Amazing Race Philippines reveals participating teams for upcoming season

The Amazing Race Philippines reveals participating teams for upcoming season

read more
ASIAN GAMES:

Join the 2014 Asian Games discussion thread!

Join the 2014 Asian Games discussion thread!

read more
UAAP:

La Salle extends series, blows out FEU, 94-73

La Salle extends series, blows out FEU, 94-73

read more
NMFtv:

#TBT: Alfonso, Nigel and Enrique talk about their first gaming memories. What about yours?

#TBT: Alfonso, Nigel and Enrique talk about their first gaming memories. What about yours?

read more

Advertisement