Mangilan-ngilan lang ang mga bagong shows ng ABC 5 ngayon first quarter ng 2005, pero sisiguraduhin nilang gagawa ito ng ingay.
Bukod sa K*** I*** Kaya Ito na isang reality-based switcheroo show, uumpisahin na ang casting call para sa nais sumali sa Hollywood Dreams, isang co-production ng ABC-5 at Next Generation Production. Si Eric Quizon ang napipintong host nito.
Ang HD ay isang reality-based acting search na kung saan ang mananalo ay bibigyan ng isang bibihirang oportunided na i-pursue ang kanyang acting career sa Hollywood mismo. Sosyal di ba?
Narito ang iba pang mga detalye mula sa Pilipino Star Ngayon...
***
Bongga at sosyal ang bagong show ni Eric. Reality show ito na magdadala sa mananalo sa Hollywood.
Yes folks. Hindi ito ordinary show na mananalo ka lang ng cash. This time to the highest level ang kanila dahil ang mananalo ay puwedeng maging Hollywood star. Yes as in magkakaroon ng chance na gumawa ng pelikula sa Hollywood - kasama na rito ang Wrinkles at As We See It Pictures. Ipi-present din ang winner sa iba pang American casting directors, producers and directors.
Bukod dito, ang mananalo ay instant member ng Screen Actors Guild (SAG) sa Amerika.
Puwedeng mag-join ang mga artistang walang masyadong trabaho pero nararamdaman nilang pang-Hollywood ang talent nila, 18 to 45 year old. Dapat ay may experience na sa pag-arte sa TV, pelikula, TV commercials o stage acting.
Tatagal ng 14-week ang talent search.
Sabi nga ni Eric, ito na ang chance na hinihintay ng maraming artista natin. Dahil may assurance talaga na makakarating sila sa Hollywood.
Ang dalawang mapipili na finalist after ng elimination round ay dadalhin sa Las Vegas para pagpilian kung sino ang dapat maging grand winner.
Libre ang plane ticket, accommodation at service pagdating sa Los Angeles.
Co-producer ng ABC 5 sa programa ang Next Generation Production na pinangungunahan ni Romeo Joven na produkto ng New York University na maraming contacts sa Hollywood.
By the way, bukod sa pelikula, meron pang walk-on role ang mananalo sa isang American soap opera.
Sosyal di ba!
Impressed daw ang bigwig ng ABC 5 na si Mr. Tony Boy Cojuangco sa concept ng Hollywood Dream kaya tinanggap nila ang programa.
Ang casting call ay naka-schedule sa April 16 and 23 sa ABC Studio Complex sa Novaliches, Quezon City.









Reply With Quote
chali_won lagi kiat nakakasalubong dito sa pex ah.










